You are on page 1of 13

IBONG ADARNA

Panalangin- Ang Ibong Adarna ay sinimulan ng isang panalangin na bilang papatnubay sa may akda.

TAGAPAGSALAYSAY : Noong unang araw sa isang malayong kaharian ang pangalan ay Berbanya ay
may isang haring hinahangaan. Sa kanyang mabuting pamamalakad mga tao ay
Malaya, mayaman o mahirap pantay lang ang karapatan. At kung mayroon
mang nagawang kamalian bago pa man bigyan ng kahatulan sinusuri munang
mabuti kung sino ang may sala.

Don Fernando ang ngalan ng haring ito, tingin ng mga tao rito ay isang maginoo at ang kanyang kabiyak
ng puso naman ay si Donya Valeriana. Sila’y may tatlong anak na matitikas at malakas, pangalan ng
unang anak ay si Don Pedro, sumunod naman nito ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan. Pawang
silang tatlo ay may takot sa Diyos at mapagmahal sa magulang.
Nagpaunlak ang hari ng isang pagtatanghal at doon niya ipinakilala ang kanyang mga anak at sinabing:

DON FERNANDO : Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang talino ng mga pantas na totoo.
Yamang ngayo’y panahon nang kayong tatlo’y tumalaga pumili sa dalawa,
magpari o magkorona?

TATLONG ANAK : Humawak ng kaharian, bayan nami’y paglingkuran.

TAGAPAGSALAYSAY : Natupad nga lahat ang hiniling ng hari at itong tatlong anak ay walang humpay
na magpasalamat sa hari. Nang sumapit na nga ang gabi, ang lahat ng tao’y
tulog na ng biglang nanaginip ang hari ng hindi kanais-nais, di-umano si Don
Juan daw ay sinaktan at piñata sabay hinulog sa balong malalim ng dalawang
lalaki. Dahil sa kanyang napanaginipan mula noo’y si Haring Fernando’y
nangayayat na halos din a kumakain, mukha ay hapis na. Nagpatawag ng isang
medico ngunit hindi niya malaman kung anong sakit nito. Mula noo’y lagi nang
malungkot ang reyna, sa kabaitan ng diyos may dumating na manggagamot at
doon nga nalaman ang sakit nito.

MANGGAGAMOT : Sakit ninyo haring mahal ay dahilan sa inyong napanaginipan, mabigat man at
maselan may mabisang gamut diyan. May isang ibong maganda, ang pangalan
ay Adarna, pag nagsimula itong umawit tiyak sakit ninyo’y mawawala. Ibong
ito’y naninirahan sa Tabor na kabundukan ito ay nakatira sa punong pangalan ay
Piedras platas. Kaya, mahal na hari, ibong iyon ay ipahanap na dahil sakit niyo’y
tiyak na mawawala.

TAGAPAGSALAYSAY : Nang matapos ang paguusap, anak na panganay ay agad na inutusan. Umalis na
nga si Don Pedro at agad binagtas ang Tabor na kabundukan. Mahigit tatlong
buwan na naglalakbay sa kabundukan, katawan ni Don Pedro’y pagod na ngunit
hindi niya iniinda ang sakit na nadarama pero nanag nasa ibabaw na siya ng
bundok, ang sinasakyang kabayo ay namatay. Wala ng nagawa si Don Pedro
kundi ang simulang maglakad sa bundok na tinatahak. Sa mabuting kapalaran,
narrating ni Don Pedro ang Tabor na kabundukan. May nakita siyang isang
punong kahoy na pagkaganda-ganda. At sa kanyang pagkabighani, naisipan na
doon muna siya magpahinga ngunit laki niyang pagtataka na ni isang ibon ay
walang dumadapo sa punong iyon.

DON PEDRO : Ano bang klaseng puno ito, wala man lang ibon na dumadapo dito.

TAGAPAGSALAYSAY : Sasapit na lamang ang gabi ay wala pa ang ibong aking hinihintay. Sa kanyang
paghihintay, dumating na nga ang ibong hinihintay niya. Sinimulan na ang
pagkanta, pitong kanta ang kinanta at pitong bihis rin nito sa di inaasahang
pangyayari. Si Don Pedro’y napatakan ng ipot ng Adarna at siya ya naging bato.
Dahil sa hindi niya pagdating/pagbalik, nagulo na ang Berbanya.
Dahilan nga sa hindi pagdating ni Don Pedro, ang pangalawang anak na si Don Diego ang inatasan at
noon din ay nagpaalam sa ama.

DON DIEGO : O ama ko, baon ko sa puso’t dibdib na hanapin ang kapatid ko.

TAGAPAGSALAYSAY : Parang, gubat, bundok at itlog, tinahak ni Don Diego ng walang takot. Limang
buwan nang binabagtas ni Don Diego ang bundok katulad din ni Don Pedro,
namatay rin ang sinasakyang kabayo ni Don Diego. At sinimulan na nga niyang
tahakin ang bundok at may nakita siyang isang puno na ang daho’t sanga’y
kumikintab maging ang mga ugat nito ay ginto. At sa tabi nito ay may isang bato.
Sa kanyang pag-iintay, mga ibon nga ay nagsidating na at agad niyang nawika.

DON DIEGO : Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y di sa pala di makaakit sa madla!
Ganitong kagandang kahoy walang tumitirang ibon, hiwaga di ko manuynoy, sa
aki’y lumilinggatong. Sa kahoy na kaagapay, mga ibon ay dumuklay. Punong ito’y
siya lamang tanging ayaw na dapuan. Datapwat anumang masapit ako rito’y di
aalis, pipilitin kong mabatid ang himalang nalilingid.

