You are on page 1of 16

FILIPINO 6

QUARTER 4 WEEK 3
DAY 1

LEIZEL JOY P. LEGADA


Teacher -I
LAYUNIN:

﹡ Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip


﹡ at di-kathang isip na teksto
﹡ (Fiction and Non-Fiction)
﹡ (F6PB-IVc-e-22)

2
3
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.
Alin sa mga sumusunod na pamagat ang halimbawa
ng piksyon at di piksyon?

______1. Ibong Adarna


______2. Cinderella
______3. Buhay ni Hidilyn Diaz
______4. Si Pagong at Mating
______5. Ang Watawat ng Pilipinas
______6. Si Manny Pacquiao
______7. Ms. Universe 2021
______8. Talambuhay ni Dr.Jose P. Rizal
______9. Ang alamat ng Saging
______10. Ang alamat ng Bulkang Mayon
Piksyon
Ang babasahing piksyon ay binubuo ng mga likhang isip o
imahinasyon ng may akda na inilalahad sa paraang
pasalaysay o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga
likhang isip na mga tauhan, lugar at mga pangyayari. Ito ay
maaaring alamat, salaysay, at kuwento. Ang piksyon ay
mga kathang-isip lamang, elementong pantasya at di
makatotohanang mga tauhan at ang pangyayari.
Narito ang iilan sa mga katangian na makikita sa isang
piksyon:
a. pag-imbento ng kuwento b. pagmamalabis
c. Pagpapanggap d. pagsisinungaling
Piksyon
Mga halimbawang pangyayari ng isang babasahing
piksyon:

1. Sumakay ako sa likod ng dragon at kami ay naglibot sa


kalawakan.
2. Masayang nakikipaglaro ang paslit sa mga kaibigan
nitong diwata.
3. Nagpaduyan-duyan kami ng aking kapatid sa mga ulap.
Piksyon
Iba pang halimbawa:
Di-Piksyon
Ang babasahing di-piksyon ay kinapapalooban
ng mga pangyayari. Ito ay maaaring talaarawan,
editoryal, artikulo, sanaysay o paglalahad. Binubuo
ng mga makatotohanang pangyayari. Nangyayari
ang mga ito sa totoong buhay at hindi lamang ito
nilikha gamit lamang ang imahinasyon ng
manunulat. Totoo ang lahat ng mga pangyayaring
naisusulat dito. Sa di-piksyon, lahat ay
makatotohanan at ang mga bagay ay napatunayan
na.
Di-Piksyon

Mga halimbawang pangyayari ng isang


babasahing Di- piksyon:

1. Sumakay ako ng eroplano papunta sa aming


probinsiya.
2. Ang bata ay nakikipaglaro sa kanyang mga
kaklase.
3. Tumalon-talon kami ng aking kapatid sa
malambot na kutson.
Di-Piksyon

Iba pang halimbawa:


Sumulat ng 5 pangungusap na makatotohanan at
kathang isip lamang. Sundin ang halimbawa sa
baba.

Makatotohanan Kathang isip lamang


Sumakay ako ng jeep Narating ko ang dulo ng
kahapon. mundo.
Ano ang pagkakaiba ng PIKSYON SA
DI-PIKSYON?
Ang KATHANG ISIP(PIKSYON) - ay imahinasyon, guni-
guni, walang katotohanan at kadalasang mga istorya na
gawa-gawa lamang. Ito maaaring makita sa mga libro,
telebisyon, pelikula, o kahit anong programang isinulat
gamit ang makakating imahinasyon ng mga lumikha.

Ang DI-KATHANG ISIP( DI-PIKSYON) - ay isang


paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa
na inihaharap ng isang may-akda bilang katotohanan.
.
15
GAWAIN
Isulat sa patlang ang K kung ang pahayag ay
Kathang-isip at D kung Di-kathang isip.
 
_____1. Talambuhay ni Tandang Sora.
_____2. Ang Sirena sa Ilog.
_____3. Hangin tubig na may lason (Editoryal)
_____4. Mulawin
_____5. Alamat ng Makahiya.
16

You might also like