You are on page 1of 9

Pagsusuri sa Rehistro ng Wika

ng mga Mananahi
Maritess de Lara, Chem Pantorilla, at Melba Ijan

Isang bansang arkipelago ang Pilipinas. Ang pagkakawatak-watak ng


mga pulo nito ang isa sa itinuturing na dahilan kung bakit tinagurian itong
multilingguwal na bansa. Resulta ng ganitong kalagayan ang pagkakaroon ng
varayti ng mga wika. Nakabatay ang pagkakaroon ng varyti at baryasyon ng
wika sa paniniwala ng mga linguist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-
iba ng wika (Saussure, 1959) at “hindi kailanman pagkakatulad o unipormidad
ng anumang wika,” ayon kay Bloomfield (1933). Dala ito ng nagkakaibang
pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain at
tungkuling ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika
na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Rousseau, 1950).
Nangangahulugan ito, na higit na nakilala ang isang tao kung saan at ano
ang kinabibilangang grupo, interes, pinag-aralan, lahi, relihiyon, at
kinalakhang pook sa wikang kaniyang ginagamit.

Pekulyar ang wika ng bawat grupo dahil sa pagiging kaiba nito sa wika
ng ibang grupo. Katulad ng mga register ng mananahi, ito ay nagtataglay ng
katangian ng kabuuang wika ngunit mayroong espesipikong kahulugan at
katangiang namumukod sa bokabularyog at gramar. Ayon kay Pinchuck
(1977), ang mga wika ng mga nananahi ay nabibilang sa teknikal na mga
wika. Dagdag pa ni Pichuck, espesyal ang wikang ito dahil nabubuo ng grupo
ng mga taong may iba’t ibang oryentasyong panlipunan na pinagkaisa ng
kinabibilangang gawain, katayuan sa buhay, trabaho, at edukasyon.

Batay sa oryentasyong panlipunang ito nakabubuo at nagkaroon ng


varayti at baryasyon ang isang wika. Sang-ayon kay Catford (1965) may
dalawang uri ng varayti ang wika. Una ay permanente para sa mga
tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago
kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting
permanente ay diyalekto at idyolek (http:www.scribd.com).

39
Ang diyalekto ay varayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na
grupo ng tao sa isang lugar o speech community, panahon, at katayuan sa
buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o
grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: espasyo, panahon, at
katayuang sosyal. Subordineyt ito ng isang katulad ding wika na pekulyar sa
isang tiyak na rehiyon. Samantala ang idyolek naman ay isang varayti na
kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng
partikular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko
tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. Tinatawag
itong tatak ng pagkaindibidwal. Ayon pa rin kay Catford, permanente nang
matatawag ang idiyolek ng isang taong may sapat na gulang.

Sa pangalawang uri naman makikita ang pansamantalang varayti ng


wika na kaugnay sa sitwasyon ang pagamit ng wika. Kasama rito ang
register, mode, at estilo. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipinang
papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Halimbawa nito ay: siyentipiko at teknikal na register, panrelihiyong register,
pang-akademiyang register, at iba pa. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay
ngrelasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal,
kolokyal, at intimeyt o personal. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa
midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pagsalita o pagsulat. Sa
isang speech community makikita ang baryasyon ng wika sa pamamagitan
ng mga taong bumubuo rito; pakikipagkomunika ng tao; interaksiyon ng mga
tao at iba pang mga elementong nakaimpluwensiya sa paggamit ng wika.

Pinagbatayang Teorya

Nakaangkla ang papel na ito sa teorya ni Labov – ang social theory.


Dinadalumat ng teoryang ito na may malaking kinalaman ang lipunan sa
pagkabuo/pagbabago ng wika. Isang kongkretong halimbawa nito ang mga
terminong ginagamit ng mga nananahi na bunga ng pag-usbong ng mga
bagong teknolohiya dulot ng pag-unlad ng lipunan. Ayon naman sa konsepto
ni Lachica (1993), ang tao sa tulong ng wika ay gumagawa ng kaparaanan
upang iakma sa kaniyang kaligiran sa pamamagitan ng imbensiyon. Sa
tulong ng wika,nakabubuo sila ng mga dapat sunduin at paniwalaan na
nagiging alituntunin sa kanilang pagkilos, asal, at pagtingin sa gawain.

40
Ang mga Register ng mga Mananahi sa Bulacan

Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng mga register ng


mga mananahi sa Bulacan.