Nang lumalim na ang gabi, si Don Diego’y namahinga at naupo sa batong nakita. Sa kanyang paghihintay,
dumating na nga ang ibong kanyang pakay at dumapo sa Piedras platas.

DON DIEGO : Ikaw ngayo’y pasasaan at di sa akin ng kamay.

TAGAPAGSALAYSAY : Sinimulan na ng Adarna ang pagkanta at si Don Diego’y nakinig. Sa ganda ng


awit nito si Don Diego’y napapikit at nakalimot sa daigdig. Sino ba naman ang
hindi makakaidlip sa gayong kagandahang tinig. Pitong kanta ang pinakawalan at
pitong bihis ang ginawa. Pagkatapos ng kanta, ang Adarna’y nagbawas ng tulad
din ng kapatid niya siya ay napatakan at parehas na silang naging bato.

Hindi pa man dumating si Don Diego, ang Berbanya ay nainip sa kahihintay sa kanya. Si Don Fernando ay
hindi na mapalagay, lalo pang lumalala ang karamdaman. Gusto sanang utusan na si Don Juan ng Hari
ngunit ayaw ng hari dahil baka may mangyari pa sa kanya at hindi makabalik. Si Don Juan ay lumapit sa
ama at nagmakaawa.

DON JUAN : Ama, ako’y iyong tulutan, ang bunso mo’y magpaalam ako ang hahanap naman,
lunas sa iyong karamdaman. Ngayon po’y tatlong taon na hindi nagbabalik sila,
labis ko pong inaalala ang sakit mo’y lamalala pa.

HARING FERNANDO : Bunsong anak kong Don Juan, kung ikaw po’y mawawalay ay lalo kong
kamatayan. Masaklap sa puso’t dibdib iyong gayak mong pag-alis, hininga ko’y
mapapatid pag nawala ka sa titig ko.

DON JUAN : Oh ama kong minamahal, sa puso ko nama’y subyang malasin kang nararatay,
kaya po kung pipigilan itong hangad kong mapagaling ka maging sala mandin
umalis na ng palihim.

TAGAPAGSALAYSAY : Sa napakinggan ni Haring Fernando, siya’y biglang natilihan. Kaya labag man sa
kanyang kalooban wala ring nagawa si Don Fernando. (Sabay luhod sa ama at
nagmakaawa)

DON JUAN : Aking mahal na ama, humihingi po ako ng bendisyon ninyo sa babaunin kong
sandata.

TAGAPAGSALAYSAY : Lumisan na nga si Don Juan sa Berbanyang kaharian. Siya ay hindi gumamit ng
kabayo sa kanyang paglalakbay, ang tanging dala lang niya ay baong limang
tinapay. At habang siya’y naglalakad, ang panalangin na patnubay niya sa
paglalakad at upang mahanap ang kanyang mga kapatid. Di alintana sa kanya
ang gutom basta mahanap lang ang Adarna. Apat na buwan ng tinatahak ni Don
Juan ang kaparangan at iisa na lang ang kanyang baong tinapay. Narating din ni
Don Juan ng matiwasay ang bundok at siya ay lumuhod at nanalangin.

DON JUAN : Ako’y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang akin ding matagalan itong
matarik na daan.

TAGAPAGSALAYSAY: At sa kanyang paglalakad, may natagpuan siyang matandang nakahandusay sa


lupa at sugatan. Siya ay nagmamakaawa kay Don Juan at biglang nilapitan.

MATANDANG SUGATAN: Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala, ako po ay limusan mo na.
Parang habag na ng diyos madalita sa may lunos kaunting baong bubusog ako
nama’y maglilingkod.

DON JUAN: Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay.

TAGAPAGSALAYSAY: Dinukot ni Don Juan sa lalagyan ang dala-dalang tinapay sabay abot sa matanda.
Ganun na lang kasaya ang matanda, nang siya ay nakakain at agad na
nagpasalamat ang matanda kay Don Juan. Sa nais na makabawi sa prinsipe’y
nagpahayag.

MATANDA: Huwag maging di paggalang, ano po ang inyong pakay, ako po ay pagtapata’t
baka kayo’y aking matulungan.

DON JUAN: Kung gayon po ay salamat, hari na ngang maging dapat, ang dito po’y aking
harap sa ama ko ay panlunas. Ama ko po’y nakarating sa malubhang
karamdaman, Ibong Adarna nga lamang ang mabisang kagamutan. Bukod dito’y
may isa pa, ngayon po’y tatlong taon na ang kapatid kong dalawa’y nawawala’t
di Makita.

MATANDA: Sa aba ko, O Don Juan, malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan. Kaya,
ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo, mag-ingat kang totoo at nang di ka
maging bato. Sa pook na natatanaw ay may kahoy kang daratnan, dikit ay di ano
lamang kawili-wiling titigan. Doo’y huwag kang titigil at sa ganda’y mahumaling
sapagkat ang mararating ang buhay mo ay magmamaliw. Sa ibaba’y tumanaw
ka’t may bahay na makikita, ang naroong tao’y siyang magtuturo sa Adarna.
Itong limos mong tinapay dalhin mo na, oh Don Juan, nang mabaon mo sa daa’t
malayo ang paruruunan.

TAGAPAGSALAYSAY: Si Don Jua’y di nakakibo ngunit nasaktan ang puso.

