You are on page 1of 6

24 na Katangian ng Isang Mabuting Estudyante sa Kolehiyo

A. Mula sa Aklat

1. Napapanatili ang grado

Ayon kay G. Jose F. Calderon, Ed. D. sa aklat na “Principles and Practices of Teaching”, ang
estudyanteng huwaran ay napapanatili ang kanyang grado, may mga magandang ipinapakita sa klase at
napakaaktibo pagdating sa mga gawaing pang-akademya. Dito nasusukat ang mga estudyante kung
talagang sila ay karapat-dapat na sabihing huwarang estudyante (isinalin ng mga mananaliksik).

2. Pag-uugali

Ayon kina Bruce Beiderwell at Linda Tse sa aklat na “College Success”, ang mga estudyante ay dapat
mayroong kakayahan at kagustuhan na matutunan ang isang asignatura kahit ang nasabing asignatura
ay hindi nakakapukaw ng interes (isinalin ng mga mananaliksik).

3. Pang-akademyang Kakayahan

Ayon kay Carol Critchlow sa aklat na “Foundation of Successful College”, sinasabing ang pang-
akademyang kakayahan ay patunay na may katangian ka sa pagiging mahusay na estudyante. Ang
kakayahang maging isang komprehensibong mambabasa, epektibong manunulat, dalubhasa sa
pananalita, at kakayahang makipag-usap sa ibang tao nang maayos ay ang siyang susi para masabing
may katangiang maganda ang isang estudyante. Kapag lahat ng ito ay magandang naipapakita ng isang
estudyante, siya ay maituturing na mahusay (isinalin ng mga mananaliksik).

4. Kasipagan

Ayon kina Raymond Gerson (awtor) at Lorna Adams (editor) sa aklat na “Achieve College Success:
Learn How in 20 Hours or Less, 4th Ed”, ang pagiging masipag ay isa sa mga importanteng kalidad ng
isang mabisang estudyante ng kolehiyo. Kung wala ang pagganyak tungo sa tagumpay, walang
magdadala sa iyo upang humakbang pasulong sa extra-curricular activities at tuklasin ang iyong
kakayahan. Kapag ikaw ay masipag, huwag mong hayaang mapigilan ka sa pag-abot ng mataas na
marka at pigain ang sarili na mabilang sa mga pinakamahusay. Ang masipag na estudyante ay maayos
na pumapasok araw-araw, dumadating sa tamang oras, nakikinig sa bawat impormasyong inilalahad,
nagtatala sa kuwaderno at pinagtuunan ng oras ang pag-aaral (isinalin ng mga mananaliksik).

5. Pagiging alisto sa sarili

Ayon kina George Kuh, Jillian Kinzie, John H. Shuch, at Elizabeth J. Witt sa aklat na “Student Success in
College: Creating Conditions That Matter,” ang epektibong estudyante ay kinakailangan maging aware sa
kanilang sarili at kayang alamin ang kanyang mga kahinaan at kalakasan. Ang pagiging aware sa sarili ay
nakatutulong sa iyo upang makatuklas pa ng mga bagong kakayahan at hayaang magamit ang iyong
kalakasan. Ayon sa isang propesor sa pagnenegosyo na si Scott Williams ng Wright State University,
makakabuo ka ng kakayahang maging aware sa sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagay-
bagay tungkol sa iyong sarili sa limang kategorya: ang iyong personality traits, personal values, habits,
emosyon, at ang sikolohikal na pangangailangan na nakakaapekto sa iyong ugali. Halimbawa, kapag
mayroon kang mabuting pag-unawa sa iyong sarili at alam mo kung anong kaya mong gawin at ang mga
kasalungat sa katangian ng iyong personalidad, di ka makakaramdam ng stress at pangamba.
Malalaman mo rin kung saang kategorya ang kailangan mo pang paghusayan (isinalin ng mga
mananaliksik).

B. Mula sa Diyaryo o Magasin

1. Komportable sa Kabiguan

Ayon sa aklat ni Ken Bain na isang historian at educator, na naging bahagi ng artikulong isinulat ni Annie
Murphy Paul na “Secrets of the Most Successful College Student” sa Time Magazine, noong nag-aaral pa
lamang sa kolehiyo ang komedyanteng si Stephen Colbert ay nagsimula nang magtrabaho si Colbert sa
isang improvisational theater sa Chicago. “Ito talaga ang nagbukas sa akin sa mga bagay na hindi ko
inaasahan,” tugon ni Colbert kay Ken Bain. “Dapat ikaw ay mahusay sa mga bagay na hindi inaasahan.
Mahalin mo lang ito,” dagdag ni Colbert. ang pagsasalita nang hindi handa ay isa sa mga kasiya-siyang
matutunan pagdating sa pagkabigo. Wala namang paraan para makuha mo ito nang tama sa lahat ng
oras (isinalin ng mga mananaliksik).

