Professional Documents
Culture Documents
Sandosenang Sapatos
Sandosenang Sapatos
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming
bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-
sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-
Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga
sapatos.
"Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate
ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n'ya," himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming
hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang
matagal nilang dasal na masundan ako.
"Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa
na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon."
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
"Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak
natin!"
"Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak
ngballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga
sapatos na pang- ballet ."
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang
makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang
dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.
Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang
ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga
paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong
sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-
araw, ganu'n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit
ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong
mag-ballet). Pero.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa
mga pangarap na masyadong mailap.
Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng
manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang
mama na nakakita kay Susie.
"Tingnan n'yo o, puwedeng pang-karnabal 'yung bata!" turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang
nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.
"Ano'ng problema mo, ha?"
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si
Susie.
"Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay
mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili." Masuyo niya itong
hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko,
kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay
titingin sa kuna.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa't isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa
sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag
may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na
alalay!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang
sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
"Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol
na may dekorasyong sunflower sa harap!"
"Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malakingbuckle sa tagiliran."
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw
ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon
na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang
sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog
na kristal sa harap.
" Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?" tanong
ko sa sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na 'yon, nagulat ako. Taglay ng
mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito.
May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first
communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba.
May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.
Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu'n pala
kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko
kina Nanay at Susie.
"H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa 'yo, Susie." Namuo ang
luha sa mga mata ni Nanay. "Inilihim niya sa akin ang mga sapatos."
"A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko." Hindi makapaniwalang sabi
ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.
"Ha?"
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para
maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang
pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga
sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.