You are on page 1of 26

PANANALIKSIK SA ILANG MAMAYAN UKOL SA PROGRAMANG

PANGKALUSUGAN NI
GOBERNODORA CORAZON N. MALANYAON

Isang Pamanahonng-Papel na Inaharap sa Kagawaran ng


Departamento ng Filipino sa Pamantasan ng
Governor Generoso Colegge of Arts Sciences and Technology

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Assignaturang Filipino 2

Marso 2009
i

PASASALAMAT
Buong puso naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na
indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na
naghantong sa matagumpay na pagbuo sa pamanahong-papel na ito:
- Kay Binibining Leslie Pao ang aming guro sa Filipino 2 na siyang
nag bigay sa amin ng pagkakataon na makagawa ng isang
pamanahong-papel sa isang madaling paraan dahil ibinigay niya sa
amin ang kung ano mang kanyang maitulong para mabuo namin ito.
- Sa aming mga magulang na walang sawang tumulong sa amin
maging sa pinansyal man na aspeto upang matapos namin ng mas
maaga ang aming proyekto at siyempre sa pagpapatnubay narin sa
mga dapat naming gawin upang makalapit sa mga respondente.
- Sa mga awtor ng mga pinagkunan naming datos mula internet at
ilang pahayagan na nakatala rin sa internet, maraming salamat po sa
inyo dahil ang inyong mga artikulo ay nakatulong ng labis sa amin.
- Sa aming mga respondente na hindi kami tinanggihan sa paghingi
namin ng tulong sa kanila, sa pagsagot sa aming mga katanungan at
sa pagbabahagi ng kani-kanilang mga buhay.
- Sa Poong Maykapal na nagbigay liwanag sa bawat hakbang na
aming ginawa, na natapos namin ang pananaliksik na walang di
magandang nangyari sa amin.
Muli maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.
-Mga Mananaliksik

ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang
Filipino 2, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Pananaliksik sa
Ilang Mamayan Ukol sa programang Pangkalusugan ni Gobernador Corazon
N. Malanyaon ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula
sa isang grupo ng ng mag-aaral sa Filipino 2 na binubuo nina:

JAYSON DIJON

LOUIE MABANAG

IMEE BAQUIRAN

Tinanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng


Governor Generoso College of Arts Sciences and Technology, bilang isa sa
mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2.

Bb. LESLIE PAO


Instructor

iii

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 1


1. Introduksyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 1
2. Layunin ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 2
3. Kahalagahan ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 2
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 3
5. Depinasyon ng mga Terminolohiya - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 3
Kabanata II, Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura - - - - - - - - - - - - - 4
1. Ang Pandaigdigang pagtitipon ng
Mamamayan at Ang Charter - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 4
2. 10 Pinoy Namamatay Bawat Oras
Dahil sa Paninigarilyo - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
1. Disenyo ng Pananaliksik - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
2. Mga Respondente- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
3. Instrumentong Pananaliksik- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
4. Tritment ng mga Datos - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 7

iv

KABANATA IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos - - - - - - 13


KABANATA V, Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon - - - - - - - - - - - 15
Lagom - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15
Konklusyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15
Rekomendasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -16
Listahan ng mga Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17
Apendiks - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 18

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Intoduksyon

Dulot ng ibat-ibang karamdaman na lumalabas ngayon dala narin ng


mga bakteryang di-makontrol na nakapaligid lang sa atin. Ang pagkakasakit
ang pinakaproblemang haharapin ng mga tao sapagkat ito ay maaring
ikamamatay kapag hindi agad maagapan ng tamang lunas.
Kung ating pakasusuriing mabuti, hindi namimili ng tao ang mga sakit
dahil kahit mga promenenting tao sa ating bansa at maging sa ibayong dagat
na mayroong milyon-milyong salapi ay dinadapuan din ng karamdaman.
Ngunit ang mas malala nito ay kung ang mga maralitang tao o wala ni
singkong halaga ng kayamanan ang magkasait ay talagang mahihirapan, at
mas lalo pang nagpapahirap ang mga gamut na matagal pa ngang umipekto ay
mahal pa ang presyo.
Ang pagkakasakit ay maaring makakapaghinto sa ano mang simpleng
trabaho ng tao, o di kaya ay makakagulo sa pag-aaral ng mga estudyante, na
ang sakit ang magiging dahilan na hindi na makakapagpapatuoy ng pag-aaral
ang isang mag-aaral. Kaya kalusugan natin ay dapat bigyang pansin.

Layunin ng Pag-aaaral
Ang pamanahong-papael na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga
pahayag ng mga respondente hinggil sa programang pangkalusugan na
libring PhilHealth ni Gobernadora Corazon N. Malanyaon at naglalayong
matugunan ang maga sumunod na mga katanungan:
1. Natugunan ba ng programang pangkalusugan ang pangangailangan
ng tao hinggil sa pangkalusugang aspeto?
2. Anong sakit ang karaniwang dumadapo sa mga respondente?
At ito ba ay napag-ukolang pansin ng pamahalaang lokal?
3. Epiktibo ba ang libring Phil-Health ng mahal na Gobernadora?
4. Sapat ba ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga taong
nagkakasakit?

2. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay maghalaga gawa ng ibat-ibang kadahilanan:
Una, matatala saa pag-aaral na ito ang ano mang kaalaman, hinuha, at
damdamin ng mga respondente sa kung ano ang nangyari sa programa ng ina
ng probinsya.
Ikalawa, makakatulong ito ng malaki sa lahat ng tao sa ating probinsya
upang maiparating sa pamahalaang lokal ng Davao Oriental o sa kung saan
man, maging sa mga pribadong organisasyon na naglalayong maibaba ang
prorsyento ng mga taong nagkakasakit sa kung ano mang gusting ipaabot ng
mga na interbyu o mga respondente.
Ikatlo, ang pag-aaral ding ito ay maaring makakatulong sa ibang
mananaliksik upang magamit nila bilang panibagong mga datos o
impormasyion sa kanilang isinasagawang pag-aaral.
2

3. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng kaalaman, hinuha,
at damdamin ng ilang mamayan ukol sa programang pangkalusugan ni
Gobernadora Corazon N. Malanyaon. Saklaw nito ang ilang mamayan na
nakatira sa Municipalidad ng Governor Generoso, Probinsya ng Davao
Oriental.
Malimitahan ng Pag-aaral na ito sa mga mamayan ng Governor
Generoso dahil sila ang pinakamalapit na respondenting makatugon sa
pangangailangan ng pananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na isa
ito sa pinakamagandang pag-aralan sa panahon na ito dulot narin ng
dumaraming taong namamatay dahil sa ibat-ibang karamdaman na taoy wala
man lang kalaban-laban.

4. Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang mas maging mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga
mambabasa. Nirarapat lamang naming bigyan ng depinasyon ang mga
sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa
pamanahong-papel na ito.
PhilHealth isang libring programa ng probinsya ng Davao
Oriental sa pamumuno ni Gobernadora Corazon N. Malanyaon
ukol sa pangalusugang aspeto.
Kalusugan ang pinaka-iingatan ng tao sa kanyang katawan dahil
ito lang ang pinakaouhunan ng tao sa pang-araw-araw na gawain.
DOH Department of Health, sangay ng pamahalaan na naatasan sa
pangkalusugang aspeto ng tao.
3

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang Pandaigdigang pagtitipon ng Mamamayan at Ang Charter
Ang kaisipan at pinagmulan ng Peoples Health Assembly ay pinag-usapan na
ng mahigit pa sa isang dekada. Mula noong 1998 malaking mga organisasyon
ang naglunsad ng mga nagging proseso ng PHA at nagsimulang magplano ng
isang malakawang pagtitipon. Ito ay ginanap sa Bangladesh noong Disyembre
2000. Sumunod dito ang malawak na bago at pagkatapos ng pagtitipon na
mga gawain tulad ng pangrehiyong workshops, ang pangongolekta ng mga
kasaysayan ng mga mamayan at ang sinimulan balangkasin at isulat ang
PeoplesCharter For Health.
Ang kasalukuyang charter ay nagmula sa mga kaisipan, adhikain at saloobin
ng mga mamamayan at mga kilusan sa buong mundo at unang inaprubahan at
ipinahayag sa Pagtitipion sa Savar Bangladesh noong Disyembre 2000.
Ang charter na ito ay salamin o paglalahad ng pagkakaisa sa mga isyu, sa mga
adhikain/tunguhin para sa isang mas mahusay, mas malusog na mundo. Ito rin
ang tinig ng mamamayan para sa masaklaw na pagbabago. Ito ay isang
sandata para sa pagpapalaganap at sentrong pagkakaisa ng mga kilusang
pangkalusugan sa daigdig sa pagpaparami at pagpapalaganap ng mga
samahan at networks na maaring mabuo
Ang bawat isa, mga samahan o organisasyon ay malugod na tinatawagan na
makilahok sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kilusan para sa kalusugan.
Inaanyayahan ang lahat na ipalaganap at isakatuparan ang Peoples Charter
for Health!

