You are on page 1of 2

Takdang-Aralin 1.

4 Panambitan Pangalan:__________________________Seksyon:__________________________
1.Bakit kaya rito sa mundong ibabaw,marami sa taoy sa salapi silawAno ang damdaming ipinapahayag.
(pagkatakot/pagkagalit/pagkalito/pagkagulo)
2. Kung ang mga taong sadyang nadarapa,sa halip tulungan,tinutulak pa nga.(panunumbat/pagkagalit/kasayahan/paghihimagsik).
3. Kaya kung isa kang kapus-kapalaran,Wala kang pag-asang makyat sa lipunan. (pananakot/pagkatakot kawalang pag-asa/pagkainggit).
4. Nasaan Diyos ko, ang sinasabi mo,taoy pantay-pantay sa lahat ng mundo (pag-aalinlangan/pagkainggit/pagkabahala/pagsisisi)
5. Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito (katuwaan/pakikipaglaban/paghihimagsik/pagmamakaawa).
6. Ayon sa tula,anong uri ng tao ang namamayani sa mundo?(mahihirap/mayayaman/mapagkunwari).
7. Saan nasisilaw ang mga tao? (katungkulan/salapi/ginto/kapangyarihan)
8. Ano ang ginagawa sa mga mahihirap ayon sa tula? (tinatapakan at inaapi/inihihiwalay sa lipunan/ipinagwawalang-bahala/inaalisan ng
karapatan).
9. May pag-asa pa bang matatanaw ang may akda?(wala/hindi nabanggit/meron/kaunti).
10. Ano ang sinasabing dapat tanawin ng mga makapangyarihan mula sa mahihirap.(nakaraan/karanasan/utang na loob/nakaraang alaala)
11.Sino ang tinatanong ng may-akda sa lahat ng pangyayari?(pamahalaan/kanyang ina/Diyos)
12. Sino ang mas higit na umuunlad batay sa binasang tula?(mayayaman/mahihirap/may kapansanan/propesyunal).
13. Anong katangian ng mayayaman ang ipinakikita sa tula?(mapang-alispusta/mayabang/mapagkunwari/mapagwalang-bahala)
14. Sino ang mga tumatawag sa Diyos ayon sa Tula?(mga inaapi/mag-aaral/mamamayan/mga kabataan).
15. Ano ang pananalangin na nababanaag sa panambitan? ( gawing mahirap ang mga mayaman/dinggin ang kanilang panambitan)

