You are on page 1of 2

Tungkulin Ng Wika

Anu-ano ang mga tungkulin ng wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng


karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap


kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng
bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang


pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring
kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong
nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang
ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa
pinagmumulang wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang
paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga
kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin
ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.


halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.


halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.


halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.


halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey

7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.


halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan
Posted by Arnel B. Mahilom at Wednesday, July 06, 2011
Labels: Wika

You might also like