You are on page 1of 1

KREDO NG PAMAMAHAYAG...

Ako'y naniniwala sa propesyong pamahayagan


Ako'y naniniwala na ang malinaw na pag-iisip at maliwanag na
pangungusap, tumpak at makatarungan ay pangunahing pangangailangan
sa mabuting pahayagan.

Ako'y naniniwala na ang isang mamamahayag ay dapat lamang sumulat


ng isang bagay na sa kaibuturan ng kanyang puso'y makatotohanan.

Ako'y naniniwala na walang sinumang dapat sumulat bilang


mamamahayag ng anumang bagay na hindi niya masasabi bilang isang
maginoo.

Ako'y naniniwala na ang pamahayagan na nagtatagumpay ay karapat-


dapat sa tagumpay --- ay natatakot sa diyos at nag-paparangal sa tao, ay
matibay na nagsasarili, nakapag-babalangkas, mapag-bigay ngunit hindi
pabaya; nakapag-pipigil, matiyaga, laging magalang sa kanyang
mambabasa, ngunit walang pagkatakot, madaling mapoot sa walang
katarungan at humahanap ng paraan upang mabigyan ang bawat tao ng
pantay-pantay na pagkakataon.

You might also like