10 Pinoy Namamatay Bawat Oras Dahil sa Paninigarilyo


Nakakatakot ang sinabi ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) na 10 Pilipino ang namamatay bawat oras dahil sa
paninigarilyo. Ibat ibang sakit ang nakukuha sa paninigarilyo at nangunguna
na ang cancer sa baga at lalamunan. At ang sabi ng DSWD, bukod sa sakit na
nakukuha sa paninigarilyo, ang pagiging sugapa sa sigarilyo ang nagiging
dahilan para mabawasan ang perang panggastos sana ng pamilya. Sa halip na
ang perang pambili ng pagkain para sa mag-anak ay naaagaw pa ng bisyong
paninigarilyo. Yosi na muna ang unahin at saka na ang pagkain. Hindi kayang
pigilan ang sarili na tumigil sa masamang bisyo kaya ang pamilya ang
sinasakripisyo.
Mahigit 60 percent ang mga lalaking Pinoy na naninigarilyo sa
kasalukuyan at karamihan sa mga ito ay kabilang sa mga nagdarahop ang
buhay. Ang masakit pa, nadadamay ang mga miyembro ng pamilya sa sakit na
nakukuha sa paninigarilyo. Ang segunda-manong usok ang nagbibigay ng
sakit sa mga kasamahan sa bahay lalo na ang mga bata. Kung ang isang ama
ay chain smoker o umuubos ng dalawang kahang sigarilyo sa maghapon,
nalalanghap ng mga kasama sa bahay ang ibinugang usok mula sa sigarilyo.
Kaya sariling pamilya ang pinapatay ng mga naninigarilyo. Sa pagkalulong sa
bisyo, kasama ni- lang isinasama sa hukay ang kanilang kapamilya.
Sabi ng Department of Health (DOH) hindi epektibo ang hakbang ng
pamahalaan na taasan ng buwis ang sigarilyo. Paano raw kung mag-switch sa
murang sigarilyo ang mga addict na sa bisyong ito? Wala raw silbi ang
pagpapataw nang mataas na buwis sa sigarilyo.
Ganoon man, wala namang maibigay na konkretong paraan ang DOH
para mabawasan ang pagdami ng mga naninigarilyo sa bansa. Patuloy pa rin
ang paninigarilyo at pabata nang pabata ang nalululong sa bisyo. Wala rin
namang ngipin ang batas na nagbabawal magbenta ng sigarilyo sa mga
menor-de-edad. Ang Pilipinas ayon sa DOH ay isa sa mga bansa sa buong
mundo na marami ang naninigarilyo. Panglima umano ang Pilipinas kung
saan ang mga naninigarilyo ay may edad-15 pataas.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at ihayag ang
kaalaman, hinuha at damdamin ng ilang mamayan ukol sa programang
pangkalusugan na libring PhilHealth ni Gobernadora Corazon N. Malanyaon.

2. Mga Respondente
Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay ang ilang mamayan
ng Governor Generoso. Pumili ang mga mananaliksik ng limang (5)
indibidwal mula sa libo-libong nakatira dito. Pinili ng mga mananaliksik ang
mga respondenting ito sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at naisip ng
mga mananaliksik na maapagbibigay sila ng kaululang impormasyon.
3. Instrumentong Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam o
pag iiunterbyu sa mga respondente. Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng
gabay na mga katanungan na naglalayong makapangalap ng datos upang
mailarawan at maihayag ang kaalaman, hinuha, at damadamin ng mga
respondente sa programang pangkalusugan na libring PhilHealth ni
Gobernadora Corazon N. Malanyaon.
6

Nagsagawa rin ng pangangalap ng impormasyon ang mga mananalisik


sa health center ng isang barangay at municipyo kumuha rin ang mga
mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
4. Tritment ng Datos
Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral para sa
amin na mga mananaliksik kayat walang ginawang pagtatangkan ang mga
mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan
ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Hinuha o damdamin
lamang ngmga responding tumugon sa bawat katanungan sa panayam ng mga
mananaliksik. Samakatwid, ang pag-aalam o paglalarawan ang kinakailangan
ng mga mananaliksik. Dahil lima (5) lang ang respondente mas madali para sa
mga mananaliksik ang pagkuha ng datos sa kaalaman, hinuha, at damdamin
ng ilang mamayan ukol sa programang pangkalusugan na libreng PhilHealth
ni Gobernadora Corazon N. Malanyaon.

Interviewee 1: Recto Camlayan


Ang aming unang nakapanayam ay ang pamilyang Camlayan na
kasalukuyang naninirahan sa Barangay Oregon, Governor Generoso, Davao
Oriental. Sila ay mayroong anim na mga anak. Ang aming nakausap ay si
Ginoong Recto Camlayan na nasa 42 taong gulang na. isa siya sa nabibiyaan
na mabigyan ng libring PhilHealth Card. Ang kanyang pinakamaliit na anak
ay 6 na taong gulang pa lang. Sila ay mahirap lamang at sapat lang ang
kinikita sa kinakain nila sa araw-araw.
Naitanong namin sa kanya kung hindi ba agad-agad na nadadapuan ng
sakit ang kaniyang mga anak, agad naman niyang naisambit na hindi naman
natin maiiwasan na magkasakit ang tao ngunit sa awa ng Diyos malimit lang
namang nagkasakit ang aking pamilya dahil narin ciguro sa maingat naming
7

