You are on page 1of 22

Narito ang mga antas ng pakikipagkaibigan, pagnilayan ang mga

ito upang matukoy mo kung nasaang antas ka na nabibilang.

• Pag – unlad –Sa antas na ito, isa lamang ang nagkakaroon


ng kakayahang umunlad at lumago.
• Sabay o kapuwa pag – unlad ng magkaibigan – Ito ay
nangangailangan ng pag – unlad ninyong dalawa bilang
magkaibigan.
• Kapuwa pag – unlad kasabay ang iba – Isang mahalagang
gampanin ng magkaibigan na mahikayat hindi lang ang isa’t isa
kundi maging ang ibang mga tao sa kanilang paligid na lumago
ang pagkatao at pagsasamahan.
• Kapuwa pag – unlad para sa iisang layunin – Ito ay isang klase ng
pagkakaibigan na higit na binibgyang pansin ang kapakinabangan
ng nakararami.
• Kapuwa pag – unlad kasama ang Diyos – Mahalagang
isama ang Diyos sa relasyon ninyong magkaibigan upang
mas maging matatag ang samahan ng magkaibigan.
Sapagkat ang isang relasyon na hindi kasama ang Diyos
at sinangkapan lamang ng permanenting interes ay hindi
makabuluhan at hindi magtatagal.
Narito naman ang mga naidudulot ng pakikipagkaibigan sa
pagpapaunlad ng inyong pagkatao:

• Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.


• Natutuhan kung paano maging mabuting
tagapakinig.
• Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting
kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan.
• Natututuhang pahalagahan ang mabuting
ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang
di pagkakaintindihan.
• Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw
sa pakikipagkaibigan.
Mga sangkap sa pagkakaibigan
• Presensiya
• Paggawa ng bagay nang magkasama
• Pag-aalaga
• Katapatan
• Kakayahang mag-alaga ng lihim
(confidentiality)
• Pagiging tapat (loyalty)
• Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin
ng iba (empathy)
• Ayon kay Ralph Waldo Emerson, “Ang biyaya ng
mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit
sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o
ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito’y
mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa
taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.”
• Ang sabi ni William James, “Ang wagas na
pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na
dalisayin at patatagin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon”
• Ang pagbuo ng pagkakaibigan ay hindi madaling proseso,
maraming mga pagsubok ang daraan, maraming mga
suliranin ang kailangang harapin at maraming mga sakit
na mararanasan. Kaya naman, isa pang mahalagang
sangkap ang kinakailangan upang ganap na makamit ang
tunay at wagas na pagkakaibigan ay pagpapatawad.
• Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong
tumanggap sa katotohanan, handang ipakita
ang kababaang-loob at magpatawad.
• Tandaan na mahalagang magkaroon ng kaisahan ang
puso ng magkaibigan na makikita sa pagkakaroon ng
kaisahan (harmony) ng kanilang pag-iisip at sa maingat
na pag-aalaga sa isa’t isa. Ngunit ang pagkakaroon ng
kaisahan ng puso ay nangangailangan ng kakayahang
maibalik ang ibinibigay ng kapwa (reciprocity).
• Maaaring magmahal ang tao nang hindi naghihintay ng
kapalit. Ito ang tunay na kailangan upang masabing
walang kondisyon ang pagmamahal na ibinibigay.
Ngunit upang matawag mong kaibigan ang isang tao,
kailangang kinikilala ka ring kaibigan ng taong ito. Kung
iisa lamang ang nagmamahal, hihinto ang
pagkakaibigan.
Natutukoy ang magiging epekto sa
kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi
wastong pamamahala ng
pangunahing emosyon (EsP8PIIe-7.1)
• Batay sa pilosopiya ni Scheler, “ang damdamin ng tao
ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral nito.” Sa
makatuwid, ang damdamin ay may malaking kaugnayan
sa mga obhetong ating tinatawag na pagpapahalaga.
Mga Uri ng Damdamin
• Pandama(sensory feelings) - tumutukoy sa limang
karamdamang pisikal o mga panlabas na
pandama na nagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o hirap sa tao.
• Kalagayang damdamin (feeling state) - ito
may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan
na nararamdaman ng tao gaya ng
kasiglahan, katamlayan, may gana, at
walang gana.
• Sikikong damdamin (feellings state) - tumutukoy
sa impluwensayahan ng kasalukuyang kalagayan
ng kanyang damdamin sa pagtugon ng tao sa mga
bagay sa kanyang paligid.
• Espiritwal na damdamin (spiritual
feelings) - nakatuon sa paghubog ng
pagpapahalga sa kabanalan tulad ng
pag-asa at pananampalataya
Emosyon
• Ang pakiramdam ng isang tao na nagmumula sa
mental at sikolohikal na gawain na hindi kayang
gawin sa pisikal. Ito ay maaring maobserbahan
lamang sa ating mga kilos, gawa o ugali.
Nasusuri kung paano
naiimpluwensyahan ng isang emosyon
ang pagpapasya sa isang sitwasyon na
may krisis, suliranin pagkalito
(EsP8PIIe-7.2)
• Ang emosyon ay nakatutulong sa atin upang
mabigyan ng kulay at ng mas malalim na
kahulugan ang ating buhay.
• Ang emosyon ay tugon ng ating mga katawan sa
sitwasyong ating kinakaharap.

You might also like