You are on page 1of 26

Filipino sa

Humanidades,
Agham Panlipunan
at iba pang kaugnay
na Larangan
Sitwasyong Pangwika sa
Humanidades at Agham
Panlipunan
 Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at
agham panlipunan, batay sa probisyon ng
patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang
wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga
larangang ito.
 Nabanggit nina San Juan et al., (2019), (mula kay
Ferguson, 2006), na ang katanyagang taglay ng
wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa
mga kolehiyo at mga unibersidad ay may
kakambal na sosyo-ekonomiko.
May ilan pa ring Unibersidad ang hindi
sumuko sa pagpapayaman ng wikang
Filipino at marubdob na sumusunod sa
probinsyon ng patakarang bilinggwal.
Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga
terminong ginagamit na tinatawag na REGISTER.
•Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong
ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
•Dalawa o higit pang kahulugan dahil ginagamit sa
dalawa o mahigit pang disiplina.
•Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang
disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga
disiplinang ito.
LARANGAN NG HUMANIDADES
Ang pangunahing layunin ng humanidades ay
“hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung
paano maging tao”
Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin
Miller, na nagsabi na “ang layon ng
Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao
sa pinakamataas na kahulugan nito”.
 Ang larangan ng Humanidades ay umusbong
bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon
ng Griyego at Romano kung saan inihanda
ang mga tao na maging Doktor, abogado at sa
mga kursong praktikal, propesyonal at
seyentipiko.
 Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-
oorganisa ng mga impormasyon sa mga
kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-
uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa.
Ang kritikal na lapit ang ginagamit
kung ginagawan ng interpretasyon,
argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay
ng sariling opinyon sa ideya.
Ang ispekulatibong lapit ay kadalasang
ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo,
mga estratehiya o pamamaraan ng
pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.
TATLONG (3) ANYO SA PAGSULAT SA
LARANGAN NG HUMANIDADES
1. Impormasyonal- maaring isagawa batay sa
sumusunod:
a. paktwal ang mga impormasyon bilang
background gaya ng talambuhay o maikling bionote,
artikulo sa kasaysayan at iba pa.
b. paglalarawan nagbibigay ng detalye, mga imahe
na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng
kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga
akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kuwento,
nobela at iba pa.
c. proseso binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik,
paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay
ginagawa sa sining at musika.
2. Imahinatibo- binubuo ng mga malikhaing akda gaya
ng piksyon (nobela, dula, maikling kuwento) sa
larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito.
3. Pangungumbinse- pagganyak upang mapaniwala o
di mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa
teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang
opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o
argumento.
LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN

Ang agham panlipunan ay isang larangang


akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga
gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga
implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang
miyembro ng lipunan.
Tulad ng Humanidades, tao at kultura ang sakop
nito subalit itinuturing itong isang uri ng siyensya o
agham.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham
Panlipunan
1. Sosyolohiya - pag-aaral ng kilos, pag-iisip at
gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng
emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at
kuwantitatibong metodo.
2. Sikolohiya - pag-aaral mga kilos, pag-iisip at
gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na
obserbasyon.
3. Lingguwistika - pag-aaral ng wika bilang sistema
kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito.
Bahagi ng pag-aaral ang ponolohiya, morpolohiya, sintaks
at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptibo o
pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika,
gayundin ng historikal na lapit o pinagdaanang pagbabago
ng wika.
4. Antropolohiya - pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang
panahong ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad
ng mga kultura at gumagamit ng participant-observation o
ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik
5. Kasaysayan - pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang
pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga
pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit
ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring
ito.
6. Heograpiya - pag-aaral sa mga lipunang sakop ng
mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay
kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama
na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at
kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.
7. Agham Pampolitika - pag-aaral sa bansa, gobyerno,
politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga
gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon,
gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral.
8. Ekonomiks - pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng
mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng
mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa.
Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang-ekonomiya ng
isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya,
batas, relihiyon, kaguluhan at mga institusyong
panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-
aaral dito
9. Area Studies - interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng
isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo,
kuwantitatibo, at empirikal na obserbasyon at
imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.
10. Arkeolohiya - pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at
monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain
ng tao.
11. Relihiyon - pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng
mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa
mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan
(uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman
na kaayusan.
Pagsulat sa Agham Panlipunan
Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa
Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta,
tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat
at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin
sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa
presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang
mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.
Mga Anyo ng Sulatin

Karaniwang mga anyo ng sulatin sa Agham


Panlipunan ang report, sanaysay, papel ng pananaliksik,
abstrak, artikulo, rebyu ng libro o artikulo,
niyograpiya, balita, editorial, talumpati, adbertisment,
proposal sa pananaliksik, komersiyal sa telebisyon,
testimonyal at iba pa.
Proseso
Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat sa
Agham Panlipunan. Ang mga ito ay ang sumusunod:

a.Pagtukoy sa genre o anyo

b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa.

c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.


d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos.

e. Pagkalap ng datos

f. Analisis ng ebidensya

g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal,


malinaw, organisado

h. Pagsasaayos ng sanggunian
KASAYSAYAN AT TUNGKULIN NG PAGSASALIN
SA PAGSULONG NG FILIPINO
Napakahalaga ng papel na ginampanan ng pagsasalin sa patuloy na
pagsulong ng wikang Filipino sa akademya.
Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang Latin na “translatio” na
“translation” naman sa wikang Ingles. “Metafora” o
“metaphrasis” ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang
Ingles na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin (Kasparek 1983
hango kay Batnag 2009).
 Ito ang dahilan kung bakit palaging inaakala na ang pagsasalin ay
isang simpleng pagtatapatan lamang ng mga salita ng dalawang wika
o rehiyon na wika.
Ang sumusunod na mga pakahulugan sa pagsasalin ay mula sa aklat
nina A. Batnag at J. Petra (2009):
1. Translation consists in producing in the receptor language the
closest, natural equivalent of the message of the source
language, first in meaning and secondary instyle (Nida, 1964).

2. Translation is made possible by an equivalent of thoughts that


lies behind its verbal expressions (Savory, 1968).

3. Translation is an exercise which consists in the attempt to


replace a written message in one language by the same message
in another language (Newmark, 1988).
Layunin ng Pagsasalin
1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman
mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa
ibang wika.
2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t
ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang
wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang
kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo
mula sa mga salin.
Uri ng Pagsasalin
1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na
makalikha ng obra maestra batay sa orihinal
na akdang nakasulat sa ibang wika
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal -
komunikasyon ang pangunahing layon
Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa
Filipino
Ilan sa mga tungkulin ng pagsasalin sa pagsusulong sa
Filipino ayon kina San Juan et al.,:
1.Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong
talakayan lamang magagamit ang Filipino.
2.Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang
mga gawaing pagsasalin.
3.Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang
larangan sa pamamagitan ng Filipino.
4. Mga aklat at materyales na panturo o
sanggunian.
5.Napauunlad nito ang pedagogical
idiom sa isang larangan.

You might also like