INIHANDA NI: Merie Grace N. Rante FLYERS Ginagamit ang FLYERS sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain o sa isang Negosyo.
Kailangan ng mabisang layout o pagdidisenyo sa flyer
sapagkat nagtatalay ito ng mahahalagang impormasyong nais ipakalat. TIPS SA PAGGAWA NG FLYER 1. Sumulat ng pamagat. 2. Gawing simple ang mensahe 3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. 4. Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan. 5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer. 6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer. PAGGAWA NG leaflets o BROCHURE o pamphlets Paggawa ng Leaflet 1. Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay sa leaflet. 2. Gumamit ng mga parirala para sa mga pamagat at teksto. 3. Kompara sa flyers, mas Malaki ang espasyong inilaan sa leaflets at maaring magdagdag ng impormasyon tungkol tungkol sa produkto o serbisyo. 4. Maaring gumamit ng MS Word. 5. Magsama ng mga larawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng teksto na hindi naman babasahin ng mga tao. 6. Tingnan kung may mga pagkakamali sa baybay at sa gramatika. 7. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang mga kopya.