2. Mahusay sa gawaing pangkolaborasyon

Ayon kay Bradford Holmes sa artikulong “Hone the Top 5 Soft Skills Every College Student Needs” sa
diyaryong U.S. News & World Report, mahalaga para sa mga estudyante sa kolehiyo na maging
mahusay at angkop sa mga grupo, sa pakikipagtulungan sa mga proyekto at tanggapin nang buo ang
anumang pamumuna kapag may ibang kasama sa pagtatrabaho. Ang mga taong nais mapag-isa sa mga
gawain ay mahihirapan pagtuntong ng kolehiyo dahil napakaraming pagdadaanan upang matapos ang
bawat gawain. Kailangan ng team work o organisasyon ng mga kagrupo upang mas maging maayos at
maging perpekto ang ginagawang proyekto o gawain tulad na lamang ngayon na karamihan sa mga
career ay nangangailangan ng kolaborasyon. Ang mga estudyante ay maaaring maglinang ng mga
kasanayan na kinakailangan upang epektibong makapagtrabaho kasama ang ibang tao sa maraming
paraan. Kabilang na rito ang paglahok sa mga paligsahan at extra-curricular na gawain (isinalin ng mga
mananaliksik).

3. Pagkakaroon ng Kontrol sa Sarili

Ayon kina Lynn F. Jacobs at Jeremy S. Hyman sa artikulong “Top 10 Secrets of College Success” sa
diyaryong U.S. News & World Report, para sa maraming estudyante, ang pinakakapansin-pansin na
pagkakaiba ng kolehiyo at high school ay sa kolehiyo, wala ni isang tao roon na tatayo at sasabihin sa iyo
kung ano ang dapat gawin. Pagpunta sa klase, paggawa ng takdang-aralin, sa pagkuha ng iyong mga
papeles sa tamang oras, ang lahat ng ito ay mga bagay na ang mga estudyante mismo ang gumagawa
nang hindi na tinutulungan ng magulang o kailangan pang bigyan ng corporal punishment ng guro.
(isinalin ng mga mananaliksik).

4. Pagkakaroon ng Lakas ng Loob

Ayon kay Hilary Wilce sa artikulong “Six of the Best: The Traits Your Child Needs to Succeed” sa
diyaryong The Independent, isa sa mga dapat ugaliin ng isang estudyante ang pagkakaroon ng lakas ng
loob lalo na sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay hindi rin nalalayo sa kahulugan ng
pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Kapag may lakas ka ng loob, magagawa mo ang mga bagay at hindi ka
takot na mabigo. Sinusubukan mo ang mga bagay nang buo ang loob. Tulad na lamang kung may
recitation, hindi ka nahihiyang magtaas ng kamay, tumayo at sumagot kahit na hindi ka sigurado kung
tama o mali ang iyong magiging sagot. Hindi ka takot na magkamali. Hindi ka takot na ipahayag ang sarili
kahit na ang iba ay di sang-ayon sa iyo (isinalin ng mga mananaliksik).

5. Mapagkakatiwalaan

Ayon kay Derrick Meador sa artikulong “What are Some Characteristics that Make the Perfect Student?”
sa diyaryong pang-unibersidad na inilathala ng Brunel University sa London na About Education, ang
pagiging mapagkakatiwalaan ay isang kalidad na maaaring magustuhan ka at makabuo ng tiwala hindi
lang mula sa iyong mga guro pati na rin sa iyong mga kaklase. Walang nagnanais na ihalubilo ang sarili
sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan nang ganap. Ang mga guro na napamahal sa mga estudyante ay
maaaring magbigay ng kalayaan lalo na sa oportunidad na sila ay matuto (isinalin ng mga mananaliksik).

C. Mula sa Internet

1. Pagkatuto kaysa sa Pagkakabisa lamang

Ayon kay Joseph Micawber, isang propesor sa kolehiyo, (hindi niya nilagay ang impormasyon kung saan
siya nagtuturo), karamihan sa mga naging resulta ng isang sarbey na siyang kumukuha ng mga opinyon
tungkol sa katangian ng isang mabuting estudyante ay mas importante na unawain ang isang konsepto o
paksa kaysa kabisaduhin lamang ito. Ang mga kinabisadong teorya at mga napag-aralan ay nagtatagal
lamang sa memorya ng isang estudyante habang sila ay nasa paaralan, kolehiyo o unibersidad. Kapag
umalis na ng paaralan ang mga estudyante ay tuluyan na nilang makakalimutan ang mahahalagang
konsepto na kanilang natutunan. Kaya't mas mahalaga sa isang mabuting estudyante ang unawain ang
isang konsepto (isinalin ng mga mananaliksik).

