You are on page 1of 12

Magandang Hapon!

Bb. Michelle Rose Naynes


Guro
Pambungad na Kanta:
URI NG PANGNGALAN
FILIPINO 4
Pagtatalakay
 Pangngalan ang tawag sa salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

 Ang dalawang uri nito ay ang pantangi at pambalana.


Pagtatalakay
 Pantangi ang tawag sa pangngalang tumutukoy
sa tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa
malaking titik.
Halimbawa:
Lita, Mongol, Bantay, Barangay Mankilam,
Araw ng Pasko
Pagtatalakay
 Pambalana ang tawag sa pangkalahatang ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa
maliit na titik.
Halimbawa:
guro, paaralan, lapis, palatuntunan, aso
Paglalapat
Pagtambalin ang pangngalang pambalana na nasa Hanay A sa
pangngalang pantangi na nasa Hanay B.
A B
1. ina Adidas
2. kainan Jollibee
3. sapatos Aling Nena
4. simbahan Davao del Norte
5. probinsiya San Pedro Cathedral
Paglalapat
Pagtambalin ang pangngalang pambalana na nasa Hanay A sa
pangngalang pantangi na nasa Hanay B.
A B
C. 1. ina Adidas
B. 2. kainan Jollibee
A. 3. sapatos Aling Nena
E. 4. simbahan Davao del Norte
D. 5. probinsiya San Pedro Cathedral
Paglalahat
 Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari.
 Ang dalawang uri ng pangngalan ay ang pantangi at
pambalana.
 Ang tawag sa tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangyayari ay pantangi.
 Ang tawag sa pangkalahatang ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar, at pangyayari ay pambalana.
Pagtataya
Iguhit ang bilog sa patlang kung ang pangngalang tinutukoy
ay pambalana at bituin naman kung ito ay pantangi.
______ bunso
______ Pilipinas
______ paaralan
______ Farmer’s Market
______ Bb. Emely R. Santos
Pagtataya
Iguhit ang bilog sa patlang kung ang pangngalang tinutukoy
ay pambalana at bituin naman kung ito ay pantangi.
______ bunso
______ Pilipinas
______ paaralan
______ Farmer’s Market
______ Bb. Emely R. Santos
Maraming Salamat!
Paalam

You might also like