You are on page 1of 3

. BAHAGI NG PANANALITA (Parts of Speech) A.

Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya. Uri ng Pangngalan 1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita. 2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan. Mga Halimbawa: Pambalana - bansa Pantangi - Pilipinas, Tsina, Amerika Pambalana - bundok Pantangi - Mt. Pinatubo, Bundok Arayat Pambalana - artista Pantangi - Pokwang, Willie Revillame, Kris Aquino Pambalana - lugar Pantangi - Luneta, Robinson's Pambalana - lapis Pantangi - Monggol Kayarian ng Pangngalan

1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isa Halimbawa lilo, lila, lambat, silo, ilog 2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man. Halimbawa ganda - kagandahan isda - palaisdaan away - mag-away sayaw - sumayaw 3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig. Halimbawa tatay-tatayan sabi-sabi biru-biruan Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat. Halimbawa gamugamo guniguni alaala paruparo Klase ng mga pangngalang inuulit a. Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng salitang-ugat ang inuulit. Halimbawa

ari-arian tau-tauhan b. Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong salita Halimbawa sabi-sabi sari-sari
4. Tambalan - mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang. Halimbawa hampaslupa sampay-bakod akyat-bahay bahay-aliwan kapit-tuko

Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun) 1. Pambabae Halimbawa - ate, nanay, Gng. Cruz 2. Panlalaki Halimbawa kuya, tatay, G. Santos 3. di-tiyak Halimbawa doktor titser huwes punong-guro pangulo 4. walang kasarian Halimbawa silya lobo puno Uri ng Pangngalan ayon sa Gamit 1. Basal - pangngalang hindi nakikita o nahahawakan ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan, Halimbawa katalinuhan pagmamahal pagdurusa 2. Tahas - mga pangngalang nakikita o nahahawakan. pula ulap 3. Lansak - mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama-sama, kumpol, grupo o pangkat. Halimbawa kawan buwig pulutong

batalyon

You might also like