pag-aalaga sa kanila, palagi ko rin silang nauutosan na maglinis ng paligid


para makaiwas sa sakit at nagawa nama nila iyon.
Naitanong rin namin kung nag karoon na ba ng sakuna sa kanilang
pamilya na nagpapaalala sa kaniya ng lubos at ayon kay mang Recto bago
lang nangyari itong sasabihin ko na sa inyo nagkasakit ang aking bunsong
anak na si John Paul, e di ko nga alam kung anong sakit iyon bastat nadala
namin siya sa hospital at nanatili sya doon ng ilang araw at grabe ang gastos
kasi nga malayo-layo rin tong lugar naming sa hospital, isang taong ngay
namamasahe pa ngtig anim na pong piso kada biyahe, e hindi naman pwedi
na mag isa lang na pumunta ang aking bunsa sa hospital kaya tatlo kaming
pumunta doon kaya pamasahe palang ng sasakyan uubusin n gaming pera
mabuti nalang at naka hingi ako ng tulong sa mga opisyales n gaming
barangay at nabigyan naman kami kahit kaunti. Dahil na sa nanatili ang
aking bunsong anak sa hospital ng ilang araw ay kailangan pa naming
bumili ng makakain at syempre yong gamut ng bata, ang nakakatawa ay
muntik na naming nalimutan na mayroon pala kaming PhilHealth card na
ibinigay ng gobyerno na siyang nakatulng ng malaki sa amin na mabawasan
ang gastusun habang nasa hospital.
Nasambit narin naming sa kanila kung ano ang kanilang nararamdaman
na nabigyan sila ng tulong ng pobinsya at ang sabi lang niya sa amin ay,
isang malaki kung pasasalamat kay Gov. na natulungan niya kami Ngunit
sana hindi lang sa kami ang makinabang nito dahil marami pang katulad
namin na nangangailangan ng ganitong tulong. At sana maisip nila na hindi
lang pangkalusugan ang kailangan namin dahil nangangailangan din kami
ng permeneting trabaho dito.
Sa ngayon ay bumalik na sa magandang lagay ang kanilang anak at
tulad ng kanilang nasabi ay malaki nga ang kanilang pasasalamat subalit
ipinapaabot rin nila na mabigyang ng magandang pangkabuhayan.
Interviewee 2: Lydia Gallego
Ang aming ikalawang nakapanayam ay ang pamilyang Galego na
naninirahan sa Purok 7, Poblacion sigaboy, Governor Generoso, Davao
8

Oriental at ang ina ng tahanan an gaming nakausap na si Ginang Lydia


Gallego. Sila ay may limang anak, ang panganay ay si Jeboy na nag-aaral sa
pangalawag taon ng sekondarya, ang pangalawa ay si Langging na nasa
unang taon ng sekondarya, ikatlo si Jerik na magtatapos palang ng
elementarya, ang sumunod naman ay nasa pangaawang taon ng elementarya
na si Erica, at ang bunso na si Nio na nag-aaral ng Day Care. Sila ay may
kaunting negosyo na kanilang itinataguyod.
Amin naitanong sa kanila kung anong kadalasang sakit ang dumadap
sakinlang pamilya at sambit niya ay kadalasan napapansin kung pananakit
ng katawan ang pero natural na iyon sa amin dahil sa may maliit kaming
negosyo ngunit nariyan ang lagnat na umaatake sa amin, kadalasan nga ang
aking bunsong anak ang nagkakasakit nito siguro dahil narin sa kalikutan ng
batang iyan pero hindi naman ito nagtatagal at nawawala na hindi rin
naman pabalik-balik ang kanyang lagnat.
Naitanong rin namin kung nag karoon na ba ng sakuna sa kanilang
pamilya na nagpapaalala sa kaniya ng lubos at ayon kay at ayon kay ate Lydia
naalala ko noon na sinabihan na kami ng doctor na pa operahan ang bibig
ng aking anak na si Jeboy noong maliit pa siya dahil sa lumalaki ito at
namamaga, wala pa kaming negosyo noon kayaq labis kaming nahihirapan
wala naman kaming mga health insurance na makakatulong sa amin sa
panahong iyon kaya kung kani-kaninong kamag-anak na ako lumalapit para
mang hiram ng pera, Ngunit sa awa ng Diyos ay hindi natuloy ang operasyon
dahil unti-unting gumagaling ang aking anak.
Naidagdag naming tanong sa kanya ay kung hindi ba siya naka sali sa
pamigayan ng libring PhilHealth Card mula sa pamahalaang probinsya ng
Davao Oriental sa pamumun ni Gobernadora Corazon N. Malanyaon at ang
nasabi niya sa amin ay, wala, hindi kami nabigyan dahil sa mayroon na
kami niyan at hindi na namin nabayaran dahil sa kahirapan at ayon pa nga
ay hindi na pweding mabigyan ang indibidwal na meron na ng PhilHealth
Card, kaya wala kaming nagawa.
Para kay ate Lydia, mayroon ngang programa ang gobyerno ay
nakakatulong lang naman ito sa iilang tao tao lamang, dahil tulad nila hindi
sila naka sqali sa programang iyon dahil hindi rin nakita ng pamahalaan ang
ibang aspeto ng buhay.
9

