You are on page 1of 38

Pagbasa at Pagsusuri ng

Teksto Tungo sa Pananaliksik:


Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon

CRIZEL P. SICAT-DE LAZA


University of Santo Tomas
crizel_sicat@yahoo.com.ph
09173147851
Gabay sa Repleksyon 2

1. Bakit kadalasang inaayawan ang


pananaliksik sa Filipino ng mga mag-
aaral?
2. Ano sa tingin mo ang kinabukasan ng
pananaliksik sa Filipino sa Pilipinas?
Daloy ng Talakayan

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School


Mga Gabay na Teorya at Kaisipan sa Pagtuturo ng
Pananaliksik
Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Pananaliksik
Halimbawang Aralin
Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino
Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School
Ituturo bilang core course sa Senior High School (Grade 11) ang
pananaliksik sa Filipino na may titulong Pagbasa ng Ibat ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik.
Asignatura sa Senior High School Asignatura sa Kolehiyo
(ayon sa bagong GEC)
1. Oral Communication Purposive Communication
2. Reading and Writing
3. English for Academic and Professional Purposes
4. Research in Daily Life 1
5. Research in Daily Life 2

1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino WALA


2. Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
3. Pagsulat sa Ibat Ibang Larangan
1. Contemporary Philippine Arts from the Regions Art Appreciation
1. Understanding Culture, Society, and Politics The Contemporary World 1
1. General Mathematics Mathematics in the Modern World
2. Statistics and Probability
1. Earth and Life Science Science, Technology and Society
2. Physical Science
3. Earth Science
4. Disaster Readiness and Risk Reduction
Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School
Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri
ng ibat ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at
pagsulat ng sistematikong pananaliksik.
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang ibat ibang uri ng binasang
teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang
pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong sanaysay,
talumpati, panitikang popular (awitin, komiks, ibat ibang paraan ng
komunikasyon sa social media)
Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik,
sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)
Ang Konstruktibong Hulmahan ng K-12

Mula sa Contructivist Principle in Education, naniniwala ang


prinsipyo sa disenyo na ang mga estudyante dapat ang nasa sentro
ng pagkatuto at ang guro ay tatayo bilang facilitator. Ito rin ang
tinatawag na Learner Centered-Learning Environment.

Ipinapanukala rin lagi ng Constructivist Approach ang pagsasagawa


ng aktibidad para sa layuning maisa-kongkreto sa pang-unawa ng
mga mag-aaral ang paksang pinapag-aralan.

Gayundin ang paggamit ng Rubrics para sa mas obhektibong


pagmamarka sa Pagtataya.
Mga Kakayahan ng Ika-21 Siglo
(21st Century Skills) 8

Kabilang sa mga
Kasama rito angkakayahang ito ang
Kahusayan sa pagiging malikhain,
ang pagiging pleksible
makabagonginobatibo, kakayahang sa mabilis na
teknolohiya ng
magbigay-solusyon sapagbabago ng
impormasyon at mga suliranin, panahon, responsible,
komunikasyon (ICT)komunikatibo,atatmalay sa nagaganap
kolaboratibosa lipunan (socially-
Holistikong Pag-unlad ng aware).
mga
Mag-aaral na Responsableng
Mamamayan ng Daigdig
Dales Cone of Experience
9
Pagkatutong Nakabatay sa Paggawa ng Proyekto
(Project-Based Learning) 10

Ang PBL ay isang pagdulog sa pagkatuto kung saan ipinapasok


ang mga mag-aaral sa mga kompleks na aktibidad na binubuo
ng ibat ibang proseso, mas matagal na panahon ng
implementasyon at kooperatibong pag-aaral.
Pinalalakas nito ang kolaborasyon sa halip na kompetisyon.
Binibigyang-kapangyarihan ang mga mag-aaral na tumuklas ng
kaalaman at dinedesentralisa ang kapangyarihan ng guro sa
loob ng klasrum.
Pinapaunlad ang ibat ibang kakayahan ng mga mag-aaral na
magagamit sa praktikal na buhay.
Pagdulog na Patanong
(Inquiry Approach) 11
Pagtatanong na may
Ang pagdulog na patanong ay isang proseso ng pagtuturo
estruktura
at pagkatuto na nakabatay sa interes ng mag-aaral na sa
sariling pagtatangka ay tuklasin ang kaalaman (Alberts,
1996, sa pagbanggit niGinagabayang
Penick, 2000).
pagtatanong