DON JUAN: Maginoo, bakit mo pa isasauli sa akin gayong naibigay ko na. Ugali ko’y
pagkabata na maglimos sa kawaw, bawiin pa’y di magawa.

TAGAPAGSALAYSAY: Pinipilit man ng matanda na kunin ni Don Juan ang pagkain, din a niya ito kinuha
at agad ng nilisan ang matanda.

Binilisan na nga niya ang paglalakad at agad din naman niyang narating ang tahanan ng Adarna. Nakita
nga niya ang punong pagkaganda-ganda at kumikinang na mga sanga. At naalala niya ang sinabi ng
matanda na tumanaw sa ibaba’t may makikita siyang dampa. Nang matunton na nga niya iyon ay may
ermitanyong naroon at agad siyang pinapanhik at doon sila nag-usap. At naghanda ng pagkain ang
ermitanyo at inihain kay Don Juan ngunit laki niyag pagtataka, ang bigay na tinapay sa matandang
sugatan kanina ngayon ay nasa harapan niya.

DON JUAN: Ito’t isang talinhagang kay hirap na maunawa! Yaong aking nilimusa’y isang
matandang sugatan, saka rito’y iba nama’t ermitanyo ang may alay. Hindi kaya
baga ito ay sa diyos na sekreto? Anak ay si Jesucristo ang banal na ermitanyo.
Marangal na pong di hamak ang aking paglalagalag, walang bundok, mga gubat
na di ko yata nalakad. Dumanas ng kahirapan, pagod, puyat, gutom, uhaw, sa
hirap ng mga daan palad kong di mamatay. Lahat na po ay binata nang dahilan
sa Adarna, ibong matamis kakanta na lunas sa aking ama. Ama ko po ay may
sakit, katawa’y datay sa banig, siya kong itinatangis mula nang ako’y umalis.
Malabis kong alaala baka ipanaw ni ama kung hindi madadala ibong dito
makukuha.

ERMITANYO: Don Jua’y, iyang hanap mo’y paghihirapan mong totoo. Ang Adarna ay may
engkanto na wala pang tumatalo.

DON JUAN: Kung tunay po ang pahayag, titiisin ko ang lahat maging hangga man ang palad
tutupdin ko yaring hangad. Sa diyos dapat manawagan ang lahat ng nilalang,
ang sa mundo ay pumanaw, itadhana ng kapalaran.

ERMITANYO: Don Juan ay masusubok ko katibayan ng loob mo, kung talagang totoo ako’y
tutulong sa iyo. Punongkahoy na makinang na iyo ng naraanan, ay roon nga
namamahay ang Adarnang iyong pakay. Ibong ito kung dumating hating gabi ng
malalim ang pagkantang malambing katahimikan kung gawin. Pitong awit na
maganda, pito rin at iba’t iba sa balahibong itsurang ilalabas ng Adarna. Upang
iyong matagalan, pitong kantang mainam, kita ngayon ay bibigyan ng sa antok
ay may panlaban. Naririto ang labaha’t pitong dayop na hinog na iyong dalhi’t
nang huwag kang talunin ng engkantada. Bawat kantang pakikinggan, ang palad
mo ay sugatan saka agad mong pigaan ng dayop ang hiwang laman. Matapos
ang kanta, magbabawas ang Adarna, ilagang mapatakan ka baka lungkot ang
madala. At kung hindi sa aba mo, ikaw ay magiging bato, matutulad kang totoo
kay Don Pedro’t kay Don Diego. Dalhin mo rin itong sintas, pagkaginto at
maringkas, itali mo sa pagkahawak sa Adarnang mag-aalpas. Kay bunso, hayo ka
na sa gabi’y lalalimin ka, ito’y oras na talaga na pagdating ng Adarna.

TAGAPAGSALAYSAY: Nang mapakinggan ni Don Juan ang bilin ng Ermitanyo ay agad siyang umalis sa
bahay nito agad tinungo ang Tabor na kabundukan upang madatnan niya ang
pagdating ng Adarna. Hindi nga nagtagal ay dumating na ang Adarna at nakita
niya itong dumapo sa puno. Sinimulan na nga ng Adarna ang pag – awit nang
mapakinggan ito ni Don Juan ay para siyang nakakatulog, pero hindi siya
napatalo agad niyang dinukot ang labaha’t sinimulan ng hiwain ang palad.
Pagkatapos ng pitong kanta ugali ng Adarna na magbawas, si Don Juan
nama’y agad naka ilag sa dumi ng Adarna. Nang makatulog na ang Adarna
umakyat na sa puno ng dahan – dahan at agad sinunggaban ang ibon, tinalian
niya ang paa nito taling ibinigay sa kanya ng ermitanyo (at dinal ana sa
ermitanyo ang nahuling ibon) at magalak na inilagay ang ibon sa hawla matapos
ay agad na bumalik sa bahay ng ermitanyo.

ERMITANYO: “Iyang bonga ay kunin mo, madali ka at sa iyo’y may iuutos ako, punuin mo ng
tubig iya’t ang dalwang bato’y buhusan, nang sa bato’y magsilitaw ang dalwang
iyong mahal. (sumalok)

Sumalok na nga ng tubig si Don Juan at binuhusan ang mga batong.


Nakatanghod sa kanya. Matapos mabuhusan ay unti – unting bumabalik sa
normal ang kanyang mga kapatid, galak at saya ang naramdaman ng bawat isa.
Buong pasasalamat ang hated nila sa bunsong kapatid.

TAGAPAGSALAYSAY: At bumalik na sila sa bahay ng ermitanyo ng magalak, at ibinigay ni Don Juan


ang hawla na naglalaman ng Adarna.

(Matapos pahiran ng ermitanyo si Don Juan)

Ermitanyo: “Ngayon mangagsiuwi na kayo magkasundo kayong tatlo wala sanang maglililo.
Don Juan pakikha nga ang marikit na hawla, baka di niyo na maabutan ang
inyong mahal na ama.”
Nang sila lilisan na si Don Juan ay lumuhod sa matanda at humiling na siya ay bendisyon.

Sinimulan na nga ng tatlo ang paglalakbay pauwi sa Berbanya. Ngunit sa kanilang paglalakad si Don
Pedro pala ay may masamang balak sa bunson kapatid.

DON PEDRO: “Mabuting pang dili hama si Don Juan at sa ama nating liyag ay marangal na
haharap. Pagkat ipaglihim naman mabubunyag din ang tunay. Ang adarna’y kay
Don Juan ang sa ati’y kabigyan. Kaya ngayon ang magaling si Don Juan ay
patayin kung patay na’y iwan natin ang Adarna nama’y dalhin.”

Si Don Diego’y hindi mapalagay sa napakinggan sa kapatid. Inaamin naman


niyang siya ay may inggit ring nararamdaman kay Don Juan. Kaya sa kakaukil –
ukil ng kapatid si Don Diego’y sumagot din.

DON DIEGO: Iyong iyo panukala tila mandin anong sama, alaming ang mawawala kapatid
nating dakila.

DON PEDRO : Kung tunay nga, na masama ang pumatay, gawin nati’y pagtulungan na umugin
ang katawan. Kung siya’ y mahina na may sala ang gma paa. Walang daang
makasama sa pag – uwi sa Berbanya. Maiiwan siya nito nag – iisa lumong lumo
walang kakanin mang maliban sa mga damo sa gayon ay maligaya dadalhin ta
ang Adarna pagharap sa ating ama hiya natin ay wala na. taglay to ang
karangalan magsabi na ng anuman sampung mga kahirapan sa ginawang
paglalakbay. Sino man ang pupuwing ganito man ang sabihin. Sa narito’t dala
natin ang katunayang magaling?

TAGAPAGSALAYSAY: Ginawa nga ng magkapatid ang lihim na pagtataksil sa kapatid. Suntok, sipa at
tadyak ang inabot ni Don Juan nang hindi na makakilos si Don Juan, iniwan siya
ng mga kapatid at dinal ang Adarna pauwi sa Berbanya.

DON PEDRO / DON DIEGO: Ang Adarna’y dala nmain!.

TAGAPAGSALAYSAY: laking katuwaan ang nadama ng hari nag Makita niya nag mga anak ngunit bigla
itong napawi nang mapansin niyang hindi kasama ang bunsong anak. At laking
gulat nila na ang sinasabing adarna ay pagkanda – ganda ngunit ngayo’y sobrang
pangit na!.

HARING FERNANDO: (galit at nagtataka) Ito baga ang Adarna? Kung ito nga’y ano baga pagkapangit pala
niya!. Sinasabi ng medico na ito raw engkatado. Kung ito raw ay magkanta, may
sakit ay giginhawa, bakit ngayon ay para bang tinitikis yaring dus? Ano kaya ang
dahilan ng sa ibong pamaman kung ang ibong ito’y ganyan lalo ko lang
kamatayan?

TAGAPAGSALAYSAY: Si Haring Fernando’y hindi na mapalagay dahil ang bunsong anak ay wala kaya
ang luha niya ay tumulo na. buo ang pag – asa niya na buhay pa si Don Juan. At
alam niyang baling – araw malalaman rin niyo ang tunay na may sala. Samantala
si Don Juan ay hirap pa rin tumawag sa mahal na Birhen.

DON JUAN: Oh, Birhen Inang marilag, tanggulan ng nasa hirap, kahabagan di man dapat ang
aliping kapos – pilid. Kung wala nang kapalaran. Humaba pa yairing buhay,
loobin mo, inang mahal, ang ama ko ay mabuhay. Madlang hirap at parusa di ko
sasapitin sana, kung dipo sa aking pita magulang ko’y guminhawa. Di ko maubos
isipin kung ano’t ako’y tinaksil, kung sa ibon po ang dahil kanila na’t di na akin.
Di kaya kaming tatlo anak ng iisang tao: iwasan ang pagtatalo di gawang
maginoo. sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawahin; kung ako man ay tinaksil
kamtan nila ang magalin.
Sa tindi ng kirot na nararamdaman sa bato siya humandusay at inilipat ni Don Juan ang kanyang paningin
sa taas ng langit.

DON JUAN: (Tumingala at lumuluha) Oh, bituing nasa langit. Bulaklak na walang hapis, inyo kayang
nasisilip akon sawi’t nasa sa sakit? Kaila kaya sa inyo na rito ang
mga tao kapatid man at katoto ay lihim na kaaway mo? Kahat
dito’y pasaliwa walang hindi balintuna, ang mabuti ay masam,
ang masama ay dakila dito mo nga makikita ang papering
palamara, ang yakap na lumayas ko ang pagsuyong lason pala.
Kaya naging kasabihan ng lahat na ng lipunan, sa langit ang
kabanalan. Dalangin kong mataimtim. Kay bathalang maawin
ang sakit mo ay gumaling datnan kitang nasa aliw. Kaya ama,
nang tanggapin di sa kamay ko nanggaling gayon pa ma’y
ikaaliw yaon lamang ay gumaling.

