You are on page 1of 80

Paamantasang Normal ng Pilipinas

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


LINANGAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO
Maynila

Inihanda ni: December-Anne N.


Cabatlao
IV-4 BFE SHS
Ipinasa kay: Gng. Myrna Rabina
Filipino Sanayang
Pagtuturo

Sisidlan ng
Sa Pagtatamo
Linggo
karanasan ng Mabungang
1-6 Pagkatuto

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-24 ng Setyembre,
2018;
Lunes;
7:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.
UNANG ARAW
WELCOME AND ORIENTATION PROGRAM

Suri-Sipat
Obserbasyon

 Para sa unang araw ng sanayang pagtuturo, nagkaroon ng serye ng mga


oryentasyon sa iba’t ibang bahagi at aspekto bilang isang gurong-mag-aaral.
Binuksan ang palatuntunan ng rehistrasyon na nagsimula ng alas-7 nang umaga.
Sa bawat bahagi ng programa ay may mga tagapagsalitang nagtalakay ng
kanilang bahagi.
o Bago ang lahat ay ipinakilala muna ang lahat ng bahagi ng Linangan ng
Pagtuturo at Pagkatuto. Inisa-isa mula sa mga Administrador, mga Fakulti
at mga Staff.
o Para sa pambungad na pananalita, pinasadahan ni Prop. Ma. Ruth M.
Regalado, ang Direktor ng Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto, ang mga
dapat alalahanin at isaalang-alang sa pamamalagi sa Institusyon katulad
ng:
 Mga dokumento at requirements
 Angkop na kasuotan o uniform
 Mga gampaning dapat tugunan
o Nagkaroon ng unang Health Break.
o Sinundan naman ng paalala nina Prop. Jeffrey Ginez at Prop. Myla Zenaida
Torio ng PT01 at PT02 bilang siglaw sa magiging kalalabasan at kabuoang
pagtingin sa Field Study, kasama ang pagpapakilala ng programa ng
pinasukang kurso pati mga rekisito at deliverables.
o Kasama sa unang bahagi ng programa ang mga mahahalagang paalala ni
Prop. Ginez sa mga gurong-mag-aaral tulad ng:
 The Beginning Teacher’s Portfolio
 Class Schedule and required number of hours

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Attendance Policies
 Daily/Weekly Deliverables
 Wearing of Uniform and ID
 Relating with ITL faculty, staff, students, parents and guests
 Appropriate Decorum
 Designated Workspaces
 Nagkaroon ng Lunch Break matapos ang unang bahagi ng programa.
 Sa pangalawang bahagi ng programa:
o Pinasinayaan naman ni Prop. Rolando Decella, ang Prefect of Discipline ng
ITL, ang pagtalakay sa mga mag-aaral ng ITL.
o Tinalakay ang pagbuo at mga bahagi ng isang Banghay-Aralin bilang
esensyal na kagamitan ng mga guro sa pangunguna ni Prop. Cristina
Macascas.
 Muling nagkaroon ng Health Break.
o Hindi natapos ang araw kung hindi nagsalita si Prop. Dorothy Naval hinggil
sa Pagtataya at Pagtatasa ng Pagkatuto.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Ang serye ng mga oryentasyon ay maipagpapakahulugan kong mga gabay sa pagdaong


sa karagatan ng sanayang pagtuturo. Mahalagang-mahalaga ang mga gabay sa lahat ng
aspekto at mga gawain. Ito ang magsisilbing daan upang mas mabilis at mas magaan
ang buhay ng pagtuturo. Kumbaga sa isang paglalakbay, ito ang magsisilbing mapa ng
mga manlalakbay. Sa paggawa ng isang imprastraktura, ito ay isang blueprint upang
maitayo nang mas mabilis at mayroong susundang padron. Ganito kalahaga ang
pagbibigay ng isang oryentasyon sa bawat gawain. Sa usapin ng pagtuturo, mas
madaling matamo ang pagkatuto, kailangan ay mayroong malinaw na panuto hinggil sa
mga maaaring gawing gawain ng mga mag-aaral. Ito ay kahalintulad ng gampanin ng
isang maayos, sistematiko, organisadong oryentasyon hinggil sa isang partikular na
gawain katulad ng sanayang pagtuturo.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
.

Petsa: Ika-25 ng Setyembre,


2018;
Martes;
7:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.
IKALAWANG ARAW
ORIENTATION AND PRACTICE OF PATNURO 2018

Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sumunod na araw, ipinagpatuloy ang oryentasyon.

 Nagsimula pa rin ang araw sa rehistrasyon.


 Nagbigay ng komprehensibong pagtalakay sa mga sumusunod:
o Mga pamamahala at gawi sa loob ng klase ang binigyang-tuon ni Prop.
Daren Ngadima.
o Nagkaroon ng Health break.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Ipinagpatuloy ni Prop. Edwin Auditor ang detalyadong pagtalakay sa
Classroom-Based Action Research na nagbigay ng mga punto na:
 Kahulugan at Kahalagahan ng Action Research
 Dalawang uri ng Metodo ng Pananaliksik: 1. Kwantitatibong Metodo
at 2. Kwalitatibong Metodo ng Pananaliksik
 Sinabi ni Prop. Auditor na malalaman natin na ang isang credible na
babasahin sa pormang pdf ay mayroong DOI o Direct Object
Identifier.
 Ang pagkakaiba ng Kwantitatibong metodo ay kadalasang
nangangailangan ng dalawang grupo ng respondente samantalanag
ang kwalitatibong metodo ay kadalasang nangangailangan ng
madalas na pakikipag-ugnayan sa mismong respondente.
 Tinalakay din ang proseso ng pagsasagawa ng Action Research
1. Selection of general ‘puzzlement’.
2. Review the related literatures on that ‘puzzlement’.
3. Select the specific research ‘puzzlement’, question or hypothesis.
4. Collect data.
5. Analyze and present data prescribed integrative diagrams
6. List of references
7. Share results
 Mga uri ng Action Research: Descriptive, Relational, Predictive,
Casual Comparative
 Binigyang-pansin din ang kaugnayan ng pananaliksik sa dimension
ng pagtuturo:
1. Pedagogical Content Knowledge
2. Classroom Management
3. Classroom Climate
4. Quality of Instruction
5. Wider Professional Elements
6. Research Knowledge
 Kahulugan at Katangian ng Action Research
 Conducted by and for Teachers, always relevant to participating, a
way to improve or repair teaching
 Purpose and value choice, contextual focus, participation in the
research process, knowledge diffusion
 At matapos ito, nagsimula nang mag-ensayo para sa kinabukasang gawain, ang
PATNURO 2018.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Ipinapakita ng araw na ito na iba’t iba ang mukha ng pagtuturo at pagkatuto. Gayundin
ang mga gampanin ng isang guro labas sa gawaing pangklase. Binigyang-tuon ng
oryentasyon at tlakayang ito ang buhay ng isang guro sa loob ng klase at mga

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
mahahalagang gawaing dapat ay malay ito. Isang mukha ng guro ang pagiging gurong-
mananaliksik. Bilang isang guro, isang tipikal na guro, hindi na maiaalis sa sistema ang
pagiging gurong mananaliksik sapagkat, marapat na lahat ng ibinibigay sa mga mag-
aaral ay mula sa isang sistematiko at masinsinang pagsasaliksik at pag-aaral upang
masabing tama at mayroong kredibilidad ang lahat ng inaaral. Sinasabi na ang isang
taong mahilig magsaliksik ay ang taong may kakayahang magbigay ng mahusay na
pagpapalagay at tunay na may kahusayan sa larangan ng pagkuha ng mga nilalaman at
impormasyon.

TaLarawan

Dokumentasyon

Petsa: Ika-26 ng Setyembre,


2018;
Miyerkules;
8:00 n.u. hanggang 4:00 n.h.
IKATLONG ARAW
PATNURO 2018 (Pinning Ceremony)

Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa

pagkakataong

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
ito, hindi maitatanggi ang pagpapatuloy ng nakasanayang tradisyon para sa mga
susuong sa sanayang pagtuturo, ang pagdaraos ng PATNURO 2018, taunang
pagdiriwang para sa opisyal na paggawad ng pin bilang simbolo ng pagkakaroon
ng pahintulot upang umalagwa at tunay nang handa sa sanayang pagtuturo.
 Ang pagdiriwang ay dumaloy nang:
o Una, ang makahulugang prosesyon
o Pagbibigay ng mensahe ng mga Associate Dean ng bawat Faculty
o Simbolikal na paggawad ng Practice Teaching Pin
o Pagkakabit ng Practice Teaching Pin
o Panunumpa bilang isang gurong-mag-aaral
o Pag-awit ng tradisyong Practice Teaching Song
o Pag-awit ng PNU Hymn
o Pagtatapos ng programa
 Tumagal ang pagdiriwang ng isang oras mahigit mula alas-9 nang umaga
hanggang lagpas alas-10 nang umaga.
 Pagbalik sa hapon sa ganap na alas-2, tinagpo ng mga gurong-mag-aaral ang
kani-kanilang mga gurong tagasubaybay para sa pagbibigay ng mga gawain at
oryentasyon para sa mga susunod na araw, kabilang na ang mga dapat gawin at
mga gampanin.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Ang araw na ito ay sumisimbolo sa pagbubukas ng pintuan. Bilang ito ay Pinning


Ceremony, at ang Pin ay hugis susi, ang susi ang magsisilbing ang lahat ng kaalaman at
mga kasanayang dapat na taglayin ng isang guro upang ganap nang mabuksan ang
pintuan ng realidad at pagkatuto. Ang susi ay ang magsisilbing hudyat kung ang mga
gurong-mag-aaral ay handa na bas a pag-alagwa sa buhay ng sanayang pagtuturo. Ang
pintuan ang magsisilbing harang na kapag ganap nang handa ay maaari nang pasukin,
at ang Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto ang kakatawan sa loob ng pintuan na
susuungin ng mga gurong-mag-aaral. Dahil dito, ang araw ay isang mahalagang sagisag
ng tunay at ganap na kahandaan ng mga gurong-mag-aaral sa sanayang pagtuturo at
bitbit-bitbit na ang susi ng kahusayan.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-27 ng Setyembre,
2018;
Huwebes;
6:30-4:00

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
IKA-APAT NA ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sinimulan ang araw sa pagbuo ng sanaysay na tumatalakay sa una, kung ano ang
inaasahan ng gurong-mag-aaral sa mga magiging mag-aaral; pangalawa,
inaasahana sa gurong tagasubaybay at; pangatlo, sa magiging ambag sa
institusyon sa isang buong terminong pamamalagi rito.

 Oryentasyon ni Gng. Macascas, ang tentatibong gurong tagasubaybay sa araw na


ito para sa mga sanayang-guro sa Senior High School, sa magiging daloy at siglaw
sa isang buong termino/On Campus

o Sinabi ang maaaring lamanin ng Portfolio:


 Obserbasyong Papel
 Banghay-Aralin
 mga larawan
 Worksheets
 Action Research
 Case Study
 Larawan/Scan ng DTR/Attendance

o Ipinakita ang Grading system:
 Team Teaching 20
 Final demo 20
 Portfolio 20
 Attendance 10
 Auxiliary Services 10
 Professional Readings 10
 Instructional Materials 10

o Ipinaliwanag ang magiging gampanin bilang tagasubaybay para sa 10 araw


at mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusubaybay tulad ng:
 Klasrum
 Mag-aaral
 Kapaligiran
 Pamamaraan ng pagtuturo ng guro
 Pamamahala sa klase

Kalendaryo

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
- Setyembre 24- Unang araw ng On Campus, Welcome and Orientation
Program
- Setyembre 25- Orientation Program at ensayo ng Patnuro 2018
- Setyembre 26- PATNURO 2018 (Pinning Ceremony)
- Oktubre 8-12- Periodical Exam, 2nd Grading Period
- Oktubre 22-26- Semestral Break
- Disyembre 14- Huling araw ng pasahan ng mga requirements
- Disyembre 19- Huling araw ng On Campus

o Tinalakay ang siglaw sa pag-aaral sa mga bata o Case Study


o Inisa-isa ang mga kategoryang maaaring hanapin para sa pagkakaroon ng
Professional Readings tulad ng:
 Pagtuturo
 Estratehiya
 Pagtataya
 Pamamahala ng Klase
 Pedagohiya
 Nilalaman/Aralin sa Filipino
 Kurikulum

o Maging ang pasahan ng o deadline ng mga naturang na babasahin ay inisa-


isa mula Oktubre 12, 19, Nobyembre 7, 14, at 21.

o Ipinaliwang din ang ang simula ng mismong pagtuturo ng mga sanayang


guro-mag-aaral ay sa darating na ikatlong markahan.

o Binigyang-diin at binigyang-linaw ng gurong tagasubaybay na


magkakaroon ng araw-araw na talaarawan at lingguhang talaarawan.

o Pinaalala ang mga dapat dalhin sa susunod na araw katulad ng 1/2 Index
Card na mayroong 1x1 na larawan, pangalan, tirahan, mga numerong
pang-ugnay, pangalan sa Facebook, at e-mail address.

 Naatasan ding magsimula nang maghanap at magsaliksik ng limang (5)


Professional Readings.

Sapat-Lapat

Repleksyon

Sa araw na ito, napagnilay-nilayan ng gurong-mag-aaral ang mga maaaring mangyari at


marapat na asahan sa loob ng sanayang pagtuturo. Napagtanto ng gurong-mag-aaral

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
ang mga maaaring kalalabasan ng karanasan sa sanayang pagtuturo, ang mga magiging
lapit na sa mga mag-aaral sa aktwal na pagtuturo, mga gawi at kilos ng mag-aaral sa
gurong-mag-aaral, maging ng gurong-mag-aaral nito. Maging ang mga dapat asahan ng
gurong-mag-aaral sa gurong tagasubaybay, sa mga magiging ugnayan at paggabay sa
isa’t isa. Hindi rin naman makakalimutan ang inaasahang ambag sa institusyong
pamamalagian. Sa puntong ito, naging palaisipan ang mga bagay na ito para sa mga
gurong mag-aaral. Napagtanto sa pagkakataong ito na ang lahat ng mga natutuhan sa
loob ng apat na sulok na paaralan ay syang magiging aplikasyon na sa sanayang
pagtuturo kung kaya’t inaasahan na ang lahat ng ito ay maiapply sa pagtuturo.