Uri ng Tela Proseso Gamit sa Mga Uri ng Ugpungan


Pananahi Putol at
Yari
Basite Paghihilbana Aleta Baston Modista
Bird’s eye Pagtututos Automatiko Ambel Sastre
Brocade Paglilip Kurdon Bugy Uhales
Overcasting Square
Calico Piye Uhites
Stich pants
Crepe Pagsusulsi Koreya Rugged Ohetas
Muslin o
Pasada Kusek Pencil cut Alsado
Katya
Organdy Tistis/Tastas Pata Straight cut Retaso
Percale Bayas Bobina Princess cut Hilatsa
Satin Istretso Medida Shering Sports collar
Coat Executive
Kuldoroy Pagtatabas Kuser
sleeves collar
Tetaron Cross stitch Velcro Sabrina
Jorjet Stiches Komi Venus
Chorded
Bareta
Lace
Pin Cushion
Kanilya
Dixon/Tailor
Chalk
L-Square
Hibla

41
Ang mga nakolektang register ng mga mananahi ay inihahanay ayon
sa sumusunod: uri ng tela, proseso, gamit sa pananahi, mga uri ng putol at
yari, at iba pa. Nakatala sa mga uri ng tela ang mga register ng mga telang
madalas na ginagamit ng mga mananahi sa kanilang pagtahi. Tunghayan ang
deskripsiyon, at kung saan ginagamit ang mga telang ito.

 Basiste - malambot, matibay, magaan, at makinis. Ginagawang


panyo, pantulog, bestido at makintab

 Bird’s eye – ginagamit na lampin, tuwalya, at pamunas ng


kamay at takip sa mesa.

 Brocade – may nakaumbok na disenyo. Magandang gawing


damit na panggabi, kurtina, at takip ng muwebles.

 Calico – makintab at matingkad ang kulay. Yari ito sa koton.


Maaaring gawin itong damit, kamisendro o apron.

 Crepe – makintab at malambot. Maaaring gawing blusa at damit


panloob.

 Muslin o Katya – yari sa koton. Ginagawa itong lining ng damit,


punda ng unan, pamunas ng kamay, o damit panloob

 Organdy – pino ngunit may katigasan. Yari sa koton at rayon.


Ginagawang kurtina at kuwelyo.

 Percale – makinis at matigas. Maaaring gawing kurtina, apron,


takip ng kama, at punda ng unan.

 Satin – makintab at makinis na ginagamit na lining. Takip sa


kama, kurtina, at punda ng unan.

 Kuldoroy – guhit-guhit at matigas na tela. Karaniwang ginagamit


na tela para sa shorts at pantalong panlalaki.

 Tetaron – malambot na tela, karaniwang ginagamit sa uniporme


ng mga estudyante.

 Jorjet – ang orihinal na pabric gawa sa sutla, pero minsan gawa


ito sa synthetic fibers tulad ng polyester, lukot-lukot na magaan,
medyo magaspang ang tekstura ng tela. Ginagawang damit
pangpormal, pangkasal, at pangkaraniwang damit.

 Chorded Lace – telang karaniwan lang ginagamit sa kurtina

42
Inilalarawan naman sa ikalawang hanay ang proseso na ginagawa sa
pananahi. Ito ay ang mga sumusunod:

 Paghihilbana – ito’y pansamantalang tahi at inaalis pagkatapos


maliip ang tupi. Hinihilba ang mga lupi upang ito ay manatili sa
lugar.

 Pagtututos – ito’y isang paraan ng pananahi na ginagamit sa


pagsusulsi ng iba’t ibang uri ng punit.

 Paglilip – ang tinuping laylayan o dulo ng tela na tinatahi. Ito ay


tahi sa kamay

 Overcasting stitch – ito’y isang uring tahi na nagmumula sa


dalawa at maikling tahi na pahilig.

 Pagsusulsi – pagtatahi sa butas o punit na bahagi ng damit sa


pamamagitan ng pagtatapal o pagdaragdag ng tela rito.

 Pasada – isang hilera o deretsong pagtatahi

 Tistis/Tastas – pagtatanggal ng tahi o ng pagkakatahi

 Bayas – palihis na putol ng tela

 Istretso – Deretsong pagtatahi

 Pagtatabas – pagpuputol o paggupit ng tela

 Cross stitch – pakros na tahi, ginagamit sa laylayan ng pantalon

 Stitches – ito ay tahing nagsisilbing dekorasyon

Ang sumusunod naman ang mga gamit sa pananahi:

 Aleta – zipper

 Automatiko – tawag sa magic button o butones na madikit

 Kurdon – makapal na sinulid na ginagamit pang-alsa sa tahi.

 Piye – pedal ng makina

 Koreya – makapal na tali/tela na umiikot sa makina. Ito ay


nakalagay sa bilog na parang gabay sa bisikleta

43
 Kusek – piyesang may ngipin na inilalagay sa makina

 Pata – hugis daliri na tinatapatan ng karayom ng makina

 Bobina – kinakabitan ng pang-ilalim na sinulid ng makina

 Medida – gamit na panukat sa tatahiin at tatahian

 Kuser – gamit o piyesa ng makina na may ngipin

 Velcro – Ginagamit sa bag o wallet na pandikit. Ito rin ay


inilalagay sa bulsa ng panalon. Karaniwang ito’y synthetic.

