You are on page 1of 6

Kultura, sandigan ng kaunlaran ng sarili at sambayanan

Elora Joselle F. Cangco Posted on 09/09/2012 - 15:51


NANINDIGAN ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan na si
Virgilio Almario na ang pagkilala sa sariling kultura ay susi sa pag-unlad ng
sarili at bayan.
Sa pagtutulungan ng Departamento ng Filipino, Varsitarian, at propesor ng
Filipino sa Faculty of Arts and Letters na si Imelda de Castro, isang
pagpupulong ang naganap sa AMV-College of Accountancy Hall noong Agosto
29 bilang pangwakas na programa sa Buwan ng Wika.
Pinamagatang Sagisag Kultura: Lundayan ng Programang K-12, Filipino
Bilang Wika ng Edukasyon, sinabi ni Almario na ang pagkilala ng atin ay
isang karangalan na bubuo sa national creativity ng bansa.
Ang kultura ay kapangyarihan dahil nakapagsisimula ito ng pridepride of
country and of selfat makakapagsimula ito ng national creativity.
Ipinakilala ni Almario ang ilan sa 800 na mga sagisag ng kultura upang mas
maunawaan ng mga Pilipino ang halaga ng sariling atin.
Ang sagisag kultura ay ang pagbuo ng isang kaisipang Pilipino. Binubuo ito
ng mga sagisag na mula pa sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay larawan
ng lahat ng mga Pilipino at dito ay matutuklasan natin na ang ating kultura
ay mahalagadapat ay memoryahin, ingatan, at kung maaari, ay isakripisyo
ang buhay para rito.
Binigyang-diin ni Almario na limitado ang cultural literacy ng mga Pilipino lalo
na ang mga kabataan kaya dapat itong mas palawigin pa.
Malimit nga ay di natin alam kung ano nga ang tinatawag nating Pilipino.
Napakalimitado ng ating cultural literacy. Kung hindi man ay napakababaw
ang alam [natin] tungkol sa sarili bilang Pilipino. Parang mga Pilipino ay
mayroong Rice Terraces Syndrome, isang karamdaman sa hindi natin
pagkilala sa mga simpleng pangalan na nasa wikang Filipino.
Taglay ng mga Pilipino ang isang malubhang sakit na atin na nga hindi pa
natin kinikilala, Wala tayong interes na kahit sa pangalan lang, di pa natin
puspusang pinag-aaralan kung ano talaga ang pangalan natin. Hindi man
daw umabot sa panahon kung kailan ang ating mga ninuno ay nagpapatayo
ng malalaking palasyo, mayroon pa rin naman daw tayong intangible
heritage na maipagmamalaki.

Yung intangible actually ang mas mahalaga kasi iyon ang hindi mamawala sa
atin. Ngunit ito ay unti-unting mawawala dahil hindi naman natin pinagaaralan, ipagpapatuloy niya ang pagpapalaganap ng wikang pambansa dahil
dapat itong ikarangal.
Kailanman ay hindi mamamatay ang wikaang 150 plus na wika na
nagtataglay ng karunungan at mga karanasan na nagmula pa sa ibat ibang
bahagi ng bansa.
Nang tanungin kung sang-ayon ba siya sa paglalagay ng Mother TongueBased Multi-Lingual Education sa bagong kurikulum sa mga paaralan ngayon,
sinabi ni Almario na matagal nang ginagamit ang katutubong wika bilang
medium of instruction at naisapormal na lamang ito sa kasalukuyan.
Noong panahon ng mga Amerikano ay monolingual lang ang ginagamit,
ani Almario. Ngunit nang ipinadala nila ang Monroe Commission noong 1925
upang mag-survey ng sistema ng edukasyon sa bansa, nalaman nilang
nahirapan ang mga bata na mag-aral ng Ingles dahil ang Ingles ay ginagamit
lamang nila sa silid-aralan at paglabas ay hindi na.
Pumili sila (mga opisyal) ng mga katutubong wika dahil sa academic value
bilang medium of instruction na madaling maiintindihan ng mga mag-aaral.
Sa huli, ang kultura ang magpapaunlad sa ating bansa. Sa halip na gumaya
sa iba, dapat maunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng sariling atin.
Mayroon tayong ipagmamalaking sariling kultura. Yung kultura na yon ay
susi sa ating pag-unlad. Hindi tayo uunlad kung gaya-gaya tayo at hindi man
lang natin natututunan ang atin. Ang pagmamalaki ng sarili nating kultura ay
magpapasimula ng ating national creativity.
Labingdalawang taon na ang nakakaraan at marami nang sistema ang
napalaganap sa Internet. Hindi siguro akalain ni Tim Burners-Lee kung gaano
kalaki ang kanyang magiging kontribusyon sa pandaigdigang lipunan noong
naimbento niya ang World Wide Web. Ang Internet Relay Chat (IRC) ay isang
sistema kung saan ang mga manggagamit (user) ay makakapagkausap sa
katakot-takot na iba pang manggagamit na naka-Online sa panahong din
iyon. Ano ang ginagawa ng tipikal na teenager na biniyayaan ng kompyuter
at ng Internet connection? Nahihiwalay sa ibat ibang channels na nakabatay
na rin sa interes mo at kung ano ang gusto mong pag-usapan.