2. Pagiging Mapagkumbaba

Ayon kay Propesor Todd Pettigrew, isang Associate Professor sa English sa Cape Breton University
bansang Canada, kumbaga ang kabaliktaran ng pagpapakumbaba ay maambisyon. Ang mga estudyante
na nagtataglay nito’y may tiwala sa sarili na magawa ang mga bagay sa abot ng kanilang makakaya,
ngunit napapanatili pa rin ang pagiging mapagkumbaba na malaman na marami pang dapat na
matutunan. Ang buhay ay maikli lamang at ang pagkatuto ay inaabot ng pangmatagalan (isinalin ng mga
mananaliksik).

3. Balanse

Ayon kay Ashley Miller na isang manunulat sa blogsites na nagsagawa ng pananaliksik patungkol sa
kalidad ng mahusay na estudyante sa kolehiyo, ang pagbabalanse ng responsibilidad ay mahalaga
ngunit ito rin ay mahirap lalo na sa mga estudyante ng kolehiyo. Ang kolehiyo ay isang nakaka-stress na
lebel ng edukasyon lalo na para sa mga kabataan gayung ito ay kritikal lalo na sa paghahati ng oras na
siyang inilalaan sa lahat ng aspekto ng buhay. Kabilang dito ang pang-akademya, pakikipaghalubilo sa
ibang tao, pagtulog, at maging sa pag-eehersisyo. Ang pagiging balanse ay makakatulong makaiwas sa
pagkabalisa at sobrang pagod. Sa katunayan, sa isang pag-aaral na nailathala sa isyu ng Winter 2000 ng
“American Journal of Health Studies” natuklasang ang estudyanteng may kasanayang mamahala ng
sariling oras ay hindi nakararanas ng sobrang stress na nakukuha sa pag-aaral at pagkabalisa kung
ikukumpara sa ibang estudyante (isinalin ng mga mananaliksik).

4. Pagpapahalaga sa Sarili

Ayon sa Rouge Community College, dapat na mayroon kang pagpapahalaga sa sariling kilos at dapat ay
alam mo ang epekto nito sa ibang tao (maging sa social media). Bago mo gawin ang isang bagay,
nararapat lamang na isipin muna ang magiging resulta nito, tama man o mali (isinalin ng mga
mananaliksik).

D. Mula sa Propesor

1. Dedikasyon at Determinasyon

Ayon kay Bb. Rosalie Divina, isang propesor sa Philippine Cultural College, isa sa mga katangiang dapat
taglayin ng isang estudyante ay may dedikasyon at nag-kakaroon ng determinasyon sa pag-aaral. Ilan sa
mga estudyante ngayon ay napipilitan lang mag-aral dahil sa kagustuhan ng kanilang magulang, doon
nasasabing walang determinasyon ang estudyante sa pag-aaral. Ngunit kung ang isang estudyante ay
determinado, gagawin niya ang lahat makatapos lang ng pag-aaral.

Si Bb. Rosalie Divina ay nagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa
Philippine Normal University. Nagtapos siya ng kanyang Masteral Degree at nagsimulang magturo noong
1997 hanggang sa ngayon. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Childhood and Adolescence
Development sa Philippine Cultural College.

2. Disiplinado

Ayon kay G. Mauricio Baldisimo, naging propesor sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela, ang
pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay isa sa mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang
estudyante sa kanyang pag-aaral. Ang pagiging disiplinado ay mahalaga dahil alam mong may
obligasyon kang mag-aral nang mabuti. Ginagawa mo ang mga bagay sa tama at sa konsistent na
pamamaraan. Kumbaga, ang isang estudyanteng may disiplina ay nakasanayan nang sa pagdating sa
bahay, babalikan niyang muli ang kanyang mga napag-aralan. Di tulad ng isang estudyanteng nanaisin
pang sumama sa barkada at gumala kahit na alam na may pagsusulit sila kinabukasan.

Si G. Mauricio Baldisimo ay nagtapos ng kursong Computer System Design sa AMA Computer


University. Nagtapos din siya ng AB Philosophy sa AMA Computer University at naging Cum Laude.
Nagtapos siya ng kanyang Masteral Degree sa Philosophy at nagturo ng Philosophy sa Our Lady of
Fatima University sa loob ng pitong taon.

3. May kagustuhang matuto ng mga bagay-bagay

Ayon kay Bb. Rowelyn Kaye Bautista, isang propesor sa Far East University, masasabing mabuti ang
isang estudyante kung kagustuhan niya talagang matuto ng mga bagay-bagay. Ang oras, panahon at
pagpupursiging inilalaan mo sa pag-aaral ay siyang sasalamin sa magiging resulta nito balang araw.

