You are on page 1of 1

Reaksyong Papel

Ang Estado ng Wiking Filipino


GMA Public Affairs

Karamihan sa panahon ngayon ang wikang Ingles na ang isa sa pinag tutuunang unang aralin
ng mga Pilipino at karamihan sa mga paaralan ay ito na rin ang ginagamit na midyum sa pagtuturo.
Ayon sa aking napanood sa Investigative Documentaries ng GMA Public Affairs na “Ang Estado ng
Wikang Filipino”. Tunay ngang mas bihasa pa sa pag sasalita ng wikang Ingles ang mga bata sa
paaralang na banggit sa Video karamihan sa kanila ay hindi alam ang katumbas ng mga larawang
ipinakita sa kanila sa wikang Filipino. Ayon sa survey na naitala nila sa NAT (National Achievement
test) mas mataas ang markang nakukuha ng mga Grade 6 students sa asignaturang Ingles kumpara
sa Asignaturang Filipino noong taong 2013, marahil ay mas mataas ang nakukuhang marka ng mga
studyante at mas pinagtutuunan ng pansin o mas inuunang pag aralan ang Wikang Ingles ay talaga
namang nakakabahala sa ating mga Pilipino na tuluyan ng linangin at ugaliing gamitin ang wikang
Ingles kaysa sa Wikang sariling atin.
Lubos akong nalungkot sapagkat karamihan sa ating mga Pilipino lalong lalo na ang mga
kabataan ay nakakalimutan ng pahalagahan ang sarili nating wika at mas lubos pa nilang
nauunawaan o naiintindihan ang ibang wika. Nakakabahala para sa akin na mas pinipili pa nilang
unang pag aralan ang Wikang Ingles kaysa sa sarili nating Wika. “Ayon nga kay Whitehead, isang
educator at pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kasipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika
ay nag lalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang
katauhan”. Sa pananaw niyang ito nagpapatunay lang na ang sarili nating wika ang nararapat nating
mas unahing pahalagahan dahil ito ang siyang bumubuo sa ating pagkatao dahil kung mas uunahin
nating pahalagahan ang ibang wika ay nagpapatunay lang na hindi ito sumasalamin sa ating lahi at
lugar na ating pinagmulan at lalong lalo na sa sarili nating katauhan. Masakit para sa akin na isipin na
tayong mga isinilang sa Bansang Pilipinas at Filipino ang wikang ginagamit ay mas natatabunan pa
tayo ng ibang wika, mas namumulat pa ang ibang mga kabataan na gamitin bilang unang
lengguwahe ang Ingles kaysa sa wikang Filipino kaya lubos talaga akong nalungkot at nasaktan.
Bilang Konklusyon sa aking napanood na video, ang wikang Filipino ay mas dapat nating
pahalagahan at mas unahing pag aralan, nararapat lang na mas mauna tayong maging bihasa sa
wikang ating kinagisnan kaysa sa wikang hindi sariling atin. Kailangan nating maging isang bansa na
may pagmamahal at sumasalamin sa ating katauhan ang wikang nag bubuklod sa atin. At mas
nararapat lang na pagtuunan natin ng pansin ang Wikang Bumubuo sa Bansang ating sinilangan at
mas pahalagahan gaya ng pagpapahalagang ginagawa nila sa Wikang Ingles na kinagigiliwan nating
lahat.

Ipinasa ni:
Arjay E. Gamul
BSIT 1-F1

You might also like