You are on page 1of 1

Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sakasalukuyan

ay ang problema sa iligal na droga. Maraming dahilan kung bakit ang mga tao ay
nalululong sa droga. Sa pagsusumikap na makaiwas sa mga sariling problema may
ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang
udyok ngmga kaibigan, pagkainip o pagkayamot, pagrerebelde, depresyon, kulang na
gabay galing sa pamilya at para makahanap ng mga magiging kaibigan.
Ang pangunahing dahilan ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho
at pagkakakitaan, hindi makapag-aral at walang mapagkaabalahan ay natututo silang
gumamit ng droga kapag gumagawa ng krimen. Maraming kabataan ang napapariwara
at nasasyang ang buhay dahil sa pagkalulong sa droga dahilan ng maling
pakikipagbarkada, kahirapan, problema sa pamilya at kuryusidad. Dahil sa mga
problema na kinakaharap ay gumagamit ng droga sa paniniwalang malilimutan at
maiibsan ito sa paggamit ng pinagbabawal na mga gamot. Nandiyan din ang kawalan
ng suporta sa pamilya. Kulang sila sa atensiyon, pag-aalaga at pagmamahal mula sa
magulang at lipunan. Hahanapin nila ito sa paggamit ng droga para takasan ang sakit
ng kaloooban. Isa ring dahilan ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na
barkada. Sila ang naglulugmok sa mga kabataan. Kaya marapat lamang na piliin at
kilalaning mabuti ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan. Ang paggabay ng
magulang at lipunan ay kailangan ng bawat kabataan.
Dapat ay pagtibayin ang samahan sa pagitan ng pamilya. Ang pagkakaroon ng
tamang impormasyon galing sa gobyerono tungkol sa masamang dulot ng bisyo ay
mahalaga para sa ikabubuti ng mga kabataan. Dapat ay maaga silang mamulat sa mga
bagay na maaring makasira sa kanilang kinabukasan.

You might also like