TaLarawan
Dokumentasyon

Petsa: Ika-28 ng Setyembre,


2018;

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Biyernes;
6:30-4:00 n.h.
IKALIMANG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa araw na ito, nagsimulang mag-obserba ang mga gurong-mag-aaral sa Ika-10


baitang pangkat Chomsky, na may pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo
na si Gng. Cristina Macascas.
 Umikot ang talakayan ng klase sa dula bilang kanilang paksa.
o Inumpisahan ang araw sa pagdarasal.
o Pagbabalik-tanaw mula sa mga ginagawang aktibidad no’ng huling
pagkikita.
o Sinabi ang palagay hinggil sa paunang gawain sa dula no’ng nakaraang
pagkikita.
o Sa puntong ito, mula sa pagtatanghal na paunang gawain no’ng nakaraang
pagkikita, nagbigay ang mga mag-aaral ng kanilang damdamin at puna sa
nasabing gawain.
o Tsaka naman naipasok ng guro ang pagtalakay sa kahulugan,
kahalagahan, katangian, kasaysayan ng dula. Maging talakay tulad ng:
 Uri ng Pantanghalang ginaganapan ng Dula
 Uri ng Dula ayon sa emosyon
o Matapos ito, nagbigay ng pananaw ang mga mag-aaral sa tinalakay ng guro
na nakaangkla sa sariling karanasan, opinyon at pala-palagay.
o Nagbigay ang guro ng gawain na tutugunan ng magkapareha. Kailangan
nilang bumuo ng kanilang persepyon at paghahambing sa dula sa Pilipinas
mula noon at ngayon.
o Matapos ipasa ang papel, nagbigay ng kasunduan sa mag-aaral ang guro.
 Tumagal ang talakayan ng isang oras mula alas-7 nang umaga hanggang alas-8
nang umaga.

o Mga nasipat sa guro:


o Ang pagkatuto ay nakasentro sa guro. Binabasa lamang ang presentasyon
sa harapan nang hindi nakikipag-ugnayan o nagbibigay-pansin ang mga
mag-aaral.
o May mga pagkakataong isang bahagi lamang ng klase nakatingin, at hindi
nabibigyang-pansin ang kabilang hanay.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Sa kabilang banda, nang makita ng guro ang pagkabagot ng mga mag-
aaral ay nagpasok ito ng konseptong sa tingin nya ay kaakit-akit sa mga
mag-aaral at nakitang ginanahan ang mga ito.
o Hindi nakita ang masinsing pamamahala sa klase. Hindi naiset ang mood
ng mga bata sa umpisa at gayundin ay hindi gaanong nataguyod ang
kanilang kahandaan sa pagsisimula ng paksa kung kaya’t napansin na hindi
gaanong nakikilahok ang mga ito.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Nakita sa araw na ito na hindi madali ang pagtamo ng pokus ng mga mag-aaral kung
kaya’t marapat na handa ang guro sa kanyang pagtuturo sa isang buong araw. Mainam
na makapaghanda ng mga gawaing kahali-halina sa mga mag-aaral nangsagayon ay
makilahok ang bawat isa. Isa ring dapat tatandaan, ang pagkatuto ng mag-aaral ay laging
nakasanlig sa tunay nilang danas at sila ay nakakarelate. Samakatuwid, ang
pinakamalagang tao sa klasrum ay ang mag-aaral at ang pinakamahalagang
personalidad naman ay ang guro. Ang personalidad ng guro ang magdadala sa kanya
upang ang mga mag-aaral ay tunay na makaugnay sa buhay.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Tala-
Lingguhan
UNANG LINGGO
Una hanggang Ikalimang
Araw
Setyembre 24-28, 2018
Isang makabuluhang simula ang nais ipahiwatig ng isang buong linggong pagtingin sa
siglaw ng pamamalagi sa loob ng Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto. Mapapansin na
ang edukasyon ay nagkakaiba-iba batay sa pamamalakad ng institusyon kung kaya’t
bilang isang guro, malaki ang gampanin natin sa paggaod at pagsasakatuparan ng isang
mahusay na paraan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang mga guro ang may kapangyarihan
sa pagpapalaganap ng kaalaman sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Gayundin, sa
usapin ng pagiging gurong-mag-aaral, mahalagang-mahalaga ang pagkakaroon ng mga
obserbasyon upang paghahawan ng mas matibay na pundasyon sa pagtuturo at
paghahanda ng iba’t ibang kagamitan sa mas malalim na pagtalakay ng aralin. Ang
obserbasyon ang magsisilbing padron upang masipat ang mga kalakasan ng isang
pagkatuto, at patuloy na maisakatuparan ito. Sa kabilang banda, ito rin ang magiging
lunsaran ng patukoy ng mga kahinaan ng pagkatuto, upang magkaideya kung paano ito
mapapalakas, magpunan sa mga puwang na makikita sa direktang-ugnayan ng guro at
mag-aaral. Sa katunayan, dito rin nagaganap ang pagkakaroon ng mga mungkahing
interbensyon sa lahat ng mga pagkukulang at butas sa uri ng pagtuturo.

Sa huli, ito ang mabisang pamamaraan upang maging mabisa ang daloy ng pagtuturo at
pagkatuto. Ang masusing obserbasyon ay kinakikitaan ng iba’t ibang elementong

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
magpapatibay sa bagay na sinisipat at binibigyang-tuon. Hindi maitatatwa na ito ang daan
upang magkaroon ng tunay na danas at pagkilala sa mga mag-aaral at lundayan ng
maproseso at sistematikong pagbabalangkas at pagpaplano upang maisakatuparan ang
awtentikong pagkatuto.

Petsa: Ika-1 ng Oktubre,


2018;
Lunes;
6:00-2:30 n.h.
IKAANIM NA ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Bilang pagsisimula ng linggo, nagkaroon ang mga mag-aaral ng Flag Ceremony


na ginanap nang saktong alas-7 nang umaga sa paligid ng Institusyon.
 Matapos nito, sabay-sabay na umakyat at pumasok sa silid-aralan ang mga mag-
aaral, guro at mga gurong-mag-aaral.
 Gaya ng nakasanayan, ang daloy ng araw ay ang mag sumusunod:
o Nagsimula ang klase ng ika-7 nang umaga sa Ika-9 na Baitang Pangkat
Brunner.
o Inumpisahan ang araw sa pagdarasal.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Matapos ang pagdarasal, si Ginang Rabina, ang gurong-tagasubaybay na
nakatalaga ngayong araw, ay nagbigay ng mga paalala sa mag-aaral ng 9-
Brunner kabilang ang
 Araw ng Ikalawang Markahang Pagsusulit sa darating na Oktubre 9
hanggang Oktubre 12.
 Pasahan ng Karatulastasan sa Oktubre 12.
 Ang saklaw ng pagsusulit ay:
TULA SANAYSAY
 Punong Kahoy  Pag-ibig
 Ang Guryon  Dear Ate Charo
NOBELA GRAMATIKA O WIKA
 Takipsilim sa…  Uri ng Pagpapahayag ng Emosyon
 Timawa  Katotohanan o Opinyon
o Matapos ang mga mahahalagang paalala, ang guro ay nagpagawa ng
paunang gawain.sa gawaing ito, ang mga mag-aaral ay binigyan ng mga
hugis-pusong papel at naatasang magsulat ng kanilang sagot sa tanong na
‘Ano ang pag-ibig para sa iyo?’ at ihalintulad ito sa isang bagay na sa tingin
mo ay maaaring may kaugnayang katangian at ipaliwanag.
o Matapos ang limang minuto para sa paghahanda ng kasagutan, bawat
isang mag-aaral ay nagpunta sa harapan upang ipaliwanag ang kani-
kanilang mga sagot.
o Matapos lahat, ipinroseso ng guro ang mga kasagutan.
o Ipinasok ang iba’t ibang konsepto ng pag-ibig, maging ang kaugnayan ng
paunang gawain sa akda. At paunang hapyaw sa pagtalakay sa akdang
‘Pag-ibig’ ni Emilio Jacinto. ‘
o Binigyang-pansin din ang kahulugan ng sanaysan na nagmula sa dalawang
salita, ang sanay at saysay. Gayundin ang dalawang uri ng sanaysay, ang
sulating pormal at di-sulating pormal.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Nasipat sa araw na ito na hindi madali ang pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral.
Mahalagang-mahalaga ang kahandaan hindi lamang ng guro maging ng mga mag-aaral.
Gampanin ng guro na ihanda ang mga mag-aaral bago umalwa sa nilalaman ng
pagtuturo ang guro. Hindi magiging mabisa ang pagkatuto kung hindi natiyak ng guro ang
mismong paghahanda ng mga mag-aaral sa mga paksang tatalakayin. Dahil dito,
maaaring maging hindi epektibo ang pagkatuto kung walang sapat na kahandaan sa
pagitan ng guro at ng mag-aaral. Isang mahalagang dapat isaalang-alang ito ng mga
guro upang sa umpisa pa lamang ay malay na rin ang mga mag-aaral sa nais matamong
layunin ng dalawang nag-uugnayan. Ang kahandaan ng parehong guro at mag-aaral ang
magiging daan upang ang pagkatuto ay higit na matamo ng dalawa. Ito ay mahalagang
daan upang maging mabisa ang bawat yugto ng pag-aaral.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
TaLarawan

Dokumentasyon

Petsa: Ika-2 ng Oktubre,


2018;
Martes;
6:30-2:30 n.h.
IKAPITONG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Nagsimula ang klase sa panalangin sa ganap na 7:11 nang umaga sa Ika-9 na


baiting pangkat Bruner.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Sa umpisa ng talakayan ay nagbalik-tanaw ang klase ng ginawa noong nakaraang
pagkikita, na ang ginawa ay ang pagsusulat sa puso.
 Matapos ay nagbigay ng pangganyak na tanong na sino ang bayaning kilala ng
mga mag-aaral, at ang iilan ay nagbigay ng kanilang kilala at ipinaliwanag sa klase.
 Sumunod ay ipinasok na ang pagtalakay sa bayaning may-akda sa 'Pag-ibig' na
si Emilio Jacinto. Pasaglit na ipinakilala ito sa klase.
 Sa mismong pagtalakay, inumpisahan ito ng pag-iisa-isa ng mga uri ng pag-ibig
tulad ng pag-ibig sa bayan, magulang, kapwa, anak, at sarili. Mula sa mga
nasabing uri ng pag-ibig na nabasa sa akda, ang mga mag-aaral ay naatasang
magbigay ng mga sitwasyong nais ipalabas ng mga uri ng pag-ibig.
 Nagpahayag ng mga karanasan ang mga mag-aaral batay sa nasabing uri ng pag-
ibig, at ang iba naman ay nagsabi ng kanilang natutuhan ng binasang akda.
o Pag-ibig sa bayan o sa lipunan
o Pag-ibig sa magulang/anak
o Pag-ibig sa kapwa
o Pag-ibig sa sarili
 Sa pagpoproseso ng guro, ang bawat nabanggit na uri ng pag-ibig ay binigyang
niya ng iba't ibang konteksto, halimbawa, at mga sitwasyong inugnay ang mga ito
sa tunay na danas ng mga mag-aaral.
 Bilang huling gawain, nagbahagi ng siglaw na pagkilala sa manunulat ng susunod
na akda, ang Dear Ate Charo. Nagbigay ng paalala sa klase para sa susunod na
gawain sa mga susunod pang pagkikita.
 Sa kabilang banda, sa hapon ay nagsimula ang klase ng Ikasiyam na baiting
pangkat Shon sa ganap na alas-12 y media nang tanghali.
 Katulad ng naging daloy ng klase ng Bruner, ganoon din ang naging daloy ng klase
ng Shon ngunit may ilang interbensyong ginawa ang guro nang masipat na
kinulang na sa oras ng pagtalakay.

Sapat-Lapat

Repleksyon:

Nasipat sa araw na ito na may kakayahan ang guro na manipulahin at gawan ng


interbensyon ang mga bagay sa klasrum. Kung nakita sa ibang klase ang kahinaan ng
kanyang mga dulog at lapit, marapat na bigyang interbensyon sa ibang klase upang mas
maging mabisa ang pagtuturo Ito ay isang katangian na dapat taglayin ng guro upang
mas maging mabisa ang kanyang pagtuturo. Ang guro ay marapat na maging malay sa
kanyang kahinaan at kalakasan. Dahil dito, magiging pleksible ang kanyang sarili sa
anomang dulog at lapit na kinakailangan sa kagyat na sitwasyon. Kung nakitang hindi
mabisa sa unang daluyong, maaaring lagyan ng interbensyon ang susunod na daluyong.
Ito na marahil ang magiging daan upang maisakatuparan ang mas madali at mas
magaang pagtamo ng maayos na pagututuro.

