You are on page 1of 1

May magkapatid na nagngangalang Catheryn at Celestine, isang

araw ay naiwan ang magkapatid sa kanilang tahanan dahil may


pinuntahan ang kanilang magulang. Habang nasa silid si Catheryn at
nananahimik na nanonood ay agad namang pumasok ang kaniyang
kapatid na walang magawa kundi mang inis. “Catheryn Catheryn may
sasabihin ako sayo”, “ano yun?” sagot ng kapatid, “ampon ka lang
Catheryn hindi kita tunay na kapatid” pangaasar ni Celestine. Hindi
naman naniwala si sinabi nito sa kapatid na hangga’t wala siyang
maipapakita na ebidensya ay hindi ito maniniwala kaya naman agad na
umakyat sa kwarto nito si Celestine at gumawa ng pekeng papel na
magpapatunay na ampon nga talaga ang kapatid. Maya maya ay
ipinakita na nito sa kapatid at dahil nga wala pang kamuang muang ang
kapatid tungkol sa tunay na birth certificate at hindi ay agad itong
naniwala at nag impake ng gamit “napaka sama mo talaga ate lagi mon
a lang akong inaapi” sabi ni Catheryn. Pagbaba naman nito ay saktong
kararating lang ng kanilang magulang kaya naman agad itong tinanong
ng kanilang Ina “oh saan ka pupunta”, “lalayas po” agad na sagot nito
“bumalik ka don!” sambit naman ng kanilang ama.

You might also like