You are on page 1of 36

FILIPINO

Panitikang Filipino sa Ibat ibang Panahon


Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at
panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nilay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula;
mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong
sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mgapanitikan ring nasulat sa
mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa
sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap
ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang
nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una aypamaksang
pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang
panrebolusyon.
(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa
mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya.
Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo,santa cruzan at tibag;
tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong
maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na
ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa isang
patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga
dulang duploat karagatan.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang
ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil
sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; angDoctrina
Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula
sa namay ang mga senakulo,Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-

Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga
himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa
wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga
Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin angcarillo o mga dulang puppet na yari sa
karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay angUrbana at Feliza ni
Padre Modesto de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637
ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina.
Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa
bansa ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.
(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop
ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at
nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila
at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng
mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi
na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.

Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon.


Nalathala

ang

mga

pahayagang

propagandista

na

pinangunahan

ng La

Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayongmatamo ang pagbabagong


kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya,
maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga
Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng ibat
ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapangalipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong
Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga
nobelangNoli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa
Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga
Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.

Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL),
Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio
Jacinto,Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
Pananakop ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging
tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang
mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino
sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang
mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng
mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging
mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang Banaag at Sikat at
nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata
ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na Huseng Batute; at si Jose dela Cruz na may
panulat-sagisag na Huseng Sisiw dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa
sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang
Walang Sugat at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami
pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng
mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre)
ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing angpelikula.
Dahil

sa

impluwensiyang

pangteknolohiyang

dala

ng

mga

Amerikano,

naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing


panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan
umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil

sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga
artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting
naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng
mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga
lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at
ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa
bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may
underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa
pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula
ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga
Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag
ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa
sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila.
Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903
angTanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang
itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa
tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon
at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang
paghihimagsik ng dulang Hindi Ako Patay na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa
ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Pananakop ng Hapon
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa
Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados

Unidos kayat sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat
na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman
sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na
nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang
panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong
sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na makafeministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na
5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na
taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa
kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang
pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa ibat ibang uri sa panahong ito
ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha atMga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni
Teodoro Agoncillo, Akoy Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba.
Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga
inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng
Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.

Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada 80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio
Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag samedia gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at
Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith
at Freddie Aguilar na naging laman ng mgajukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo
Ricky Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa
Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya
(tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks)
na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang
Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa
pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads
gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar.
Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng
iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads
dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting
kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong
Kabayo,Himala,Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa
Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina
Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong
melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang
TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda.
Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at
nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan
sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre
ng pelikula gaya ngindependent flims atcinema veritae film.

Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan,


magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kayay
programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology ang Internet. Dahil
sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na
bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa ibat ibang anyo at uri ng
panitikan gamit ang ibat ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga
universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga
kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi
magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat;
kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na
katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
P O ST ED B Y KAD IPAN
0 COMMENTS:
Post a Comment
Newer PostOlder PostHome
Subscribe to: Post Comments (Atom)
BLOG ARCHIVE

11 (2)

10 (35)

12 (3)

08 (13)

Si Kesa at si Morito Salin ni Lualhati Bautista Mu...

Mga Teoryang Pampanitikan

Kay Estella Zeehandelar (Panitikang Indonesian) Mu...

Panitikang Filipino sa Ibat ibang Panahon

Wika - katuturan, kahalagahan, katangian at antas

Ang Pinagmuln ng mga Wik ng Filipinas

Aral ni Herald Vergara

Kabanata XI: Los Baos

Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan

Kabanata IX: Ang mga Pilato

Kabanata VIII: Maligayang Pasko

Kabanata VII:Simoun

Kabanata VI: Si Basilio

07 (19)
POPULAR POSTS

Wika - katuturan, kahalagahan, katangian at antas

Katuturan Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na...
Panitikang Filipino sa Ibat ibang Panahon

Panahon ng Katutubo Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon
nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilip...
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo

1 Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init
ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang pu...
AANHIN NINO YAN? Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista

Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na
ang paay singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dah...
Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Klasismo/Klasisismo v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dal...
WIKA- Kahulugan at Pinagmulan

Wika Katuturan Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaa...
Pagislam: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

Ang Pagbibinyag ng mga Muslim (Sanaysay/Muslim) Salin mula sa Ingles ni Elvira B.