TaLarawan

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Dokumentasyon

Petsa: Ika-3 ng Oktubre,


2018;
Miyerkules;
6:00-12:30 n.t.
IKAWALONG ARAW

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Ang araw ay inilaan ng mga gurong-mag-aaral sa pagbuo at paglikha ng Table of


Specification at walumpung bilang ng pagsusulit hinggil sa napag-aralan ng ika-9
na taon pangkat Bruner at Shn.
o Ang saklaw ng pagsusulit ay:
 TULA
 Punong Kahoy
 Ang Guryon
 NOBELA
 Takipsilim sa…
 Timawa
 SANAYSAY
 Pag-ibig
 Dear Ate Charo
 GRAMATIKA O WIKA
 Uri ng Pagpapahayag ng Emosyon
 Katotohanan o Opinyon
o Ang mga uri ng pagsusulit na nalikha ay:
 Maraming pagpipilian
 Pagtukoy
 Paghahanay
 Talasalitaan
 Pagtukoy ng emosyon
 Pagtukoy kung ang pahayag ay Katotohan o Opinyon
 Pagbuo ng sanaysay

Sapat-Lapat

Repleksyon

Pakikipagkapwa-tao sa mga kasama o mga kapwa-guro sa pagbuo ng mga


mahahalagang kagamitan sa pagtuturo ang isang mahalagang natutuhan ng mga guro
ngayong araw. Dahil sa pakikipagkapwa-tao, mas madaling makaagapay ang bawat guro
sa kapwa guro upang mas maigting ang daloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral at
siyempre, ang ugnayan ng bawat guro. Kolaborasyon ng guro sa mas malawak na
pagtingin ang sa palagay ang pinakamahalagang anting-anting upang mas
mapagplanuhan nang may sistema ang pagkatuto ng mga bata. Hindi natatapos sa
pagmamaneho ng isang guro sa loob ng klase ang katagumpayan ng pagkatuto at
pagtatamo ng lipunang may matatag na pundasyon ng kaalaman, kundi sa pagkakaroon
ng paikipagtulungan ng mga tagapagtaguyod ng kaalaman, ang mga guro. Pag-upo at

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
pagsinsin sa mga gawain ay isang katangian ng gurong may kasanayan sa kolaborasyon
at komunikasyon bilang ubod ng pakikipag-ugnayan. At sa huli, dito pa rin papasok ang
kahandaan ng mga guro sa pagpaplano ng pagkatuto at pagtuturo.

TaLarawan
Dokumentasyon

Petsa: Ika-4 ng Oktubre,


2018;
Huwebes;

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
6:20-2:30 n.h.
IKASIYAM NA ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Ang araw ay nagsimula sa panalangin.


 Nagbigay muli ang guro ng paalala sa pagpapasa ng mga kailangan tulad ng
Karatulastasan
 Sa araw na ito ay ang panapos at huling araling tatalakaying sakop ng ikalawang
markahang pagsusulit, ang Dear Ate Charo.

o Ang Dear Ate Charo ay isang sanaysay na tungkol sa pagbibigay-sakripisyo


ng dalawang magkapatid alang-alang sa kanilang kapakanan, maging ng
kanilang ina.
o Ito ay isang sanaysay na nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng
dalawang magkapatid sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap.

 Inaasahan ng guro na nabasa na ng mga mag-aaral ang nasabing sanaysay.


 Inumpisahan ng guro ang pagtalakay sa bagong aralin na Dear Ate Charo sa
pamamagitan ng mga tanong katulad ng:

o Ano kaya sa tingin ninyo ang tema ng sanaysay?


o Tungkol saan ang sanaysay?
o Ano ang nagyari sa kwento?
o Ilarawan ang magkapatid na Gener at Ruben.
o Bakit nasabi ng tagapagsalaysay na siya ay maka-kuya?
o Ano ang dahilan kung bait napalayo ang loob ng kanilang ina sa
magkakapatid?
o Ano ang sinisimbolo ng notebook sa kwento?
o Kasabay ng pagtalakay sa mismong aralin, isinakonteksto ito sa
pamamagitan ng karanasan ng anak sa sa pag-aalaga sa kanya ng
kanyang magulang. Katulad ng kalupitan ng isang tao sa kanyang kapwa,
ay naging halimbawa ng pagsasakontekstwalisasyon nito.
o Muling nagtanong ang guro ng mga kaugnay na sitwasyon dito.
o Karanasan ng sarili ng guro na may integrasyon sa aralin

 May pangkatang gawain ang mga mag-aaral na magsisilbing huling gawain para
sa pagtalakay ng huling akda.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Mayroon ding punto na ang mga gurong-mag-aaral ay nagsapinalisa ng Table of
Specification at ng walumpung puntos na pagsusulit.

 Bago ito, nagkaroon ng maikling pulong at inisa-isa ni Gng. Rabina ang mga punto
na dapat bigyang-tuon sa paggawa at pagbuong TOS at pagsusulit kasama ang:

o Font size: 12
o 1.5 Spacing
o Ang bahagi ng layunin ay marapat na
 Nasusukat
 Namamasid
 Nakakamit

o Ang mga napuna sa mga direktiba at panuto sa pagbuo ng pasususlit ay


marapat na kinabibilangan ng

 Maraming Pagpipilian
 Sa Talasakitaan, mainam ang paggamit ng mga salita sa isang
pangungusap.
 Dapat ay tiyak ang panuto
 Huwag kalilimutan ang Header
 Gawing madali ang pagsusulit
 Huwag pahirapan ang sarili at ang mag-aaral, maaaring lagyan ng
mga titik ang mga pagpipilian

o Gayundin ay nagpauang pasabi ang gurong-tagamasid sa mga gawain


para sa susunod na pagkikita. Kasabay nito ang pagbababa ng mga
paunang gawain para sa micro teaching katulad ng banghay-aralin, at mga
paksa.
 Sa huling bahagi ng araw, nagkaroon ng saglit na pagpupulong upang ipaalala ng
gurong tagasubaybay ang mga titiyakin sa mga susumod na pagkikita.

Sapat-Lapat
Repleksyon:

Ipinapaalala ng araw na ito na ang mga guro sa Filipino ay inobatibo at malikhain.


Nakagagawa ng kagyat na solusyon sa mga biglaang sitwasyon sa loob ng klasrum, sa
pamamagitan ng mahuhusay at mga makabagong estratehiyang makapupukaw sa mga
mag-aaral. Nasipat sa araw na ito kung paano humawak ang isang guro sa sitwasyong
mayroong mga-aaral na inaantok sa oras ng talakayan. Marapat na hindi ipahiya bagkus
ay kausapin ang nasabing mag-aaral at bigyan ng tamang timpla ng kapaligiran upang
hindi muling mabagot ang mga mag-aaral lalo’t higit kung umaga ang oras ng klase. Sa
pagkakataong ito, magmumula’t magmumula ang kasiglahan ng mga mag-aaral sa guro.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Dito ay makikita na ang sustansya ng kaalaman at saya ng kapaligiran ang kailangan
upang matamo ang katagumpayan ng pagkatuto sa isang buong araw. Mahalaga ang
katangiang taglay ng guro, dahil dito ang pagsisimulan ng kagiliwan ng mag-aaral na
makinig sa talakayan.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-5 ng Oktubre,
2018;
Biyernes;
6:00-2:30 n.h.
IKASAMPUNG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa araw na ito, sinimulan ng panalangin ang klase.


 Pansamantalang wala si Gng Rabina, ang gurong-tagasubaybay, kung kaya't
hinalinhinan muna ng mga gurong mag-aaral ang pamamahala sa klase.
 Binigyan ng panuto ng gurong-mag-aaral ang klase para sa gagawing
paghahanda para sa darating na pagtatanghal ng kanilang pangkatang gawain, sa
darating na lunes. Sa pagkakataong ito, naglaan ang klase ng oras oara sa
paghahanda.
 Nang makitang nakapaghanda na ang lahat, sinimulan ng magpakilala ng mga
gurong-mag-aaral sa mga mag-aaral. Gayundin, ang mga mag-aaral naman ang
nagpakilala sa kanila.
o Ang panuto ay magpapakilala ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsasabi
ng kanilangb buong pangalan, at sumunod, ang pagsasabi ng isang bagay
na maaaring kumatawan sa kanilang pagkatao, ngunit walang paliwanag
kung bakit.
 Matapos makapagpakilala, binigyan ang mga mag-aaral ng kaunting mga paalala
para sa iba pang gawain.
 Tiniyak na nalista ng kalihim ng klase ang mga liban sa araw na ito.
 Kinahapunan, sa Ikasiyam na baitang pangkat Shön, ganoon din ang naging
sistema ng klase.
 Binigyan ng panuto ng gurong-mag-aaral ang klase para sa gagawing
paghahanda para sa darating na pagtatanghal ng kanilang pangkatang gawain, sa
darating na lunes. Sa pagkakataong ito, naglaan ang klase ng oras para sa
paghahanda.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Nang makitang nakapaghanda na ang lahat, sinimulan ng magpakilala ng mga
gurong-mag-aaral sa mga mag-aaral. Gayundin, ang mga mag-aaral naman ang
nagpakilala sa kanila. Binigyan ng kaunting mga paalala para sa iba pang gawain.
 Natapos ang isang oras na klase.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Sa unang pagkakataon ay nakadaupang-palad ng mga gurong-mag-aaral ang mga mag-


aaral. At hindi maikakaila ang saying dulot nito sa mga umpisa pa lamang humawak ng
mga tunay na mag-aaral. (Dahil sa loob naman ng klase, ay kunwaring mag-aaral lang
ang tinuturuan). Sa pagkakataong ito, mahalaga ang unang pagsasama ng guro at ng
kanyang mag-aaral dahil dito maibibigay ng guro ang kanyang pagtitiyak sa mga mag-
aaral sa maraming bagay. Sa araw na ito, nasipat na mahalaga ang pagbuo ng ugnayan
ng mag-aaral at ng kanilang guro, dito maipapakita ang dapat na ituran ng mga mag-
aaral. Sa unang pagkikita rin naitataguyod ang mga paunang gawaing
makapagpapakilala sa mga mag-aaral sa kanilang guro.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Tala-
Lingguhan
IKALAWANG LINGGO
IkaanimhanggangIkasampo
ng Araw
Oktubre 1-5, 2018
Sa linggong ito, Isang mahalagang dapat tandaan ang pakikitungo sa mga mag-aaral.
Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may kakayahang maitungo ng tuwiran sa kanilang mga
guro kung kaya’t mainam na ang mga guro ang unang gumawa ng hakbang upang
makabuo ng ugnayan sa kanilang mga mag-aaral labas sa gawaing akademya.
Mayroong iba’t ibang uri ng mag-aaral. Nariyan ang aktibo, ang mga pasibo, ang mga
mag-aaral na natututo batay sa gawaing replektibo, kolaboratibo at marami pang iba. Sa
ganang ganito, mahalaga ang pag-aralan, pagsisiyasat at pagsubaybay sa mga mag-
aaral dahil ito ang magiging ubod kung paano ang magiging ugnayan sa loob ng klase.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Samakatuwid, isang magandang simula ang pagkakaroon ng sapat ng pagkilala ng guro
sa kanyang mga mag-aaral. Ito ang pinakamabisang paraan upang tunay na
makapagpalagayang-loob ang parehong guro at mag-aaral. Isang esensyal na bagay din
ang pagkakaroon ng parehong kahandaan sa bahagi ng guro at mag-aaral upang maging
pantay ang antas ng pagtuturo at pagkatuto. Mahalagang-mahalaga ang kahandaan
hindi lamang ng guro maging ng mga mag-aaral. Gampanin ng guro na ihanda ang mga
mag-aaral bago umalwa sa nilalaman ng pagtuturo ang guro. Hindi magiging mabisa ang
pagkatuto kung hindi natiyak ng guro ang mismong paghahanda ng mga mag-aaral sa
mga paksang tatalakayin. Dahil dito, maaaring maging hindi epektibo ang pagkatuto kung
walang sapat na kahandaan sa pagitan ng guro at ng mag-aaral. Isang mahalagang
dapat isaalang-alang ito ng mga guro upang sa umpisa pa lamang ay malay na rin ang
mga mag-aaral sa nais matamong layunin ng dalawang nag-uugnayan. Ang kahandaan
ng parehong guro at mag-aaral ang magiging daan upang ang pagkatuto ay higit na
matamo ng dalawa. Ito ay mahalagang daan upang maging mabisa ang bawat yugto ng
pag-aaral. Isang hudyat din na ang klase ay tapos na sa mga tradisyunal na gawain ay
ang pagkakaroon ng maraming bitbit na mga pakulo ng guro sa kanyang klase. Sa
linggong ito ang mga unang pagkakadaupang-palad ng mga mag-aaral at mga gurong-
mag-aaral, ngunit palaging pakatatatandaan ang pagtatatag pa rin ng limitasyon sa una
pa lamang, maaaring ipakita ng mga guro na sila ay madaling lapitan ngunit naroon pa
rin ang konsepto ng awtoritaryan. Sa pagkakataon ding ito, umpisa na ng pagkakaroon
at pagtatatag ng pakikipag-ugnayan sa mga bata. Iba’t ibang dulog at batayang kaalaman
ang marapat na taglayin ng isang guro para sa simula pa lamang ay mapatatag na
magandang persepsyon at impresyon ng bata. Sa huli, pagsusubaybay sa mga mag-
aaral ang siyang magiging susi ng lahat ng ito.

