You are on page 1of 18

San Beda College Alabang

Alabang Hills Village, Alabang, Muntinlupa City


KAGAWARAN NG PINAGSANIB NA BATAYANG EDUKASYON (SEKONDARYA)
PLANO SA PAGKATUTO
2018-2019

Tagapagdibuho:
Ikatlong Markahan: Mga Akdang Pampanitikan sa Gitnang-Silangang Asya G. Reycon Calindro at Bb. Diana E. Coloma
Mga Paksa:

 Panitikan: Kagandahan (Parabula Mula sa Bansang Lebanon)


 Wika: Metapora: Ang Behikulo at Tenor
 Panitikan: Epiko ng Gilgamesh (Epiko Mula sa Bansang Iraq)
 Panitikan: “Kainin Ang Aking Tula” ni Rumi (Tula Mula sa Bansang Iran)
 Wika: Mga Pang-uring Pandamdamin
 Panitikan: Ang Maalamat Na Buhay Ni Zarahustra (Alamat Mula sa Bansang Iran)
 Sulating Impormal #3 (Naglalahad)

Asignatura: Antas / Lebel: Oras:


Filipino Ikasiyam na Taon 15-18
ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA (Desired Results)
MGA TUNGUHIN: PAGSASABUHAY (Transfer)
 Nasusuri ang mga pangyayari, Maisasabuhay ng mga mag-aaral sa hinaharap ang
at ang kaugnayan nito sa  pakikibahagi ng mahahalagang bagay o kaisipang magpapayaman ng pamayanang Kristiyano.
kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa nabasang akda PAGPAPAKAHULUGAN (Make Meaning)
 Naihahambing ang ilang piling MGA PANGUNAHING KAALAMAN (EUs): MGA PANGUNAHING KATANUNGAN (EQs):
pangyayari sa napanood na Mauunawaan ng mga mag-aaral na Matutuklasan ng mga mag-aaral ang mga
pelikula, telenobela o mga  Sa pagsulat ng parabola, dapat malaman ang katanungang
napapanahong isyu halaga nito.  Ipaliliwanag ang halaga ng parabola bilang
 Nabibigyan ng sariling  Nagsisimula sa sarili, pamilya at komunidad isang anyo ng panitikan?
interpretasyon ang mga ang pagnanais na maipakalat ang kaugaliang  Ano ang mahalagang ugnayan ng awit at tula?
pahiwatig na ginamit sa akda Kristiyano  Ano-ano ang kahulugan ng salitang alamat
 Nailalahad ang sariling pananaw  Kailangang mapatunayang sa mabisang bilang isang uri ng panitikan?
at naihahambing ito sa pananaw pananalita na nakakagawa rin ng tama  Ano ang halaga ng mga epiko sa panitikang
ng iba tungkol sa pagkakaiba- Asyano?
iba o pagkakatulad ng paksa sa  Dapat maisapuso ang mga Benediktinong
mga kuwentong Asyano – pagpapahalaga sa mga akdang binasa o sinuri
Alamat, Parabula, Epiko, Awit at  Malinaw at nauunawaan ng isang kabataan ang
Tula kanyang tungkulin sa bansa, sa mabilis na
 Nasusuri ang sariling ideya at pagbabago ng mundo
ideya ng iba kapag nakikita ang  Mas nakakagaan ng kalooban ang gumawa
sarili sa katauhan ng nagsasalita nang kabutihan kaysa makasakit ng damdamin
 Naisasabuhay ang mga aral ni
San Benito bilang ehemplo ng
karunungan at kahusayan ng PAGTATAMO (Acquisition)
pakikipag-kapwa-tao KAALAMAN (Knowledge): KASANAYAN (Skills):
 Napapahalagang ang papel ng Malalaman ng mga mag-aaral ang Inaasahang ang mga mag-aaral ay
pagiging isang Bedista  kultura at tradisyon ng bansa sa Kanlurang Asya  Nakikipagtalakayan sa kapangkat para sa
Mahusay at kariktan ng mga panitikan sa Kanlurang isang intelektwal na usapan
Asya  Nakapagsasaliksik ng paksang may
 Mga aral sa bawat kultura ng mga bansang kaugnayan sa ariling tinalakay
nasa Kanlurang Asya  Nakapagsasagawa ng pagsusuri hinggil sa
 Ang kahusayan sa pagbuo ng Alamat, Epiko, binasang akda
Parabula, Awit at Tula  Nakapaglalahad ng iba’t ibang aral hinggil sa
pagsusuring isinagawa
ANTAS 2: PAGLILIPAT NG KAALAMAN NA MAY PAGTATAYA (Assessment Evidence)
PAMANTAYAN SA PAGATATAYA GAWAIN SA PAGTATAYA
Pamantayan sa Pagmamarka
DOKUMENTARYONG PANANALIKSIK Goal: Nakapagsasagawa ng “Documentary Research” tungkol sa
Kasaysayan ng Panitikan sa Gitnang-Silangang Asya
PAMANTAYAN LUBOS NA KATANGGAP- MAHINA
KATANGGGAP- TANGGAP
TANGGAP Role: Sa pagkakataong ito, bibigyan ng karapatan ang mga mag-
(5) (3) (1) aaral na magsagawa ng pag-research na may kaugnayan sa
Nakalilito ang paksa upang sila’y masanay sa paghahanap ng mga
May pangunahing
Pangunahing Malinaw ang nais
kaisipan, ngunit ang
pagkakaayos ng bagong ideya at kaalaman sa tulong ng media at aklat.
Kaisipan iparating na ideyang nais
impormasyon ay
pangunahing kaisipan iparating
hindi akma Audience: ang guro at mga kamag-aral ang magsisilbing tagapagsuri
Kalidad ng mga Klaro at malinaw ang
ng “Documentary Research”
Karamihan sa mga
Video at larawan pagkakagawa ng May ilang larawan na
larawan ay di klaro o
bilang Elemento, dokumentaryo at di klaro o tama ang Situation: Ang mga mag-aaral ay susubukin sa kakayahan nilang
Malabo ang
musika, editing isinaalang-alang ang perspektibo
mga elemento.
perspektibo manaliksik at maging malikhain sa ibinigay na gawain.

