You are on page 1of 10

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Maituturing ang Pilipinas bilang isang bansa na ang karamihang naninirahan ay

ang mga kababaihan. Noong unang panahon, ang mga kababaihan ay may mataas na

katayuan, at ang pagtingin sakanila. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nagbabago

rin ang pagtingin ng mga tao sa mga kababaihan. Ang kababaihan sa lipunan ngayo’y

naisasantabi gayong sila ang bumubuo ng mahigit sa ating populasyon.

May iba't ibang tungkulin ang isang babae katulad na lamang ng tungkulin sa

bayan, tahanan, kapaligiran, pamilya at marami pang iba. Ito ang ilan sa mga dapat na

tungkulin ng isang babae. Inaasahan sila na gumawa ng mga gawaing bahay at

nararapat na maging mapagmahal, maalaga, mabait, magalang, at masunurin sila sa

kanilang mga magulang. Ang mahalagang tungkulin ng isang babae ay ang tungkulin

para sa bayan o lipunan. Dapat ang babae ay nagsisilbing magandang halimbawa sa

lipunan at nagsisilbing ilaw sa pamilya at tahanan.

Ayon kay Ruth Elynia S. Mabanglo, mahalaga ang pangalan at mga bansag sa

mga tao sa alinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon, mapatutunayang nagagamit

ang mga ito sa paglikom ng kapangyarihan o lakas para sa makasariling layon.

Nakatutulong ang mga ito sa pagbubuo ng tao ng sarili niyang palagay o konsepto ng

kanyang sarili. Sa pag-unlad ng wika at mga salita, ay sumasabay din ang pag-unlad ng

mga salitang balbal na nauuso, at ilan sa mga ito ay ang mga salitang naglalarawan sa
bawat karakter ng mga kababaihan sa lipunan. Ito ay ang mga ilang piling bansag na

umiral sa nagdaang mga taon.

Mababakas na kahit saang dako sa ating bansa ay gumagamit ng mga naturang

antas ng wika at hindi maitatatwa na laganap sa mga ito ang paggamit ng mga salitang

balbal. Nagkaroon ng malaking kontribusyon ang pag-iral ng salitang balbal upang

mabuksan ang kaisipang makabuo ng mga piling bansag sa mga kababaihan. Kabilang

sa ibang katawagan na ito ang mga salitang balbal na bebot at egat. Ang lipunan ang

nagsisilbing batayan ng wika sa tulong ng mga kodong binuo ukol dito, ito ay ayon

naman kay Basil Bernstein. Ang paggamit ng mga salitang ito ay nakasalalay sa

kasarian ng taong gumagamit nito (sexism), ayon kay Ronald Wardhaugh.

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa pagtuklas ng iba’t ibang bansag sa

kababaihan na umiiral sa Pilipinas sa nakalipas na sampung taon. Ang mga bansag na

ito ay hindi lamang umiral sa isang partikular na lugar kung hindi sa buong bansa.

Maraming papel ang ginagampanan ng mga babae sa lipunan, katulad na

lamang ang pagiging ilaw ng tahanan. Sa katotohanan, ayon sa pagsasaliksik ni

Propesor Aileen Concepcion Ani, MAEd, dalawa ang itinuturing na papel na

ginagampanan ng kababaihan sa lipunan sang-ayon sa ipinamanang katuruan ng

Kristiyanismo mula sa mga mananakop na Kastila. Una, ang birhen na martir at nanay

tulad ni Birheng Maria, at pangalawa ay ang maruming babae na si Maria Magdalena.

Dito pinagbasehan ng iba ang mga bansag na umiral sa ating bansa. Sa ganito,

namulat ang lipunang Pilipino sa paraan ng pagbuo ng imahe ng kababaihan. Dito rin
umikot ang mabigat na katotohanang ito ang nagiging saligan ng pagtuklas ng babae

ng self-concept at self-image. Sa nakalipas na sampung taon, marami na ang

lumaganap na mga bagong salita, kabilang na dito ang mga bansag sa mga babae

katulad ng “chikababes”, “dyosa”, “hipon”, at iba pa.

Ayon kay Fishman (1974), ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende ng

malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso sa intelektwalisasyon ng

terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-

kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon, sinonim, antonim, at

hayperonim ng mga bagong terminolohiya.

Ang mga salitang ito ay maaring magdulot ng ibang pagkakaintindi at minsa’y

nagdudulot ng pang-aabuso sa mga babaeng nakakatanggap ng mga ito.

