You are on page 1of 1

Tuldok Asin

Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan


Na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino ka man ay dapat malaman
Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang

Kahit na ang araw sa kalangitan


Siya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian

Tingnan mong mabuti ang sang katauhan


Maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita, akoy natawa lang
Pagkat ang nangyayariy malaking kahibangan

Kaya wala kang dapat na ipagmayabang


Na ikaw ay mautak at maraming alam
Dahil kung susuriin at ating iisipin
Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin

You might also like