Product: Ang inaasahang performance ay dokumentasyon ng


Gumamit ng angkop at Gumamit lamang ng kanilang paksa.
Hindi kinakitaan ng
Sanggunian maraming isa hanggang
paghahanap ng mga .
detalyadong mga dalawang
sanggunian na
sanggunian para sa sanggunian
makakatulong sa
poryekto
proyekto

May maayos na
May lohikal na lohikal na
Magulo ang
pagkakasunod-sunod pagkakasunod-sunod
Istruktura pagkakalahad ng
ang pagsasalaysay ng ng mga ideya ngunit
mga impormasyon
mga impormasyon kailangan pang
ayusin

Interpretasyon:
15-20 – Napakahusay
5-14 – Mahusay
1-4 – Paghusayin pa
San Beda College Alabang
Alabang Hills Village, Alabang, Muntinlupa City
KAGAWARAN NG PINAGSANIB NA BATAYANG EDUKASYON (SEKONDARYA)
PLANO SA PAGKATUTO
2018 – 2019

Kurso: Filipino 9

Yunit: Ikatlong Markahan: Unang Bahagi ( Baybayin 9)

Mga Aralin:
 Panitikan: Kagandahan (Parabula Mula sa Bansang Lebanon)
 Wika: Metapora: Ang Behikulo at Tenor
 Panitikan: Epiko ng Gilgamesh (Epiko Mula sa Bansang Iraq)
 Panitikan: “Kainin Ang Aking Tula” ni Rumi (Tula Mula sa Bansang Iran)
 Wika: Mga Pang-uring Pandamdamin
 Panitikan: Ang Maalamat Na Buhay Ni Zarahustra (Alamat Mula sa Bansang Iran)
 Sulating Impormal #3 (Naglalahad)

Inihanda nina:

G. Reycon B. Calindro Bb. Diana E. Coloma


` Guro sa Filipino 9 Guro sa Filipino 9

Inaprubahan nina:

