You are on page 1of 27

Filipino 6

Quarter 4
Module 4
Pagsusuri ng
Kathang Isip
at Di-Kathang
Isip na Teksto
Sa Likod ng Bawat Pangarap
ni Cherry Ann C. Santos
Gusto ko ‘to, gusto ko ‘yun, ito na lang…
Ganyan lagi ang takbo ng aking isipan. Nais
kong lumipad kasabay ng mga ibon sa mataas
na himpapawid. Nais kong lumangoy kasama
ang mga isda sa pinakailalim ng dagat habang
sumisisid ng perlas. Ang dami-dami kong nais
gawin, lahat imposible.
Hanggang may isang tao akong nakilala na
nagturo at nagtanong sa akin, “Ano ba talaga ang
gusto mo?” sa katanungang ito ako ay napahinto at
nag-isip. Ano nga ba ang gusto ko? Matutupad ko
ba ang pangarap ko? Makalilipad ba ako kasabay
ng mga ibon sa langit? Makalalangoy ba ako
kasama ng isda sa pinakailalim ng dagat?
Malinaw ang kasagutang aking nakalap, ito’y
mananatiling pangarap, sapagkat ako’y walang mga
pakpak na may kakayahang lumipad katulad ng sa
ibon. Ako’y walang hasang na makahihinga sa ilalim
ng dagat katulad ng sa isda.
Ako’y tao, taong habang nabubuhay ay patuloy
na mangangarap. Mangangarap ng mga bagay na
maaring matupad at maisakatuparan.
Patuloy akong mangangarap, patuloy akong
makikipagkilala sa mga taong tutulong sa akin na
tuparin ang aking mga adhikain. Dahil sa likod ng
aking bawat pangarap ay ang taong makikilala ko na
huhubog at magpapatatag sa aking pagkatao. Mga
taong tutulong sa akin na tuparin ang aking mga
minimithing pangarap. Tangi kong dasal, na sana
bukas, ikaw na ‘yon!
1. Ano ang damdaming ipinakikita ng taong
sumulat ng lathalain?
2. Ano ang mga pangarap ng may-akda?
3. May pag-asa bang matupad ang naunang
pangarap ng may-akda? Bakit?
4. Sino ang nasa likod ng kaniyang bawat
pangarap?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na
SURII
N
Halina’t iyong pag-aralan.
➢ Sa lathalaing iyong binasa, maliwanag na
ang paglipad na kasabay ng mga ibon sa
mataas na himpapawid ay isang kathang
isip. Ito ay hindi makatotohanan at
kailanman ay hindi mangyayari sa totoong
buhay. Ito ay magiging di-kathang isip o
makatotohanan lamang kung sasakay ang
Halina’t iyong pag-aralan.
➢ Ang paglangoy kasama ang mga isda sa
ilalim ng dagat habang sumisisid ng perlas ay
isang kathang isip. Ito ay hindi
makatotohanan at kailanman ay hindi
mangyayari sa totoong buhay. Ito ay
magiging di-kathang isip o makatotohanan
lamang kung sasakay siya sa Submarine na
kathang isip
Ang kathang isip na tinatawag ding
piksyon ay haka-haka at imbento
lamang ng may-akda. Ginagamit nila
ang kanilang imahinasyon sa pagsulat
ng bungang-isip lamang. Lumilikha
sila ng tauhan, pangyayari, sakuna at
pook na pinangyarihan para sa
kanilang akda.
Di-kathang
isip
Ang di-kathang isip na
tinatawag ding di-piksyon ay
paglalahad ng isang paksa na
may katotohanan. Bumabatay
ang may-akda sa tunay na
pangyayari at iba pang
kaganapan.
Narito ang ilang
halimbawa ng
kathang isip:
1. Alamat - ito ay sinasabing pinagmulan
ng isang bagay, hayop at pook
2. Pabula - ito naman ay kuwento na kung saan
ang mga tauhan ay hayop at karaniwang
nagbibigay ng aral sa buhay
3. Parabula - ito naman ay mga kuwento na
hango sa Bibliya
4. Epiko - ito ay kuwentong tumatalakay sa
pakikipaglaban ng isang tao na nagtataglay ng
hindi maipaliwanag na kapangyarihan
5. Nobela - ito ay yugto-yugtong salaysay na
magkakaugnay. Tungkol ito sa bayani at sa
kaniyang katunggali
5. Nobela - ito ay yugto-yugtong salaysay na
magkakaugnay. Tungkol ito sa bayani at sa
kaniyang katunggali
Narito ang
ilang
halimbawa ng
di-kathang isip.
1. Talambuhay - mga totoong pangyayari at
karanasan sa buhay ng tao
2. Talaarawan - ito ay anyong pasulat na
isinasalaysay ang pangyayari sa buong
maghapon ng isang tao
3. Balita – ito ay napapanahong ulat sa loob at
labas ng bansa
ISAISIP
Ang kathang-isip na tinatawag ding (1)__________ ay haka-haka
at imbento lamang ng may-akda. Ginagamit nila ang kanilang
(2)__________ sa pagsulat ng bungang-isip lamang. Lumilikha sila
ng tauhan, pangyayari, sakuna at pook na pinangyarihan para sa
kanilang akda.
Ang di-kathang isip na tinatawag ding (3)_________ ay
paglalahad ng isang paksa na inihaharap ng may-akda ng may
katotohanan. Bumabatay ang may-akda sa tunay na pangyayari
at iba pang kaganapan.
Ang talaarawan, balita at talambuhay ay halimbawa ng tekstong
(4)___________.
Thank you for
Listening!!!
FILIPINO Module 4
Quarter 4

You might also like