I. Bakit kaya dito sa mundong ibabaw
II. Marami sa taoy sa salapi silaw?
III. Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
IV. Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.
V. Mga mahihirap lalong nasasadlak
VI. Mga mayayaman lalong umuunlad
VII. May kapangyarihan, hindi sumusulyap
VIII. Mga utang-na-loob mula sa mahirap.
IX. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo
X. Taoy pantay-pantay sa balat ng mundo?
XI. Kaming mga api ngayoy naririto
XII. Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito..
16.Ang tunggaliang namagitan sa ikalawang saknong ay(tao sa tao/tao sa sarili/tao sa lipunan).
17. Malinaw na ipinakita sa akda ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.Alin sa mga sumusunod ang ekspresyon nito?(Inaapi ang
mahirap/salapi ang pinapanginoon/tumatanaw ng utang na loob/makaahon ang mga kapos kapalaran)
18. Ang bahagi ng talataan na nagpapakita ng kawalang pakialam ng tao sa kapwa ay( II / IV /VI VII ).
19. Ano ang katayuan sa lipunan ng taong nagsasalita sa tula? (mayaman/mahirap/mangmang/makapangyarihan)
20. Anong bisang pangkaisipan ang hated ng tula sa mambabasa? (pag-asenso ng mahirap/pagkamal ng maraming
salapi/pagkamatapobre/pang-aapi sa mahihirap).
21. Ang salapi ay silaw ay nangangahulugang (Pagkagahaman/pagnanasa/kasaganahan/pagkasilaw).
22. Ang tula ay tumatalakay sa(kasakiman/karahasan/kapangahasan/kayamanan).
23. Ang tono ng tula ay (nang-uuyam/naghihinaing/nagmamaktol/nalulungkot).
24. ALin sa mga sumusunod na imahe ang wala sa unang saknong?(Pagkamal ng maraming pera/pagkamatapobre/pag-aapi sa mahihirap/pag-
asenso ng isang mahirap)
25. . Anong uri ng tugma ang ginagamit sa unang saknong (aaaa / abab / aabb )
26. . Anong uri ng tugma ang ginagamit sa ikatlong saknong (aaaa / abab / aabb )
27. Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng pahayag na mga mahihirap lalong nasasadlak,mga mayayaman lalong
umuunlad?(nalulungkot/naghihinagpis/naiinggit/nagtatampo).
28. Ano ang nais ipahiwatig ng una at ikalawang saknong?(Ang mahirap ay mananatiling mahirap/Ang taoy salat sa salapi/Walang pag-
asang umakyat sa lipunan ang mahihirap)
29.Anong Genre ang binasang akda?( sanaysay/Tula).
30. Anong Teorya ang ginamit (Imahismo/Romatesismo)
31. Sino ang orihinal na may-akda ng akdang sinabi?( Ma. Lilia F. Realubit/ Myrna Prado)
32. Sino aang nagsalin ng akda? ?( Ma. Lilia F. Realubit/ Myrna Prado)
33. .Isinalin ang akda mula sa anong DAYALEKTO?(Bisaya/Cebuano/.Hiligaynon )
34. Ang taludturan ay masasabing may tugma sapagkat pareho ang:( ( tunog sa hulihan/ nakapaloob sa diwa/ bilang ng pantig/ tono at diin sa
hulihan)
35. Ang sukat ng taludturan ay: ( 6 / 12 /8 /24)
36. Ang kaugnay na kahulugan ng may salungguhit sa taludturan ay: (kalangitan /sangkatauhan/ sanlibutan / langit at lupa)
37. Ang kasanayang nabanggit sa akda ay maaaring mangyari sa sariling karanasan dahilan sa: (kasamaan /katiwalian/ kahirapan
/kasinungalingan)
38 Kaya kung isa kang kapus-kapalaran, wala kang pag-asang makyat sa lipunan. Ang pahayag na ito sa taludturan ay nagpapatunay
lamang na: ( ang mga mayayaman ang lalong yumayaman/ mahirap makahanap ng trabaho kayat imposible silang umasenso/ mailap ang
magandang pagkakataon sa mga mahihirap/ ang mga mahihirap ang lalong naghihirap sapagkat walang magandang opurtunidad para sa
kanila)
39. Ang sukat na ginamit sa tulang Panambitan ay: (8 /16 / 12 /18)
40. Ang hati o sesura ng tula ay: ( 4-4 /8-8 /. 6-6 /9-9)
41. Nakapaloob sa saknong 2 ang uri ng tugmang: ( patinig /patinig-katinig /katinig / katinig-patinig)
42.Kung may mga taong sadyang nadarapa, sa halip na tulungan, tinutulak pa nga. Sa taludturang ito pinatutunayan ang katotohanan ng
kaisipang: ( Mapang-api ang mayayaman /Sagad hanggang buto ang kasamaan ng tao /Mahirap makabangon sa problema at pagsubok sa
buhay/ Kapag naungusan ng kapwa, pinipilit na silang hilahin pababa)
43. Nasaan Diyos ko, ang sinasabi Mo? Taoy pantay-pantay sa balat ng mundo? Nakapaloob sa taludturang ito ang kaisipang: ( May
diskriminasyon ang mahirap at mayaman/Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos/ Ang taoy ipinanganak nang walang mahirap at
mayaman/Iba-iba ang uri ng pamumuhay ng tao dito sa mundo)
44. Ang imaheng maaaring mabuo sa binasang tula ay larawan ng: ( Nagwewelgang mamamayan/ Nag-aaway-away na mayayaman at
mahihirap/ Isang taong lumuluha habang nananalangin sa Panginoon/Isang taong punung-puno ng galit sa Panginoon)