G. Rey D. Manalo G. Wilfredo A. Abrillo Dr. Abraham D. de Castro


Tagapag-ugnay Pangalawang Punungguro Punongguro
Kagawaran ng Filipino Mataas na Paaralan
ANTAS 3: PROSESO NG PAGKATUTO (Learning Plan)

IKA-01 ARAW
Paksa: KAGANDAHAN
Mula sa “Ang Propeta” ni Khalil Gibran
Parabula mula sa Lebanon
Bersyon ni Louie Jon A. Sanchez

 MGA LAYUNIN
A. Nahihinuha ang halaga ng parabula bilang isang uri ng panitikan Isyung Global / Lokal:
B. Napapahalagahan ang parabula bilang bukal na pananaw at pagpapahalaga ng kultura ng  Pagpapahalaga sa tunay na
Kanlurang Asya kahulugan at anyo ng
C. Nahihinuha ang halaga at katangian ng parabula bilang isang anyo ng panitikan “kagandahan”
 KAGAMITANG PAGTUTURO
 Kompyuter
 LCD Projector PAGPAPAHALAGANG PAMBEDISTA
 Baybayin 9, pahina 171-180
ENERO
 PANIMULANG GAWAIN KAPAYAPAAN
 Panalangin
 Bisyon at Misyon Unang Linggo: Pagdadamayan
 Pagsasa-ayos ng klase Ikalawang Linggo: Pagkamahabagin
 Pagtatala ng liban Ikatlong Linggo: Kababaang-loob
Ikaapat na Linggo: Pagpaparaya
 PAGGANYAK Ikalimang Linggo: Pagpapatawad
A. Katanungan: Ano ang ibig sabihin “Kagandahan” para sa iyo?
B. “Paint Me A Picture” Gamit ang estratehiyang ito, bibigyan ang mga mag-aaral ng larawan
na kanilang bibihisan at lalagyan ng mga nawawalang parte ng katawan.
C. Iuugnay ng guro ang katanungan sa nabuong larawan ng mga mag-aaral.
D. Maaaring magbigay ng dagdag na puntos ang guro sa gagawin ng mga mag-aaral o maaari
na ito ang maging unang indibidwal na gawain nila.

 Paglinang sa Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga nakapahilig na salita.
1. Paano mo hahanapin ang kagandahan, saan mo siya tutunghan, maliban kung siya mismo
ang iyong landas at patnubay?
2. Kapara niya ang isang mahiyaing ina na marikit na nilalakad ang araw-araw, mabuti at
magiliw.
3. Ay, ang kagandanhan ay maaari ding malakas at nakahihindik.
4. Siya naman yaong nanaghoy sa kabundukan, at kasaliw ng kanyang tinig ang yabag ng mga
kabayo.
5. Sisikat ang Kagandahan sa bukang-liwayway sa Silangan.

“Ang Kagandahan ay nasa paningin


ng tumitingin”
 PAGTALAKAY
A. Pagbasa: Kagandahan (Parabula mula sa Lebanon) mula sa “Ang Propeta” ni Khalil
Gibran
B.
C. Pag-usapan sa klase ang popular na kasabihan na mababasa sa itaas.
D. Naniniwala ka ba sa kasabihang ito? Sa papaanong paraan mo maiuugnay ang
kasabihang ito sa mga pagpapahalagang Pilipino hinggil sa kagandahan?
E. Pagtalakay sa kung ano ang katangian at halimbawa ng Pabula.
F. “TAPATAN WITH BINIBINI o TWB” Pagsusuri at pagtalakay sa parabula.
Mga Katanungan:
a) Ilarawan ang nagsasaaysay ng parabula. Anong uri kaya siya ng tao at hinihingan
siya ng paliwanag ng kagandahan?
b) Dalawang suliranin ang iniiharap ng tagapagsalaysay hinggil sa pagkilala sa
kagandahan. Ano-ano ang mga ito?
c) Sa iyong palagay, mailalarawan nga ba talaga ang kagandahan? Nakit kaya
maraming pagpapakahulugan dito ang mga tao?

 PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
Ang pagtatanong hinggil sa kagandahan ay hindi isang okasyonal na
tanong kundi isang pang-araw-araw na karanasan. Sa iba’t ibang
pagkakataon, ano-anong mga karanasan sa buhay ang nagpalapit sa inyo
sa pagtatanong ng kung ano ang “maganda”?

