Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1 Konseptong Pang Wika
Aralin 1 Konseptong Pang Wika
Kabanata 7- Si Simoun, El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal.
Wikang Pambansa
Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan
ang wikang pambansa na ginagamit sa pamamahala at
pakikipag-ugnayan sa mamamayang kanyang sakop.At
Kung ang bansa ay multilingguwal na tulad ng Pilipinas,
dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang
magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang
pangkat sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong
wikang ginagamit. Bukod dito, ito rin ang pambansang
daluyan ng kumonikasyon tulad ng telebisyon, radyo, at
mga pahayagan, gayon din naman ang mga kilalang
politiko, komentarista, mga manunulat at makatang
gustong maabot ang buong bansa.
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Ang wikang Filipino ay pinagtibay bilang
Pambansang wika ayon sa 1935 Saligang Batas ng
Pilipinas.
Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa:
◦ Manuel L. Quezon (Ama ng Wikang Pambansa)
◦ Jaime C. Veyra (Tagapangulo mula Samar)
◦ Cecilio Lopez (Kalihim at Punong Tagapagganap)
Kagawad:
• Santiago Fonacier (Ilokano)
• Filemon Sotto (Cebuano)
• Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon)
• Casimiro Perfecto (Bikol)
• Hadji Butu (Muslim)
• Jose Zulueta (Pangasinan)
• Zoilo Hilario (Kapampamgan)
Mga Batas sa Pagpapatupad ng Wikang
Pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Dis.
30, 1937)
◦ saa bisa ng Saligang Batas 1935,
ipinahayag ni Pangulong Quezon na ang
wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Sirkular Blg. 26(Abril 12, 1940)
◦ Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas
na Paaralan
Batas Komowelt Blg.570 (Hunyo 7, 1940)
◦ Ang Wikang Pambansa ay naging isa sa
mga wikang oisyal ng Pilipinas
Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26,
1954)
Pagdeklara ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika tuwing Marso 29 -
Abril 4 bilang paggunita sa
kaarawan ni Francisco Balagtas
Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23,
1955)
Paglipat ng petsa ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika mula Agosto 13-19
bilang paggunita sa kaarawan ni
Quezon.
Mga Batas sa Pagpapatupad ng Wikang
Pambansa
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13,
1959)
◦ Ang Pambansang Wika ay tatawaging
Pilipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, 1967
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na
nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik
Filipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (Agosto
6, 1969)
◦ Paggamit ng Wikang Pilipino sa lahat ng
opisyal na komikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 50
(Nobyembre 14, 1974)
Pagpapatupad ng mga patakaran sa
edukasyong bilingual sa kolehiyo at
pamantasan
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, 54
(Mayo 27, 1987)
Pagpapatupad ng mga patakaran sa
edukasyong bilingual sa lahat ng
paaralan sa Pilipinas.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81
(Agosto 6, 1987)
Pagbuo ng 28 letra bilang Alpabetong
Filipino
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ,
NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA KASAYSAYAN
NA NAGBIGAY-DAAN SA PAGPAPATIBAY SA
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA