You are on page 1of 22

Aralin 2

Kahulugan ng Salita:
Denotatibo at
Konotatibo
natutukoy kung denotatibo o
1 konotatibo ang kahulugan ng
Layunin salitang ginamit sa
pangungusap

2 natutukoy ang mga salitang


may konotatibong kahulugan
Pagganyak

● Araw
○ Masaya ang araw na ito para sa kanilang pamilya.
○ Karaniwang ang bunso ang araw sa pamilya.

● Hayop
○ Wala silang alagang hayop dahil nagkakasakit ang mga
bata dahil dito.
○ Hayop ang ama sa paggawa niya ng mga bagay na
nakasasakit sa kaniyang pamilya.
Pagganyak

● Papel

○ Naranasan na kaya ni Mui Mui na magsulat sa isang


papel?
○ Hindi nagampanan ng ama ang kaniyang papel sa buhay
ni Mui Mui hanggang sa pumanaw ito.
Pagganyak

● Kanang-kamay

○ Marahil, kanang kamay ang ginamit ng ama ni Mui Mui sa


pananakit sa kanya.
○ Hindi kailanman magiging kanang kamay ng may-ari ng
lagarian ang ama ni Mui Mui dahil madali siyang matukso
ng alak at ayaw iyon ng amo.
Pagganyak

● Haligi ng tahanan

○ Dahil sa mababang kita, hindi niya mapaayos


ang haligi ng kanilang tahanan.
○ Hindi mabuting haligi ng tahanan ang ama sa
akda.
Pagganyak
Mahahalagang Tanong

1. Paano matitiyak ang denotatibong kahulugan ng isang


salita?
2. Ano ang ipinakikita ng paggamit ng konotatibong mga
salita sa kulturang Pilipino?
3. Bakit kinakailangang malaman ang denotatibo at
kononatibong kahulugan ng salita?
Pagtalakay
Pagtalakay

Para sa Opsyon 1: Makakaya ko

1. Bakit nagkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita?


2. Paano matitiyak ang kahulugan ng isang salita?
3. Paano maaaring mapalawak ang kaalaman sa mga
salitang may higit sa isang kahulugan?
Pagtalakay

Para sa Opsyon 2: E-larawan Natin

1. Nakatutulong ba ang larawan sa pag-alam sa kahulugan


ng isang salita?
2. Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagkakaiba ng
kahulugan ng isang salita?
3. Mahalagang malaman ang iba’t ibang kahulugan ng
isang salita?
Pagtalakay

Denotasyon
● literal o konseptwal na kahulugan ng isang salita
● kahulugang ito ng salita sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari
● makikita/matatagpuan sa diksyunaryo ang kahulugan
ng salita
Pagtalakay

Halimbawa ng Denotasyon
Binigyan siya ng pulang rosas ng kanyang
kasintahan.

pulang rosas - isang uri ng bulaklak na kulay pula


Pagtalakay

Konotasyon

● mas malalim na kahulugan ng isang salita


● nakatagong kahulugan na maaaring maiugnay sa buhay
na kadalasang hindi direktang sinasabi
● simbolo o pahiwatig sa kabuuan ng isang akda.
Pagtalakay

Halimbawa ng Konotasyon

Gumuhit siya ng pulang rosas sa liham niya


para sa dalaga.

pulang rosas - simbolo ng pag-ibig


Pagtalakay
Mahahalagang Tanong
Paglalapat

● Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa pagkakaroon ng


denotatibo at konotatibong kahulugan ng isang salita?
● Ano ang sinasalamin ng pagkakaroon ng maraming
kahulugan ng isang salita sa kulturang Pilipino?
● Paano matutukoy ang kahulugan ng salita sa isang
pangungusap?
Bakit kinakailangang matiyak natin na wasto
ang ating pagpapakahulugan sa isang salita?
Inaasahang Pagpapahalaga

Makatitiyak na denotatibo ang kahulugang inilapat sa


isang salita kung literal itong ginamit sa konteksto ng
1 usapan o akda. Maaari ding komunsulta sa
diksyunaryo kung nais pang higit na makatiyak.

Ipinakikita nito ang pagiging malikhain ng mga


2 Pilipino sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at
4 ang pagkakaroon natin ng mayamang talasalitaan.
Inaasahang Pagpapahalaga

Kinakailangang malaman ang denotatibo at


kononatibong kahulugan ng salita upang matiyak na
3 wasto ang pagkaunawa sa pinakikinggan o binabasa.
Paglalagom

● Susi sa matagumpay na komunikasyon ang kaalaman sa


denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salita.
● Kinakailangang paunlarin ang kasanayan sa ‘dekoding’ o
pagpapakahulugan ng mga salita upang lubusang
maunawaan ang ang denotatibo at konotatibong
kahulugan. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng
pagbabasa.
● Kinakailangan din ng malawak at malikhaing kaisipan
upang lubusang maunawaan ang kahulugan ng bawat
salita.
Kasunduan

Maghanap ng lima pang salita mula sa akdang “Ama” na


may denotatibo at konotatibong kahulugan. Itala ito sa
isang buong papel, ibigay ang denotatibo at
konotatibong kahulugan ng mga ito at bumuo ng
pangungusap para sa bawat isa.

You might also like