 PAGBUBUOD

Bakit pang-araw-araw na karanasan ang kagandahan?


 Karagdagang Gawain
Panuto: Nagbigay ng mga paglalarawan ang tagapagsalaysay hinggil sa mga sinasabi ng iba’t
ibang tao hinggil sa kagandahan. Itala sa ibaba ang kaniang mga kaisipan hinggil dit at ipaliwanag.
Isulat ang kasagutan sa isang buong papel.
TAO PALAGAY HINGGIL SA PALIWANAG/NAIS IPARATING
KAGANDAHAN

 TAKDANG ARALIN
 Magdala ng Folder, makulay na papel, glue, gunting

ANTAS 3: PROSESO NG PAGKATUTO (Learning Plan)

IKA-02 ARAW
Paksa: MATALINHAGANG PAHAYAG
Metapora – Behikulo at Tenor

 MGA LAYUNIN
A. Nahihinuha ang mga katangian ng parabula batay sa napakinggang diskusyon sa klase
B. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaring maganap sa tunay
na buhay sa kasalukuyan
C. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa parabula
D. Natutukoy at naipaliliwanag ang mensahe ng parabula
E. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag
 KAGAMITANG PAGTUTURO Isyung Global / Lokal:
 Kompyuter  Pagpapahayag ng damdamin
 LCD Projector sa maayos na paraan at
 Baybayin 9, pahina 171-180 pagiging sensitibo sa lahat ng
binibitawang salita
 PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
 Bisyon at Misyon PAGPAPAHALAGANG PAMBEDISTA
 Pagsasa-ayos ng klase
 Pagtatala ng liban ENERO
KAPAYAPAAN

 PAGGANYAK Unang Linggo: Pagdadamayan


Ipaliwanag: Ikalawang Linggo: Pagkamahabagin
Ikatlong Linggo: Kababaang-loob
1 Pedro 3:3-4 Ikaapat na Linggo: Pagpaparaya
“Ang inyong kagayakan ay huwag yaong panalabas … kundi ang lihim na pagkato ng puso sa walang- Ikalimang Linggo: Pagpapatawad
kasiraang kasuotan ng tahimik at mahinahong espiritu, na malaki ang halaga sa paningin ng Diyos.”

 PAGTALAKAY
A. Pagtalakay sa MATALINHAGANG PAHAYAG – Kahulugan at kahalagahan
B. “THINKING-OUT-LOUD” ang mga mag-aaral ay mag-iisip ng limang matalinhagang
pahayag na palagiang naririnig sa bahay, paaralan, o kalye.
C. Ipaliliwanag na ito ay maaaring maging similie, metapora, o personipikasyon. Isulat ito sa
kanilang kuwaderno at magkaroon ng talakayan.

 PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN

Ang salita ay makapangyarihang sandata sa


pagpapahayag ng nararamdaman sa pakikipag-
uganayan at talastasan.
 PAGBUBUOD

Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba.

1. Ang parabula ay isang uri ng sulatin na gumagamit ng __________ upang higit na


mabisang maipahayag ang ideya o kaisipan.
2. Nilalaman ng mga parabula ang mga ______ at _______ ng bawat kulturang
pinagmulan nito.
3.

 PAGTATAYA - “Paggawa ng Bookmark”


PANUTO: Mula sa ipinadalang kagamitan, ipagawa sa mga mag-aaral ang pagbuo ng book marked
na ang nakatala ay mga matatalinhagang pahayag na sila mismo ang may gawa. Ang pinapaksa ng
matalinhagang pahayag ay patungkol sa kagandahan ng kalooban sa pagtulong at pag-unawa sa
mga tao sa paligid.

 TAKDANG ARALIN
 Basahin: Gilgamesh (Epiko) pp. 228-230 at Sagutan: BAYBAYAN, pp 230-231 – sa aklat.

