Homogeneous at Heterogeneous na Kalikasan ng Wika Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika, na may tuon sa: ● homogenous na kalikasan ng wika; ● heterogenous na kalikasan ng wika; ● permanenteng barayti ng wika; at ● pansamantalang barayti ng wika. Mahahalagang Tanong
Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:
● Bakit sumasabay sa takbo ng panahon ng wika?
● Paano mas magkakaunawaan ang wika ng magkalayong henerasyon? ● Ano ang posible pang pagbabago na magaganap sa ating wika? Pagsusuri Larawan mula sa Cool Student Ever blog “Ang bansang maraming wika ay mayaman sa salita, mga salitang maaaring magpaunlad sa pambansang wika.” Pagpapahalaga
Paano ka makakaagapay sa mabilis
na pagbabago ng wika? Inaasahang Pag-unawa
● Ang wika ay buhay kung kaya sumasabay ito sa takbo ng
panahon. ● Hindi dapat maging hadlang ang pagsabay ng wika sa takbo ng panahon, mahalagang magtagpo sa gitna ang magkalayong henerasyon upang magkaunawaan sa tuwing nagtatalastasan. ● Ang pagbabago sa wika ay nagpapatuloy at maaaring dumating ang panahon na mangibabaw ang mga salitang bunga ng modernisasyon. Paglalagom
Ang homogeneous na kalikasan ng wika ay may mga
1 katangiang unibersal o tinataglay ng lahat ng wika.
Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay
tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng 2 paggamit ng iba-ibang indibiduwal at pangkat na may magkakaibang uri ng pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, edukasyon, at iba pa. Paglalagom
Ang permanenteng barayti ng wika ay nakabatay sa
takdang pinanggagalingang lugar, panahon, o 3 katayuan ng isang tao. Ang pansamantalang barayti ng wika ay nakabatay sa konteksto o sitwasyon ng tagapagsalita. Kasunduan
Panoorin ang kasunod na Quipper video: Una at
Pangalawang Wika. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang iyong una at pangalawang wika? 2. Ano ang mas komportable mong gamitin sa pakikipagtalastasan -- ang unang wika o pangalawang wika? Bakit?