You are on page 1of 2

CHAPTER 149

BEVERLY. . .
“BAKA nga nagsimula pa ito noong bago pa ako magawa, Celine told me that
her father is obsessed with my mother. And it all started before my parents’
marriage, na bago pa nga nakilala ng Mommy ko ang daddy ko.” Ani Calixtro.
“Grabe naman ang salimuot naman masyado, but how come hindi alam ng
Daddy ko ang tungkol sa lalaking iyon? Alam mo naman na mag-best friend
ang mga magulang na’tin. So alam ni Daddy ang nangyari sa Mommy bago pa
siya naikasal sa Daddy mo.” Singit ko naman sa sinabi niya.
Naguluhan kasi ako, dapat talaga andito ang mga person involve tulad ng
daddy ko o kaya ang Mommy ni Calixtro. Na malamang sa hindi ko naman
pwedeng tawagin, baka bigla na lang akong panawan ng ulirat nito. Iyon nga
lang na maihipan ako ng malakas na hangin habang nasa sementeryo sobra
na ang takot ko.
Panay ang kunot noo ni Calixtro habang nakikinig sa akin, para bang hindi
niya rin alam kung ano ba ang isasagot sa akin.
“That’s I don’t know how to explain, basta ang sabi lang sa akin ni Celine.
Nagsimula ang lahat bago pa makasal ang Mommy at Daddy ko.”
Parehas kaming natahimik na naman, napatingin na naman ako sa may
puntod ni Grace.
“Gusto mo bang umiba na tayo ng lugar?” tanong ko bigla kay Calixtro.
Hindi siya sumagot sa akin at naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang
pagyakap sa akin. Nakasubsob ang ulo niya sa may balikat ko.
“Grace is a good friend to me, siya lang ang lumalapit sa akin noon. Nagbibigay
ng pagkain at kung ano-anong bagay. Despites of our difference in status,
hindi niya ako tinitignan bilang isang batang pulubi noon.” Panimula niya.
Ito na naman ako sa parang pinipiga ang puso ko sa mga salitang naririnig ko
galing kay Calixtro. Pero kailangan kong tiisin ang kung ano man ang
nararamdaman ko.
“I don’t know what comes to me that day, hanggang ngayon tinatanong ko pa
rin sa sarili ko kung bakit ko ‘yon nagawa. Hanggang ngayon dala-dala ko pa
rin ang guilt na nararamdaman ko sa nagawa ko kay Grace noon. Every time
I’ll look at Nixon, mas lalo kong nararamdaman ang galit para sa sarili ko. Ang
katangahan at kagaguhan ko noon araw-araw na bumabalik sa sa’kin.”
Panay lang ang hinga ko ng malalim,

You might also like