Estravo NANINIWALA ANG MGA Muslim na ang isang sanggol a...
Si Kesa at si Morito Salin ni Lualhati Bautista Mula sa "Rashomon" atbp. Pang
Kuwento Ni Ryunosuke Akutagawa

UNANG BAHAGI: MONOLOGO NI MORITO Sa pagkakatingin sa buwan habang nagiisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mgalagas na dahon sa makalab...
Tata Selo ni Rogelio Sikat

Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit
nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at ...
Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa ibat ibang kaligiran
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng ating
Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo ...
PAG E S

Home
ABOUT ME

KADI PAN
V IEW MY C O MPL ET E PRO FIL E
FOLLOWERS
FIRST LOVE

Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com


PAR A A N S A PAG B U B U O D N G B I N A S A N G T E K S TO O AK D A

1. Basahin nang may pag-unawa ang teksto. Alamin ang diwang hatid nito.
2. Habang bumabasa, isulat ang mahahalagang puntos. Pagkatapos, suriin ang mga itinalang
puntos.
3. Sariling pangungusap ang gamitin. Huwag magsama ng sariling kuro-kuro.
4. Ang mga bahaging maaaring magpahaba o magpalabo sa nilalaman ay nararapat baguhin.
5. Dapat tingnan kung naaayon sa orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

6. Basahing muli at lalo pang paikliin. Dapat ding itanim sa isip na lalong maikli ay lalong
mabuti, tiyakin lamang na naroon ang diwa.
Powered by Blogger.

PAS S W O R D
NAA A LA LA KO NOO NG DECE MBE R 22, 20 0 7 NA GT EXT SI Y A SA KI N.
TI NA TA NONG KU NG PWED E KA MI NG MA GKI TA . SU MA GOT A KO NG
" OO" . NA GKI TA KA MI SA MCDO SA MA Y SOU TH . NA U PO KA MI SA
D U LONG U PUA N, SA MA Y I BA BA NG AI RCON . NA GORD ER KA MI NG
F LOA T . MA Y BI NI GA Y SI YA NG PA PEL SA KI N. NA KA SU LA T DU N,
KU NG P Pananakop ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging
tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang
mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino
sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang
mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng
mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging
mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang Banaag at Sikat at
nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata
ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na Huseng Batute; at si Jose dela Cruz na may
panulat-sagisag na Huseng Sisiw dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa
sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang
Walang Sugat at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami
pang iba.

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng
mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre)
ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing angpelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano,
naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing
panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan
umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.
Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa
mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); untiunting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan
na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga
lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at
ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa
bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may
underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa
pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula
ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga
Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag
ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa
sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila.
Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903
angTanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang
itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa
tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon
at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang

paghihimagsik ng dulang Hindi Ako Patay na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa
ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Pananakop ng Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa


Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados
Unidos kayat sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat
na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman
sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na
nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang
panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong
sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na makafeministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na
5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na
taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa
kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang
pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa ibat ibang uri sa panahong ito
ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha atMga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni
Teodoro Agoncillo, Akoy Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba.

Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga
inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng
Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada 80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio
Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag samedia gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at
Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith
at Freddie Aguilar na naging laman ng mgajukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo
Ricky Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa
Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya
(tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks)
na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang
Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa
pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads
gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar.
Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng
iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads
dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting
kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong
Kabayo,Himala,Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa
Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina
Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong
melo-musika ng bansa.

Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang
TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda.
Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at
nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan
sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre
ng pelikula gaya ngindependent flims atcinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan,
magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kayay
programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology ang Internet. Dahil
sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na
bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa ibat ibang anyo at uri ng
panitikan gamit ang ibat ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga
universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga
kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi
magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat;
kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na
katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
P O ST ED B Y KAD IPAN
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa
atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng
Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio
Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang
kalagayang itoy naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga
Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng
pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang
pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.
MGA KATANGIAN NG PANITIKAN
1. Hangaring makamit ang kalayaan

2. Marubdob na pagmamahal sa bayan


3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
DIWANG NANAIG
1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan
MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO


1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete
noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900
3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT
1. Maka-Kastila0
2. Maka-Ingles
3. Maka-Tagalog
MGA DULANG IPINATIGIL
1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS sinulat ni Aurelio Tolentino
2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad

3. MALAYA ni Tomas Remegio


4. WALANG SUGAT ni Severino Reyes
A KA MI MA SY A DONG NA GU U SA P. BI H I RA NA LA NG KA SI MA LA Y O
NA SI Y http://pinoyfolktales.blogspot.com/2012/12/panitikan-sa-panahon-ngamerikano.htmlA .... :( PA G NA RI RI NI G KO A NG KA NTA NG FI RST LOV E
NAA A LA LA KO PA RI MGA SIKAT NA MANUNULAT:
Deogracias A. Rosario
Manunulat ng Maikling Kwento Panahon ng Amerikano
Deogracias A. Rosario
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Manila, si
Deogracias A. Rosario
ay ang Amang Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa.Isa nang manunulatsa gulang na
13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan
sabansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog
Genoveve matute
ay isang premyadong kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda ng aklat
sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang
pang-edukasyon.
Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang
mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento.Pinanganak si Lualhati
Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945.
Amado V. Hernandez
Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo
Manila.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa
pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa
mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay.
Macario Pineda
Ipinanganak si Pineda sa Malolos, Bulacan noong Abril 10, 1912 sa mag-asawang
Nicanor Pineda at Felisa de Guzman. Bata pa lang siya nang yumao ang kanyang ina,
at pinakasalan ng kanyang ama si Marcelina Alcaraz noong siya'y 13 taong gulang.
http://208500232771798456.weebly.com/manunulat.html

Paglalayag... sa Puso ng Isang Bata


Ni Genoveva Edroza-Matute
SI GENOVEVA Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na Aling Bebang, ay isa sa
pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor of
Secondary Education major in English, masters, at doctorate degree sa UST, si Aling
Bebang ay nagkamit ng ibat ibang parangal tulad ng Carlos Palanca Memorial Awards
for Literature, Gawad Cultural Center of the Philippines para sa Sining (Panitikan),
Republic Literary Awards ng National Commission for Culture and the Arts, at Lifetime
Achievement Award para sa Panitikan na ginawad ni dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo.
Ang sumusunod na kuwento ay base sa katauhan ng isang batang lalaki na naging
estudyante ni Matute dati. Nagwagi ang akdang ito ng Palanca noong 1955.
***
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaanngunit ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siyay hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng
Bataan. Sa akin, siyay mananatiling isang batang lalaking may kaliitan, may-kaitiman at
may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan
pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ilay nagdumali, ang ilay nagmabagal at ang
ilay nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kaniyang mukha at ang