TAGAPAGSALAYSAY: Iniinda pa rin ni Don Juan ang sakit at kirot. At ipinikit ni don Juan ang kanyang
mata at muling nanalangin sa mahal na Birhen luha ay muling umagos sa mga
mata niya. At dininig ang panalangin niya. Habang si Don Juan ay nakahiga may
matandang uugod – ugod ang lumapit sa kanya nilagyan siya ng gamot sa
katawan.

MATANDA: (Ginagamot si Don Juan ng matanda) O prinsipe, pagtiisan ang madla mong
kahirapan di na maglalaong araw ang ginhawa ay kakamtan.

Matapos gamutin ng matanda ang prinsipe ay bilang nawala ang pananakit, kirot at hapdi ng kanyang
katawan.

DON JUAN: Tila diys ang matanda.


(niyaposa ang matanda) Utang ko sa inyong habag ang buhay ko di nautas ano
kaya ang marapat iganti ng abang palad?

MATANDA: Kawanggawa’y hindi ganoon kung di iya’y isang layon ang damaya’t walang
gugol. Saka iyong kawang gawa na sa Diyos na tadhana, di puhunang magagawa
nang sa yama’y magpasaas. Huwag tayong mananangan sa ugaling di - mainam
na kayo kung dumaramay ay nang upang madamayan. Lalong banal na tungkulin
na sa dusay tangkilikin, sa mundo ang buhay natin parang nagdaraang hangin.
Don jua’y di hangad tapusin ang pag – uusap, ngunit iyong isahagad ang am
among nililiyag. Malaon nang naiinip sa hindi mo pagbabalik karamdama’y
lumalawig baka di ko makatawid. Kaya nga magmadali ka ng pag – uwi sa
berbanya iikaw ang lagi na pangarap ng iyong ama.

TAGAPAGSALAYSAY: Binilisan na nga ni Don Juan ang paglalakad upang maabutan pa ang kanyang
ama ay buhay. Nang makarating na nga si Don Juan sa Berbanya ay agad niyang
niyakap at hinalikan ang ina at agad siyang lumuhod sa ama at hinalikan ang
kamay. Nang Makita na ng Adarna ang prinsipe walang mapagsidlan ang
katuwaan nito. Sinimulan na nga ng Adarna ang pag – awit sabay unti – unting
nagbabago ang itsura nito at ang tinig nito ay sadyang kawili – wili.

Adarna: (umaawit) Aba. Jaromg Don Fernando, monarka ang buong reyno si Don Juan pong bunso
mo kaharap na’t naririto ang iyo pong bunsong anak nagtitiis ng madlang hirap,
kamatayan ay hinamak. Sa utos mo ay tumupad. Yaong anak mong dalawa
inutusang nanguna kabiguan ang nakuha kapwa naging bato sila. Sa kasawiang
tinamo ni Don Diego at Don Pedro kung hindi po sa bunso mo. Habang araw
silang bato. Sila nga’y binuhusan lamang, nitong tubig na malinaw nang
mabasay nangabuhay mga batoy nagsigalaw ang nagturo nitong tubig ay
ermitanyong mabait, nahabag sa kahihibik ng bunso mong iniibig. Sinalok sa
isang ilog s alibis na isang bundok, sa linaw ay parang bubog, mabisa ang dalang
gamot. Silang tatlo ay piniging ng ermitanyong butihin, kasayaha’y walang maliw
habang sila’y kumakain. Kasayahan ng matapos ermitanyo ay pumsok sa
ermitanyo kalugod lugod at kumuha po ng gamot. Hari, inyo pong alamin si Don
Jua’y nagtiis dina palad niya ay hiwain nang gabing akoy hulihin. Pitong malalim
na sugat pinigaan pa ng dayap ninag humapdi o kay antok lama’y parang ng
ingat ngat. Dusang ito ay tiniis dahilan sa kanyang nais nag taglay ninyong sakit
ay huwag na sanang lumawig. Ang matanda ay nahabog sa daig ng iyong anak,
kaya kahit anong hirap ang prinsipe ay hinanap. Ang sinapit ni Don Juan
dinamdam ko, haring mahal, kaya po gayong na lamang yaring dusa’t
kalumbayan. Kaya rin nga namalas mo ako nga’y lulugo – lugo ni kumain ay
ayoko pagkanto’y di ko ginuso papgka’t di po dumarating ang may – ari po sa
akin ayoko sa mga taksil na anak masasakim. Yamang ngayon natalos mo ang
matapat at ang lilo kay Don Juan, O hari ko ipamana itong reyno.

TAGAPAGASALAYSAY: Nang matapos umawit ang Adarna ay biglang bumalik sa dating lakas ang hari.
Tumayo si haring Fernand o at niyakap ang anak at ang ibon at binalinan ang
dalawa niyang anak na taksil, gayon na lamang ang galit ng hari at kung wala
lang daw ang diyos ay ipinasunog na niya ang mga anak.
Magpatawag ng pulong ang hari na kung ano ang maaaring iparusa sa mga anak.
Nang ihahatol na ng hari ang parusa ay lumuhod si Don Juan sa ama.

Don Juan: (nakaluhod at umiiyak) O’ ama kong ginigiliw ang puso mong mahabagin sa kanila’y
buksan mo rin. Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa mo nila, yaon po ay
natapos na’t dapat kaming magkasama. Ako naman ay narito buhay pa rin at
kapiling mo. Wala rin ngang minamahal karugtong ng aking buhay, kami’y
pawing anak naman sa lingap mo nananangan. Hindi ko po mababatong sa aki’y
malayo sila kaya po ibigay mo na ang patawad sa kanila.