 Komi – tawag sa malaking sinulid na karaniwan lang ginagamit


sa pananahi sa makina

 Bareta – kinakabitang ng karayom sa makina

 Pin Cushion – tusukan ng mga karayom

 Kanilya – nakalagay sa loob ng bobina

 Dixon/tailor Chalk – tisa ng mga mananahi

 Hibla – ito ang tawag sa sinulid na ginagamit pantahi

 L-Square – ginagamit na pangguhit ng mga mananahi upang


maging diretso ito

Ito naman ang mga register sa pananahi na may kaugnayan sa mga


uri ng mga putol at yari. Nahahati ito sa dalawang kategorya, pang-ibaba, at
pang-itaas.

Pang-ibaba

 Baston – paliit ang tabas sa laylayan ng pantalon/pang-ibaba

 Ambel – paluwang ang tabas sa laylayan ng pantalon/pang-


ibaba

 Bugy – maluwang ang tabas at yari sa hita hanggang sa ibaba o


laylayan ng pantalon/pang-ibaba ng lalaki

 Square pants – maluwang ang tabas o yari ng pang-ibaba o


pantalong pambabae

44
 Rugged – ito ang karaniwang tabas ng maong, tinatawag din
itong doble-pasada

 Pencil cut – paliit na yari ng laylayan ng palda

 Straight cut – deretsong putol o yari ng pang-ibaba ng palda o


pantalon ng babae

 Princess cut – bestidang may anim na putol (cutting)


karaniwang ginagamit o ginawa sa gown

 Shering – kinukulubot sa palda

Pang-itaas

 Coat sleeves – tahi ng manggas ng Amerikana

 Sabrina – tahi na maluwag at bukas ang leeg

 Venus – tahi na kabila o isang bahagi lamang ang may balikat

Itong sumusunod naman ang mga terminolohiyang naihahanay sa ibapa:

 Modista – babaeng mananahi

 Sastre – lalaking mamanahi

 Uhales – bahaging nilalagyan ng butones

 Uhites – paglikha ng butas sa pananahi

 Ohetas – malaking bilog o butas para hindi magnisnis


ang binuburdahan

 Alsado – mga sinulid na pinagdudugtong para nakaangat ang


tahi

 Sugpungan – ito ang paraan/allowance na inilalaan ng mga


mananahi

 Retaso – maliliit na tela at tira mula sa mga pinagtabasan

 Hilatsa – tawag sa mismong sinulid o hibla na nakalagay o


natatanggal sa tela

45
 Sports collar – kuwelyo ng mga bulsa, blazer, at Amerikana

 Executive collar – kuwelyo ng mga barong

Kabilang ang mga register ng mga mananahi sa mga teknikal na wika,


katunayan marami sa mga bokabularyo nito ang hindi natutumbasan sa
Tagalog ng mga mananahi, lalong-lalo na ang mga bokabularyong may
kinalaman sa mga tela at sa mga uri ng putol at yari. Ngunit mapapansing sa
kategorya hinggil sa proseso at gamit ay nasa wika na ito ng mga Bulakenyo.
Marahil ang gawaing ito ay hindi na bago sa lipunang Filipino kaya halos
lahat ng mga may kinalaman sa proseso at gamit ng pananahi ng mga
mananahi ay nasa Filipino na. Tanging ang proseso lamang tungkol sa iba’t
ibang pag-stitch at tabas/yari ng mga maong na pantalon ang nasa Ingles.
Ayon sa Wikipedia.com ang stitching at pantalon ay nagmumula sa bansang
Europa at sa Amerika. Isang uri ng sining ng mga taga-Europa ang stitching
nakamakailan lamang napasok sa ating lipunan.

Konklusyon

Isang panlipunang penomenon ang wika. Sapagkat panlipunan, hindi


maaaring paghiwalayin sa mga ginagawa ng mga tao ang gamit ng isang
wika. Habang nahuhubog ang bawat mamamayan ng institusyon may
direktang kontak sa kaniya ang lipunan, sadya man o hindi, nagiging
instrumento ang mga taong ito sa pagkakabuo ng iba’t ibang varayti ng wika
ng hindi nila namamalayan, gaya ng nangyayari sa mga register ng mga
mananahi na magiging bahagi at magpatatag sa wikang pambansa ang
Filipino.

Ang wikang ginagamit ng mga mananahi ay nagpapakita hindi lang sa


aspekto ng kanilang identidad gaya ng kanilang etnisiti, edad, kasarian, at
sosyal na kinabibilangan, makikita rin dito ang konteksto kung saan nila
ginagamit ang nasabing mga register.

You might also like