You are on page 1of 27

Araling Panlipunan

IkatlongMarkahan–
Modyul1:
Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong
kapakinabangan. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang paraan ukol
sa naging tugon ng mga Pilipino sa mga naranasang hirap at
kalupitan sa kamay ng mga mananakop.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang tugon ng mga katutubong Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol; at
2. naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino
sa kolonyalismong Espanyol.
Dadalhin ka ng modyul na ito sa
panahon ng kolonyalismong
Espanyol. Malalaman mo ang iba’t
ibang tugon ng mga Pilipino sa mga
naranasang dusa at hirap sa ilalim
ng kanilang pamamahala.
Mauunawaan mo kung paano nila
hinarap ang mga pangyayari na
nagdulot nang matinding kasawian
sa kanila.
Ngayon muli mong balikan ang mga
patakarang Espanyol na nagpabago sa
tahimik na pamumuhay ng mga Pilipino at
nagdulot ng hirap at pasakit sa kanila.
Handa ka na ba? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel. Simulan mo na ang
pagsagot.
Panuto: Ayusin mo ang mga letra upang
mabuo ang tamang salita.
1. Lahat ng kalalakihang edad 16-60 taong
gulang ay nagtrabaho ng malayo sa kanilang
pamilya at walang bayad na tinanggap.
Tagumpay sa Unang Laban
(Sinulat ni: Nianita S. Pamintuan)
Bansang Pilipinas, perlas ng Silanganan,
Pinagnanasaan dahil sa angking yaman.
Madaling pasukin dahil paligid ay katubigan,
Kaya pagpasok ng mga dayuha’y hindi
nahirapan.
Sa kanilang pagdating katutubo’y
nangabigla
Sa tunay na pakay hindi naging handa.
Magalang na pananalita sa mga katutubo
ang sinalita
kaya mga datu’t raha ay napaamo talaga.
Tinanggap nang lubos itong mga
dayuhan
At humantong pa sa sanduguan
Ito’y tanda ng kapatiran at samahan
Na magbibigkis sa kanila nang tuluyan.
Kung may tumanggap, meron ding pumalag
tulad ni Lapu-Lapu na hari ng Mactan.
Hindi napaamo ni Ferdinand Magellan
Kaya’t pakikipagkaibigan ay tinanggihan.

Sa pagtalikod ni Lapu-lapu sa mga dayuhan


Animo’y Leon sa galit ay biglang sumalakay.
Sa dalampasigan ng Mactan, naganap ang laban
Na humantong pa sa kamatayan ni Magellan.
Mabuhay! mabuhay ang tanging sigaw
ng mga katutubong Bisaya na
matatapang
na di napaghandaan ng mga dayuhan
at walang nagawa kundi lumisan nang
tuluyan.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang tula?


2. Bakit pinagnasahang pasukin ng mga dayuhan ang
Pilipinas?
3. Bakit napaamo ng mga dayuhan ang mga datu at raha?
4. Ano ang naging tanda ng pagkakaibigan ng mga
dayuhang Espanyol at mga datu o raha?
5. Ano-ano ang naging reaksiyon o tugon ng mga
katutubong Pilipino sa pagdating ng mga dayuhan?
6. Ano ang naging damdamin ng mga dayuhan sa
pagtanggi ni Lapu-lapu sa alok nilang pakikipagkaibigan?

You might also like