You are on page 1of 1

Wika at Linggwistiks: Fil 40 THV4 Grp 1

Ano ang wika?


Isang sistem
Arbitraryong vokal-simbol
Para sa komunikasyon
WIKA BILANG ISANG SISTEM
1) Ponema
a) yunit ng pagbibigkas na tunog ng wika
b) 2 uri: segmental, suprasegmental
i) Segmental: Katinig at Patinig
(1) 16 katinig: p,b,m,w,d,t,l,s,n,r,y,k,g,ng,h,
--glottal stop (dash sa uh-oh)
(2) 5 patinig: a,e,i,o,u
ii) Suprasegmental: lakas, bigat, o bahagyang
pagtaas ng tinig ng pagbigkas ng isang
pantig sa salitang binibigkas
2) Morpema
a) pinakamaliit na yunit ng salita na mayroong
kahulugan
b) maaaring maging panlapi, salitang-ugat, at
ponema
c) 3 anyo: malaya, di-malaya, ponemang patinig
i) Malaya: payak na salita at walang panlapi o
ang mga salitang-ugat
ii) Di-malaya: panlaping idinadagdag sa mga
salita upang magkaroon ng kahulugan
iii) Ponemang Patinig
3) Syntax
a) sangay ng balarila
b) tumatalakay sa masistemang pagkakaayusayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala
at pangungusap
c) pag-aaral ng mga prinsipyo, patakaran sa
pagbubuo
4) Semantics
a) pag-aaral ng kahulugan at interpretasyon ng
wika
b) pagkakaiba at pagbabago sa kahulugan ng
salita, parirala, pangungusap, teksto
5) Ang mga kahulugan ay tumutukoy sa mga ideya
o konsepto na pweding ilipat mula sa isipan ng

nagsasalita tungo sa isipan ng tagapakinig sa


pamamagitan ng paglalarawan ng mga ito sa
wika. Tinatawag naming konsepto o mentalimeyj ang mga paglalarawang ito sa isipan ng
tao. (Lyons)
6) Ang kahulugan ng wika ay ang mga mensaheng
inihahatid ng ating mga sinasabi.
7) Halimbawa kung sa Ingles ginagamit ang
salitang rice para sa luto, sa Tagalog ginagamit
ang mga salitang bigas kung hindi pa luto, kanin
kapag luto na ito, bahaw para sa kaning-lamig,
palay para sa halaman nito at mumo para sa
butyl ng kanin na naiwan sa plato.
8) Salitang nagpapakita ng relasyon
a) Salitang nagpapakita ng relasyon at pagkakaayos ng mga ito
i) Lumalakad nang paluhod si Ana sa
simbahan ng Quiapo tuwing Biyernes.
ii) *Lumakad si paluhod nang Ana sa tuwing
simbahan Quiapo ng Biyernes
b) Pagkaka-ayos ng mga tinutukoy nito
i) Pinatay ni Cain si Abel.
ii) Pinatay ni Abel si Cain.
c) Iba ang sistema ng ibat-ibang wika
i) Ingles: Ana is kind and intelligent.
ii) Tagalog: Matalino at mabait si Ana.
9) Sa Ingles ang pangungusap nangangailangan ng
verb, pero hindi ito kailangan sa Filipino.
a) /ng/
i) Sa Tagalog: natatagpuan sa simula
(ngayon), gitna (bangin), o hulihan (saging)
ii) Sa Ingles: hindi natagpuan sa simula.
Nahihirapan ang mga neytiv-spiker ng
Ingles na bigkasin ang ngiti, nganga, ngipin
b) Pagkakasunod-sunod ng mga katinig
i) hal. sa Ingles string, split, spring
ii) ginagawa ng mga Filipino: istring, isplit,
ispring

PAGGAMIT NG ARBITRARYONG VOKALSIMBOL

1) Ang bawat salitang binibigkas natin ay isang


serye ng mga tunog na kumakatawan sa isang
bagay
2) Sinasabing may vokal-simbol ay dahil sa
kabuuan ng bawat isa at bunga ng galaw ng mga
vokal-organ natin kapag tayo ay nagsasalita
3) Kumakatawan sa bagay, ideya, aksyon, o
fangsyon
4) Walang natural na koneksyon sa bagay na
sinisimbolo
PAGGAMIT SA KOMUNIKASYON
1) Pagkamalikhain ng wika
a) Tao vs mga hayop
b) Hal. Napahatinggabi na ako sa opisina.
c) Hal. Hinatinggabi na ako sa opisina.
2) May grammar ang lahat ng wika
a) Linggwistik-kompetens
i) Nasa sabkonsyus ang kabuuan ng
pamamaraan ng pagbuo ng salita,
pangungusap, at mga kombinasyon nito
ii) Ideya ni Noam Chomsky, tinatawag na
father of modern linguistics.
iii) Kaibahan sa linggwistik-performans:
(1) Kompetens ay kinagisnan na kapasidad ng
neytiv-spiker ng mga rul ng wika
(2) Performans ay ang paggamit ng wikang
ito sa totoong buhay
3) Lahat ng grammar ay pantay-pantay
a) Walang wika ang nakakalamang
b) Nakabase ang wika sa kultura
4) Mga barayti ng wika
a) Dialect: isang anyo ng isang wika na kakaiba
sa isang partikular na grupo
b) Idiolect: mga gawi sa pagsasalita na natatangi
sa isang tao
c) Sociolect: isang uri ng dialect na ginagamit ng
isang partikular na social class
5) Nagbabago ang wika
a) Paghiram ng salita sa wikang dayuhan
b) Hindi lamang ang Filipino ang nanghihiram
c) Pag-iiba o pagdagdag ng kahulugan

You might also like