Interviewee 3: Mercelyn Beting


Ang aming ikatlong nakapanayam ay si Ginang Mercelyn Beting
tatlomput-isang taong gulang isang secretarya sa barangay Oregon at may isa
lamang na anak na limang taon palang na nag aaral sa Day Care. Isa si ate
elen sa nabuhusan ng programa ni Gobernador Corazon N. Malanyaon. Nag
sumikap lang din sya sa pagtatrabaho kasama ang kanyang asawa sa para
makayanan ang kahirapan at para masuportahan ang kanilang anak.
Naitanong namin kay ate elen kung kumusta ang kalusugang kanilang
pamilya at kung madalas ba silang dinadapuan ng karamdaman at ayon
naman sa kanya mabuti naman ang kalusugan ng aking nag-iisang anak at
maayos din naman ako lalo na ang aking asawa. Isinambit na rin niya na
ang totoo iniwasan kong magkasakit kasi nga mahirap magkasakit, masakit
sa katawan at antala sa trabaho pero itong anak ko di maiwasang magsakit
dahil napaka kulit ng bata. Amin ding naitanong kung may nangyayari na
banga sakuina sa kanilang pamilay at ang sagot niya ay ito, sa ngayon wala
naman at sana di yan mangyari sa amin, di naman kasi gaaning nagkakasakit
ang aking nag-iisang anak.
Sa aming sumunod na katanungan kung napasali ba sya sa bigaya ng
Phil-Health Card ni Gobernadora at kung ano ang gusto niyang iparating sa
pamahalaan ng Probinsya ito ang isinagot niya sa amin, aba oo, dapat lang
na mabigyan ako dahil isa ako sa nag asikaso ng programang ito dirto sa
barangay. Barangay secretary kasi ako kaya nagka ganun. At ang sa akin
lang sana ituloy-tuloy ng Gobernadora ang proyekto nyang ito dahil marami
din naman syang natutulungan at sana mas pagandahin pa lalo ang
programang ito. Gusto kong magpasalamat sa mahal na Gobernadora dahil
binigyan nya kami nang pan depensda sa kuing ano mang maaring mangyari
sa aming kalugusan, ang Phil-Health Card na ito ay makakatulong ng malaki
sa amin.

10

Interviewee 4: Jenebeth Tuyor


Ang aming pang-apat na nakapanayam ay si Binibining Jenebeth
Tuyor na dalawamput-siyam na taong gulang pa lang at mayroon ng
dalawang anak ngunit walang asawa. Siya ay nakatira ngayon sa Tibanban,
Governor Generoso, Davao Oriental. At nagtayo ng maliit na negosyo para
maisalba ang kahirapan ng mag-ina.
Sa aming unang katanungan kung kumusta ang kalusugan ng kanilang
pamilya at kung madalas bang dinadapuan ng sakit ang mag-ina, ito ang
kanyang isinagot sa amin mabuti naman kaya lang nahihirapan ako pag
magkasakit ang akin mga anak dahil sa ako lang ang mag-iisang nag-aalaga
sa aking mga anak dahil sa wala ang kanilang ama at well hindi rin kasi
maiiwasan na magkasakit lalo na ang aking mga anak dahil palaging nagaaway ang dalawa pero hini naman masyadong malala pag nagkasakit sila,
malulusog di naman ang mga bata
Tinanong rin namin siya kung may mga sakuna na bang nangyari sa
kanilang mag-ina at kung nakakuha ba siya ng Phil-Health Card galing sa
Pamahalaang pamprobinsya at isinambit niyang Wala akong naisip eh. Ah
wala pa naman pala talagang nangyaring sakuna sa aming mag-ina at sa
kasamaang palad hindi ako nakakuha ng libreng Phil-Health Card ni Gov.
kasi nga hindi ako kasal at kung kukuha man ako eh hindi ko rin naman
masasali ang aking mga anak bilang binipisyari kaya naman tinanong ko
siya kung ano ang gusto niyang iparating sa pamahalaan ng probinsya at
gusto niyang ipaabot na gusto ko sanang iparating na sana kung gagawa
man sila ng ganyang uri ng programa isipin din nila ang mga katulad,
mahirap din naman kami at mas nahihirapan dahil ako lang ang nag-iisang
nag-aalaga sa aking mga anak