_________________________________

Reaksyon:
Malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa paghabi ng kultura, lalo na sa
kabataan. Ang kulturang popular ay nakabatay sa pagdisimina ng ibat ibang
bagay gamit ang isang midyum. Hindi natin maikakaila na ang Internet ay
isang penomena na naging kaakibat ng isang makabagong kultura. Totoong,
Ang kultura ay kapangyarihan dahil nakapagsisimula ito ng pridepride of
country and of selfat makakapagsimula ito ng national creativity. Ang
kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa
pamamagitan ng wika.

Kulturang Pilipino: Impluwensiya ng Iba't ibang Kulturang Dayuhan


Ni: Jenice G. Orpeza Thursday, September 29, 2011

Ang kultura ay salamin ng kasaysayan ng isang bansa. Isa rin ito sa


kanyang pagkakakilanlan. Hindi ba't ang bawat bansa ay nagtataglay nito
upang makilala sa buong mundo? Mula sa pananamit hanggang sa kilos at
galaw ay may kanya-kanyang orihinalidad. Malaki rin ang papel na
ginagampanan nito sa iba't ibang larangan-- ekonomiya, edukasyon,
medisina, agrikultura maging sa politika. Mapalad tayo sapagkat mayamang
kultura ang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno.
Tumpak nga ang depinisyon ni Edward Tylor, isang anthropologist sa
kultura. Ayon sa kanya, ang kultura ay sumasaklaw sa karunungan, pamahiin
at paniniwala, sining, batas, kakayahan, pag-uugali at pagpapahalaga,
tradisyon, damdamin at iba pang abilidad ng tao na kanyang nakamit at
nalinang na maipamamana sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan
ng wika at pagkakabuklod-buklod ng mga miyembro ng isang lipunan.
Noon pa man ay mayaman at maunlad na ang kultura nating mga Pilipino.
Hindi mabilang ang ating pamahiin at paniniwala. Gayundin, magkakabigkis
ang ating pag-uugali at pagpapahalaga kahit pa nga mayroon tayong iba't
ibang prinsipyo at disiplina sa buhay. Maaaring ito ay dulot na rin ng
impluwensiya ng mga dayuhan na nakipagkalakalan sa ating mga ninuno
bago pa man tayo napasailalim ng mga mananakop.
Halimbawa sa mga kulturang banyaga na ating tinanggap ay ang
paggamit ng paputok tuwing may pagdiriwang at paggamit ng kulay bilang
tanda ng estado sa buhay ng mga Tsino. Namana naman natin sa mga Hindu
ang pagbibigay ng dote sa magulang ng babaeng pakakasalan at pagsaboy
ng bigas kapag may kasal. Napakarami pang gawain at paniniwala ang

naisalin sa ating kultura ng mga banyagang mangangalakal.


Samakatuwid, maituturing na ang kulturang Pilipino ay ang pinagsamasamang kultura ng mga karatig na bansa. Hindi ba't wala namang isang
purong Pilipino dahil tayo ay produkto ng iba't ibang lahi tulad ng mga Ita,
Indonesyo at Malayo? Gayunpaman, sila ang mga unang mamamayan ng
Pilipinas na nagtamasa at nagpamana sa atin ng kulturang mayroon tayo
ngayon.
Hindi man nananalaytay sa atin ang dugo ng purong Pilipino, maipakikita
at maipamamalas naman natin ang ating pagmamahal sa Pilipinas. Dahil
dito, tayo ay tunay na Pilipino sa isip, sa puso at sa gawa.
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong
impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay
may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na
mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing
Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong
Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya.

Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay


nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng
mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may
patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang
sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang
nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay
mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at
nakagawian.

____________________________________________

Reaksyon:
Tunay na ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong
impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang

mangangalakal at mananakop nito noon. At totoong Ang kultura ay salamin


ng kasaysayan ng isang bansa. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga
tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga
paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at
nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang
diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang
kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at
kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang
kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabulohang
buhay.

Santos, Nicole Alexis J.


BSA 1-23
Prof. Cecilia Austero

You might also like