Naihahantulad minsan ang mga bansag na ito sa mga dahilan ng pang-aabuso sa mga

babae. Madalas sa pang-aabuso gamit ang mga pangalan at salita ay nagpapahiwatig

na ang mga kababaihan ay karaniwang binibigyan ng agwat sa panloob na pananaw ng

tagamasid bilang pangunahing pagtingin sa kanilang mga pisikal na kalagayan. Ang

pananaw na ito sa sarili ay maaaring humantong sa pag-uugali ng kinagawian ng

katawan, na kung saan maaaring mapataas ang mga oportunidad ng kababaihan para

sa kahihiyan at pagkabalisa sa kadahilanang ilan sa mga bansag sa kababaihan ay

nagbibigay ng panibagong pagtingin sa kanilang pagkatao, kung ang bansag ba ay

isang papuri o pambabastos na maituturing.

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito matutuklasan ang mga piling bansag na

umiral sa nakalipas na sampung taon. Malalaman rin kung saan nagmula at kung ano
ang kahulugan ng mga ito. Matutuklasan rin ang kaugnayan nito sa karakter ng mga

kababaihan sa lipunan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Anu-ano ang piling bansag sa kababaihan sa nakalipas na sampung taon?

2. Bakit umiral ang mga piling bansag sa kababaihan?

3. Paanong makikita ang karakter ng kababaihan sa mga bansag na umiral sa

nakalipas ng sampung taon?

HAYPOTESIS

alang koneksyon ang mga piling bansag na umiral sa nakalipas na sampung

taon sa karakter ng kababaihan sa lipunan.

BALANGKAS TEORETIKAL

Nauunawaan ng isang indibidwal ang mga bagay at konsepto sa pamamagitan

ng kanyang pakikipag-ugnayan sa iba. Gayunpaman, ang kanyang pag-unawa ay

maaaring pareho o salungat sa ibang partido sa pakikipag-ugnayan, batay sa mga

mensahe na naibibigay sa isa't isa at kung paano ang mga ito ay binibigyang-kahulugan

at/o nauugnay.

Mayroong isang teorya ang sinaliksik at isinaalang-alang para sa kasalukuyang

pag-aaral, ito ang: Teorya ng Attribution.


Ayon kina Fiske at Taylor, ang Teorya ng Atribusyon ay tumutukoy sa kung

paano gumagamit ng impormasyon ang mga tao sa pag-uunawa upang makarating sa

mga sanhi ng mga paliwanag para sa mga pangyayari. Sinusuri nito kung anong

impormasyon ang natipon at kung paano ito pinagsama upang bumuo ng isang

pagdadahilan ng paghuhukom.

Ang teoryang ito ay karaniwang tumitingin sa kung paano nagkakaroon ng

kahulugan ang isang tao ng kanilang mundo; ano ang dahilan at epekto ng mga

pagkakamali nila tungkol sa pag-uugali ng iba at ng kanilang sarili.

Ayon kay Heider, may malakas na pangangailangan ang mga indibidwal

upang maunawaan ang mga lumilipas na pangyayari sa pamamagitan ng

pagpapahiwatig ng mga ito sa disposisyon ng aktor o sa matatag na mga katangian ng

kapaligiran. Ang layunin sa likod ng paggawa ng mga atribusyon ay upang makamit ang

Cognitive Control o Pangkalahatang Kontrol sa kapaligiran sa pamamagitan ng

pagpapaliwanag at pag-unawa sa mga sanhi sa likod ng mga pag-uugali at mga

pangyayari sa paligid.

Mayroong dalawang pangunahing ideyang pinahayag si Heider na naging

maimpluwensya:

Una ay ang "Internal Attribution", ang proseso ng pagtatalaga ng sanhi ng pag-

uugali sa iilang panloob na katangian, sa halip na sa mga puwersang panlabas.

Halimbawa, itinuturing namin ang pag-uugali ng isang tao sa kanilang personalidad,

motibo o paniniwala. Ayon sa "Correspondent Inference Theory" nina Jones at Davis,

tumutulong ang teoryang ito upang maunawaan ang proseso ng paggawa ng isang
panloob na atribusyon. Sinasabing ginagawa ito kapag nakita ang kaugnayan sa

pagitan ng motibo at pag-uugali. Ginamit ni Davis ang terminong "correspondent

inference" upang tumukoy sa isang okasyon kapag ang isang tagamasid ay

nagpapahiwatig na ang pag-uugali ng isang tao ay tumutugma sa kanilang pagkatao.

Pangalawa ay ang "External Attribution", ang proseso ng pagtatalaga ng sanhi ng pag-

uugali sa ilang sitwasyon o kaganapan sa labas ng pagkontrol ng isang tao sa halip na

sa ilang panloob na katangian.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang konseptwal na balangkas o "conceptual framework" ng pag-aaral na ito ay

ginamitan ng input-process-output model. Inilalahad ng input frame ang

pagkakakilanlan ng mga magiging tagatugon tulad ng edad at kasarian. Ang process

frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa

pagkuha ng mga datos saklaw ang pakikipanayam sa mga respondante (at

dokumentasyon sa mga impormasyong nakalap. Ang output frame ay sumasaklaw sa

implikasyon ng mga nakalap na datos.