11

Interviewee 5: Jobelle Ann Alcano


Ang aming pang-lima na nakapanayam ay si Binibining Jobelle Ann
Alcano na dalawampong taong gulang pa lang at nag-aaral sa Governor
Generoso College of Arts Sciences and Technology na nakatira sa Sigaboy,
Generoso, Davao Oriental. Siya ay anak nina Mirafel Alcano (39) and Samuel
Alcano (43).
Sa aming unang katanungan kung kumusta ang kalusugan ng kanilang
pamilya at kung madalas bang dinadapuan ng sakit ang mag-ina, ito ang
kanyang isinagot sa amin Ah mabuti naman, ako nga ang sakitin eh.hehehe
at hindi naman kasi nag-iingat naman ako pati na aking mga kasama sa
bahay, pero hindi maiiwasan na minsan nagkakasakit talaga, tao lang eh.
Tinanong rin namin siya kung may mga sakuna na bang nangyari sa
kanilang mag-ina at kung nakakuha ba siya ng Phil-Health Card galing sa
Pamahalaang pamprobinsya at isinambit niyang matigas to noh, wala pa
naman nangyaring sakuna sa aming pamilya at lalo na sa akin bata pa ako
no at well, d ako nakakuha eh, pero si mama meron siyang Phil-Health hindi
nga lang galimng kay gov. Kaya naman tinanong ko siya kung ano ang gusto
niyang iparating sa pamahalaan ng probinsya at gusto niyang ipaabot na
gusto ko sanang sabihin sa pamahalaan ng probinsya na sana ipakalat pa
nila ang ganyang uri ng programa at panatilihin at paibayuhin pa ito ng sa
ganoon ay marami pa ang kanilang natulungan. Sana rin pagtuonan din nila
ang edukasyon para anamna maraming mga katulad ko na mag-aaral ang
makatapos ng pag-aaral.

12

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Mga datos at impormasyon sa kaalaman, hinuha, at damdamin ng ilang
pamilya sa Governor Generoso ukol sa programang pangkalusugan ni
Gobernadora Corazon N. Malanyaon.
Ang unang respondente na aming nakapanayam ay si Ginoong Recto
Camlayan. Siya ay nakatira sa Oregon, Governor Generoso, Davao Oriental.
Siya ay pangkarinawang magsasaka lamang na kung minsan ay wala pang
trabaho. Isa siya sa na benipesyohan ng libreng PhilHealth ng pamahalaang
probinsya ng Davao Oriental sa pamumuno ni mahal na Gobernadora
Corazon N. Malanyaon. Ayon sa kanya napakaganda ng programang ito dahil
marami ang natutulongan subalit ipinapaabot niya sa pamaalaang lokal na
sana bigyan ding pansing kanilang pangkabuhayan.
Ang ikalawang respondente ay si Lydia Gallego. Siya ay nakatira sa
Purok 7, Poblacion Sigaboy, Governor Generoso, Davao Oriental. Siya ay
isang maliit na entrepreneur at may limang anak na pinipiliit iaahon ang
pamilya sa hirap ng buhay. Ayon sa kanya maganda man daw ang programang
pangkalusugan na libreng PhilHealth ay hindi naman sya naka benipesyo
dahil narin sa may record na sila sa PhilHealth na hindi nila na bayaran sa
matagal ng panahon na nagdaan dahil narin sa kanilang kahirapan. Kaya
naman ipinapaabot nila sa pamahalaang lokal na bigyan ding pansin ang
kahirapan ng taong bayan.
Ang ikatlong respondente ay si Mercelyn Beting. Siya ay nakatira sa
Oregon, Governor Generoso, Davao Oriental. Siya ay secretarya ng barangay.
Ayon sa kanya napaka ganda ng programa dahil malaki ang maitutulong nito
sa kanya kasi isa rin siya sa benepesyaryo ng nasabing programang
pangkalusugan at iminungkahi niyang pag gandahin pa lalo ang proyekto para
marami pang taong matulungan.
13

Ang pang-apat na respondente ay si Jenebeth Tuyor. Siya ay nakatira


ngayon sa Tibanban, Governor Generoso, Davao Oriental. Siya ay may maliit
na negosyong pangtaguyod sa mag-ina. Ayon sa kanya kung gagawa man ng
programa ang pamahalaan sana isipin din ang mga katulad nila ng sa ganoon
mas marami ang matulungan ng programa.
Ang panglima na aming nakapanayam ay si Jobelle Ann Alcano. Siya
ay nakatira sa Sigaboy, Governor Generoso, Davao Oriental. Siya ay isang
mag-aaral sa Nag-iisang koleheyo ng ating pamahalaang local ang GGCAST.
Ayon sa kanya ipakalat pa ang programang pangkalusugan na ito at
panatilihin at pag-ibayuhin ng marami pang tao ang matulungan ngunit
ipinabot din niyang isipin din ang edukasyon ng mga kabataan.

