You are on page 1of 24

FIL 201

Istruktura ng Wikang Filipino

MAGANDANG
ARAW!
Ulat ni:
Bb. Alexa Camille D. Maglaque
FIL 201

MORPOLOHIYA
PAGPAPATULOY…
FIL 201

URI NG
MORPEMA
May dalawang (2) URI NG MORPEMA ayon sa
kahulugan. Makikita ito sa pamamagitan ng halimbawang
pangungusap na ito:

“Mahusay sumayaw si Bea kaya


siya ay nagwagi sa Dance
Olympic.”
1. Mga morpemang may kahulugang
leksikal.
-Ito ang mga morpemang tinatawag ding
pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang
sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema
ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin
siyang kahulugan na hindi na nangangailangan
ng iba pang salita.
Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso.

Panghalip: siya, kayo, tayo.

Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral.

Pang-uri: banal, maligaya, palaaway.

Pang-abay: magaling, kahapon, kanina.


2. Mga Morpemang may kahulugang
pangkayarian.
Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa
ganang sarili at kailangang makita sa isang
kayarian o konteksto upang maging
makahulugan. Ito ang mga salitang
nangangailangan ng iba pang mga salita upang
mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap.
Pang-angkop: na, -ng, g

Pangatnig: kaya, at, o saka

Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay

Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina


“Nanood ng parada sa
Luneta ang mga mag-
aaral mula sa aming
paaralan.”
3. Morpemang Diversyunal
-Nabubuo ang morpemang diversyunal sa pamamagitan ng
pagkakabit ng alinmang uri ng morpema o salitang kinakabit sa
ibang morpema nanagpapabago sa uri ng gramatika.

Halimbawa:
awit (song) = mang-awit (singer)
Sulat (letter) = manunulat (writer)
4. Morpemang Infleksyunal
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang
panlapi sa pandiwa sa iba't ibang aspekto. Walang pagbabagong
nagaganap sa kategoryang sintaktika ng mga salita kung saan ito
nakakabit.
Halimbawa:
kumain
kakain
kumakain
FIL 201

ALOMORP NG
MORPEMA
Ang Filipino ay may apat na panlapi na
may mga alomorp. At ang bawat isa’y
may mga tuntuning sinusunod.

Ang panlaping [pang] ay may tatlong


alomorp. Ito ay ang mga panlaping
unlaping [pang-], [pam-] at [pan-].
Ginagamit ang [pang-] kung ang inuunlapiang salitang-
ugat ay nagsisimula sa mga patinig na /a, e,i,o,u/ o
alinman sa mga ponemang katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/;

Samantala ginagamit naman ang [pam-] kapag ang


salitang-ugat na inuunlapian ang nagsisimula sa /b/ o /p/

Habang ang [pan-] naman ay ginagamit kapag ang


salitang-ugat na inuunlapian any nagsisimula sa alinmang
mga ponemang /d,l,r,s,t/.
pampito pangyarda pang-alay

pambansa pangwalis pang-ihaw

pantaksi pangkamay pang-ekonomiya

pandikit panggabi pang-abay

pansampu panghalip pang-opera

panlaro pangmadla pang-uri

panradyo pangnayon pang-ipit


Tulad ng [pang-], ang panlaping [mang-] ay may mga alomorp
ding [mang-],[mam-] at [man-] gayundin ang [sing-]:

Ang mga ito ay sumusuod sa tuntunin ng panalaping [pang].


Narito ang balangkas upang lubasang maintindihan.

[pang-] [pam-] [pan-]


[mang-] [mam-] [man-]
[sang-] [sam-] [san-]
[sing-] [sim-] [sin-]
mambola manghabol manlalaro
mambastos mang-akit mandaya
simbilis singyaman sinlakas
simputi sing-alat sinsama
SUBUKIN NATIN!
Tukuyin ang wastong ALOMORP NG MORPEMA sa bawat pangungusap.

Si Yani ay (pambato, pangbato, panbato) sa larong Volleyball.


1

Si Yani ay pambato sa larong Volleyball.


SUBUKIN NATIN!
Tukuyin ang wastong ALOMORP NG MORPEMA sa bawat pangungusap.

2 Ang magnanakaw ay kakambal ng (mangloloko, manloloko, mamloloko.)

Ang magnanakaw ay kakambal ng


manloloko.
SUBUKIN NATIN!
Tukuyin ang wastong ALOMORP NG MORPEMA sa bawat pangungusap.

Ang kutis ni Sandra ay (singputi, simputi, sinputi) ng labanos.


32

Ang kutis ni Sandra ay simputi ng


labanos.
SUBUKIN NATIN!
Tukuyin ang wastong ALOMORP NG MORPEMA sa bawat pangungusap.

Ano ba ‘yang luto mo, (sin-alat, sing-alat, singalat) ng dagat!


24

Ano ba ‘yang luto mo, sing-alat ng


dagat!
MAHUSAY!
Para sa GAWAIN:

Sagutan ang MAIKLING GAWAING


PANGGRAMATIKA na matatagpuan sa
GOOGLE DRIVE FOLDER.
WAKAS
SANGGUNIAN:

• http://
siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/ang-morpolohi
ya-at-ang-morpema.html
• https://
akosibebelz.weebly.com/alomorp-ng-wikang-filipino.h
tml

CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including


icons by Flaticon and infographics & images by Freepik

You might also like