You are on page 1of 2

Ekspositoring komposisyon - kung ang pangunahing layunin nito ay magpaliwanag ng kaisipan, magbigay ng impormasyon, mag-ulat o magbigay ng instruksyon.

Anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao. Objective and subjective na paglalahad Malinaw na pagkakahanay ng mgakaisipan o ideya Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan DEPINISYON: Pagbibigay kahulugan May 3 bahagi: Termino o Katawagan - salitang binigyang kahulugan Ang klase o uri - Kung saan nabibilang o nauuri ang terminong binibigyang kahulugan Mga katangiang ikinaiiba ng salita -mga paglalarawan na ikinaiiba ng salitang binigyang depinisyon sa iba pang sailta o katawagan (distinguishing characteristics) Mga Uri ng Ekspositoring Komposisyon 1. Maanyong depinisyon 2. Depinsyong pasanaysay 1. Maanyong depenisyon -ito ay tumutukoy sa isang makatwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito ay tumutugon sa mga patakarang ng anyong diksyunaryo at ensayklopedia. Halimbawa: Salita: Hele Uri:katutubong awit Kaibahan: awit sa pagpapatulog ng bata Halimbawa: Salita: Liriko Uri: isang uri ng tula Kaibahan: may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng matinding damdamin ng makata. Halimbawa: Salita: Astrolohiya Uri: sangay ng meteorolohiya

Kaibahan: nag-iimbestiga sa kundisyon sa himpapawid at atmospera ng daigdig. 2. Depenisyong Pasanaysay -it ay isang uring depinsiyon ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-wili, makapangyarihan at makakapagpasigla kaya higit itong basahin ng mga bumabasa. -naglalahad at tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at kuru-kuro ng may-akda; isa sa pinakamadaling isulat sapagkat sariling opinyon lamang ito ng manunulat. Halimbawa: Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumusunod o sumasaway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating Malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban. Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng Diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating magaling -Ang Kalayaan Marcelo H. Del Pilar Pagsunod sa Panuto o Direksyon -ito ay isang uri ng eksposisyong nagbibigay direksyon sa isang paraan at ang karaniwang hakbang sa pagpapaliwanag ay ayon sa pagkasunod-sunod nito. >Paggamit ng krokis o mapa, ilustrasyon at senyas. MGA KATANGIAN NG ISANG PANUTO: Tiyak at malinaw ang panuto Angkop ang mga salitang ginamit Maikli ngunit mabisa ang paglalarawang ginawa Madaling maunawaan ang mga salitang ginamit BUOD/ LAGOM -pinakapayak na anyo ng paglalahad. -kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng akda. Tiyak, mabisa at mga payak na pangungusap lamang ang ginagamit upang medaling maunawaan. PAMANTAYAN SA PAGSUSULAT NG BUOD O LAGOM 1. Basahing mabuti ang buod akda upang maunawaan ang buong diwa nito. 2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata. 3. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain. 4. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

Halimbawa ng Buod: Mula nang si Maria Clara ay pumasok sa kumbento si Padre Damaso ay nanirahan sa Maynila. Samantalang si Padre Salvi ay nasa Maynila na rin at nag-aantay na lamang upang maging kura sa napakalayong lalawigan. Ito ay labis niyang dinamdam at kinbukasan siya ay natagpuang patay. May nagsasabi na apologeia ang sanhi at bangungot naman ang iba. Si Kapitan Tiyago naman ay nagging sugapa sa sugal at paghithit ng apiyan kaya namumulubi at nanlimahid. Si Donya Victorina ay nagdagdag ng mga pustisong kulot sa kanyang pusod. Ang doctor ay hindi na muling natawag upang manggamot. Si Linares ay namatay sa sakit na iti at sa masamang pakikitungo ni Donya Victorina. Ang mapanalong alperes na nagging Tenyenteng may gradong komandante ay umuwi sa Espanya at iniwan si Donya Consolacion na nanging lasengga at kinatakutan ng lahat. Si Maria Clara naman ay inakalang panatag na sa libingan. -Mula sa Buod ng Katapusang Kabanata ng Noli Me Tangere ULAT Ang pag-uulat ay isang bunga ng isinasagawang pagsasaliksik, pagsusuri, pag-aaral, pagbabasa, pakikinig, at pagsubok. Layunin nito makapagbigay ng mga mahalagang impormasyon at karampatang hakbang sa mga kaugnay na Gawain. Nagagawa ang pag-uulat sa iba t ibang larangan. Iminungkahi nina Hernandez, et al. (1989) ang mga patnubay sa paghahanda ng ulat upang maging kasiyasiya at kawili-wwili ito: 1. Pumili ng mahalaga at nababagong paksa na mkapag-tawag pansin ng mambabasa. 2. Takdaan ang saklaw ng paksang tatalakayin at iklian an lamang ito. 3. Magsaliksik at mangalap ng impormasyon. 4. Pagpasyahan kung aling kaalaman ang isasama. 5. Balngkasinang pagkakaayos ng mga kaalaman. 6. Gumamit ng pasimulang aakit ng interes ng babasa at makabuluhang pangwakas na pangungusap o talata. 7. Iwasto ang ulat maaring bawasan o dagdagan ito.

Halimbawa ng Ulat Panahon: Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na pangungulap ng kalangitan na may pag-uulan, mahina, hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilaga at hilagang- kanluran ang iiral at ang Look ngMaynila ay banayad hanggang sa katamtaman ang magiging pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperature ay mula 23 hanggang 32 antas ng sentigrado. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa natitirang bahagi ng Hilagang Luzon at ang baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay katamtaman hanggang sa maalon. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilaga at hilaganag-kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon na magiging mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa kanluran ang iiral sa ibang dako ng basa. Ang mga baybaying-dagat ay banayad sa katamtaman ang pag-aalon.Ang araw ay sisikat ganap na alas-5:59 ng umaga at lulubog bandang alas-5:24 ng hapon. - PAG-ASA (Mula sa Ulat Panahon ng Philippine Star Ngayon 19 Nobyembre 2004) ARGUMENTONG KOMPOSISYON layunin nito ang: -humikayat sa mga mambabasa -mang-impluwensya at patunayan ang isang pangyayari o bagay ng isang proposisyon -katibayang magpapatunay ng pangunahing pangangailangan at sa katibayang paghahanguan ng konklusyon. Ayon kina RUBIN, LORENZO, at MAG-ATAS (1987) Ang isang mahusay at mabisang argument ay iyong nagbibigay ng konklusyong nagsasalig sa katotohanan. Mga URI ng ARGUMENTONG KOMPOSISYON A. Argumentatibong Pabuod (INDUKTIVO) [Specific to general reasoning] B. Argumentatibong Pasaklaw(PEDAKTIVO) [General to specific reasoning] C. Talumpati -isinusulat ayon sa pakay ng bibigkas nito. Ito ay may lagging ipabatid sa mga tagapakinig.

You might also like