Haring Fernando: (kausap ang dalawang anak) Kayo ngayon ay lalaya, sa pangakong magtatanda.
Sa araw ng kayo ay muling magkasala kahit munti, patawarin kayoy hindi
sinuman ang humingi. Kaya nga pakaingatan, sasabihin koy tatandaan
magkasalay minsan lamang pag umulit kamatayan!.

TGAPAG SALAYSAY: sa mga napakinggan ng dalawa sila ay parang natahimik. At bumali nga sa dain
ang Berbanya, oras – oras ang ibong ay dinadalaw. At nagbigay ng kautusan ang
harin sa gabi ang tatlong anak ay magpapalitan na bantayan ang Adarna.

HARING FERNANDO: Ang sa inyo ay magsukab sa akin ay magbabayad. Nakatadhana sa utos ang
gawaing pagtatanod, ang tatlo ay sunod – sunod, sa magdamag walang tulog.
Tatlong hati sa magdamag bawat isa ay tatlong oras; para nilang hinahatak ang
gabi sa pagliwanag. Ang panaho’y pumapanaw araw ay di matulusan, ang tatlo
sa halinhina’y panatag sa katungkulan. Datapwat o! inggit! Sawang maamo’y
nalupit. Pag sinumpong na mangganid panginoo’y nililingkis.

TAGAPAGSALAYSAY: Nakasanayan na ni Don Pedro na nag kapatid na bunso ay gawan ng masama –


kaya nang gabing iyon naisipan na naman niyang magtaksil kasama ang kapatid
na si Don Diego.

DON DIEGO: Sasabay ba ako ngayon? Mamaya’y sino kung gayon ang magbabanay sa ibon?

DON PEDRO Gigisin mo si Don Juan pagdating dito ay iwa’t huwag na siyang halinhan.

DON DIEGO At paano naman siya?

DON PEDRO Huwag kang mag – alalat tatanod nang makalawa bukas tayo magkikita.

TAGAPAGSALAYSAY Nagkasundo nga ang dalawa at nang tumugtog na nag ikasampu, sa sarap ng
tulog ni Don Juan siya ay ginising kait hindi pa man iyon ang oras ng kanyang
pagbabantay. Habang siya ay nagbabantay sa antok ang bumalabal sa kanya at
tuluyan nga siyang nakatulog. Lumapit na nga ang magkapatid sa hawla ng ibon
at pinakawalan nila ito, kaya nang magising si Don Juan nagulat siya ng wala na
ang Ibon sa hawla. Di naman siya takot na mapagalian sa maaaring igawad na
parusa sa kanya kundi paano niya magtatakpan ang ginawang kataksilan. Bago
pa man, sumikat ang araw si Don Juan ay nakaalis na.

DON JUAN: Ito ang maganda natatago ang maysala.

TAGAPAGSALAYAY Nang magising na ang hari – tuwa’t saya ang nadarama. Nito. Ngunit nagulat ito
nang walang laman hawla, galit na galit ang hari nang tawagin ang tatlong anak
ngunit dalawa lang ang humanap sa kanya at pawing hindi nga nangapuyat.
Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawang anak. At sila ay nangako na sa
pagbalik nila kasama na nila si Don Juan at titiyakin na siya ay magdudusa.
Walang bukid, bundok at burol na hindi nila hinahalughog.

DON PEDRO: “Siya kaya’y napasa’at hindi natin matagpuan”

TAGAPAGSALAYSAY Tagumpay nga ang dalawa sa paghahanap kay Don Juan at nakita siya ng
Armenyang kabundukan.
Ang bundok ng Armenya ay isaang pook na maganda at may maraming tanawin
na kaaya-ayang tingnan. Sa Armenya nga pumunta si Don Juan, minabuti nga
muna niya na doon muna manirahan. At nagkita na nga ang magkapatid.

DON PEDRO (Kausap si Don Diego) Ikaw sanay huwag ganyan, ang loob mo ay lakasan, ang takot at
kahihiya’y ipaglihim kay Don Juan. May lunas na magagawa kung papaya ka sa
pithaya, sa akin ipagtiwala ang anuman iyong nasa. Kung ibig mo ay huwag nang
balikan ang ating ama, pabayaan ang Berbanya’ty dito na tayo tumira – sumama
na kay Don Juan tayong tatlo ay magpisan tumuklas ng kapalanan sa iba nang
kaharian.

TAGAPAGSALAYSAY Alam ni Don Diego na lahat nang iyon ay hindi totoo kay napa – oo na lamang
siya sa kapatid.

DON PEDRO: (niyakap si Don Juan)kami,ay nagkasundong magliwaliw sa iyo sa malayo.


Ibig nami’y sumama ka nang mabuo ang ligaya,sa anumang maging hanagd
tayong tatlo’y magkasama.

TAGAPAGSALAYSAY: Sila naga’y nanirahan sa bundok ng Armenya,sila ay masayang magkakasama


noon’Ganun paman hindi pa rin sila kontento, may nais po silang tuklasin sa
kaharian iyon, at sila nga ay may nakitang balon habang sila ay naglalakad , ang
tatlo ay nagtaka dahil sa nakita; ang balon ay sobrang linis ni walaman lang sukal
na makikita.