Takdang-Aralin 1.5 Babang-Luksa
Pangalan:_________________________________Seksyon:_____________________
1.Lalaking sariwa sa kawalang hanggan.Ano ang ipinahihiwatig nito?(lagging mabango/lagging bago/lagging nasa isip/lagging nasa
kamay).
2. Hindi mo ba talos kabiyak ka ng buhay at sa pagyaon moy para ka ring namatay?Anong damdamin ang nakapaloob
ditto?(pagkagalit/panghihinayang/pagluluksa/pagkalungkot)
3. Kaya,aking mahal sa iyong pagpanaw tayoy nagtagumpay sa dupok ng buhay.Ano ang ibig sabihin (natanggap na ang
pangyayari/nanghihinayang/naghihimagsik/nasisiyahan).
4. Ayaw ko ng kaugalian ng mga ninuno natin!Anong damdamin ang tinutukoy rito? (pagsasaya/paghihimagsik/pagluluksa/pagdarasal).
5. Ano ang damdaming nais ipahayag ng akdang Babang-luksa? (pagkabigo/pag-iibigan/pagluluksa).
6.Ano ang taong nagsasalita sa aksa? (isang lalaki/isang babae/isang matatanda/wala sa nabanggit).
7. Bakit nagluluksa ang taong ito? ( dahil sa pagkamatay ng minamahay/dahil sa pagkamatay ng alagang hayop/dahil sa pagkaapi/wala sa
nabanggit)
8. Batay sa nagsasalita ano ang tanging naiwan sa kanya?(karanasan/alaala/karunungan/kayamanan).
9. Anong bahay ang tinutukoy sa akda?(bahay kung saan namatay ang kanyang minamahal/bahay kung saan sila naglaro/bahay kung saan sila
nagkaibigan/bahay ng kanyang pamilya).
10. Bakit niya nasabing Lumisan at iniwanakong sawimpalad? ( dahil sa nawalan siya ng pag-asa/dahil saw ala siyang kasama/a at b/wala
sa nabanggit).
11.Sino ang nagsasalita sa tula?(ang nasawi/ang naiwan/a at b/wala sa nabanggit)
12.Ano ang kaugnayan ng nagluluksa sa taong inaalala? (kabiyak ng puso/kaibigan/kamag-anak/kapitbahay).
13. Ang taong namatay ay isang (bata/binata o dalaga /parehas/wala sa nabanggit).
14. Ilang taon ng patay ang kanyang mahal? (dalawa/tatlo/isa/hindi nabanggit).
15.Ano ang kanyang nararamdaman nang kaniyang maalala na silay magkapiling?(pagkalungkot/pagkatuwa/pagkagalit/hindi nabanggit).
16. aAng babang-luksa ay gaganapin matapos ang ( 1 buwan / 40 araw /6 buwan / 12 buwan).
17. Itong kaluluway hinahanap ikaw . Ito ay may tayutay na (pagwawangis/apostrophe/pagpapalit-tawag/pagtutulad).
18. Ang putting buhok ay nangangahulugan ng (karunungan/katandaan/kulay ng buhok/katalinuhan).
19. Ang tinutukoy na namatay sa tula(asawa/kamag-anak/ina/kasintahan).
20. Ang persona sa tula ay( biyudo/biyuda/dalaga/binata)
21. Anong Genre ang binasang akda?( sanaysay/Tula).
30. Anong Teorya ang ginamit (Imahismo/Romatesismo)
31. Sino ang orihinal na may-akda ng akdang sinabi?( Ma. Lilia F. Realubit/ Myrna Prado/ Olivia P. Dantes/Diosdado Macapagal)
32. Sino aang nagsalin ng akda? ?( Ma. Lilia F. Realubit/ Myrna Prado/ Olivia P. Dantes/Diosdado Macapagal)
33. .Isinalin ang akda mula sa anong DAYALEKTO?(Bisaya/Cebuano/.Hiligaynon /pampango)
34 Ngunit ang puso koy sadyang naninimdim. Ang larawang-diwang maaaring mabuo sa pahayag ay larawan ng isang taong: ( nalilito/
malungkot/ lumuluha / natatakot)
35. Ang pahayag sa bilang pito ay may kinalaman sa kamalayang: ( pambansa /pandaigdigan/ panrehiyon / panlalawigan)
36.Kung akoy nasa pook na limit dalawin Ang kaugnay na kahulugan ng salitang may salungguhit ay: ( bihira /madalas/ minsan /oras-
oras)
37. . Isang taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang asawa. Ang lahat ay kaugnay na kahulugan ng salitang may salungguhit maliban sa:(
nawala / lumisan/ namatay /sumakabilang-buhay)
38. Ang pagsinta ng nagsasalita sa tula sa kanyang asawa ay walang katapusan. Nangangahulugan lamang na ang kanyang pag-ibig ay:
(wagas /matatag /dakila /makapangyarihan)
39. Noong akoy nasa pook na limit dalawin, naaalala ko pa ang ating paggiliw Ang larawang-diwa sa tagpong ito ay ang kanilang:(
pagniniig / pagtutulungan /pagsusuyuan /paglalambingan)
40.Bakit ba mahal ko, kay agang lumisan; at iniwan akong sawing-kapalaran? Ang tagpong maaaring mabuo sa isipan sa pangyayaring ito
sa akda ay isang taong: ( naguguluhan / naghihinagpis / nagsusumamo/ umasam-asam)
41. Ang emosyong nababalot sa damdamin ng lalaking nagsasalita sa akda ay: (paghihinakit / matinding pagdadalamhati/puno ng pag-asa
/magkahalong lungkot at saya)
42. Ang damdaming nangingibabaw sa kabuuan ng akda ay: ( kasiyahan / kalungkutan/ kasabikan /kapighatian
43. Kapwa may tugma ang tulang Babang-Luksa at Panambitan sapagkat pareho ang tunog sa: (gitna / hulihan/ unahan / unahan at hulihan)
44. Ang teorya ng akdang pampanitikan na nagbibigay-diin sa damdamin o emosyong naghahari sa pangunahing tauhan sa akda ay:(
Imahismo / Romantesismo/Naturalismo /Eksistensyalismo)
45. Kung ang nangingibabaw naman sa akdang binasa ay pagbibigay-diin sa larawang-diwa o imahen, itoy nabibilang sa
teoryang:(Imahismo /Romantesismo/Naturalismo / Eksistensyalismo)

You might also like