You are on page 1of 1

GURO, MAY BANTA NG PANGANIB!

Ni Willie A. Domacena
Guro, sa apat na sulok ng silid-aralan.
Ikaw pa bay ligtas sa iyong kinalalagyan? Nararapat bang karahasan ay
iyong maranasan?
Guro, sa apat na sulok ng silid-aralan.
Kamatayan iyay ganti sa iyong kabayanihan. Pagtuturo at pag-aalay ng
buhay sa napiling larangan, kamatayan iyong kahahantungan.
Guro, sa apat na sulok ng silid-aralan.
Hindi natatapos ang pagiging guro sa paaralan. Itinuturing kang pangalawang
ina o ama ng mga munting mag-aaral. Mga aralin, maging tagubilin iyan ay
pinagsusumikapang itanim. Maging pag-uwi ng tahanan, ikay guro parin. Dala-dala
ang mga aklat, pagsulat ng lesson plan itoy paglalamayan. Mga visual aids iyan ay
pinagpupuyatan upang sa kinabukasan ikaw ay may matutunan.
Guro, sa apat na sulok ng silid-aralan.
Ngunit iyan bay kabayaran sa iyong pinagpaguran? Sa araw-araw mung
pakikipaglaban upang kamangmangan iyong malunansan.
Guro, sa apat na sulok ng silid-aralan.
Tila nakalimutan ng madla na ikaw ay tao pala. May emosyon, napapagod, at
nauubusan din ng pisi. Kung ikaw man ay nagagalit, iyan ay lubos na may
kadahilanan. Kadahilanang di matalos ng kakapusan at kakitidan ng isipan.
Guro, sa apat na sulok ng silid-aralan.
Payo koy iyong pakinggan, sa iyong pagmamahal sa iyong larangan,
pagmamahal sa buhay iyong pahalagahan. Be proud you are a teacher, the future
depends on you. Kainabukasan pa kayay masisilayan kung banta ng panganib sa
apat na sulok ng silid-aralan mo masisilayan.

You might also like