You are on page 1of 1

Pagkamakabansa Ang pagkamakabansa o nasyonalismo[1] ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina[2] o kilusang politikal[3] na pinanghahawakan na may karapatan ang

isang bansakadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura-na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang politikal na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan. Ito rin ang ideyolohiyang pampulitika at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon. Bagaman nakapagpapasigla o nakapagpapanimula ito ng demokratikong politikal na pagbabago at repormang pangkabuhayan o pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na katapatan sa isang estado na may tendensiyang maliitin ang isa pang nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa.[4] Kolonya Ang kolonya ay ang lupang sakop o pook na nasasakupan. Ito rin ang tawag sa mga taong dumayo sa pook na sinakop, kasama ang naging mga kaapu-apuhan nila, partikular na ang nananatiling umuugnay sa bansa o inang-bayang iniwanan nila. Sa larangan ng biyolohiya, tumutukoy ang salita sa pagdami o kaya pagtubo ng mga mikroorganismo sa isang midyum na masustansiya. O kaya sa langkay o pangkat ng mga hayop na namumuhay ng magkakasama sa isang lugar o kolonisasyon, katulad halimbawa ng mga bubuyog.[1] Pag-aalsa Ito ay isang pag galaw ng isang indibidwal o grupo ng tao tungo sa kanilang reporma o pagbabagong nais nilang magawa. Maraming paraan upang ito ay maganap ang iba ay gumagamit ng kamay na bakal para ma pangyari ito ngunit ang ilan ay sa matahimik naparaan alin man sa mga ito ay maituturing na pag aalsa. Repormista Ang repormista ay ang pagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng malinis at payapang paraan samantala ang rebolusyonaryo naman ay ang pagnanais ng pagbabago sa marahas na paraan. Progreso Ang progreso ay ang paunti-unting pag-unlad ng isang bagay. UNESCO Ang Kapisanang Pang-edukasyon, Pang-agham, Pangkalinangan ng mga Nagkakaisang Bansa, kilala sa Ingles bilang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay isang ahensya ng Nagkakaisang mga Bansa na nangangalaga sa:

Edukasyon: Pagkatuto at paraan ng pagkatuto ng mga tao. Kalinangan: Kung ano ang ginagawa ng mga taong nasa iba't ibang mga bansa, at kung ano ang mahahalaga para sa iba't ibang mga tao. Agham: Kung ano ang nalalaman ng mga tao tungkol sa daigdig.

You might also like