Petsa: Ika-8 ng Oktubre,


2018;
Lunes;
6:00-2:30 n.h.
IKALABING-ISANG
ARAW
Suri-Sipat

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Obserbasyon

 Sa araw na ito, sinimulan ang linggo ng pagkakaroon ng Flag Raising Ceremony,


 Matapos ay pumasok at kanya-kanya nang pumunta ang mga mag-aaral sa
kanilang mga klase.
 Sa unang klase, ang Ikasiyam na baiting pangkat Bruner, katulad ng mga tipikal
na araw ay pinangunahan ito ng panalangin ng napiling mangunguna sa harap.
 Pinangunahan ang daloy ng klase sa pamamagitan ng pagsusulat ng guro sa
pisara ng magiging pamantayan o panukatan ng klase para sa pangkatawang
gawaing ilalahad. Nariyan ang:
o Pagpapakahulugan/Interpretasyon: dalawampung bahagdan
o Paraan/Kasiningan ng Pagtatanghal: dalawampung bahagdan
o Hikayat sa Madla: sampong bahagdan
 Na mayroong kabuoang limapung bahagdan
 Bago magtanghal ang bawat pangkat, tinawag muna ng guro ang bawat kasapi ng
bawat pangkat.
 Sinimulan ng Pangkat 1 ang pagtatanghal.
o Ang naatas na gawain sa kanila ay pagbasa ng isang talatang ibinigay at
iugnay ito sa nabasang sanaysay.
o Ginawa nila ito sa pamamagitan ng grapikong pantulong na fish bone na
nagpapakita ng katangian ng dalawang magkapatid na sina Gener at
Ruben sa sanaysay na Dear Ate Charo.
o Bumuo ng isang akrostik na naglalaman ng mga titik na K I L I G na ang
ibig sabihin ay:
 Karapatan
 Inspirasyon
 Liyab
 Isip
 Gulong
o Sa huli, sila ay nagbasa ng kanilang ginawang tula.
 Sumunod naman ang pagtatanghal ng Pangkat 2.
o Ang naatas naman na gawain sa kanila ay ang pagbibigay ng katangian ng
dalawang magkapatid na sina Gener at Ruben.
o Sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangian sa dalawang magkapatid,
gianwan nila ito ng awit at nilapatan ng sariling titik. Habang umaaawit ay
idinidikit nila sa bawat kinatawan ng dalawa ang naisip na katangian.
o Binigyang-kulay nila ang awiting Narda.
 Ang Pangkat 3 naman ang nagpakitang-gilas.
o Sinakatuparan nila ang gawaing isadula ang bahaging higit na nagustuhan
sa akdang nabasa.
o Gamit ang programang MMK, ipinakita nila ang pinakanagustuhan nilang
bahagi.
o At sa huli ay itinanghal ang ginawang tula.
 Bilang huli, ang Pangkat 4 naman.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Sila ay gumawa ng isang liham na maaari nilang ibigay sa kanilang kapatid
o tinuturing na kapatid at ilalahad kung bakit ang pagbibigyan nito ay
kanilang pinahahalagahan.
o Gayundin ay nagtanghal ng kanilang ginawang spoken words poetry.
 Bilang panapos ay inanunsyo ang kanilang marka sa nasabing gawain.
o Pangkat 1: 49/50
o Pangkat 2: 48/50
o Pangkat 3: 49/50
o Pangkat 4: 48/50
 Kinahapunan, sa Ikasiyam na baiting Pangkat Shon, ganoon ulit ang panimula ng
klase, ang panalangin at pagbati sa mga guro.
 Katulad ng daloy ng klase sa umaga ay siya rin namang pagganap sa hapon.
 Sa pagkakataong ito, matapos ilahad ang panukatan at nagbigay ng paalala ang
guro na bawat matatapos ang pangkat na nagtanghal ay magbibigay ang ibang
pangkat ng kanilang marka ukol sa ginawang pagtatanghal.
o Pagpapakahulugan/Interpretasyon: dalawampung bahagdan
o Paraan/Kasiningan ng Pagtatanghal: dalawampung bahagdan
o Hikayat sa Madla: sampong bahagdan
 Na mayroong kabuoang limapung bahagdan
 Bago magtanghal ang bawat pangkat, tinawag muna ng guro ang bawat kasapi ng
bawat pangkat.
 Sinimulan ng Pangkat 1 ang pagtatanghal.
o Ang naatas na gawain sa kanila ay pagbasa ng isang talatang ibinigay at
iugnay ito sa nabasang sanaysay.
o Ginawa nila ito sa pamamagitan ng grapikong pantulong na fish bone na
nagpapakita ng katangian ng dalawang magkapatid na sina Gener at
Ruben sa sanaysay na Dear Ate Charo.
o Sa huli, sila ay nagbasa ng kanilang ginawang tula.
 Sumunod naman ang pagtatanghal ng Pangkat 2.
o Ang naatas naman na gawain sa kanila ay ang pagbibigay ng katangian ng
dalawang magkapatid na sina Gener at Ruben.
o Sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangian sa dalawang magkapatid,
gianwan nila ito ng malikhain at interaktibong grapikong pantulong.
o Sa huli, sila ay nagbasa ng kanilang ginawang tula.
 Ang Pangkat 3 naman ang nagpakitang-gilas.
o Sinakatuparan nila ang gawaing isadula ang bahaging higit na nagustuhan
sa akdang nabasa.
o Gamit ang programang MMK, ipinakita nila ang pinakanagustuhan nilang
bahagi.
o At sa huli ay itinanghal ang ginawang tula.
 Bilang huli, ang Pangkat 4 naman.
o Sila ay gumawa ng isang liham na maaari nilang ibigay sa kanilang kapatid
o tinuturing na kapatid at ilalahad kung bakit ang pagbibigyan nito ay
kanilang pinahahalagahan.
o Gayundin ay nagtanghal ng kanilang ginawang spoken words poetry.
 Bilang panapos ay inanunsyo ang kanilang marka sa nasabing gawain.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Pangkat 1: 46/50
o Pangkat 2: 44/50
o Pangkat 3: 45/50
o Pangkat 4: 44/50
 Matapos ang araw ay nagbigay lang ng ilang paalala ang gurong-tagasubaybay
sa mga gurong-mag-aaral ng ilang mga kailangang gawin sa susunod na
pagkikita.
o Dalawampung araw ang nakalaang para sa Team Teaching
o Ang pagbabantay ng mga gurong-mag-aaral sa pagsusulit sa Filipino
o Pagpapaalala ng mga dapat dalhin ng mga mag-aaral na Long Ordinary
Folder
o Ang paggawa ng Banghay-Aralin at Instructional Plan

Sapat-Lapat
Repleksyon

Nasipat sa klase ang isang kalakasan ng mukha ng pagtuturo ng Filipino, ang pagbibigay
ng guro ng karampatang puna at pugay sa bawat pagtatanghal o mga pangkatang
gawain. Sa araw na ito, binigyang lakas ang bawat pinaghandaang pagtatanghal ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagpoproseso ng guro sa mga naitanghal na gawain. Ito
ay isang mahalagang bagay na hindi dapat nakakaligtaan ng mga guro hindi lamang sa
Filipino kundi sa lahat ng asignatura. Ito ang magiging batayan at pundasyon ng mga
mag-aaral sa usapin ng pagbuo ng mga awtput nila. Dito, ipinapakita ang kahalagahan
ng ebalwasyon o pagtataya sa lahat ng mga pamantayan ng pagganap. Kaugnay din nito,
isang katangian ng mapanuri at kritikal na guro ay mayroong pagsinop sa pagtatala ng
mga napupuna sa isang pagganap ng mga mag-aaral nang sa gayon, hindi maiwawaglit
ang bawat puntong naging kalakasan at kahinaan ng bawat isa. Gayundin, dito papasok
ang interbensyon ng guro kung paano iwawasto ang naging kinalabasan ng pagganap.
Sa araw ding ito ay nasipat ang pagiging inobatibo ng guro at pagiging malikhain ng mga
mag-aaral sa kabilang banda. Isa ring mahalagang-mahalaga ang pagtitiyak ng guro sa
mga naging ambag ng mga kasapi ng pangkat sa naging gawain.
TaLarawan

Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS
Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-9 ng Oktubre,
2018;
Martes;
6:00-2:30 n.h.
IKALABINDALAWANG
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa araw na ito, dahil ang araw ay nakalaan para sa markahang pagsusulit ng mga
mag-aaral, ang mga gurong-mag-aaral ay naatasan ng gurong-tagasubaybay na
lumikha ng Banghay-Aralin.
 Ang pangkat ng Senior High School ay lilikha ng Banghay-Aralin hinggil sa:
o Aralin 1: Ang Talinghaga sa May-ari ng Ubasan (Panitikan)
o Aralin 1: Parabula ng Banga (Panitikan)
o Matalinghagang Pahayag (Gramatika)
 Ang pangkat ay bumuo ng tatlong banghay-aralin na may mga bahagi na:
o Layunin
o Paksang-Aralin
o Kagamitan
o Patunay
o Pamaraan
 Panimulang Gawain
 Pangganyak
 Paglinang ng Talasalitaan
 Pagtalakay ng Nilalaman
 Paglalahat
 Paglalapat
 Pagtataya
 Kasunduan

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Sapat-Lapat
Repleksyon

Katulad ng mga nakaraang araw, ang pagkakaroon ng kolaborasyon ng mga gurong


mag-aaral ang naging lakas ng araw na ito. Kung ikokontekstwalisado sa realidad ng
pagtuturo, mahalagang-mahalaga ang pagkakaroon ng mabuti at masinsing pagpaplano
ng isang aralin na kung saan ay paghahahawan ng isang matagumpay na daloy ng
pagtuturo at pagkatuto. Gayundin, mainam na ang guro ay bihasa sa balangkas at daloy
ng isang gawain. Marapat na ang iba’t ibang yugto ng pagkatuto ay komprehensibo at
detalyado ayon sa pangangailangan at kahingian ng isang partikular na klase. Sa
ganitong gana, mas masisipat ang kasanayan at kalinangan sa mga pagkakataong ang
bata ay natututo at nagagagap. Hindi maiiwaksi ang kamulatan at pagkamahusay sa
ganitong larang. Kolaborasyon ng guro sa mas malawak na pagtingin ang sa palagay
ang pinakamahalagang anting-anting upang mas mapagplanuhan nang may sistema ang
pagkatuto ng mga bata. Hindi natatapos sa pagmamaneho ng isang guro sa loob ng klase
ang katagumpayan ng pagkatuto at pagtatamo ng lipunang may matatag na pundasyon
ng kaalaman, kundi sa pagkakaroon ng paikipagtulungan ng mga tagapagtaguyod ng
kaalaman, ang mga guro.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-10 ng Oktubre,
2018;
Miyerkules;
6:00-12:30 n.h.
IKALABINTATLONG
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Ang araw na ito ay nagmistulang oryentasyon sa pagbuo ng Banghay-Aralin na
magiging lundayan ng aralin sa mga susunod na gawain katulad ng team teaching
at grand demo.
 Ang araw ay umikot sa pagbuo at pagtalakay ng Banghay-Aralin na magiging
template ng mga gurong-mag-aaral.
 Ibinahagi ng gurong-tagasubaybay ang nilalaman at balangkas ng Banghay-
Aralin:
o Layunin
 Pangkaisipan
 Pandamdamin
 Saykomotor
 Pagpapahalaga
o Paksang-Aralin
 Panitikan
 Wika
 Sanggunian
 Kagamitan
o Pamaraan
 Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtitiyak ng talaan ng liban
 Pangganyka
 Tanong/Gawain
 Panuntunan
 Paglinang sa Talasalitaan
 Ilagay ang paghahanay
 Pagtalakay sa Nilalaman
 3 hanggang 4 na tanong upang umikot ang talakay
 Paglalahat/Sintesis
 Tanong/Pahayag
 Paglalapat
 Integrasyon
 Pagtataya
 Pagsasanay
 Panukatan/Panuntunan/Rubriks
 Analitikal
 Pangkatang Gawain
 Kasunduan
 Marapat na may paunang pahayag/motibasyon
 Tuwiran ang paglalahad ng takda
 Sanggunian

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Sapat-Lapat
Repleksyon

Ang natutuhan ko sa araw na ito ay ang pagbuo ng isang banghay-aralin. Ang banghay-
aralin ay isang bibliya ng mga guro sa kanyang pagtuturo. Ito ay isang plano ng mga
aralin ng isang guro. Dito nakalagay kung ano ang magiging takbo ng talakayan sa araw-
araw. Ito ay may tatlong uri: ang detalyadong banghay-aralin na mayroong gawain ng
mga guro at mag-aaral, ang semi-detalyado na mayroong gawain ng guro at ang
banghay-aralin na maikli kung saan nakabuod na lamang ang bawat bahagi. Ang
banghay-aralin ay binunuo ng limang mahahalagang bahagi: ang layunin, paksang-
aralin, pamamaraan, evalwasyon at kasunduan. Ang mga layunin ay dapat na nakatuon
sa tatlong aspeto: ang kognitibong layunin na sumusukat sa pag-iisip ng mag-aaral, ang
apektibo para sa damdamin at saykomotor para sa pagsasagawa ng mga natutunan. Sa
paksang-aralin naman nakalagay ang pamagat ng aralin na tatalakayin, ang mga
sanggunian o referens at ang mga kagamitan upang higit na matuto ang mga mag-aaral.
Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga gagawin ng guro at ng kanyang mga
estudyante mula sa panimulang gawain, motiveysyon, paglalahad ng aralin, malayang
talakayan, paglalahat, paglalapat hanggang sa pagsasagawa at pangwakas na gawain.
At upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral ay magbibigay ang guro ng
evalwasyon na binubuo ng ilang mga tanong tungkol sa napag-aralan. Ang huling bahagi
naman ay ang pagbibigay ng kasunduan o asaynment para sa susunod na aralin. Sa
paglabas ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo, hindi na kailangan pa ang
paggawa ng banghay aralin ayon sa nakararami. Ngunit marami pa rin ang tutol dito sa
dahilang mawawalan ng sistema ang pagtuturo ng mga guro. Para sa akin, kailangan pa
rin ang banghay-aralin dahil mas nagiging organisado ang pagtuturo kung meron nito.
Gaya ng kahulugan nito, ito ang magiging balangkas ng daloy at gabay sa kabisaan at
pagiging organisado ng isang guro.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS
Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-11 ng Oktubre,
2018;
Huwebes;
6:00-2:30 n.h.
IKALABING-APAT NA
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Ang araw na ito ay ang pagkakataon ng gurong-mag-aaral na makasubaybay ng


isang eksekyusyon ng pagsusulit.
 Sa pagsusulit ng nasa ikasiyam na taon pangkat bruner, nasipat ang mga:
o Kahalagahan ng pagsisimula ng klase sa araw ng pagsusulit
o Ang pagiging maingat sa oras ng guro
o Ang aktitud ng guro sa oras ng klase
o Ang kinikilos ng mga mag-aaral sa oras ng pagsusulit
o Ang pamamahala ng guro sa loob ng klasrum bago at pagtapos ng
pagsusulit
o Ang isang malinaw na panuto ng guro sa pagsusulit at sa kabuoang
pamamahala sa loob ng klasrum
 Tumagal ang pagsusulit ng mga bata ng saktong isang oras.
 Matapos ito ay nagawang magkaroon ng pagtataya ang mga gurong-mag-aaral
na nakatalaga sa klase. Napuna at nasipat ng mga surong-mag-aaral ang mga
sumusunod:
o Ang pagpaplano bago pumasok sa loob ng klase.
o Ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa pagsusubaybay sa klase.
 Sa huli, nagtsek ang mga gurong-mag-aaral ang mga papel ng mga mag-aaral na
sinagutan sa markahang pagsusulit.
o Dito, inisyal na nataya ng mga guro ang kabisaan ng pagtuturo ng gurong-
tagasubaybay.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Dito ay nataya rin ang kakayahan ng mga mag-aaral at produkto ng
kanilang pakikinig sa buong talakayan bilang ito pangkabuoang pagsusulit
sa nasabing markahan.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Isang esensyal na katangian sa guro ang pagbibigay ng pagsusulit sa mga mag-aaral.


