You are on page 1of 3

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA



Mga Pulang Marka, Uso Na! Bakit kaya?
ni Paula Gail I. Torres

Sa kolehiyo ko unang naranasan ang hindi pagbabalik-aral sa tuwing inaanunsyo ng
guro na may mahabang pagsusulit sa makalawa. Sa hayskul ko unang naranasan ang
maligaw sa diskusyon. Sa kolehiyo ko unang naranasan ang magkaroon ng mga mababang
marka. Sa kolehiyo ko tuluyang naranasan ang bumagsak. Kung tutuusin ay sa kolehiyo
natin napagdaanan ang mga, kumbagang, first time. Minsan, nakakabawi tayo. Minsan
naman, hindi na. Sa lahat ng aking mga nabanggit at pati na rin ang mga hindi ko nabanggit,
isang paksa lamang ang ibabahagi ko sa inyoang patuloy na pagbagsak ng mga mag-
aaral sa loob ng silid-aralan.

Ito ba ay pagdududa ng katalinuhan o kakayahan ng isang tao? O baka naman
nakukuha ito sa sipag at tiyaga? Sinsubok ba nito ang kakayahang pagtuturo ng mga
maestro natin sa paaralan? Ito ba ay isang suliraning dulot ng katamaran? Ano nga ba talaga
ang dahilan ng pagbagsak ng mga estudyante? Base sa aking pagsisiyasat, tatlo ang aking
napiling mga dahilan kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral: kakulangan sa
preparasyon, kawalan ng gana at katamaran.

Kung may natutunan man ako sa pagkatanggap ko ng mga pulang marka, ito ay ang
tapang at lakas na bumangon muli. Sa bawat mababang grado na isinampal sa akin, alam
kong hindi ito ang magtatakda sa aking tunay na pagkatao. Ang grado ay grado. Kahit kailan
ay hindi ito maaaring maging rason ng pagkasira ng ating mga buhay bilang estudyante.
Kaya ano nga ba ang tunay nakapagdudulot ng mga pulang marka natin? Ang pagsuko at
pagkawala ng tiwala sa ating mga sarili. Kaya natin to. Ako. Sila. Ikaw. Ikaw ang tanging
makahahadlang sa pagkamit mo ng matamis at inaasam-asam na tagumpay.


Mga Sanhi ng Pagbagsak ng Estudyante sa Klase

Ang mga sumusunod ang kadalasang dahilan ng pagliban ng mga estudyante sa paaralan.
Dahilan kung bakit di sila nakakapag-aral ng maayos, na nagreresulta naman sa kanilang
pagbagsak sa klase at kung minsan ay nagiging dahilan pa ngpaghintonilasapag-aaral:

Unang-una, ang mga depinisyon ng mga salita na kadalasang sanhi ng pagliban ng
estudyante sa klase. Maaari nating ikonekta ang bawat isa at gawan ng sarili nating
interpretasyon kung bakit ito naging salik sa pagbagsak ng ilang estudyante sa klase.
Makokonekta natin ito dahil sa bawat salitang nabigyan ng depenisyon at sa bawat ideyang
meron ang bawat isa sa atin. Di natin pansin na ang lahat ng ito ay may koneksyon at
maaring lahat ng ito ang siyang dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa kanyang
klase.

Ang kapaligiran at uri ng kaibigan ang kadalasang nagtuturo sa estudyante sa pagtikim ng
mga bawal na gamot, alak at sigarilyo. Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng bisyo ng isang
estudyante dahil sa pagkahilig dito. Ngunit kung minsan, ang pagkakaroon ng biyo ng
estudyante ay di rin dulot ng kanyang kaibigan o ng kanyang kapaligiran. Minsan, ito ay dahil
sa uri ng tahanan na kanyang pinapalooban. Lalong lalo na kung ang kanilang tahanan ay
magulo at araw-araw na nagkakaroon ng masasamang pangyayari dito na sumagi naman sa
kanyang memorya. Dahilan ng kanyang pagiging emosyonal at paghahanap ng bagong
libangan o kahihiligan upang maisagi lamang ang kanyang kansentrasyon sa iba. Dahil sa
kanyang dinadalang problema, ito minsan ang ginagamit na dahilan ng iilang tao para
mapatikim ng ipinagbabawal na gamot, alak o sigarilyo ang isang estudyante.

Sa koneksyong aking ginawa, nalaman natin na hindi lamang iisa ngunit napakaraming
dahilan ang nagiging rason sa pagbagsak ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral o
klase.


Ikalawa, ang ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral o
klase. Ilan sa mga ito ay maaaring familyar na sa iyo. Ngunit maaaring ang iba naman sa
iyong mababasa ay ngayon mo lamang nalaman.




























Listahan ng Sangunian


http://colombierebears.jimdo.com/2011/02/01/mga-pulang-marka-uso-na-bakit-kaya/

http://pagbagsakngestudyante.blogspot.com/2011/01/dahilan-ng-pagbagsak-ng-
estudyante.html

You might also like