Si Bb. Rowelyn Kaye Bautista ay nagtapos ng kursong BS Accountancy sa Far East University. Nagtapos
siya ng kanyang Masteral Degree sa Accounting sa Far East University at kasalukuyang nagtuturo ng
Accounting sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

4. Kagustuhang matapos ang isang kurso

Ayon kay Bb. Yhen Alvar Diaz, isang propesor sa National University, mahalaga ang katangiang ito
upang maabot ang pangarap na naisip mo kahit noong simula ka pa lang na pumasok sa paaralan. Dapat
ay gawin mong pasyon ang matapos ang isang kurso anumang pagsubok ang makaharap at maranasan
mo.

Si Bb. Yhen Alvar Diaz ay nagtapos ng kursong BS Mathematics sa Jose Rizal University. Nagtapos siya
ng kanyang Masteral Degree sa Mathematics sa Jose Rizal University at kasalukuyang nagtuturo ng
Mathematics sa National University.

5. Matiyaga

Ayon kay Gng. Marthy Tomagos, isang propesor sa University of Northern Philippines sa Vigan City,
Ilocos Sur, napakahirap maging estudyante lalo na sa kolehiyo. Mainam sa isang estudyanteng maging
matatag o matiyaga sa pag-aaral dahil kahit na alam niyang mahirap, titiisin niya iyon para lang matapos
sa pag-aaral at iyon ang magiging dahilan upang maging matagumpay sa buhay.

Si Gng. Marthy Tomagos ay nagtapos ng kursong BA Political Science sa University of Northern


Philippines sa Vigan City, Ilocos Sur at nagtuturo ng History sa nasabing unibersidad.

E. Mula sa Mga Huwarang Estudyante

1. May tiwala sa sariling kakayahan

Ayon kay Marc Denielle Torres, sa pagkakaroon ng matibay na paniniwala sa sariling kakayahan
magagawa mo ang mga nais mo para sa ikabubuti ng iyong kinabukasan.

Si Marc Denielle M. Torres ay nag-aaral ng kursong Association Accounting (AAT Section 1A) sa Centro
Escolar University.
Ilan sa parangal sa kanya ay Perfect Attendance, Winner of Monthly Scripture Memorization, School of
Management and Accountancy (SAM Leader), at Best in Math (2014). Kasapi rin siya ng Junior Philippine
Institute of Accountants.

2. May Layunin

Ayon kay Jesheer C. Ynot, ang unang katangiang dapat na taglay ng isang estudyante ay ang
pagkakaroon ng layunin sa buhay dahil ang buhay na walang layunin ay walang kabuluhan. Ngunit kung
aabutin natin ang ating mga layunin, ang buhay natin ay laging masaya at masigla.

Si Jesheer C. Ynot ay nag-aaral ng Political Science sa Polytechnic University of the Philippines.


Ilan sa kanyang mga naging parangal ay History Quiz Bee (1st place) at English Quiz Bee (2nd place).
Kasapi rin siya ng Junior Philippine Institute of Political Science at siya ay isang Dean’s Lister.

3. Pagiging propesyonal

Ayon kay Marc Louie Manalo, ang pagiging propesyonal sa isang larangan ay pagmamahal na rin sa
sariling gawain.

Si Marc Louie Manalo ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration Major in


Business Management sa San Sebastian College kamakailan lamang
.
Ilan sa kanyang mga achievement ay pagiging bahagi ng Promoting and Selling Products sa Sta. Mesa
Trade Exhibit Event, pagiging kalahok sa AFP-RSBS Training bilang Collection Assistant (2014), pagiging
Dean’s Lister at 2nd Honorable Mention.

4. May respeto sa mga propesor o sa kapwa estudyante

Ayon kay Kahlil Villoso, isa ito sa mga kaugalian na dapat isinasapuso ng isang estudyante. Dahil ang
respeto sa sarili at sa kapwa ay mahalaga at madadala ka nito sa iyong tagumpay. Madali mong
mapapakisamahan ang lahat ng taong nakapaligid sa iyo at ang mga bagay-bagay ay magiging madali
na lamang.

Si Kahlil Villoso ay nag-aaral ng Psychology sa Arellano University sa Legarda, Maynila

Ilan sa kanyang mga naging achievement ay Top 1 at Consistent Dean’s Lister, University
Representative para sa YMCA National Congress, Quiz Bee Winner – Philippine Youth to Government
Delegate, napili bilang Education Representative para sa Supreme Student Council, Young Educator’s
Society Officer at Overall Top 1 para sa mga first year student.

5. Pagpili ng Tamang Kaibigan

Ayon kay Celine Miranda, “dapat ay piliin natin bilang kaibigan iyong mga taong pahihintulutan nating
makakaimpluwensiya sa atin. Dahil sa kolehiyo, doon tayo nagkakaroon ng kamalayan, doon nabubuo
ang ugali natin na makakatulong sa career natin balang araw.”

You might also like