Aktibong kalahok ang mga mag-aaral sa ibat ibang


Pagtatanong
aktibidad at eksperimento. sa pangunguna
Sa proseso ng pagkatutong
ng mag-aaral
ito, hinahasa ang kanilang kritikal at pamprosesong mga
kakayahan, sa pamamagitan ng mga serye ng tanong.
Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach) 12
Matataas na Kakayahang Pangkaisipan Matataas na Kakayahang Pamproseso
interpretasyon ng mga datos, pagsukat
talahanayan at dayagram
pangangalap ng datos,
pagbuo ng mga sintesis mula sa paghahanay o klasipikasyon
ibat ibang ideya at konsepto
pagdidisenyo ng mga pagdidisenyo ng ibat ibang uri ng
eksperimento at pagbuo ng operasyon at imbestigasyon
modelo
pagbibigay-solusyon sa mga
suliranin
pagbuo ng mga rasyonal na
desisyon at pagtatasa kung sapat
ang mga datos na nakalap
Transpormatibong Edukasyon ni Mezirow 13
Bilang isang pagdulog, nakatutok ito sa mga mag-aaral na
kinakailangang armasan ng mga pagpapahalaga at kakayahan na
lilinang sa matalas na pananaw sa konkretong kalagayan ng daigdig at
manghihikayat sa kanilang kumilos, indibidwal man o kolektibo upang
paunlarin ang panlipunang kondisyon. (Mezirow, 1965)

Transpor-
Pagbibigay-
masyon ng
kahulugan Muling
karanasan
sa sariling pagkatuto
at
karanasan
kaalaman
Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik
1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang-
ekonomiya at pampolitika ng bansa ang pananaliksik. Talakayin ang
mga hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik.
2. Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pamimili ng paksa.
Ginagabayan dapat ito ng mga katangian ng maka-Pilipino at
transpormatibong pananaliksik.
3. Mas madali at praktikal kung isasaalang-alang ang pagdulog na Project
Based Learning (PBL). Ang buong semestre ay pagbuo ng pananaliksik.
4. Bigyang-diin ang ilang mahahalagang bahagi ng pananaliksik na hindi
gaanong nabigyang-tuon sa curriculum guide ng DepEd (hal. pagtalakay
ng etika ng pananaliksik, presentasyon at publikasyon ng pananaliksik).
Mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

Patakarang pangwika sa Edukasyon


Ingles bilang lehitimong wika
Internasyonalisasyon ng pananaliksik
Maka-Ingles na pananaliksik sa ibat ibang larang at
disiplina
Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang


Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man
maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang
pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa
internasyonal na mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa
Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas mapakinabangan.
Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat
at halaga ng gagawing pananaliksik.
Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik


ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang
mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga
kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik.
Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976),
proponente ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang ibatay sa interes
ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin.
Kahulugan at Kabuluhan ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.


Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang
mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang
tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na
ito.
Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga
guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran
ng maka-Pilipinong pananaliksik.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad,
nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-
aaral mula sa masa.
Latag ng Nilalaman batay sa DepEd

Batayang balangkas lamang ang makikita sa curriculum


guide ng DepEd kung kayat flexible at madaling
dagdagan ng iba pang mahahalagang aralin.

Walang pagtalakay sa mga dulog at metodolohiya sa


pananaliksik, at iba pang mahahalagang paksa gaya ng
etika ng pananaliksik, publikasyon at presentasyon nito.
Halimbawang Latag ng Aralin
YUNIT I YUNIT II
Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Ibat Ibang Uri ng Teksto: Pagbasa,
Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto Pagsusuri at Pagsulat

Aralin 1 - Batayang Kaalaman sa Aralin 5 - Tekstong Persuweysib: Paano


Mapanuring Pagbasa ng Teksto Kita Mahihikayat
Aralin 2 - Mga Kasanayan sa Mapanuring Aralin 6 - Tekstong Naratibo: Mahusay na
Pagbasa ng Teksto Pagkukuwento
Aralin 3 - Tekstong Impormatibo: Para sa Aralin 7 - Tekstong Argumentatibo:
Iyong Kaalaman Ipaglaban ang Katuwiran
Aralin 4 - Tekstong Deskriptibo: Makulay Aralin 8 - Tekstong Prosidyural: Alamin
na Paglalarawan ang mga Hakbang
Halimbawang Latag ng Aralin