Ang araw na ito ay naging mahalagang punto para sa mga gurong-mag-aaral ang
pagsasagawa ng pagkakaroon ng pagsusulit. Ang pagsusulit o eksaminasyon ay
pagtataya na naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan, kakayahan, kalakasan ng
katawan, pagkamarapat sa iba pang paksa ng nagsusulit. Ang pagbibigay ng pagsusulit
sa mga mag-aaral ay pagtataya ng kanilang natutuhan. Gayundin, pagtataya sa kabisaan
ng pagtuturo ng guro kabilang ang kanyang mga teknik, dulog at estratehiya. Isa ring
magandang katangian ng guro ang pagpupuna sa mga bagay na nagawa na magiging
daan upang mas mapatibay pa ang pagtuturo. Sa pagpupuna, marapat na maging bukas
katulad ng ginawang pagtingin sa positibo at negatibong pagpupuna ng mga gurong-
mag-aaral. Ang pagtataya sa sarili ay pagtatasa sa mga nagawa niyang gawain mabuti
man o hindi. Isa itong sa tingin kong dapat ay taglay ng mga guro upang sa mga susunod
na gawain ay maging mas maayos ang daloy ng pagtuturo at pagkatuto. Ang pagbibigay
ng pagsusulit sa mga mag-aaral ay tiyak namakapagtatasa at at magbibigay motibasyon
sa kagiliwan ng guro, at matiyak ang kahinaan at kalakasan ng tinuro sa mga mag-aaral.
At higit lalo ay makakuha ng pidbak sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagtatasa,
sinisipat ang produktong pampagkatuto, kabisaan ng ugnayan at komunikasyon sa
pagitan ng guro at mag-aaral. Sa bahagi ng guro, dito niya matitiyak ang interbensyon
kung mayroon bang dapat na iwasto sa bahagi ng habang, bago at pagtapos ng
pagtuturo.

TaLarawan
Dokumento

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-12 ng Oktubre,
2018;
Biyernes;
6:00-2:30 n.h.
IKALABINLIMANG
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Katulad ng nakaraang pagkikita, ang araw ay para sa pagkuha ng pagsusulit ng


mga mag-aaral.
 At dahil dito, hindi nagkita ang mag-aaral at ang guro.
 Naging abala ang mga gurong-mag-aaral sa pagtsetsek ng portfolio ng ikasiyam
na taon pangkat Bruner.

Sapat-Lapat
Repleksyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Sa pagkakataong ito, ipinakita ang mukha ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagbuo ng
portfolio. Ang portfolio ay isang koleksyon ng mga talaan na kung saan ay unti-unting
napupuno sa mga gawaing pampagkatuto. Dito nakaipon ang mga katuparan ng mga
gawain, mga kasanayan, karanasan at mga bagay na produkto ng mga gawaing
pangklase. Ipinapakita nito ang minsang pagpalya ng mag-aaral at minsang
katagumpayan sa aspektong akademiko kasama ang walang maliw na pagkatuto,
repleksyon ng mga natutuhan at mga nakamit na mga bagay na bahagi ng paglinang ng
kakayahan ng isang mag-aaral. Mahalaga ang ganitong awtput dahil napahahalagahan
ng mga mag-aaral ang mga bagay na nagawa nila. Gayundin ay nababalikan nila ang
mga pagkatuto kung sila ay mayroong kalipunan ng mga gawain. Sa pamamagitan ng
ganitong produkto, inaasahan na matututuhan ng isang mag-aaral ang katangiang dapat
ay marunong at disiplinado sa pag-oorganisa ng mga nalikom na dokumentong
nagpapatunay sa kahusayang pampagkatuto nila. Hinahayaan ng produktong ito na
maging malikhain at maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa mga
proyekto at mga karanasan. Ang portfolio ay isang metodo ng pagtuklas ng sarili at
pagtataguyod ng kumpyansa ng isang indibidwal. Ito ay patunay ng isang kongkretong
produkto ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Tala-
Lingguhan
IKATLONG LINGGO
Ikalabing-isahanggang
Ikalabinlimang Araw
December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS
Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Oktubre 8-12, 2018
Nasipat sa buong linggo ang iba’t ibang kalakasan ng mukha ng pagtuturo ng Filipino,
ang pagbibigay ng guro ng karampatang puna at pugay sa bawat pagtatanghal o mga
pangkatang gawain. Sa araw na ito, binigyang lakas ang bawat pinaghandaang
pagtatanghal ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpoproseso ng guro sa mga
naitanghal na gawain. Ito ay isang mahalagang bagay na hindi dapat nakakaligtaan ng
mga guro hindi lamang sa Filipino kundi sa lahat ng asignatura. Ito ang magiging batayan
at pundasyon ng mga mag-aaral sa usapin ng pagbuo ng mga awtput nila. Katulad ng
mga nakaraang araw, ang pagkakaroon ng kolaborasyon ng mga gurong mag-aaral ang
naging lakas ng araw na ito. Kung ikokontekstwalisado sa realidad ng pagtuturo,
mahalagang-mahalaga ang pagkakaroon ng mabuti at masinsing pagpaplano ng isang
aralin na kung saan ay paghahahawan ng isang matagumpay na daloy ng pagtuturo at
pagkatuto. Gayundin, mainam na ang guro ay bihasa sa balangkas at daloy ng isang
gawain. At upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral ay magbibigay ang guro ng
evalwasyon na binubuo ng ilang mga tanong tungkol sa napag-aralan. Ang huling bahagi
naman ay ang pagbibigay ng kasunduan o asaynment para sa susunod na aralin. Sa
paglabas ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo, hindi na kailangan pa ang
paggawa ng banghay aralin ayon sa nakararami. Ngunit marami pa rin ang tutol dito sa
dahilang mawawalan ng sistema ang pagtuturo ng mga guro. Para sa akin, kailangan pa
rin ang banghay-aralin dahil mas nagiging organisado ang pagtuturo kung meron nito.
Gaya ng kahulugan nito, ito ang magiging balangkas ng daloy at gabay sa kabisaan at
pagiging organisado ng isang guro. Isang esensyal na katangian sa guro ang pagbibigay
ng pagsusulit sa mga mag-aaral. Ang araw na ito ay naging mahalagang punto para sa
mga gurong-mag-aaral ang pagsasagawa ng pagkakaroon ng pagsusulit. Ang pagsusulit
o eksaminasyon ay pagtataya na naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan,
kakayahan, kalakasan ng katawan, pagkamarapat sa iba pang paksa ng nagsusulit. Ang
pagbibigay ng pagsusulit sa mga mag-aaral ay pagtataya ng kanilang natutuhan.
Gayundin, pagtataya sa kabisaan ng pagtuturo ng guro kabilang ang kanyang mga teknik,
dulog at estratehiya. Isa ring magandang katangian ng guro ang pagpupuna sa mga
bagay na nagawa na magiging daan upang mas mapatibay pa ang pagtuturo. Sa
pagpupuna, marapat na maging bukas Sa pagkakataong ito, ipinakita ang mukha ng
pagkatuto sa pamamagitan ng pagbuo ng portfolio. Ang portfolio ay isang koleksyon ng
mga talaan na kung saan ay unti-unting napupuno sa mga gawaing pampagkatuto. Dito
nakaipon ang mga katuparan ng mga gawain, mga kasanayan, karanasan at mga bagay
na produkto ng mga gawaing pangklase. Ipinapakita nito ang minsang pagpalya ng mag-
aaral at minsang katagumpayan sa aspektong akademiko kasama ang walang maliw na
pagkatuto, repleksyon ng mga natutuhan at mga nakamit na mga bagay na bahagi ng
paglinang ng kakayahan ng isang mag-aaral.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-15 ng Oktubre,
2018;
Lunes;
6:00-5:00 n.h.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
IKALABING-ANIM NA
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Ang araw na ito ay tulad ng mga araw sa unang linggo, nagsimula sa flag
ceremony ang mga mag-aaral. Matapos nito ay pumasok na ang mga mag-aaral
sa kani-kanilang mga klase.
 Inaasahan ng mga gurong-mag-aaral na ang araw na ito ang simula ng team
teaching. Ngunit, sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ito natuloy.
 Ang gurong tagasubaybay ay nagbaba ng direktiba na magkakaroon na lamang
ng re-checking ng mga papel-pagsusulit sa ikalawang markahan sapagkat hindi
maisasakatuparan ang pagtuturo ng mga gurong-mag-aaral.
 Sa kabila ng mga ‘di inaasahang pagbabago ay naging produktibo ang araw sa
pamamagitan ng pagtitiyak at muling pagwawasto ng mga papel-pagsusulit ng
mga mag-aaral.
 Matapos nito, sinamantala ng mga gurong-mag-aaral ang pagkakataon upang
malaman ang mga inaasahan ng mga mag-aaral ng ikasiyam na baitang pangkat
Bruner, sa kanila, maging sa magiging daloy ng talakayan sa klase. Natala ng guro
ang mga sumusunod:
Inaasahan ng mga mag-aaral na…
o Maayos na pagtuturo at masayang pakikisama
o Madaling lapitan at kausapin, maaasahan ang mga gurong-mag-aaral
upang sila ay maging komportable sa mga ito
o Magiging masaya ang pagtalakay
o Mayroong kagamitang pampagtuturo
o Malakas at maayos ang boses, pagbigkas at pananalita ng mga gurong-
mag-aaral
o Masasayang pangkatang-gawain at masisiglang mga aktibidad
o Ang mga ituturong ay lagpas sa laman ng isang aklat
o Iwasan hangga’t maaari ang paulit-ulit na mga powerpoint
o Mayroong sustansyang matatamo at matalinghaga ang pagtalakay sa
aralin
o Malikhain sa estratehiya sa pagtuturo
o Magiging organisado, disiplinado at sistematiko ang klase
o Bukas ang isipan ng mga guro, mabuti at may naaambag sa lipunan
o May mabubuong ugnayan ang gurong-mag-aaral at mismong ang mga
mag-aaral

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Nakapupukaw ng interes ang mga gawain
o Mayroong mahabang pasensya sa mga mag-aaral at mas napapadali
ang mga gawain
o Mayroong passion sa pagtuturo
o Kaabang-abang ang mga gawain at maraming nakahandang surpresa
o Huwag umasa sa kagamitang pampagtuturo ang pagkatuto ng mga
mag-aaral
o Hindi scripted ang porma ng pagtalakay ng guro
o Maging makabuluhan ang talakayan ng guro at mag-aaral
o Mayroong puso sa pagtuturo
o Kaunti lamang ang puwang ng pagbibigay ng takdang-aralin
o Friendly-atmosphere ang klase
o Marunong makisabay at makihalubilo, may magaan na loob sa mag-
aaral ang mga guro
o Hindi nakababagot ang klase
 Bukod sa mga sinulat na inaasahan ng mga mag-aaral ay isinulat din nila sa papel
kung alam ba nila ang mga pangalan ng kanilang mga gurong-mag-aaral.
 Gayundin ay nagbigay ang mga gurong nagsasanay ng kanilang inaasahan sa
mga mag-aaral:
 Sa hapon, sa oras ng ikasiyam na baitang pangkat Schon, ginawa rin mga gurong-
mag-aaral ang pag-rerecheck ng mga papel-pagsusulit ng mga mag-aaral.
 Sa kabilang banda matapos ang pagwawasto ay bumuo ang mga mag-aaral ng
10 alituntuning susundin at susubaybayan sa loob ng silid-aralan. Nalikha ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod:
o 1. Bawal mahuli sa klase
o 2. Bawal matulog sa klase
o 3. Bawal ang labas-pasok habang nagkaklase
o 4. Pagkakaroon ng responsibilidad sa klase
o 5. Dapat ay maging masaya sa klase
o 6. Ginagamit lamang ang phone kapag kinakailangan
o 7. Bawal mag-ingay kapag mayroong nagsasalita sa harap
o 8. Bawal ang bully
o 9. Aalisin ang pangalan ng hindi nakikiisa sa pangkatang gawain
o 10. Respeto.
 Sa bandang hapon ay nagkaroon ng isang ensayo ang mga gurong-mag-aaral
para sa darating na paggunita ng ITLympics.
 Ang bawat gurong-mag-aaral ay nahati sa iba’t ibang pangkat na nakatalaga sa
anim na kulay.

Sapat-Lapat
Repleksyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Sa pagkakataong ito, ipinakita ang bagwis ng mukha ng simula na marapat na masipat
sa isang klase. Ang kapangyarihan ng impresyon o mga inaasahang kalalabasan ng
pagtuturo at pagkatuto sa Filipino. Nakita sa puntong ito na mayroong mga bagay na
inaasahan ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, makakapa ng mga mag-aaral at
ng guro na rin ang daloy at kung ano ang gampanin ng isa’t isa para sa mga nalalapit na
ugnayan sa loob ng klase. Mahalagang-mahalaga ang pagtiyak ng mga inaasahan higit
lalo sa bahagi ng mga mag-aaral. Dito makikita ang kahandaan ng bawat isa lalo’t higit
ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Sa ganitong gana, matutugunan ng guro ang mga
inaasahang produkto at komunikasyon ng dalawang panig. Ito ay isang daan upang
maging mabisa ang pakikitungo ng guro sa mag-aaral at ng mag-aaral sa kanilang guro.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-16 ng Oktubre,
2018;
Martes;
6:00-5:00 n.h.
IKALABINGPITONG
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Ang araw na ito ay nakalaan para sa maghapong puspusang ensayo ng mga mag-
aaral at gurong nagsasanay para sa darating na ITLympics.
 Ang lahat ay nahahati sa anim na pangkat na kulay ang magiging tanda ng
pagkakahati.
 Bago ang pagkakaroon ng ensayo ay nagbigay ng direktiba ang gurong
tagasubaybay, si Gng. Rabina, higgil sa susunod na gawain, ang Instructional
Plan:
o Ang buong IP ay pupunan ng mga karampatang datos na hinihingi
o Ang ipupuno sa IP ay batay sa nakalagay sa aklat, Kanlungan 9
o Ito ay magsisilbing Teacher’s Guide
o Marapat na ang bawat kasapi ng bawat pangkat ay mayroong ambag sa
paggawa
o Ipapasa ito sa Biyernes, Oktubre 19.
o Isang IP sa pangkat ng SHS at JHS
o Ang nilalaman ng IP ay:
 Kasanayang Pampagkatuto (Learning Outcomes)
 Ebidensya o Patunay
 Paksa
 Nagkaroon din ng direktiba hinggil sa mga kailangan para sa ITLympics
o 8 n.u. ang simula ng parada sa Miyerkules, Oktubre 17.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
o Ang mga mag-aaral ay kailangang magdala ng kanilang flaglets ayon sa
bansang kakatawanin nila.