14

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT RECOMENDASYON

1. Lagum
Ang pag-aaral na ito ayu isang pagtatangakang malaman ang
kaalaman, hiinuha, damdamin ng limang (5) mamayan ukol sa
programang pangkabuhayan ni Bobernador Corazon N. Malanyaon.
Gamit ang deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay
naghanda ng kwestiyoner na ginagamit niula sa pag-iinterbyu sa apat
na indibidwal particular ang mamayang naninirahan sa Minicipalidad
ng Governor Generoso.
2. Konklusyon
Batay sa inilahad na datos ang mga mananaliksik ay humantong
sa mga sumusunod na kongklusyon:
a. Alam ng mga respondente ang problema sa kalusugan dito sa
ating pamayanan at lalo na sa problema sa kahirapan, kasama
na
rin ang kaunting solusyon na kanilang inilalahad.
b. Ikinatutuwa nila ang mga programang inilaan ng gobyerno
ngunit payo nila ay palawigin ito ng lahat ay ma
benipesyohan.
c. Nahihirapan man ang mga respondente sa kanilang hanapbuhay ay natugunan namn nila ang pang kalusugang aspeto ng
kanilang buhay.
15

3. Rekomendasyon
Kaugnay sa pag-aaral na naisagawa at sa mga resulta na naitamo ay
inerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
- Para sa mga lokal na mga opisyal, sa barangay, municipal, at sa
probinsya, nawa ay patnubayan sila upang mabigyan ng kaukulang
pansin ang mga hinanaing ng taong bayan. Kanila sanang pagtuonan
ang kalusugan sapagkat ito ang pinaka kapital ng mga tao ano mang
gawain.
- Para sa nasyonal na pamahalaan, hindi man kayo nagging akibat sa
pamanahon-papel na ito, nasa inyong mga kamay naman
magmumula ang inaasahang mas malaking suporta dahil sa ang
nasyonal na pamahalaan ang humahawak sa kaban ng bansa.
- Para sa mga NGO na walang sawang tumutulong sa mga
nangangailangan lal na sa mga may sakit, sana ay ipagpatuloy ninyo
ang kabutihang inyong hinahangad sa ating bansa.
- Para sa mga mag-aaral, guro at mga mananaliksik, inyong
ipagpatuloy ang paglalahad ng katotohanan hingil sa tunay na
pangyayari sa ating pamayanan ng ating magising ang pamahalaan.
At kanilang mabigyang pansin hindi lang ang kayamanan kundi ang
ang boung sambayanan.

16

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN


http://www.davaooriental.gov.ph/website/provagenda.htm
http://www.phmovement.org/charter/pch-filipino.html
http://www.cdc.gov/ncidod/dvbid/westnile/tgl/pdf/prevention-info.pdf
Mga Respondente

17

APENDIKS A
TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KINA RECTO CAMLAYAN,
LYDIA GALLEGO, MERCELYN BETING, JENEBETH TUYOR AT
JOBELLE ANN ALCANO
MGA INTERBYUWER
JAYSON DIJON

LOUIE MABANAG

IMEE BAQUIRAN

Unang Respondente: Recto Camlayan


LM: kumusta po ang kalusugan ng inyong pamilya ngayon?
RC: mabuti naman kaka galing lang ng aking bunso sa ospital
JD: madalas po ba kayong dinadapuan ng sakit dito mang Recto?
RC: ah kalimitan lang dahil nagging maingat naman kami sa paglilinis ng
aming paligid.
IB: nabanggit niyo po ang inyong bunso, ano ba ang nangyari sa kanya?
RC: bago lang siya nakalabas ng ospital dahil nagkasakit siya at salamat
nalang sa PhiliHealth Card nabawas-bawasan ang aming gastusin.
LM:ah isa po pala kayo sa nabenipesyohan ng programa ng probinsya?
RC: oo iha, salamat talaga kay Gov.
JD: kung saka-sakali ano po ang inyong ipapaabot kay Gov.?
RC: gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat at sana mabigyang pansin rin
nila ang kabuhayn namin.
IB: salamat po mang Recto sa pagtanggap ninyo sa amin dito sa inyong
tahanan.
RC: walang anuman, salamat din sa inyo.
18

Ikalawang Respondente: Lydia Gallego


LM: kumusta po ang kalusugan ng inyong pamilya ngayon?
LG: ah sa ngayon wala naman kaming gaanong problema sa kalusugan
JD: madalas po ba kayong dinadapuan ng sakit dito ate Lydia?
LG: sa amin, ah natural naman ang magkasakit hindi naman madalas at hindi
rin lumalala
IB: may sakuna na po bang nangyari sa moyembro ng pamilya ninyo?
LG: meron na pero matagal na iyon, bata pa ang aking panganay ng
erikomenda siyang ipa-operahan dahil sa sakit niya sa bibig.
LM: hindi po ba kayo nabibiyayaan ng libring PhilHealth Card ng probinsya?
LG: iyon nga ang problema dahil sa hindi kami pweding sumali dahil
mayrecord na kami sa PhilHealth.
JD: ah talagang ganun po ang polisiya nila, pero ano po ang gusto ninyong
ipaabot sa pamahalaan ng probinsya?
LG: gusto ko sanang sabihin na maganda ang kanilang programa Ngunit
isipin din sana nila ang kahirapan ng tao.
IB: maraming salamat po ate Lydia sa pagsagot sa aming mga katanungan.
LG: ikinalulugod kong tulungan kayo sa inyong proyekto.
LM: maraming-maraming salamat po talaga sa inyo.
Ikatlong Respondente: Mercelyn Beting
LM: Kumusta po ang kalusugan ng inyong Pamilya?
MB: Mabuti naman ang kalusugan ng aking nag-iisang anak at maayos din
naman ako lalo na iyong aking asawa.
JD: Madalas po ba kayong dinadapuan diton ng karamdaman?
MB. ang totoo iniiwasan kong magkasakit kasi nga mahirap magkasakit,
masakit sa katawan at antala sa trabaho pero itong anak ko di maiwasang
magsakit dahil napaka kulit ng bata.
IB: May sakuna na bang nangyari sa pamilya ninyo?
MB: sa ngayon wala naman at sana di yan mangyari sa amin, di naman kasi
gaaning nagkakasakit ang aking nag-iisang anak.
LM: Napasali po ba kayo sa bigayan ng Phil-Health Card ng probinsya?
19

