You are on page 1of 2

Ako, Batang Pilipino

Mula sa pagsilang, hanggang sa paglaki


Ang ama't ina ko, siyang nagkandili
Upang ako'y mabuhay ng matiwasay
Inalagaan, na ginto ang kapantay.

Ngayon akoy heto na at nag aaral


Ginagawa lahat upang masuklian
Kabutihan sa akin ng mga magulang
Pag aaral ko, pinagbubuting tunay.

Sa munting gawain ay tumutulong din


Upang magulang ko'y malugod sa akin
Pagkat ako daw ay kayamanang lubos
Na walang katapat, ligaya ang dulot.

Sa tuwina ay aking pinagdarasal


Mga magulang ko'y humaba pa ang buhay
Upang paglaki ko, sila'y masuklian
Sa pagtanda nila ako'y maging gabay.

Ako'y isang batang dugo'y makatao


Malinis ang isip, mapitagan ako
Sa lahat ng oras laging taas noo
Ito ako, Isang Batang Pilipino
Prepared by:

EUGENIA C. MAMUAD
Teacher

NOTED:

CONNIE B. TEODORO
Principal I

You might also like