DON JUAN: (namamangha) Balong ito’y may hiwaga, ang mabuting gawin kaya lussungit nang maunawa-
Ngayon din ako ay talian ihugos ng dahan dahan,tali’y huwag bibitiwan
hanggang di ko tinatantang”

DON DIEGO: Ako’y matanda sa iyo,kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo, ako ang
siyang tatarok ang hangganan kung maabot at doo’y may matatalos,malalaman
ninyong lubos.”

DON PEDRO: wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay,nasa akin ang katuwiran

DON JUAN/DON DIEGO: Kung gayon…ikaw ang siyang mauna,kami nama’y bahalana sa balita mo
umasa”

TAGAPAGSALAYSAY: Ibinababa na nga ng dalawa ang tali at si Don Pedro’y nagbilin na sa oras na
galawin niya ang tali ay agad niya batakin ang tali.tatlumpung dipa pa lang ang
nalulusong ni Don Pedro ay ginalaw na agad niya ang tali, senyas upang hilahin
na ang tali.

DON DIEGO/DON JUAN: Narating mo ba ang hangga? Ano roon ang nakita pamumutla mo’y ganyan na?

DON PEDRO: (namumutla) Hintay muna,hintay kayo magpuputo ang dibdib ko….”
Oh, hindi ko natagalan ang dilim na bumalabal sa sindak at katakutan sa sindak
at katakutan para akong sinasakal.

Tagapagsalaysay: Si Don Diego naman ang na bumaba sa balon at tulad din ni Don Pedro siya ay
umahon sa balon nang namumutla.

DON JUAN: Sa amin ay ibalita ano nga ba ang hiwaga?

DON DIEGO: Ewan ko, wala…wala sa lalim ng walang hanggan ang takot ko ay umiral at kung
doon ay nagtagal napati na itong buhay.”

TAGAPAGSALAYSAY: Si Don Juan nga’y di mapakali at nagtali na lubid at sa balo’y bumaba na malalim
na rin ang nararating ni Don Juan at sa sindak ay lumalaban.

DON JUAN: Ano’t akin pang ninasa na tuklasin ang hiwaga kundi rin magagawa? Anuman
ang kapalaran ito’y di ko uurungan,ang malakina kabiguan ay bung ang
karunungan.nasimulan kong gawin ang marapat ay tapusin,sa gawang
pabimbin-bimbin wala tayong mararating.”

TGAPAGSALAYSAY: Sa pagtitiis nga ni Don Juan ang balong ay nasapit rin.lahat nang kanyang
matatapakan ay puro Kristal at siya ay namangha sa nakita. Na tila
namamalikmata.

DON JUAN: Oh, hiwaga ito’y sa engkanto gawa!

TAGAPAGSALAYSAY: At lalo siyang namangha nang Makita niya si Donya Maria.

DON JUAN: (hawak ang kamay ni Donya Maria) Oh, marilag na prinsesa, ang sa araw na
ligaya kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.

DONYA MARIA: Sa matamis na bati mo, nagagalak ang puso ko, ngunit manghang-mangha ako
sa iyong pagkaparito!

DON JUAN: Ako’y isang pusong alsa na kayakap ng dalita,inihatid ditong kusa ng pagsinta
kong dakila.Inimbulag sa itaas,nang malabay niyangpakpak,saka rito inilapag
maglingkod sa iyong dilag. Ako’y iyong kahabagan o,prinsesang minamahal,sa
kung itoy’y kasalanan sa parusa’y nakalaan.
Kung wala kang pagmamahal,kitli mo na yaring buhay. Ano pa yaring halaga
kung sawi rin sa pagsinta, mahanga o,Donya Juana,hininga ko’y malagot na.
Sukatin mo yaring hirap ng sa iyo.ay pagharap balong lihim ay di tatap nilusong
kong walang gulat. Hinamak ang kadiliman at panganib na darating ngayong
kita’y masilaya sawi pa rin yaring buhay”

DONYA MARIA: Tanggapin mo yaring puso pusong iyan pa naglaho nagtaksil ka sa pangako”

DON JUAN: Magtaksil? Pagtaksilan ang buhay na aking buhay? Prinsesa kong minamahal
panahon ang magsasaysay”

DONYA MARIA: Ngayon ang aking panganib saan kita ililingid nang maligtas sa pasukit ng
higanteng sakdal lupit?higanteng ito’y siya nga sa akin ay may alaga,katapanga’y
di-kawasa,taong datna’y sinisila. Kung datnan kang kaniig ko,galit niya ay
susubo, nanganganib ang buhay mo baka ikaw ay matalo.
DON JUAN: Prinsesa kong minamahal, ang matakot ay di bagay, manghawak sa kapalaran sa
diyos na kalooban”

TAGAPASALAYSAY: Ilang saglit lang ay dumating na ang higante sa hagdan ay pumapanhik at


tinawag ang prinsesa na galit na galit.

HIGANTE: Amoy manusya,rito ay may tao kang iba!”

