You are on page 1of 3

WALANG NG UUNA PA SA PANG-UNANG TULONG PANLUNAS

ANO NGA BA ANG PANGUNANG TULONG-PANLUNAS?


Ito ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman. ANG LAYUNIN NG PANGUNAHING LUNAS: Pagpapanatili ng buhay (Ingles: Preserve life) Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o karamdaman (Ingles: Prevent further injury or illness) Pagtataguyod sa paggaling (Ingles: Promote recovery)

MGA PANGUNANG TULONG-PANLUNAS SA MGA SUMUSUNOD:

1. PAGDURUGO NG SUGAT Kumuha ng isang piraso ng malinis na damit at diinan ang sugat sa loob ng 10 minuto. Kung patuloy ang pagdurugo, dagdagan ang saping damit at diinan pa nang kaunti. Bendahan. Pahigain ang pasyente at dalhin ito sa pinakamalapit na hospital o klinika kung ang sugat ay malaki at kailangang tahiin. Pansinin kung may pangingimay o pag-iba ng kulay ang mga daliri ng paa at mga kamay. Kung mayroon, ang benda ay mahigpit. Luwagan, subalit huwag aalisin.

2. PAGDURUGO NG ILONG (NOSE BLEEDING) Paupuin ang taong nagdurugo ang ilong at pasandalin sa upuan huwag iangat ang ulo upang hindi malunok ang dugo Pisilin ang malabot na parte ng ilong gamit ang hinlalaki at hintuturo ng daliri Pisilin ang ilong hanggnag tumigil ang pagdurugo sa loob ng 5-10 minuto.

Idura ang mga dugo na napupunta sa bibig na galing sa ilong. Maari rin naman lagyan ng yelo ang itaas ng ilong (bridge of the nose). Iwasan ang madalas na pagtusok at pagkamot ng ilong upang itoy di dumugo

3. MGA PASO (BURNS) Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 minuto upang maibsan ang sakit. Panatilihin itong tuyo at malinis. Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang may pinsalang bahagi ng malinis na damit. Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag gagawa ng anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng malinis na damit upang manatiling mainit. Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng 20 minuto pagkaraan ng 24 oras.

4. NAPILAY O NATAPILOK NA PAA (SPRAIN OR STRAIN) Lapatan agad ng yelong nababalot sa damit ang napinsalang bukung-bukong o pulsuhan, 3 beses maghapon. Kumuha ng kahit na anung tela na piniga mula sa malamig o may yelong tubig at ilapat sa alinmang bahaging ibabaw ng katawan.nang malamig ang bahaging may pinsala sa loob ng 30 minuto, 3 beses maghapon. Balutin ang bukung-bukong o pulsuhan ng benda, pagkatapos malapatan ng nakabalot na yelo.. Ipahinga ang mga paa o braso sa loob ng 3 araw kung masidhi ang sakit at pamamaga Patingin agad sa manggagamot kung masidhi, ang kirot at pamamaga.

5. NAKAGAT NG ASO (DOG BITE) 1. Linising mabuti ang sugat. Tubig at sabon ay sapat na para hugasan ang sugat. 2. Pangalwa, bantayan ang aso. Alamin kung saan nagmula ang aso, at kung meron ba itong record ng vaccination para sa rabies. Ang aso na may rabies ay maoobserbahan

na parang baliw o wala sa sarili hanggang itoy mamatay. Ang mga sintomas na ito ay kalimitang magagamat sa loob ng 5-10 araw. 3. Pangatlo, kumunsulta sa doctor para ma-examine ang sugat. Kung ang aso ay may record ng kumpletong bakuna laban sa rabies at maari itong mabantayan sa susunod na 10 hanggang 15 araw, maaring hindi na kailanganin na bigyang ang nakagat ng aso ngrabies vaccine. 4. Subalit kung ang aso ay walang record ng, at kung ito ay nakaalpas, kailangang magpaturok ng 3 o 4 na beses ng rabies vaccine. Kalimitan ito ay ibinibigay sa araw na pagkakakagat, tapos sa ika-7 na araw, sa ika-10 na araw, at sa ika-14 na araw.

You might also like