MB: aba oo, dapat lang dahil isa ako sa nag asikaso ng programang ito dirto
sa barangay. Barangay secretary kasi ako kaya nagka ganun.
JD: ah oo nga pala nakalimutan ko na secretary ka...hehehe, anio po ang gusto
niyong ipa abot sa pamahalan ng probinsya?
MB: ang sa akin lang sana ituloy-tuloy ng Gobernadora ang proyekto nyangf
ito dahil marami din naman syang natyutulungan at sana mas pagandahin pa
ang programa.
IB: Maraming salamat po sa pagsagot sa aming kakaunting katanungan.
MB: walang anuman, at balik kayo ulit.
LM: nako po marami talagang salamat.
Ikaapat na Respondente: Jenebeth Tuyor
LM: Kumusta po ang kalusugan ng inyong Pamilya?
JT: mabuti naman kaya lang nahihirapan ako pag magkasakit ang akin mga
anak dahil sa ako lang ang mag-iisang nag-aalaga sa aking mgha anak dahil
saw ala ang kanilang ama.
JD: Madalas po ba kayong dinadapuan diton ng karamdaman?
JT. Well hindi rin kasi maiiwasan na magkasakit lalo na ang aking mga anak
dahil palaging nag-aaway ang dalawa pero hini naman masyadong malala
pag nagkasakit sila, malulusog di naman ang mga bata.
IB: May sakuna na bang nangyari sa pamilya ninyo?
JT: Wala akong naisip eh. Ah wala pa naman pala talagang nangyaring sakuna
sa aming mag-ina.
LM: Napasali po ba kayo sa bigayan ng Phil-Health Card ng probinsya?
JT: sa kasamaang palad hindi ako nakakuha ng libreng Phil-Health Card ni
Gov. kasi nga hindi ako kasal at kungkukuha man ako eh hindi ko rin naman
masasali ang aking mga anak bilang binipisyari.
JD: ah ganun po pala, ano po ang gusto niyong ipa abot sa pamahalan ng
probinsya?
JT: gusto ko sanang iparating na sana kung gagawa man sila ng ganyang uri
ng programa isipin din nila ang mga katulad, mahirap din naman kami at mas
nahihirapan dahil ako lang ang nag-iisang nag-aalaga sa aking mga anak.
IB: Maraming salamat po sa pagsagot sa aming kakaunting katanungan.
JT: salamat din sa inyo sana may makaisip sa mga tulad namin.
LM: marami po talagang salamat
20

Ika-limang na Respondente: Jobbele Ann Alcano


LM: Kumusta ang kalusugan ng inyong pamilya?
JA: ha? Ah mabuti naman, ako nga ang sakitin eh.hehehe
JD: Madalas ba kayong dinadapuan dito ng karamdaman?
JA: hindi naman kasi nag-iingat naman ako pati na aking mga kasama sa
bahay, pero hindi maiiwasan na minsan nagkakasakit talaga, tao lang eh.
IB: May sakuna na bang nangyari sa pamilya ninyo?
JT: matigas to noh, wala pa naman nangyaring sakuna sa aming pamilya at
lalo na sa akin bata pa ako no.
LM: Napasali po ba kayo sa bigayan ng Phil-Health Card ng probinsya?
JT: well, d ako nakakuha eh, pero si mama meron siyang Phil-Health hindi
nga lang galimng kay gov.
JD: ah ganun pala, ano po ang gusto niyong ipa abot sa pamahalan ng
probinsya?
JT: gusto ko sanang sabihin sa pamahalaan ng probinsya na sana ipakalat pa
nila ang ganyang uri ng programa at panatilihin at paibayuhin pa ito ng sa
ganoon ay marami pa ang kanilang natulungan. Sana rin pagtuonan din nila
ang edukasyon para anamna maraming mga katulad ko na mag-aaral ang
makatapos ng pag-aaral.
IB: Maraming salamat po sa pagsagot sa aming kakaunting katanungan.
JT: ikinagagalak kong napasama ako sa inyong pag-aaral.
LM: salamat.

21

You might also like