You are on page 1of 6

EL FILIBUSTERISMO

KABANATA-2

SA ILALIM NG KUBYERTA
MGA TANONG:
1. Ano ang hinuha ni Basilio kung bakit siya
pinapupunta ni Kapitan Tiyago sa San Diego?
2. Bukod kay Kapitan Tiyago, ano pa ang nais
malaman ni Kapitan Basilio? Ano ang kanyang
palagay tungkol dito?
3. Paano inuuri ng mga Pilipino ang kalagayan ng
tao sa lipunan sa pamamagitan ng kubyerta?
4. Ano ang pananaw ni Simoun sa isang bayan na
hawak ng isang paring Indiyo?
MGA TAUHAN:
 Kapitan Basilio
 Basilio
 Isagani
 Simoun
 Padre Florentino
PANGYAYARI:
Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng mga tao –
kasama ng mga makina, bulwak na tubig na nakahalo, at walang tigil
na paswit ng bapor – mayroong mga intsik, mga kabataan, mga mag-
aaral at indyo. Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng medisina, at si
Isagani at isinalaysay ang kalagayan ni Kapitan Tiyago na siyang
nasubsob sa paghithit ng apyan. Pinag-usapan nila kasama ni Kapitan
Basilio ang ukol sa panukala nila ukol sa Akademya ng wikang
Kastila. Dumating si Simoun at sila’y nagtalo ukol sa pag-inom ng
alak, na sabi ni Isagani ay sana’y makabubuti sa lahat at
magtatangumpay sila. Matapos umalis ni Simoun ay inisinalaysay ang
buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si Padre Florentino, at
sinabihang anak na huwag magpapakita sa kapitan upang hindi ito
anyayahing umakyat.
KAUGALIANG PILIPINO
 Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa;
pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo
sa kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa mga
kagustuhan ng magulang, labag man ito sa
kalooban niya; kalagayan ng pag-iisip muna sa
balakid bago ang kabutihan kaya’t hindi
natutupad ang mga balak.
SAKIT NG LIPUNAN
 Ang pag-inom ng serbesa o alak at
paghithit ng payan na talagang
nakasisira ng mga tao; pagtanggi ng
pamahalaan na bigyan ng sapat na
edukasyon ang kabataan, lalo na sa
wikang Kastila.

You might also like