SAKLAW AT LIMITASYON

Ang layunin ng mga mananaliksik ay: malaman ang mga piling bansag sa

kababaihan sa nakalipas na sampung taon, malaman ang dahilan ng pag-iral ng mga

piling bansag sa kababaihan, at malaman kung paano naipapakita ang karakter ng

kababaihan sa mga bansag na umiral sa nakalipas na sampung taon.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga bansag na umiral sa Pilipinas sa

nakalipas na sampung taon. Iba't ibang bansag ang umiral sa bansa na nagpapakita ng

karakter ng kababaihan sa lipunan. Marami sa mga katawagang ito ay maaaring

mayroong masamang ibig sabihin o ginagamit bilang pang-iinsulto. Ang ibang bansag

naman ay ginagamit bilang papuri.

Nililimitahan ang pananaliksik na ito sa pangangalap ng mga impormasyon sa

pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga piling propesor at estudyante ng

Departamento ng Sikolohiya at Departamento ng Sosyolohiya sa Poleteknikong

Unibersidad ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay nag-umpisa sa ikalawang semestre ng unang taon sa

Senior High (taon ng paaralan 2017-2018).

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makapangalap ng mga

impormasyong magbibigay linaw sa karakter ng kababaihan sa lipunan sa

pamamagitan ng pagtuklas kung anu-ano ang mga piling bansag na umiral sa nakalipas

na sampung taon. Karagdagan pa rito ay upang matukoy kung mayroon bang

koneksyon ang mga bansag na umiral sa karakter ng kababaihan sa lipunan.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maunawaan

nila kung anu-ano ang mga bansag na umiral sa kababaihan. Bukod pa rito ay upang

magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral sa kung anong mga bansag ang

maaaring maka-insulto at makasama sa loob ng mga kababaihan sa pamamagitan ng

pag-alam sa kahulugan ng mga piling bansag na umiral.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maipaunawa

sa kaniyang mga anak ang mga kahulugan ng mga piling bansag na umiral sa mga

kababaihan.

Sa mga guro. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maipabatid at

maituro sa mga mag-aaral na sakop ang ganitong paksa ang koneksyon ng mga piling

bansag na umiral sa kababaihan sa kanilang karakter sa lipunan.

Sa lipunan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maipabatid na

kaakibat ng mga bansag na umiral sa kababaihan ay makikita rin ang kanilang karakter

sa lipunan. Bukod pa rito, upang malaman nila kung anu-ano ang mga bansag na

umiral at kung bakit umiral ang mga bansag sa kababaihan. Maisasama rin ang
pagiging sensitibo ng mga mamamayan sa paggamit ng mga bansag na itatawag sa

kababaihan.

Sa mga susunod na mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay

makakatulong upang kanilang magamit bilang batayan o panghanguan ng iba pang

detalye para sa kanilang gagawing pananaliksik na may kaugnayan sa paksa ng

pananalisik na ito.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIIT

ATRIBUSYON - upang ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng isang

dahilan

BALBAL – ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang

partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.

LIPUNAN – isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa

mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang

naiibang kultura at/o mga institusyon.

BANSAG – ito ay pangalan ng isang tao kung saan siya mas kilala.

SELF-CONCEPT – isang ideya ng sarili na nabuo mula sa mga pinaniniwalaan ng

isang indibidwal na tungkol sa sarili at sa tugon ng iba.

SELF-IMAGE - ang ideya ng isang indibidwal sa mga kakayahan, itsura at

personalidad ng sarili.

COGNITIVE CONTROL – ang proseso kung saan ang mga layunin o plano ay nakaka-

apekto sa pag-uugali.
SANGGUNIAN

DAGHALISMO: DIBDIBANG USAPAN SA PANANAW NG MGA PILIPINO SA

“SUSO” ni Prof. Aileen Concepcion Ani, MAEd

What, can't you take a compliment?: A qualitative study of catcalling

by Elizabeth Eastwood

He said, She said: The Attributions and Experiences of Street HArassment by

Selected Male and Female, Metro Manila College Students

University of the Philippines Diliman, Bachelor of Arts in Communication

Research, by Arylle Magtalas an Mark Vincent Sing.

https://www.utwente.nl/en/bms/communication-theories/sorted-by-

cluster/Interpersonal%20Communication%20and%20Relations/attribution_theory/

http://webspace.ship.edu/ambart/psy_220/attributionol.htm

https://filmajorbatstateu.wordpress.com/2016/03/19/diksyunaryo-ng-salitang-

balbal/

https://takdangaralin.ph/papel-sa-lipunan-bilang-babae-o-lalaki/

You might also like