You are on page 1of 1

Nakaupo lamang buong maghapon, ni halos walang kain at determinadong

lupigin ang bertwal na kalaban ang iilan lamang sa mailalarawan sa mga kabataang
lulung sa paglalaro gamit ang kompyuter. Mas matindi pa ang pagpili nito kaysa sa
ituon ang sarili sa pag-aaral. Dahil sa paunti-unting pagkakakulong sa sarili sa
bertwal na mundo ay halos napabayaan na ng mga kabataan ang kanilang mga
responsibilidad sa totoong mundo. Marami naring napabalitang nagkasakit ng
malubha dahil dito.
Bakit hindi na lamang gawing totoo ang mga kinawiwilihang laro sa
kyumpyuter gaya ng NBA game na maaari namang makipaglaro sa totoong kalaban
sa kort. O di naman kaya ang kinababaliwang dota o countertrike na maari ring
ihango sa mga larong hindi ganyan ka brutal gaya ng taekwando, airsoft, arnis at
iba pa. Ang paglalaro rin ng mga larong pinoy gaya ng tumbang preso, tagutaguanay napakalaki ng tulong hindi lamang sa pisikal pati narin sa sosyal na
aspeekto.

You might also like