You are on page 1of 27

P E R S O

N A L
M A L I K
H A I N
M A P A N G H I K
A Y A T
I M P O R M A
T I B O
T E K N I
K A L
Ang Pagsulat ng Ilang
Halimbawa ng Iba’t ibang
uri ng Teksto
Aralin 4
Pagbuo ng Tekstong Impormatib
 Mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman.
Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na
kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga
sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o
pinagkukunan nila ng datos ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin
kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring
makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga
isyu sa lipunan.
 Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay
diksyunaryo, ensayklopedya, almanac, pamanahong papel
o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa
pahayagan.
Katangian ng isang mahusay na
pagsulat ng tekstong impormatib
 Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang
anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat
isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga
ng di pagkakaunawaan.
 Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng
nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
 Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang
nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa.
Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
 Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng
sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang
maging mabisa ang pagpapahayag.
Mga Bahagi ng Tekstong Impormatib
 Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang
magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa
isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
 Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon
ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat
magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
 Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang
wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang
talata.
Paglalarawan o Tekstong Deskriptib
 Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang
pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at nadarama.
 Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng
isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o
tagapakinig.
 Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa
isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan;
kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang
isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na
nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang
ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring
masining o karaniwan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng
Paglalarawan
 Maingat na pagpili ng paksa: Piliin ang paksang may lubos
na kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang
nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
 Pagpili ng sariling pananaw: tinutukoy nito ang pagtingin ng
isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.
 Pagbuo ng isang pangunahing larawan: Ito’y
nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito
ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan. Ang tao at
bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito
ay dapat na bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng
naglalarawan.
 Wastong pagpili ng mga sangkap: Ang mga sangkap na
isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng
kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama
ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa
inilalarawan.
 Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang
pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan
nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.
 Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang
sunod-sunod ang pangyayari kaya ang isang naglalarawan
ay malayang pumili ng paraang sa palagay nya’y magiging
mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa
kaisipan ng bumabasa o nakikinig.
Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri
sa dalawa
1. Pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay
lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kurokuro ng
naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang
karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas
na panlahat.
Halimbawa:
 “Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa
lalawigan ay ganito rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at
malago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa
sanga ng punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang
mabangong halimuyak ng bulaklak. Ang kanilang bahay sa
loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa
ring ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na
nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno na may
malalagong halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng
hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang buong taon na ang
nakalipas ay parang hindi ko napansin.”

Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 1969.
2. Masining na Paglalarawan - dito ang guni-guni ng
bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng
damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya
ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang
namalas at nadama.
Halimbawa:
 “Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang
pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit
sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang kaniyang
pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako
makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot
sa kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang
pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita
ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas
ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang
ipinagbabawal.

Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha. Manila:
Pioneer Press,1968.
 “Angngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw:
ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na
uhaw…”
Tekstong Prosidyural

 Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng


paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paano
isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
 May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod
na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang
matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang
ligtas, episyente at angkop sa paraan.
Bahagi ng Tekstong Prosidyural
 1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang
kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
 2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga
tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng
isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung
susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng
pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi
Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na
hindi gagamit ng anomang kagamitan.
 3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na
isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
 4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano
masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
 Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana
ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay
mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng
layunin ng prosidyur.
 Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading,
numero, dayagram, at mga larawan upang maging
mas malinaw ang pagpapahayag ng instruksiyon.
 Mahalagang alamin at unawain kung sino ang
nakikinig o nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika
ang gagamitin.
May mga tiyak na katangian ng wikang
madalas gamitin sa tekstong prosidyural.
 1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
 2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
 3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
 4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita
ang pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.

 Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay,


dami, atbp.
Hakbang sa Pagpaplano:
 Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O
gusto mong simulan ito sa itaas kaagad.
 Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Layun
mo ba agad na kumita at mabawi ang iyong ipinuhunan o nais mo
munang mapalago ito hanggang sa tuluyan na itong makilala.
 Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo?
Napagpasyahan mo ba kung ikaw lang ang mamamahala o may iba
ka pang nais makasama sa iyong plano. Kaya mo bang mag-isa o
kinakailangan mo ang tulong ng iyong kamaganak bilang
sekretarya, manananggol, at iba pang sasalo sa ibang tungkulin sa
negosyo mo? Sa iyong palagay, kakayanin mo bang magtagumpay
mag-isa sa negosyo o talagang kakailanganin mo ang tulong nila?
 Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang
iyong nais unahin o dapat pagtuunan ng pokus sa
iyong negosyo. Ang pangangailangan ng kostumer, ang
lokasyon ng iyong negosyo, ang iyong kasanayan o
kahusayan, ang iyong kapital.
 Ikalima,isipin mo ang paghahanap ng mga taong
puwede mong pagkatiwalaan, may kakayahan at
karunungan, at may responsibilidad habang ikaw ay
namamahala ng ibang trabaho? Iayos mo ang mga
patakarang dapat sundin ng iyong tauhan upang
maging matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.
Pagsasaayos ng mga Talatakdaan sa Planong
Negosyo
 1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at
mahabang panahon (1-2 taon).
 2. Maging tiyak at detalyado.
 3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong
pahayagan, radyo, telebisyon, at midya.
 4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala
lamang
 5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat
lapitan kasama na rito ang mga numero ng telepono, pagers,
cellphones, value message at e-mail.
 6. Magkaroon ng mga promo para makaiwas sa mga hindi
inaasahang pagkakataon.
 7. Isaayos ang perang nakalaang gugugulin. Magpasya ka kung
magkano ang gugugulin sa mga promosyon. Kung ikaw ay
nababahala sa pag-aanunsiyo, mabuti pang itigil ang iyong
negosyo. Sabi nga nila “no gain no risk.”
 8. Iwasan mo ang manggaya sa iba. Pag-aralan ang mga
istratehiya ng iyong kakumpetensiya.
 9. Upang makatipid sa badyet, palitan ang mga istratehiyang
hindi nagpapakita ng magandang resulta.
 10.Simulan mo na ang iyong plano.
Maraming
Salamat sa
inyong pakikinig

You might also like