YUNIT III YUNIT IV


Mga Batayang Kaaalaman sa Pananaliksik Mga Kasanayan sa Pananaliksik

Aralin 9 - Ang Maka-Pilipinong Aralin 13 Paglalahad ng Resulta ng


Pananaliksik Pananaliksik
Aralin 10 - Etika ng Pananaliksik at mga Aralin 14 Pagsisinop ng mga Tala at
Responsibilidad ng Mananaliksik Bibliograpiya
Aralin 11 - Mga Bahagi at Proseso ng Aralin 15 Rebisyon ng Papel-Pananaliksik
Pananaliksik Aralin 16 Presentasyon at Paglalathala
Aralin 12 - Disenyo at Pamamaraan ng ng Pananaliksik
Pananaliksik
Elicit Balik-Tanaw
PAGHAHANDA
(I do it)
Engage Lusong-Kaalaman

PAG-UNAWA AT Explore Gaod-Kaisipan


PAGDANAS
(We do it) Explain Layag-Diwa

Elaborate Lambat-Likha
PAGHAHASA
NG Evaluate Salok-Dunong
KASANAYAN
(You do it)
Extend Daong-Kamalayan
Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng
Maka-Pilipinong Pananaliksik

5. Gumamit ng epektibong paraan sa pagpapasa ng kaalaman:


Modelong 7 E (Elicit, Engage, Explore, Explain, Elaborate,
Evaluate, Extend) at GRR (Gradual Release of Responsibility).

6. Gumamit ng mga napapanahong teksto sa ibat ibang


disiplina at larang na hahasa sa kritikal na pag-iisip ng mga
mag-aaral sa napapanahong isyu at gagabay sa kanila sa
pagpili ng tatahaking disiplina o propesyon.
Pagpapalakas ng Pananaliksik sa Ibat ibang Disiplina 24

Ang hamon ay lumagpas pa sa wika, panitikan, kultura,


agham panlipunan at humanidades ang mga pananaliksik sa
Filipino.
Mahalaga ang papel ng Filipino 11B upang ipalaganap ang
halaga ng maka-Pilipinong pananaliksik sa lahat ng disiplina.
Mahalagang gumamit ng wikang Filipino at paksaing
nakaugat sa karanasan ng mga Pilipino na nakaugnay sa ibat
ibang disiplina.
Mga Mungkahing Babasahin sa Pagtuturo ng
Pananaliksik

Mga journal mula sa Malay, Humanities Diliman,


Daluyan, Hasaan, Saliksik, Dalumat atbp.

Ipakilala sa mga mag-aaral na umuunlad na ang mga


pananaliksik sa ibat ibang disiplina.
Unang Tomo ng Hasaan Journal
Intelektuwalisasyon ng Filipino sa ibat ibang larangan
Proyekto ng Panayam Pang-Agham sa UST
Wika, Lipunan at Kasaysayan 26

Prudente, Nemesio. Ang Agham Panlipunan at Kaunlarang Pambansa nasa


PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina
Romeo Pea, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center
for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.
Lumbera, Bienvenido. Ang Usapin ng Wika para sa mga Filipino at ang
Pagbabago ng Lipunang Filipino nasa Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa.
Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2000.
Jacob, Ave Perez. Sibilisaduhin ang Pilipino sa Kulata ng Ripleng Krag nasa
PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina
Romeo Pea, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center
for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.
Wika, Midya at Komunikasyon 27

Mirasol, Dominador. Peryodismo sa Filipino: Paglikha ng Isang


Makapangyarihang Pagbuwelo na Magtutuwid sa Takbo ng
Kasaysayan nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms
na pinamatnugutan nina Romeo Pea, Jeffrey Bartilet at Virgilio
Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for
Cultural Studies, 2016.
Olvidado, Gilda. Ang Wikang Filipino sa Media nasa Ang Wikang
Filipino sa Loob at Labas ng Akademyat Bansa na pinamatnugutan
ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang
Filipino, 2003.
Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng
Filipino. Lungsod ng Quezon: Ateneo De Manila University Press,
2002.
Wika, Negosyo at Ekonomiya 28