Sapat-Lapat

Repleksyon

Isang mahalagang bagay sa araw na ito ay pagsipat sa kahalagahan ng Instructional


Plan sa buhay ng mga guro. Ito ay magsisilbing gabay sa pangkalahatang pagtingin sa
daloy ng araw. Ang Planong Pampagtuturo ay isang balangkas ng mga araw na
naglalaman ng paksang-aralin, ng mga kalalabasang gawain o patunay upang makamit
ang isang kasanayang pampagkatuto mula sa aralin. Ito rin ay mayroong tiyak na mga
kasanayan na dapat tuhugin upang maging malinaw at ganap na matamo ang hangarin
ng guro sa kanyang pagtuturo. Ang mga tiyak na paksang-aralin ang magiging lunsaran
upang makamit ang mga partikular na kasanayang matutuhog sa pagtalakay. Sa usapin
ng pagpaplano, mahalaga ang pagbabalangkas bilang kasanayan at katangian ng guro.
Sa pamamagitan nito, magiging magaan at sistematiko ang daloy ng bawat araw. Ito ay
kasabay ng paglinang ng mga kahusayan at kasanayan ng mga mag-aaral. Sa puntong
ito, katulad ng banghay-aralin, ang pagpaplanong pampagtuturo isang kumakatawan sa
pagiging organisado ng guro sa kanyang pagtuturo.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-17 ng Oktubre,
2018;
Miyerkules;
6:00-12:00 n.t.
IKALABINGWALONG
ARAW
Suri-Sipat

Obserbasyon

ITLympics Day 1
 Sa araw na ito ay idinaos ang ITLympics bilang sportsfest ng mga mag-aaral ng
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Nagsimula ang araw sa pagkakaroon ng 52arade ng mga mag-aaral, gurong-mag-
aaral, mga guro at ang mga admin ng ITL. Ang 52arade ay ginanap mula sa
grounds ng ITL hanggang sa open court.
 Nagsimula ang programa mula sa pagkakaroon ng doksolohiya, pambungad na
pananalita at mga mensahe ng mga tagapagpasinaya ng palatuntunan.
 Nagkaroon din ng Zumba bilang warm up ng mga naroon.
 Ang pinakatampok na pinaghandaan at inabangan ay ang paligsahan ng
cheerdance.
 Batay sa pagkasunod-sunod ng pagtatanghal ng hiyaw, sayaw at galaw, nauna
ang mga Kinder 1 at 2, sinundan ng Baitang 1, 2at 3, at susundan naman ng
nakabatay sa pagkasunod-sunod na kulay ng Red, Green, White, Blue, Yellow at
Black.
 Matapos ang paligsahan ay nanumpa ang mga mag-aaral.
 Sa huling bahagi ng araw ay nagpulong ang tagapasinaya ng gawain kasama ang
mga gurong-mag-aaral para sa ilang paalala.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Sa gawaing ito, ipinakita ang lakas ng kasanayan sa pagkilos at pagganap. Bilang isang
guro, mahalagang alam at batid natin ang paglinang ng iba’t ibang aspekto ng kasanayan
ng ating mga mag-aaral. Ang isang gawain tulad ng laranangan ng palakasan, iba’t ibang
maykro-domeyn ng saykomotor ang natutuhog na talaga namang kinakailangan ng isang
indibidwal upang malinang at mahubog ang pisikal na kahusayan. Bilang isang
institusyon, ang Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto ay marapat na naglalaan ng puwang
sa mga ganitong gawain. Layunin ng mga gawaing ito na makapagpalabas ng mga
kasanayan na dapat ay taglay ng mga mag-aaral. Isang magandang pamamaraan din ito
upang magkaroon ng pagkakataong maranasan ng mga mag-aaral na hindi nakararanas
ng mga ganitong gawain dahil liban sa estado ng buhay, hindi rin naman napagtutuonan
ng pansin ng karamihan ang ganitong mga pisikal na pagpapalakas at pagpapatalas.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-18 ng Oktubre,
2018;
Huwebes;
6:00-4:00 n.h.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
IKALABINGSIYAM NA
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon
ITLympics Day 2

 Kaugnay ng gawain ng nakaraang araw ay ang pagpapatuloy ng paggunita sa


ITLympics ng mga mag-aaral.
 Ang mga gurong-mag-aaral ay pumunta sa bawat klase upang magbigay ng
kaunting paalala at mga pagpapabatid sa mga marapat na ipasa bago sumali sa
mga palaro.
 Ang gurong-mag-aaral ay nakatalaga sa iba’t ibang kulay na kanilang
kinabibilangan at ganap na nagbabantay sa kanilang mga mag-aaral sa oras ng
mga paligsahan at mga laro.
 Ang inyong gurong-mag-aaral ay nakatalaga sa kulay asul.
 Ang bawat gurong-mag-aaral ay taga-alalay at tagatiyak na ang lahat ng mag-
aaral ay nakikipagkoopera sa mga laro at nagsasaya rito.
 Ang bawat laro ay mayroong mga yugtong dapat laruin ng mga mag-aaral at
tungkulin ng mga gurong-mag-aaral na tiyakin na sila ay nakapaglalaro.
 Iba’t ibang laro ang natunghayan sa buong araw na talagang ikinasiya ng mga
mag-aaral. Narito ang:
o Tatanka Tatanka
o El pasuelo
o Juego Del Taco
o Course An Sal
o A Bichsan
o Handbad
o British Bulldog

Sapat-Lapat

Repleksyon

Sa pagkakataong ito, muling ipinakita ang kapangyarihan ng pagkilos at mga paggalaw.


Ipinamalas ng mga gurong-mag-aaral ang tungkulin bilang isang gurong taga-alalay na

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
magiging katuwang ng mga mag-aaral. Ang gampanin ng isang guro ay hindi lamang
makapagturo. Kundi ay mabigyan ng sapat na gabay, pag-alalay at paghimok sa mga
mag-aaral na gumawa ng tama. Bagaman, ipinapakita ng araw na ito ang pagbabantay
ng mga guro sa mga mag-aaral habang naglalaro ay ito na rin ang punto. Kung
ikokonteksto natin sa mas malawak na pigura ay masisipat na sa lahat ng pagkakataon
ay marapat na maisakatuparan ng guro ang ganitong pag-iral niya sa buhay ng kanyang
mga mag-aaral. Hindi lamang kaagapay sa pagpapalakas at paglinang ng intelektwal na
aspekto ang marapat na gampanin ng guro. Esensyal din ang pagtulong sa mga mag-
aaral na maging malakas sa lahat ng aspekto.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-19 ng Oktubre,
2018;
Biyernes;
6:00-5:00 n.h.
IKADALAWAMPUNG
ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon
ITLympics Day 3

 Sa huling araw ng ITLympics, nagkaroon ng pagkakataon ang mga gurong-mag-


aaral na makapaglaro matapos ang ilang araw na pagbabantay sa mga mag-aaral.
 Sa bandang umaga, inilaan ang oras para sa pagsasaya ng mga gurong mag-
aaral na makapaglaro rin.
 Gayundin, nakapaglaro din ang mga mag-aaral at natapos ang naudlot na laban
nong huling pagkikita.
 Sa bandang hapon ay isinagawa na ang Closing Ceremony na kung saan ginanap
ang Mr and Ms United Nations at ang Awarding ng ITLympics 2018.
 Sa Closing Ceremony ay ginanap ang pagkakasunod-sunod ng daloy:
o Paalala bago magsimula ang programa
o Pag-awit ng Doksolohiya at Pambansang Awit ng Pilipinas
o Pambungad na Pananalita at mga mensahe mula sa kaguruan ng ITL
o Ang pagrampa ng mga kandidata sa unahan
o Ang mismong paggawad ng meldaya at tropeyo
 Sa huli, naging matagumpay ang naisagawang programa mula unanag araw.

Sapat-Lapat

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Repleksyon

Sa puntong ito, ipinakitang muli ang kapangyarihan ng pagkilos at mga paggalaw. Ang
Kinesthetic Learning ay ang paggamit ng mga pisikal na gawain kaysa sa mga aktwal na
talakayan. Ipinamalas ng mga gurong-mag-aaral ang tungkulin bilang isang gurong taga-
alalay na magiging katuwang ng mga mag-aaral. Ang gampanin ng isang guro ay hindi
lamang makapagturo. Kundi ay mabigyan ng sapat na gabay, pag-alalay at paghimok sa
mga mag-aaral na gumawa ng tama. Bagaman, ipinapakita ng araw na ito ang
pagbabantay ng mga guro sa mga mag-aaral habang naglalaro ay ito na rin ang punto.
Kung ikokonteksto natin sa mas malawak na pigura ay masisipat na sa lahat ng
pagkakataon ay marapat na maisakatuparan ng guro ang ganitong pag-iral niya sa buhay
ng kanyang mga mag-aaral. Hindi lamang kaagapay sa pagpapalakas at paglinang ng
intelektwal na aspekto ang marapat na gampanin ng guro. Esensyal din ang pagtulong
sa mga mag-aaral na maging malakas sa lahat ng aspekto.

TaLarawan

Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Tala-
Lingguhan
IKAAPAT NA LINGGO
Ikalabing-anim hanggang
Ikadalawampung Araw
Oktubre 15-19, 2018

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Binigyang-tuon ng linggong ito ang kalakasan at kasanayan sa pagkilos o ang tinatawag
na domeyn ng saykomotor na isa ring esensyal sa paglago ng mga mag-aaral. Sinasabi
na lagpas sa sulok ng silid-aralan ang matatamong pagkatuto ng mag-aaral kung sila ay
matuturuang makilubog at tunay na makisalamuha sa uri ng awtentikong pagkatuto.
Ngunit sa kabilang banda, maisasakatuparan ang yugtong ito kung bibigyan din ang mga
mag-aaral ng pagkakataong linangin ang kasanayang pampalakasan. Sa ganang ganito,
hindi lamang puro akademya ang natatamo ng mga mag-aaral kundi ang katagang saya
at sustansya. Sa pagkakataong ito, ipinakita ang bagwis ng mukha ng simula na marapat
na masipat sa isang klase. Ang kapangyarihan ng impresyon o mga inaasahang
kalalabasan ng pagtuturo at pagkatuto sa Filipino. Nakita sa puntong ito na mayroong
mga bagay na inaasahan ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, makakapa ng mga
mag-aaral at ng guro na rin ang daloy at kung ano ang gampanin ng isa’t isa para sa mga
nalalapit na ugnayan sa loob ng klase. Mahalagang-mahalaga ang pagtiyak ng mga
inaasahan higit lalo sa bahagi ng mga mag-aaral. Dito makikita ang kahandaan ng bawat
isa lalo’t higit. Isang mahalagang bagay sa araw na ito ay pagsipat sa kahalagahan ng
Instructional Plan sa buhay ng mga guro. Ito ay magsisilbing gabay sa pangkalahatang
pagtingin sa daloy ng araw. Ang Planong Pampagtuturo ay isang balangkas ng mga araw
na naglalaman ng paksang-aralin, ng mga kalalabasang gawain o patunay upang
makamit ang isang kasanayang pampagkatuto mula sa aralin. Ito rin ay mayroong tiyak
na mga kasanayan na dapat tuhugin upang maging malinaw at ganap na matamo ang
hangarin ng guro sa kanyang pagtuturo. Sa gawaing ito, ipinakita ang lakas ng kasanayan
sa pagkilos at pagganap. Bilang isang guro, mahalagang alam at batid natin ang
paglinang ng iba’t ibang aspekto ng kasanayan ng ating mga mag-aaral. Ang isang
gawain tulad ng laranangan ng palakasan, iba’t ibang maykro-domeyn ng saykomotor
ang natutuhog na talaga namang kinakailangan ng isang indibidwal upang malinang at
mahubog ang pisikal na kahusayan. Muling ipinakita ang kapangyarihan ng pagkilos at
mga paggalaw. Ipinamalas ng mga gurong-mag-aaral ang tungkulin bilang isang gurong
taga-alalay na magiging katuwang ng mga mag-aaral. Ang gampanin ng isang guro ay
hindi lamang makapagturo. Kundi ay mabigyan ng sapat na gabay, pag-alalay at
paghimok sa mga mag-aaral na gumawa ng tama. Sa puntong ito, ipinakitang muli ang
kapangyarihan ng pagkilos at mga paggalaw. Ang Kinesthetic Learning ay ang paggamit
ng mga pisikal na gawain kaysa sa mga aktwal na talakayan. Ipinamalas ng mga gurong-
mag-aaral ang tungkulin bilang isang gurong taga-alalay na magiging katuwang ng mga
mag-aaral.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-22 ng Oktubre,
2018;
Lunes;
6:00-3:00 n.h.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
IKADALAWAMPU’T
ISANG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa pagsisimula ng linggo ay walang mga mag-aaral na papasok sa loob