kaniyang pangalan. Ngunit ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa
akin, isang araw, nang siya ang aking maging guro, at ako ang kanyang tinuruan.
Isa siya sa pinakamaliliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang
ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyoy mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang punto na nagpapakilalang siyay taga-ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa muntit pangit na batang ito, kahit sa simula
pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya hilingan nang gayon.
Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang
pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang
panlinis. Lihim ko siyang pinamamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan,
ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay ng upuan upang tingnan
kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng,
Goodbye, Teacher!
Sa simula, pinagtakhan ko ang kaniyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang
gumagawa nang tahimik at nag-iisaumiiwas sa iba. Paminsan-minsay nahuhuli ko
siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang agad ang kanyang paningin. Habang
tinatanaw ko siya tuwing hapon, pinakahuli sa kaniyang mga kasamahan, ay naiisip
kong alam na alam niya ang kaniyang kapangitan, ang kakatuwang paraan ng kanyang
pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtung-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay.
Payak ang mga katotohanan: siyay isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas
sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan
upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.
Isang mabagal na paraan: ang pag-akit na iyon sa kaniya at ang pagtiyak na siyay
mahalaga at sa kaniyay may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang
bahagi ng buhay ng bawat bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang
naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaay
naaamin ko sa sariling ang lahat nang iyoy aking kasalanan. Mainit noon ang aking
ulo,umagang-umaga pa. At ang hindi dapat gawin ay aking ginawa napatangay ako
sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang
iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa
kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko
ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit
at pagtiyak sa kanyang siyay mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyoy hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit
siyay nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin
ang mga iyon at upang itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat

upang ibili ako ng minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa
paglinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin
niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya nang kanyang kinamishasnan. Ngunit hindi
siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: Napopoot siya sa akin. Sa munti niyang pusoy kinapopootan niya ako ng
pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling
buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat
kawalan ng pagmamahal ay makadarama rin sa kawalan ko ng katarungan. Ngayoy
paalis na siya, ang naisip ko nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa
kaniyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon
upang magsabi ng, Goodbye, Teacher. Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang
mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulitulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At itoy sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking
sarili.
Bukas Marahil, kung pagpipilitan ko bukas
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng batay nakita ko sa pintuan. Ang mga
mata niyang nakipag-salubungan sa akiy may nagugulumihanang tingin. Goodbye,
Teacher, aniya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita ngayon. Ang
tangi kong nagugunitay ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting
batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon,
siya ang aking naging guro.

BAYAN KO
Jose Corazon de Jesus
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Ang tula ni alejandro abadilla na ako ang daigdig

I
Ako ang daigdig
ako ang tula
Ako ang daigdig
ang tula
Ako ang daigdig ng tula
ang tula ng daigdig
Ako ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
II
Ako ang daigdig ng tula
Ako ang tula mg daigdig
Ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig ng tula
Ako ang tula sa daigdig

ako angdaigdig ng tula


III
Ako ang damdaming malaya
Ako ang larawang buhay
Ako ang buhay na walang hanggan
Ako ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula ako
IV
Ako ang daigdig sa tula
Ako ang tula sa daigdig
Ako ang daigdig
Ako ang tula
daigdig
tula ako

PAG-IBIG
ni Jose Corazon de Jesus

Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!


Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!
Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.
Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!
Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,

Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,


Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan --Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!
Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!
Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!

Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas


Ang
Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas
(Ingles:
Commonwealth of the Philippines
; Kastila:
Mancomunidad de Filipinas
) ay angtawag pampulitika saPilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan
komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isangpook-insular na dikomonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados
Unidos.Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas,
magiging panahong pantrasisyunal ang Komonweltbilang paghahanda sa ganap na
kalayaan at soberanya na ipinangako sa
Philippine Autonomy Act
oBatas Jones. Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio
Osmea ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si ManuelRoxas ang naging huling
pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at
naging republikaang Pilipinas.
Panitikan sa Panahon ng Komonwelt:
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga
Amerikano nangdumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging
pangunahingipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na
makatang Pilipino nanagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila,
Tagalog at ibapang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles
noong 1910 dahil sa mgabagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga
oda
para kay Rizal; Claro M.Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga
talumpati
; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang
Banaag at Sikat at nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang
Makata ng Pag-ibig at may panulatsagisag na Huseng Batute; at si Jose dela Cruz na may panulat
-sagisag na
Huseng Sisiw
dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na
sumulat ng
imortal na dulang Walang Sugat at tinaguriang
Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunangnobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa
Ingles at maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga
fairy tale
sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong
Tomasites
sapagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (
genre
) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing

ang
pelikula
.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang
panitikan sabansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga
bodabil
na isang uri ng dulakung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa
sarsuwela
ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa
ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitangwalang tinig (
silent films
); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiliganna ng mga
Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at ibapang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng
pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mgakatutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at
ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa
bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahangHollywood film na may
underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sapamumuno ni
Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan)
namalateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin
naging mabilisang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag
ang hangad na paglaya ngbayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay
ng mga Amerikano ay alangang ihambing saipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin
nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano
at sedisyoso ayang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903

angTanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batasang Batangas habang itinatanghal ang dulang
ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin satulong ng isang mahusay na
manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino
ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang Hindi Ako Patay
na hindi na
nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN


Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Manuel L.
Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang
pambansa. Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3
nag nagsasaad na . . . . ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.
Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang ang
pagbabatayan ng wikang pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa
ng Batas Komonwelt 184. Ang mga miyembro ng lupon ay nagmula sa ibat iabng panig ng bansa.
Matapos ang matamang pag-aaral, lumabas sa rekomendasyon ng lupon na ang Tagalog and dapat
maging batayan ng wikang pambansa sapagkat ito ang nakatugon sa tatlong panukatan: (1) sinasalita at
nauunawaan ng nakararaming Pilipino, (2) may mayamang panitikang nasususlat at (3) wikang
sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon.

Ang Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas (Ingles: Philippine Commonwealth; Kastila: Mancomunidad


Filipina) ay ang tawag pampulitika saPilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt
ng Estados Unidosang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago
pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.
Ibinase sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong
pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako
sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmea ang ikalawang pangulo ng
komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt
noong 1946 at naging Republika ang Pilipinas.

PANAHON
MALASARILING
ng
PAMAHALAAN
Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni
Pang. Manuel L. Quezon
Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV,
Pangkat 3
Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung
aling wikang katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa at ang
lupon ay kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas
Komonwelt 184.
(1) sinasalita at nauunawaan ng nakararaming Pilipino, (2) may mayamang
panitikang nasususlat at (3) wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng
pamahalaan, komersyo at edukasyon.

Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung
hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit
na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng laying lumipad ay nasiyahan na muna sa palipadlipad sa labas sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa malayo.
Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa
galamay ng kaisa-isang paksang maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay ang pagpurit
pagbibigay- karangalan sa kanilang relihiyong Kristiyanismo.
Kahit na nga silay ginapusan ng bagong panginoon ng mahigpit na tanikala ng batas ng sedisyon.
Makakasulat sila ng tungkol sa kahit na ano, lao na ang tungkol sa pang-aabusot pananampalasan
ng kanilang mga dating panginoon, ang mga Kastila.
Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig
ng kahit na angong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi
sila maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa
kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
Mahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan; (b)
Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.

A.Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan


Sa tanglaw ng kasaysayan ay higit ngayong maliwanag ang pagsususri sa mga naganap nang

panahong iyon. Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit katakatakang may malaking balakid
na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan. Unang- una, dapat na sumibol na uri ng
panitikan sa panahing iyon ay nakukulayan ng nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling
kalinangan, panitikan at wika.
Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga paghihimagsik
tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino.
Subalit dahil nga sa batas ng sedisyon at dahil sa pangangalaga ng mga Amerikano sa sarili nating
kapakanan at sa katuparan ng kanilang mga mkasariling layunin, naiba ang takbo ng panitikan.

B. Ang Romantisismo sa Panitikan.


Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa
kanilang lahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. Ito an uring
nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran--- lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko,
sadyang sumusumang sa hindi kayayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at
kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng
tungkol sa kalayaang sarili.
Masasabing bagaman dinampot ng panikiang Pilipino ang romantisismong banyaga ay hindi naman
lubus-lubusan. Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang hiniram na
katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino.
Talakayin natin ang mga katangiang romantiko na napaloob sa mga pampanitikang sulatin noon.
Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksang pag-ibig. Sa tuwi- tuwina,
binibihisan lamang ng ibat ibang anyot kulay, itoy tungkol sap ag-iibigan ng isang mahirap at isang
mayaman.
Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga
Kuwentong Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925- 1935. Itoy tinipon at
ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla.

Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga
lalawigan, lalo na sa malalayong nayon. Sa isang tagalunsod na mambabasa, itoy tila ba isang
pagganyak na iwan ang buhay na iyon at lasapin ang sarap ng buhay sa piling ng mga bukiring
namamango sa hinog na palay at kalabaw sa ilalim ng punong mangga: ngangasab- ngasab at
kontentong- kontento.
Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian o iyong
tinatawag na mga romantikong bayani.
Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga
ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwinay ikinikintal sa ispan na ang masamay
pinarurusahan at ang mabutiy tumatanggap ng karampatang gantimpala.
C.

Mga Samahan ng mga Manunulat

Mahahati ang panahng ito batay sa mga itinatag na mg asamahan ng mga manunulat noong. Ang
Aklatang- Bayan (1900- 1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934).

Panbahon ng Aklatang Bayan (1900- 1921)


Ang Pasingaw at Dagli
Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutuntong na nagsupling sa
anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Itoy kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan,
nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang
kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking
manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa kaselanan ng mga paksang
tinatalakay.
Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang maikling
salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan
Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa ngang sa lahat ng
panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo

Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga


isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na
mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon.

Ang mga Manunulat ng Panahon:

Jose Corazon de Jesus- ang Makata ng Puso ang siyang higit sa kaninoman ay
nkamana ng koronat setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman
magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit anong panahon kung
hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng Batute, ang Makata ng Puso.

Lope K. Santos ang Makata ng Buhay sa kaniyang mga tula, mababakas ang
pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na
iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santo
sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at fi pansing mga bagay. Hindi rin
lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga
kuwentong tula na hango sa mga katutubng salawikain

Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid.


Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipuang
feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa bayan.

Iigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag
ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula
malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagaybagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.

Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit


niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.

Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista,


mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
hanggang sa mamatay sa taong 1947.

Nobela
Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil- kawil na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
Ang mga kawil- kawil na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman ng isang tiyak na
pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman sa isang tiyak na balangkas. Ang pinkapangunahing
sangkap ay ang mahigpitang pagtutunggali ng mga hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba pang
mga tauhang may iba naming hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba pang mg atauhang may
iba naming hangarin.
Masasabing ang nobela ay unang ganap na nakakita ng liwanag sa pagsisimula ng panahon ng
Aklatang- Bayan, 1900. Sa loob ng panahong ito na sumasakop sa loob ng dalawampung taon,
mahigit na limampung nobela ang nasulat at halos lahat ng ito ay orihuinal ng may-akda at hindi
hango sa mga kathambuhay na Ingles at Kastila.
Ang Dula at Dulaan
Salawang uri ng paghihimagsik ang ipinamals ng mga mansusula sa kanilang mga sinula. Ang unay
paghihimagsik sa kalupitan at pagmamalabis ng mga KAstila. Ito ang uri ng pinakamakabayang
hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa
pamamagitan ng panulat laban sa pamahalaang Amerikano.
Mga Manunulat ng Dula

Severino Reyes (1861- 1942). Taong 1902 nang simulan niyang mag-ukol ng panahon para
sa pagsulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para sa kaniya, ang moro- moro o comedia
ay walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga manonood kayat pinagsikapan
niyang itoy palitan ng inaakala niyang higit na mapagkukunan ng aral at karikitan ng
sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng dulang tagalog,
ang sarsuwela, wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-akda ng pamosong
Walang Sugat.

Patricio Mariano( 1877- 1935). Siya ay nakapag-ambag na sa ibat ibang larangan ng


panitikang Pilipino. Siyay kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa
pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin
mula sa wikang Kastila.

Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa pagtangkilik ng


dakilang Sinse ng Panginay na si Francisco Balagtas Baltazar. Ang kaunaunahang
balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong 1924, ang mga
nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.

Balagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw.
May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng
pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.

Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na
pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat
na Huseng Batute.

Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro


Bukaneg na itinuturing na Ama ng Panulaang Ilocano. Kahawig ito ng Balagtasa at
Batutian ng mga Tagalog.

Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto,


ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan at Batutian
ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilokano.

Panahon ng Ilaw at Panitik


Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magsaing Liwayway noong 1922. Itoy
nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito.
Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing Liwayway ay nagdulot ng
si gaanong pampasigla sa panitikan. Janggang sa sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili
sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula.
Ang Panahon ng Ilaw at Panitik aynagwakas sa taong 1932, sa pagkakaatag ng Panitikan, isang
kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino.
Katangian ng Pampanitkan
Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring

kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig.
Namayani pa rin ang romantisismo bagamt masasabing may mga manunulat ng nagkaroon ng pagiisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat ang
pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon.
Maikling katha
Masasbi na ring masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa
maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni
Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng pagpili sa mga akdang sa palag niyay pinakamagagaling na
katha ng mga buwan at taon.
Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala niyang pinakamahusay
na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang
mga manunulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay dahilan upang paghusayin ang
pamamaraan ng kanilang pagsulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan
upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na hindi naman
pawang sa pag-ibig.
Ang Tula
Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga
sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.
Ang mga Makata:

Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad ng
tunatawag na kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang ibat ibang
bahagi ng buhay: tao, makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.

Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siyay isang makata,
mandudula, kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang
Pambansa.

Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang makata ang kariktan ng kaniyang mga
pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag.

Ang Nobela
Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa
mga nobelista na makapaglathala ng pagyuyugto- yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil sa
mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng gantimpala sa mga marikit na maikling katha ng taon, hindi
gaanong naging masigla ang pagtanggap sa mga nobela.
Ang Dula
Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarsuwela noong unang taon
ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang- Bayan ay siya naming panlalamig nila sa panahon ng
Ilaw at Panitik. Hindi masisi ang mga mandudula sa panahong ito sapagkat ginawa nila ang
makakaya upang mapanatili ang sigla ng mga dula. Subalit sadyang ang pagbabagoy dala ng
panahon.

C. Panahon ng Malasariling Pamahalaan


Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga
Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling
Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang Ama
ng Wikang Pambansa. Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas
sa panahong ito.
.
Ang Maikling Katha
Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng nagpapabukod- tango sa
mga maiikling kathang nasulat sa panahong iyon. Ganap nang nababakas ang tinatawag na katipian
sa larangan ng paglalarawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon
din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring gumamit ng mga
panauhan sa kuwento
Ang Tula
Ang panahong ito ay ay pinaging makulay ng tintawag na paghihimagsik ni Alejandro Abadilla. Sa
biglang tingin, ang pinaghimagsikan ni Abadilla ay ang porma t hitsura ng tula lalong- lalo na ang
kanyuang nagtataglay ng sukat at tugma subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito.
Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng magandang panualan.
Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim
na guniguni. Ang tulay nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na
tumatalunton sa mga bundok at kapatagan at ang ibinungay magkahalong katuwaan at pag-aagamagam sa sambayanang mahilig tumula.

Ang Dula
Bunga ng mga kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng panitikan ng mga
sumunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng pagkakataon ang
pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galling sa Amerika at ganap na narahuyo ang
mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula.
Ang Nobela
Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang
taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon sin ang panlulupaypay at halos paglalaho nito
nang sumunod na panahon.

http://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-amerikano.html
Sanggunian:

Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).Panitikan sa Pilipinas. Rex Bookstore.Lungsod ng


Quezon.

You might also like