Bermejo, Ramon. Ang Wikang Filipino sa Negosyo at


Industriya nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng
Akademyat Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos.
Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003.
Rivera, John Paolo R. at Paolo O. Reyes Mga Padalang Salapi
Bilang Salik sa Pagsulong ng Pagnenegosyo ng mga Sambahayang
Filipino nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University
Publishing House, 2011.
Tullao, Jr. Tereso S. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo,
Tingi-Tingi at Sari-Sari nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La
Salle University Publishing House, 2009.
Wika at Ibat ibang Napapanahong Usapin 29
Bayanihan o Kanya-kanyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakas ng Bagyong
Yolanda sa Tacloban ni Jose Edgardo Gomez, Jr. (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang
Filipino Espesyal na Isyu, No. 2, 2015)
(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong
Seaman ni Joanne Visaya Manzano (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol.
20, 2014)
Ang Pelikulang Rural sa Sineng Indie noong 2005-2008 ni Patrick F. Campos (Nasa
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 17, No. 1-2, 2011)
Ang Kasalukuyang Pagkakakilanlan ng mga Iraya Mangyan ni Aleli Bawagan (Nasa
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 15, No. 1-2, 2009)
Diskurso ng Siyensiya: Kolonyal na Diskurso ng mga Sakuna Mula sa Panahon ng
Instrumentasyon Tungo sa Panahon ng mga Amerikano ni Alvin Jason A. Camba (Nasa
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 16, 2010)
Panayam Pang-Agham sa UST
(Dr. Fortunato Sevilla)

Bayolohikal na Pagsusuri ng mga Halamang Gamot at Katas ng Prutas


laban sa Nakakalasong Free Radical, Pagpapababa ng Asukal, Tabat
Sebo ni Librado Santiago, Ph.D.
Balatkahoy ng Kaimito: Pampalubay ng Daluyan ng Dugo ni Albert
Quentela
Inkjet Printing sa Paggawa o Paglinang ng Sensors ni Karen Santiago,
M.Sc.
Kemikal na pag-aaral sa Genus Pandamus ni Mario Tan, Ph.D.
Paglilinang ng Tisyu ng Halamang Ipomoea muricata ni Edison Dela Cruz,
Ph.D.
Kritiko ng Lipunan ang Isang Mananaliksik 31

Kailangan ang talas at pagiging kritikal ng mananaliksik.


Nagsisimula sa mga matatapang na tanong at palagay sa ibat
ibang usapin ang isang mahusay na pananaliksik. Kailangang
lumalagpas ito sa tanggap at nakagawian nang mga pagtingin.
Kailangang matalas na naisasakonteksto ng mananaliksik ang
anumang pagsusuri at hindi nagpapakupot sa mga personal na
pagtingin at palagay. Susi ang mas malawak na pagbabasa at
imbestigasyon.
Kailangang magsiwalat at maging kritiko ng katotohanan ang
pananaliksik.
32
33
34

jose marie viceral @vicegandako


Follow
Hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag aaklas. Yung iba dyan
nabayaran lang at sinuhulan ng pambili ng bigas.
3:07 AM - 28 Jul 2014
2,196 RETWEETS 3
Isang Semyolohikal na Pagsusuri sa mga Kontradiksiyong
Nakapaloob sa Panlipunang Kritisismo ni Gloc-9 35
Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Gamit ang semyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang


labintatlong kanta ni Aristotle Pollisco, o Gloc-9, na may kinalaman sa
politika at lipunan at mula sa kanyang tatlong pinakabagong album.
Ipinakita ng pagsusuri na ilan sa mga imaheng ginamit ni Pollisco sa kanyang
sariling panlipunan at politikal na kritisismo ay may mga nakakubling
kontradiksiyon bunsod ng kanyang kakulangan sa kahandaan sa ideolohikal
na usapin. Ang mga imaheng napili mula sa labintatlong kanta ay
pinagbuklod sa ilalim ng limang tema: korapsiyon at politika,
pagkamakabayan, kahirapan at buhay-manggagawa, krimen at kaguluhan, at
homopobya.
Halimbawang Pagtalakay ng Aralin

Aralin 16: Presentasyon at


Paglalathala ng Pananaliksik
Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino

Gamitin at ipagamit sa mga mag-aaral ang wika at


paksaing maka-Pilipino sa ibat ibang larang at disiplina.
Magbasa, mag-imbestiga at kritikal na magsuri ng ibat
ibang pangyayaring panlipunan, kasama ng mga mag-
aaral, na maaaaring pagmulan ng makabuluhang paksa ng
pananaliksik.
Gawing laboratoryo ng pananaliksik ang pamayanan at
palakasin ang mga community-based research.
Magsulat, maglimbag ng pananaliksik at mag-ambag sa
karanasan at kaalamang maka-Pilipino.
Maraming salamat sa pakikinig!
Para sa katanungan:
crizel_sicat@yahoo.com.ph
https://www.facebook.com/crizel.sicat
09173147851

You might also like