Institusyon gawa ng semestral break.
 Ang mga gurong-mag-aaral ay sandaling nagpulong para sa mga susunod na
gawain.
 Bukod dito, ay naghatian ng mga dokumentong isasalin para sa mga gagawing
gawain. Ang mga ito ay ang mga pormularyong tungkol sa:
o Pangalan ng isasagawang Aksyon Riserts na nakabatay sa Klasrum
o Pamanatayan
o Gannt Chart sa Aksyon Riserts
o Pagpaplanong Pansilid
o Plano sa Bulletin Board
o Mga rubriks sa mga gawain
 Ang mga gurong-mag-aaral ay nakapagpasa ng hardcopy ng mga professional
readings.
o Ang unang professional readings na ipinasa ay pasok sa larangan ng
kurikulum, at pinamagatan ko itong Alingawngaw: Pangingibabaw ng Uring
Burgesya sa Pangkalahatang Pakikibaka na Nakakawing sa Usapin ng
Pagsasalaksak ng Globalisasyon.
o Isang replektibong sanaysay mula sa artikulong dyornal na pinamagatang
Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education Curriculum at Wikang
Filipino: Kamalayan, Ekonomiya, at Edukasyon sa Pilipinas ni David
Michael M. San Juan
 Sa araw na ito ay ipinakita ang talab ng pagpupulong at ang kahalagahan nito sa
iba’t ibang aspekto.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Naging tuon sa araw na ito ang kahalagahan at talab ng pagpupulong ng kahit sinong
pangkat. Ang pagpupulong, sa mas malawak na pagtingin, ay ang pagkakataon sa isang

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
pangkat, samahan o organisasyon na magkatipon-tipon upang makapangalap ng
impormasyon at ideya, magbigay ng mga gawain at mga pagpaplano hinggil dito. Sa
pagkakataong ito, nagiging mas organisado at sistematiko ang mga bagay at mga
susunod na mga gawain dahil nakikita at napupuna una pa lamang ang mga dapat
asahan sa isang gawain. Ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng
mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga
bagay-bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu. May mga angkop na pananalita
na ginagamit para maging maayos,mahusay, at produktibo ang pamamahala o daloy ng
isang pulong. Ang mga pormal na pananalita na ginagamit sa pagpupulong ay maaaring
gawaing simple subalit hindi naman nababago ang kahulugan nito. Sa isang pagpupulong
nagaganap ang pagbobotohan, pagmumungkahi ng mga bagay na maaaring maganap.
Sa usapin ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto, mahalaga ang pagkakaroon ng
pagpupulong o pag-uusap man lamang ng mga guro. Sa ganitong gana, mas
napagpaplanuhan at napag-uusapan ng mga guro kung ano ang dapat na maging
kalabasan ng pagkatuto ng mag-aaral. Hindi lamang ito sagot ng mga guro sa isang
partikular na asignatura, kundi pagsasanib ng mga guro upang kolaboratibong sipatin
ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang didisplina.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-23 ng Oktubre,
2018;
Martes;
6:00-3:00 n.h.
IKADALAWAMPU’T
DALAWANG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Ang mga gurong-mag-aaral ay sandaling nagpulong para sa mga susunod na


gawain.
 Sa araw na ito ay naging abala ang mga gurong mag-aaral sa pagbisita sa hrd
building upang tingnan ang susunod na lilipatan ng mga guro at mag-aaral ng
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto.
 Sa pagkakatong ito ay nagkaroon ng pasiglaw-tanaw ang mga gurong-mag-aaral
para sa kanilang susunod na gawain, ang pagpaplanong pangsilid ng mga mag-
aaral.
 Batay sa pagmamasid ay nakita ng mga gurong mag-aaral ang kahinaan,
kalakasana, bentahe at disbentahe ng lilipatan kung kaya’t naatasan na bumuo ng
mungkahing papel para dito.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Mahalagang-mahalaga ang usapin ng pagpaplano. Higi’t lalo sa usapin ng proseso ng


pagtuturo at pagkatuto. Bilang isang guro, marapat na isinasaalang-alang natin ang
kapaligiran at kaaya-ayang lugar na magiging lunan ngpag-aaral ng mag-aaral. Ang

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
setting o kaganapan ng isang pampagkatuto ay mahalaga sa pagtitityak ng paglinang ng
kasanayan ng mga mag-aaral. Minsan, marahil kadalasan ay nakadepende ang mood ng
mga mag-aaral sa lugar na pinagdarausan ng pag-aaral. Maraming mga bagay na dapat
isaalang-alang sa t’wing gaganapin ang pagkatuto, higit lalo ay ang pagpaplanong
pansilid. Sa pagpaplanong pansilid, nariyan ang pagsasaalang-alang sa paggamit ng
espasyo, na kung saan lahat ng maaaring galawan ay naookupahan. Nariyan din ang
akses sa kagamitang pampagkatuto na kung saan lahat ng espasyong pinaglalagyan ng
kagamitang pampagkatuto ay madaling naaabot ng mga mag-aaral. Kailangan din ang
aspekto ng probisyon para sa kaligtasan at seguridad na kung saan lahat ng posibleng
probisyon para sa kaligtasan at seguridad ay naisaalang-alang at naitala sa planong
pansilid. Pagsasaalang-alang ng mga Kagamitan/Kagustuhan na kung saan lahat ng
kagamitan/kagustuhan na kabilang ay isinaalang-alang sa pagdidisenyo ng planong
pansilid.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-24 ng Oktubre,
2018;
Miyerkules;
6:00-12:00 n.t.
IKADALAWAMPU’T
TATLONG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa araw na ito ay isinagawa ang paunang pag-uusap para sa ninanais na maging


pokus ng gagawing pag-aaral o aksyon riserts.
 Maraming napag-usapan ang pangkat para sa gagawing pag-aaral.
 Ngunit sa kabilang banda ay lumitaw ang tuon sa hindi pakikisangkot ng mga mag-
aaral sa aktwal na proseso sa pamamahala sa loob ng klase.
 Pinamagatan ito ng pangkat na: PINUpuNO: Paglinang sa Kasanayan sa
Pamumuno ng mga mag-aaral sa Baitang 9-Bruner.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
 Matapos magkaroon ng inisyal na ideya ay bumuo ng pangkat batay sa mga
pormularyo.
 Ang paggawa ng Pamagat, Kalikasan at Kahalagahan ng nasabingpag-aaral.
 Ang ilan sa pamantayan sa pagbuo ng pag-aaral na ito katulad ng mga batayang
sanggunian, maging ang teoretikal at konseptwal na batayan nito.
 At bilang kaugnay na pag-aaral, pinunan din ng pangkat ang Gannt Chart na kung
saan ay nakahayag ang time frame at mga gawaing dapat isakatuparan sa
panahon.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Sa araw na ito ay naging pangunahing diwa ang talaban para sa nalalapit na pag-aaral.
Sa pag-uusap, lumitaw ang napapansing kakulangan sa pamumuno ng mga mag-aaral
ay nagaganap sa klase ng baitang 9-Bruner ang naging tuon ng pag-uusap ngayong
araw. Kapansin-pansin na sa bawat araw na dumadaan ang kakulangan ng konsepto ng
pamumuno ng mga mag-aaral. May mga pagkakataong hindi na nakikisangkot ang ibang
mga mag-aaral sa mga gawaing pangklasrum. Ang nasabing suliranin ay mayroong
kaugnayan sa usapin ng mga teorya tulad ng: Trait Theory ni Thomas Carlyle, Fiedler
Contigency Model ni Fred Fiedler, Cognitive Resource Theory: Hersey & Blanchard’s
Situanal Leadership ni Paul Hersey at Key Blanchar. Ang nasabing suliranin ay dulot ng
mga sumusunod na obserbasyon: Pagkakanya-kanya, Kawalan ng sensibilidad bilang
mag-aaral sa loob ng klase, Higit na nailalaan ang oras sa pagdidisiplina kaysa sa
pagtuturo, Pagtatalaga ng mga responsibilidad at gawain sa mga mag-aaral. Pagtitityak
na ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong isagawa ang bawat tungkulin. Pag-
momonitor ng guro sa pagsasakatuparan ng mga tungkulin ng mag-aaral. Upang
matugunan ang mga suliraning nabanggit ukol sa kakayahang pamumuno ng mga mag-
aaral, iminumungkahing isakatuparan ang sumusunod: Tukuyin ang mga tungkuling
itatalaga sa mga mag-aaral. Maaaring gawing halimbawa ang mga sumusunod:
Pagdarasal, Pag-tsetsek ng attendance, Pagtitiyak ng kalinisan at katahimikan, at ang
Pagpapaalala sa mga gawain. Pa-alpabetong pagtatalaga batay sa apelyido ng mga
mag-aaral. Kung sakaling liban ang mag-aaral na nakatalaga sa araw na iyon, lalaktwan
muna ito at ang susunod na mag-aaral ang siyang gagawa ng tungkulin. Paglinang ng
kasanayan sa pamumuno at diwa ng responsibilidad sa bawat mag-aaral. Pagkakaroon
ng mas organisadong klase at Pagpapataas ng kumpiyansa sa sarili ng mga mag-aaral.

Sa puntong ito rin ay nasipat ang kahalagahan ng isang gannt chart na kung saan ay mas
maioorganisa ang time frame at makikita ang tiyak na kalalabasan ng paggamit at
pagsasakatupan ng mga ito.

TaLarawan

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Dokumentasyon

Petsa: Ika-25 ng Oktubre,


2018;
Huwebes;
6:00-3:00 n.t.
IKADALAWAMPU’T
APAT NA ARAW
Suri-Sipat

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Obserbasyon

 Lakas ng araw ay ang pagsipat sa pagpaplanong pansilid sa isang tiya ng setting


ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
 Inilaan ang buong araw para sa pagpaplano nito at pagsasakatuparan sa
paglalagay sa isnag ilustrasyon.
 Gayon na nga rin ang pagpaplano para sa isa pang kahingian, ang pagbuo ng
isang aktwal na bulletin board, at ang mismong burador nito para sa isang
pagsusog.
 Napansin sa araw na ito ang pagpaplanong pansilid kabilang ang mga ilalagay rito
sa usapin ng pisikal na kaanyuan.
 Hindi matatapos ang araw kung hindi nakabatay ang lahat ng ginawa sa nabuong
rubriks.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Sa puntong ito, naging malakas ang bentahe ng pagkakaroon ng isang bulletin board. Sa
kahit anong lunan ay tiyak na esensyal ang mga ganitong lunsaran ng anunsyo. Ang
bulletin board ay naglalayong makapagpaskil ng mga mahahalagang anunsyo para sa
publiko, makapanghikayat, at makapagbigay impormasyon. Upang mas mapabuti,
kasiya-siya at epektibo ang mga aralin, ginagamit ng guro ang mga bulletin boards.
Ginagamit ang mga ganitong uri ng kagamitang sasilid-aralan na nakakaakit at
nakapagpapasigla sa mga mag-aaral at tumulong na palakasin ang mga bagong paksa.
Ang paglikha at pagbuo ng isang interkatibong bulletin board o paskilan ay nagpapakita
ng pagiging organisado sa klase at mas kagiya-giya sa loob ng lunan ng pagkatuto.
Gagawin nito ang iyong silid-aralan na nakakaakit at nakapagpapasigla sa iyong mga
mag-aaral at tumulong na palakasin ang mga bagong paksa. Bilang karagdagan sa
pagdaragdag ng kulay sa isang silid-aralan, pagtukoy sa mga layunin at patakaran sa
silid-aralan, at pagpapakita ng gawain ng mag-aaral, ang mga bulletin board ay maaaring
maging mga tool sa pagtuturo ng interactive. Ang mga bulletin board ay maaaring "ibang
guro" sa iyong silid-aralan. Ang mga bulletin board na baguhin nang pana-panahon upang
sumalamin sa mga bagong aralin ay tumutulong sa mga visual na mag-aaral na mas
mahusay na maunawaan ang bagong materyal, mapalakas ang mga bagong salita at
konsepto, at hamunin ang mga mag-aaral na lumahok sa mga bagong paraan. Ang mga
bulletin boards ay maaaring maging kasangkapan sa pag-aaral pati na rin ang mga
makukulay na dekorasyon. Ang mga guro ay maaaring gumamit ng mga bulletin boards
upang magturo sa matematika, sining ng wika, heograpiya, at iba pang disiplina. Ang
mga bulletin boards ay maaaring magpakilala ng mga bagong paksa at makabuo ng
interes ng mag-aaral. Ang isang bulletin board na may dinosaur bones, halimbawa, ay

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
maaaring magpakilala ng isang yunit sa mga dinosaur. Ang mga estudyante ay nagtitipon
ng mga buto sa balangkas ng isang dinosauro, alinman sa kanilang sariling o step-by-
step, pagdaragdag ng isang buto habang kumpleto nila ang isa pang aktibidad upang
ang balangkas ay lumabas ng piraso sa pamamagitan ng piraso. Ang isang math bulletin
board ay maaaring magbigay ng sagot sa isang problema at hamunin ang mga mag-aaral
na lumikha ng lahat ng mga problema na maaari nilang isipin sa sagot na iyon. Ang mga
bulletin board ay mga tool sa pagtuturo sa sarili para sa mga mag-aaral. Ang mga guro
ay nagdidisenyo ng mga aktibidad sa pag-aaral gamit ang mga tabla at mga bahagi na
inilipat sa kanila at ang mga mag-aaral ay maaaring lumipat mula sa board papunta sa
panahon ng libre o tahimik na oras upang makumpleto ang aktibidad. Ang mga mag-aaral
ay maaaring magdagdag ng kanilang sariling mga pampanitikang komposisyon sa mga
blangko na bulletin board o tumugon sa mga senyal na ibinigay ng guro. Ang mga
estudyante ay maaari ring magsalita ng kanilang mga opinyon sa mga bulletin board,
pagboto sa mga paboritong aklat at magrekomenda ng pagbabasa ng materyal sa iba.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-26 ng Oktubre,
2018;
Biyernes;