Tagapagsalaysay: Hindi nakasagot ang prinsesa tila kinikilabutan. Pakutyang ngumiti ang higante.
Higante: (humahalakhak) Di laki ko ngayong tuwa rito ay may masisila! Di na pala
kailangan mamundo pa at mamarang dito man sa aking bahay lumapit na ang
pindang.
Don juan: higante, tikom ang bibig ako’y di mo matitiris kung ikaw ma’y kilabot sa pook
mong nasasakop saying iring pamumundok pag di kita nailugmok”
Higante: At matapang? May lakas pa na tumawad sa aking kaya? A pahangas!ha-ha-ha
ngayon mo makikilala.nang sa inyo ba’y umalis nangako ka pang
babalik?nasayang ang panaginip,ngayon at dito kita ililigpit”
Don Juan: Ayoko nang ingay-ingay lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mo yaring
buhay,hangad kong ika’y mapatay”
Tagapagsalaysay: Naglaban nga ang dalawa at sa mabuting kapalaran napatay niya ang higante.
Walang mapagsidlan ng tuwa si Donya Maria namg bumulagta sa lupa ang
higante. At lumapit sa prinsesa.
Don Juan; P rinsesa kong nililiyag,kung ako man ay naghirap ikaw naman ang katumbas.
Sukat na nag ikaw ay akin ako nama’y iyong giliw, maging dusa man at lagim sa
akin ay aliw na rin. Kaya, halika na,hirang at ang balon ay panawan,tayo nasa
kaharian ng aking mga magulang.”
Donya Maria: O, Don Juan aking sinta, diyata’t aalis kita,rito ay maiiwan pa, ang bunso kong si
Leonora. Si leonora’y kapatid ko kasama sa balong ito, naririyan sa palasyo rito’y
natatanaw mo. Paroonan mo’tsunduin sa ngalan ko ay sabihin siya’y parito
ngayon din at ibig kong kausapin.ngunit irog may pangamba ang pagsundo mo
sa kanya, may tangkilik kay Leonora ay serpiyente’t palamora. Ang serpiyente ay
matapang sanay siya sa pagpatay,pitong ulo,maputol man nasusugpong kapag
kuwan.O, Don Juan,laking lunos ang sa aki’y lumulunod, muli ka pang
makihamok ay di na itutulot.
Don Juan: ( nagpaalam) prinsesa kong kasi’t mutya, yaring buhay kung maaba, palad ko na
ang mawala. Ano’t ako’y masisindak kung ito ang aking palad? Ipaglingkod
yaring lakas mapahamok kung mapahamak”
Tagapagsalaysay: Nang makarating si Don Juan sa Palasyo na kung saan nakatira si Leonora ay
nagulat siya sapagkat lahat ng titigan niya ay ginto hindi siya nakahuma nang
Makita si Leonora.
Prinsesa Leonora: O, pangahas,sino ka ba at ano ang iyong pita?
Don Juan: aba, palabas ng buwan, tala sa mdaling-araw, hingi ko’y kapatawaran sa aking
kapangahasan, sa mahal mong mga yapak, alipin mo akong tapat humahalik at
ang hangad, maglingkod sa iyong dilag”
Prinsesa Leonra: Di mo baga nalalamang mapanganib yaring buhay, sa serpiyente kong matapang
walang mapapatay.”
Don Juan: Mapanganib man ngang ludha ano pa ang magagawa,kung palad kong masaliwa
tanggapin ang pagkadusta. Hindi gaanong masaklap na mapatay ng kalamas, sa
akin ang dusa’t hirap, masawi sa iyong lingap.”
Prinsesa Leonora: ”Ikaw baga’y o kaya’y sinisipayo? Hayo’t dito ay lumayo,taong lubhang
mapaglako. Hindi kita kailangan ni Makita sa aking harapan, umalis ka’t
manghinayang sa makikiil mong buhay”
Tagapagsalaysay: Hindi tuminag ang prinsipe. Pinakia na naman ni Don Juan ang pag-ibig na nais
niyangI bigay sa prinsesa.
DON JUAN: “pinupoon kong prinsesa,galit mo po ay magbawa, kung ako’y may nagkasala
Ito’y dahil sa pagsinta. Dangat ako’y nagkapuso na pinukaw ng pagsuyo sa dilag
mo’y kalian ako matanggap ang pagsiphayo?”
TAGAPSALAYSAY: Sa mga napakinggan ng prinsesa galit niya’y napalitan ng pag-ibig sa prinsipe. At
pinapanhik siya sa palasyo.

Prinsesa Leonora: “Prinsipe, ika’y pumanhik dito na tayo magniig bahay ko ma’y di marikit
payapa’t di maligalig”

DON JUAN: “Prinsesa jong pinopoon, salamat sa pag-aampon, mag-utos ka’t umaayon itong
Lingcod mula ngayon”

PRINSESA LEONARA: “Unang ibig kong malaman kung paano mo nalaman ang lihim kong tahanan sa
liblib na kabundukan”

DON JUAN: “Prinsesa kong kasi’t mutya, ang nangyari’y talinghaga, hamak yaring aking
dakila na Magsaysay ng himala.

TAGAPAGSALAYSAY: Habang sila’y nag-uusap at nag-susuyuan biglang yumanig sa kanilang


kinatatayuan. Si Don Juan ay naglalakbay pa rin sa kanyang lalandasin.Si
prinsesa nama’y ninanais na mag-isa at pag is Don Pedro’y dumating kala niya ay
si Don Juan na pero pag di niya ito nakikita ayw niya itong pagbuksan.

DON PEDRO: “Leonarang pinopoon ko, di na kay magbabago katigasan ng iyong puso?”

LEONARA: “Don Juan kong tanging sinta, malagot man ang hininga, iyong-Iyo si leonara”

DON PEDRO: “Prinsesa kong minamahal, pawiin ang kalumbayan, hindi kita babayaa’t pag-
ibig ko’y walang hanggan”
IBONG ADARNA
(Una at Ikalawang Bahagi)

Isinumite ni:

Noella Ched B. Mayores

Isinumite kay:

Mrs. Brutas

You might also like