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
6:00-3:00 n.t.
IKADALAWAMPU’T
LIMANG ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa huling araw ng linggo, bilang pang-indibidwal na gawain ay gumawa ang mga


gurong-mag-aaral ng isang ‘teacher’s story’.
 Ang gawaing ito ay naglalaman ng:
o Ilustrasyon para sa malinaw na pagpapahayag ng
o Isang sitwasyon sa loob ng klase
o Ang sitwasyong ito ay nagpapakita ng isang suliranin sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto
o Matapos ipakita gamit ang ilustrasyon ay ipinaliwanag ito sa isang maikli
ngunit malamang mga pahaya
o Mula sa sitwasyong ito, bumuo ng apat na aksyon o solusyon sa nasabing
komosyon
o Mula sa apat na iyon, kailangang timbangin na may isang higit sa lahat na
suliraning tiyak na maisasakatuparan
o Kailangang bumuo rin ng apat na tanong para isang mahalagang gawain o
tunay na posibleng maisagawa.
 Natapos ang buong araw sa pagtalakay ng oras at kahabaan nito.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Sa pagkakataong ito, nasipat ng mga gurong-mag-aaral ang kahalagahan ng pagsusuri


at pagtingin sa mga litaw na suliranin sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatasa at
pagtataya sa mga ito, magiging malinaw at tunay na makikita ang sapat na paglalapat ng
isang kongkretong layunin na makakamit ang isang tiyak na solusyon sa suliranin. Kung
ikokonteksto natin sa mas malawak at lokal na pagtingin, ang ganitong gawain ay
marapat na naisasapraktika ng mga guro sa katotohanan. Sa realidad ng pagtuturo, hindi

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
magiging matagumpay ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto kung may mga puwang
na hindi mapunan-punan. Kung mayroong mga patuloy na nakasasagkang problema sa
usapin ng sistema ng edukasyon, tanging guro ang makapagbibigay ng solusyon dito. Sa
pagkakataong kalunos-lunos na ang sitwasyong pangklase, ang guro lamang ang
makapagbibigay ng aksyon dahil ang guro ang mismong nakalubog sa tunay na danas
ng mga mag-aaral. Hindi maiwawaksi ang karanasang tunay ng mga guro kung kaya’t ito
ang pinakamahusay na aksyon na magagawa ng sistema. Ito ang pinakamainam na
paraan bilang lundayan ng pagsusuri at pagsipat ng suliranin sa pang-araw araw na
pagtuturo.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Tala-
Lingguhan
IKALIMANG LINGGO
Ikadalawampu’t isa hanggang Ikadalawampu’t limang Araw
Oktubre 22-26, 2018

Naging tuon ng linggong ito ang iba’t ibang kahalagahan at talab ng mga gawain tulad ng
pagpupulong, palikha ng bulletin board, pagpaplano, at marami pang ibang mukha ng
proseso ng pagtuturo. Ang pagpupulong, sa mas malawak na pagtingin, ay ang
pagkakataon sa isang pangkat, samahan o organisasyon na magkatipon-tipon upang
makapangalap ng impormasyon at ideya, magbigay ng mga gawain at mga pagpaplano
hinggil dito. Sa pagkakataong ito, nagiging mas organisado at sistematiko ang mga bagay
at mga susunod na mga gawain dahil nakikita at napupuna una pa lamang ang mga dapat
asahan sa isang gawain. Mahalagang-mahalaga ang usapin ng pagpaplano. Higi’t lalo
sa usapin ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang isang guro, marapat na
isinasaalang-alang natin ang kapaligiran at kaaya-ayang lugar na magiging lunan ngpag-
aaral ng mag-aaral. Ang setting o kaganapan ng isang pampagkatuto ay mahalaga sa
pagtitityak ng paglinang ng kasanayan ng mga mag-aaral. Minsan, marahil kadalasan ay
nakadepende ang mood ng mga mag-aaral sa lugar na pinagdarausan ng pag-aaral.
Maraming mga bagay na dapat isaalang-alang sa t’wing gaganapin ang pagkatuto, higit
lalo ay ang pagpaplanong pansilid. Sa pagpaplanong pansilid, nariyan ang
pagsasaalang-alang sa paggamit ng espasyo, na kung saan lahat ng maaaring galawan
ay naookupahan. Nariyan din ang akses sa kagamitang pampagkatuto na kung saan
lahat ng espasyong pinaglalagyan ng kagamitang pampagkatuto ay madaling naaabot
ng mga mag-aaral. Ngayong linggo, naging pangunahing diwa din ang talaban para sa
nalalapit na pag-aaral. Sa pag-uusap, lumitaw ang napapansing kakulangan sa
pamumuno ng mga mag-aaral ay nagaganap sa klase ng baitang 9-Bruner ang naging
tuon ng pag-uusap ngayong araw. Kapansin-pansin na sa bawat araw na dumadaan ang
kakulangan ng konsepto ng pamumuno ng mga mag-aaral. Sa puntong ito, naging
malakas ang bentahe ng pagkakaroon ng isang bulletin board. Sa kahit anong lunan ay
tiyak na esensyal ang mga ganitong lunsaran ng anunsyo. Ang bulletin board ay

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
naglalayong makapagpaskil ng mga mahahalagang anunsyo para sa publiko,
makapanghikayat, at makapagbigay impormasyon. Upang mas mapabuti, kasiya-siya at
epektibo ang mga aralin, ginagamit ng guro ang mga bulletin boards. Ginagamit ang mga
ganitong uri ng kagamitang sasilid-aralan na nakakaakit at nakapagpapasigla sa mga
mag-aaral at tumulong na palakasin ang mga bagong paksa. Sa pagkakataong ding ito,
nasipat ng mga gurong-mag-aaral ang kahalagahan ng pagsusuri at pagtingin sa mga
litaw na suliranin sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatasa at pagtataya sa mga
ito, magiging malinaw at tunay na makikita ang sapat na paglalapat ng isang kongkretong
layunin na makakamit ang isang tiyak na solusyon sa suliranin.

Petsa: Ika-29 ng Oktubre,


2018;
Lunes;
6:00-3:00 n.h.
IKADALAWAMPU’T
ANIM NA ARAW
Suri-Sipat
Obserbasyon

 Sa araw na ito, bagaman ay walang mga batang nakadaupang-palad ay naging


produktibo ang mga mag-aaral.
 Nagsimula ang araw sa pagkakaroon ng pulong para sa mga dapat gawain tulad
ng mga nakabinbing mga gawain.
 Sa pagmamasid sa loob ng Pamantasan at Institusyon napunta ang malaking
bahagdan ng oras.

Sapat-Lapat

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Repleksyon

Sa araw na ito, naging kalakasan ng isang gurong-mag-aaral ay kasanayan sa


pagmamasid. Sa pamamagitan ng pagmamasid, Maraming bagay na nagpagtatanto ang
isang indibidwal. May mga pagkakataong sa pamamagsid nagmumula ang mga
napagninilayan ng isang tao sa isang partikular na bagay. Ang pagutot, na tinatawag ding
pag-udo, pagmasid, pagmamalas, pagmamatyag, obserbasyon, o pag-oobserba, ay
maaaring isang gawain ng isang nabubuhay na nilalang, katulad ng tao, na binubuo ng
pagtanggap ng kaalaman ukol sa mundong panlabas sa pamamagitan ng mga pandama;
at maaari ring pagtatala ng dato na ginagamitan ng mga instrumentong pang-agham. Ang
mga katagang ito ay maaari ring tumukoy sa anumang datong nalipon habang
isinasagawa ang gawaing ito. Ito man ay maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga
bagay o kapag tinitingnan mo ang isang bagay. Maaari rin bigyan ng kahulugan ang
obserbasyon bilang isang tuwirang masusing pagsisiyasat, mabuting pagsusuri,
mabuting pagmamasid ng isang sitwasyon o kalagayan. Isa itong masigla o aktibong
pagtatamo ng impormasyon o kabatiran mula sa isang pangunahing napagkukunan. Sa
mga bagay na may buhay, ang pag-oobserba o pagmamasid ay ginagamitan ng mga
pandama. Sa agham, ang pagsubaybay o pagmamatyag ay maaari ring kasangkutan ng
pagtatala o pagrerekord ng mga dato sa pamamagitan ng paggamit ng mga instrumento.
Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa anumang dato na nakalap o nakulekta habang
nangyayari o ginagawa ang isang gawaing pang-agham. Sa ganitong gana, mahalagang
kasanayan ng isang guro ang pagmamasid dahil ito nagmumula ang mga paghihinuha
na siyang nagiging daan upang makadiskubre ng mga bagay at mga aksyong lulutas sa
isang partikular na isyu.
Ang ebalwasyon, pagsusuri, o paglilitis ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa
upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam
na pagkaunawa rito. Sa konteksto ng pagtuturo, mahalagang-mahalaga ang
pagkakaroon ng ebalwasyon dahil dito matataya ang pag-unawang natamo ng mga mag-
aaral. Ganoon na nga lamang din sa pagtataya sa lunan at kapaligirang bahagi ng salik
na isinasaalang-alang sa pagkatuto.

TaLarawan
Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Petsa: Ika-30 ng Oktubre,
2018;
Martes;
IKADALAWAMPU’T
PITONG ARAW
December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS
Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Walang pasok dahil sa isang malakas na ulan

Petsa: Ika-31 ng Oktubre,


2018;
Miyerkules;
6:00-12:00 n.t.
IKADALAWAMPU’T
WALONG ARAW
Suri-Sipat

Obserbasyon

 Sa puntong ito, dahil pagkakataon na upang gunitain ng bawat isa ang undas,
nilubos ng bawat gurong-mag-aaral ang kalahating araw upang magmasid sa
lunan ng pagtuturo at pagkatuto upang magnilay sa mga bagay na makatutulong
sa proseso ng pagkatuto.
 Sa araw na ito ay muling namutawi ang pagmamasid sa kapalgiran.

Sapat-Lapat
Repleksyon

Sa linggong ito, naging kalakasan ng isang gurong-mag-aaral ay kasanayan sa


pagmamasid. Sa pamamagitan ng pagmamasid, Maraming bagay na nagpagtatanto ang
isang indibidwal. May mga pagkakataong sa pamamagsid nagmumula ang mga
napagninilayan ng isang tao sa isang partikular na bagay. Ang pagutot, na tinatawag ding
pag-udo, pagmasid, pagmamalas, pagmamatyag, obserbasyon, o pag-oobserba, ay

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
maaaring isang gawain ng isang nabubuhay na nilalang, katulad ng tao, na binubuo ng
pagtanggap ng kaalaman ukol sa mundong panlabas sa pamamagitan ng mga pandama;
at maaari ring pagtatala ng dato na ginagamitan ng mga instrumentong pang-agham. Ang
mga katagang ito ay maaari ring tumukoy sa anumang datong nalipon habang
isinasagawa ang gawaing ito. Ito man ay maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga
bagay o kapag tinitingnan mo ang isang bagay. Maaari rin bigyan ng kahulugan ang
obserbasyon bilang isang tuwirang masusing pagsisiyasat, mabuting pagsusuri,
mabuting pagmamasid ng isang sitwasyon o kalagayan. Isa itong masigla o aktibong
pagtatamo ng impormasyon o kabatiran mula sa isang pangunahing napagkukunan. Sa
mga bagay na may buhay, ang pag-oobserba o pagmamasid ay ginagamitan ng mga
pandama. Sa agham, ang pagsubaybay o pagmamatyag ay maaari ring kasangkutan ng
pagtatala o pagrerekord ng mga dato sa pamamagitan ng paggamit ng mga instrumento.
Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa anumang dato na nakalap o nakulekta habang
nangyayari o ginagawa ang isang gawaing pang-agham. Sa ganitong gana, mahalagang
kasanayan ng isang guro ang pagmamasid dahil ito nagmumula ang mga paghihinuha
na siyang nagiging daan upang makadiskubre ng mga bagay at mga aksyong lulutas sa
isang partikular na isyu. Ang ebalwasyon, pagsusuri, o paglilitis ay ang proseso ng
paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang
makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Sa konteksto ng pagtuturo,
mahalagang-mahalaga ang pagkakaroon ng ebalwasyon dahil dito matataya ang pag-
unawang natamo ng mga mag-aaral. Ganoon na nga lamang din sa pagtataya sa lunan
at kapaligirang bahagi ng salik na isinasaalang-alang sa pagkatuto.

TaLarawan

Dokumentasyon

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Tala-
Lingguhan
IKAANIM NA LINGGO
Ikadalawampu’t anim
hanggang Ikadalawampu’t
pitong Araw
Oktubre 29 at 31, 2018

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6
Sa linggong ito, bagaman hindi naging abala ang mga gurong-mag-aaral, nabigyan ng
pagkakataon para sa paggawa ng mga rekisito. May mga pagkakataong sa pamamagsid
nagmumula ang mga napagninilayan ng isang tao sa isang partikular na bagay. Ang
pagutot, na tinatawag ding pag-udo, pagmasid, pagmamalas, pagmamatyag,
obserbasyon, o pag-oobserba, ay maaaring isang gawain ng isang nabubuhay na
nilalang, katulad ng tao, na binubuo ng pagtanggap ng kaalaman ukol sa mundong
panlabas sa pamamagitan ng mga pandama; at maaari ring pagtatala ng dato na
ginagamitan ng mga instrumentong pang-agham. Ang mga katagang ito ay maaari ring
tumukoy sa anumang datong nalipon habang isinasagawa ang gawaing ito. Ito man ay
maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga bagay o kapag tinitingnan mo ang isang
bagay. Maaari rin bigyan ng kahulugan ang obserbasyon bilang isang tuwirang masusing
pagsisiyasat, mabuting pagsusuri, mabuting pagmamasid ng isang sitwasyon o
kalagayan. Isa itong masigla o aktibong pagtatamo ng impormasyon o kabatiran mula sa
isang pangunahing napagkukunan. Sa mga bagay na may buhay, ang pag-oobserba o
pagmamasid ay ginagamitan ng mga pandama. Sa agham, ang pagsubaybay o
pagmamatyag ay maaari ring kasangkutan ng pagtatala o pagrerekord ng mga dato sa
pamamagitan ng paggamit ng mga instrumento. Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa
anumang dato na nakalap o nakulekta habang nangyayari o ginagawa ang isang gawaing
pang-agham. Sa ganitong gana, mahalagang kasanayan ng isang guro ang pagmamasid
dahil ito nagmumula ang mga paghihinuha na siyang nagiging daan upang makadiskubre
ng mga bagay at mga aksyong lulutas sa isang partikular na isyu.

December-Anne N. Cabatlao IV-4 BFE SHS


Talaarawan//Tala-Lingguhan | Linggo 1-6

You might also like