ANTAS 3: PROSESO NG PAGKATUTO (Learning Plan)

IKA-03 ARAW
EPIKO NG GILGAMESH (EPIKO MULA SA BANSANG IRAQ)

 MGA LAYUNIN
A. Nabibigyang-kahulugan at napapahalagahan ang epiko bilang isang mahalagang anyong
pampanitikan at kultura sa Asya
B. Nababalikan ang iba pang epical na kasaysayan ng mga bayaning Asyano at
naipagmamalaki ang kanilang halimbawa sa imahinasyon ng madla
C. Nakapagtatanghal ng isang informance na naglalahad ng kultura at konspeto ng
kabayanihang Asyano.
 KAGAMITANG PAGTUTURO Isyung Global / Lokal:
 Kompyuter  Pagtulong sa kapwa sa gitna ng
 LCD Projector pagsubok sa buhay
 Baybayin 9, pahina 228-230
 Larawan ng superhero

 PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin PAGPAPAHALAGANG PAMBEDISTA
 Bisyon at Misyon
 Pagsasa-ayos ng klase ENERO
 Pagtatala ng liban KAPAYAPAAN

 PAGGANYAK Unang Linggo: Pagdadamayan


“Kung ako ay magiging superhero ang gusto kong maging kapangyarihan ay …” Ikalawang Linggo: Pagkamahabagin
Ikatlong Linggo: Kababaang-loob
Ikaapat na Linggo: Pagpaparaya
Ikalimang Linggo: Pagpapatawad

A. Bigyang pagkakataon na mag-isip kung anong klase silang superhero at ano ang kanilang
taglay na kapangyarihan
B. Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral at iugnay ito sa magiging aralin.

 PAGLINANG SA TALASALITAAN
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Ibigay ang kahulugan ng
mga ito sang-ayon sa konteksto ng pagkakagamit ng salita sa epiko.

1. Ngunit agad niya itong nakilala, at naisip na sa ama maaaring mabatid ang lihim ng walang
hanggang.
2. “Paano kang nabuhay nang walang hanggan? Papaano kang napasama sa hanay ng mga
diyos?
3. At ako’y talagang napabaling.
4. Malinaw ang kanyanghabilin. Likhain ninyo ang arko nang mabuti, bubungan ninyo ito gaya
nang kailalimang naliliman.
5. Lungsod ni Enlil ang lungsod na ito, at ikaw Utnapishtim, ay kanyang kinamumuhian.

 PAGTALAKAY
A. Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang Epiko.
B. Kung maaari, bigyan ng gabay ang mga mag-aaral sa pagsagot sa gawaing ito.

EPIKO

C. Magsagawa ng Malikhaing Pagkukuwento kung saan ay ibabahagi ang kaligirang


pangkasaysayan ng Epiko at ng Epikong tatalakayin na Gilgamesh.

D. Magpapakita ang guro muli ng iba’t ibang larawan ng ‘Pinoy Superhero’ . Talakayin
ang kanilang pakikipagsapalaran, kapangyarihan na taglay, at ang mabubuting bagay
na naitulong sabayan.

E. PAGBASA: “Gilgamesh” (Epiko) – Baybayin 9, pahina228-230


F. PUNTO-POR-PUNTO (Talakayan)
1. Ang kuwentong muling isinalysay sa araling ito ay tungkol sa napakalaking
baha. Papaano ito isinalaysay ng ama ni Gilgamesh? Ano ang naging dulot nito
sa buhay ng kanyang ama?

2. Paano mailalarawan ang mapagtanong na si Gilgamesh sa pagkakataong ito?


3. Anong kamangha-manghang mga bagay tinupad ng ama ni Gilgamesh na
maaaring salamin din ng mga naging pakikipagsapalaran ng mga bayani ng
epiko?
4. Ano ang kaugnayan ni Gilgamesh sa kapalaran ng bayan ng kanyang ama?
Ano ang ginampanang papel ng mga diyos sa pangyayaring ito? Ano ang
kanilang magkakaibang tugon sa nangyaring unos?

 PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
Sinasabing ang epiko ay tala ng kalinangan at kultura ng isang bansa o lipi,
ano-anong pagpapahalaga ang masasaling natin sa pagbasa ng siping ito
ng epiko mula sa Mesopotamia. Nasa tsart ang mga halimbawang lunan ng
mga pagpapahalaga.

PAGPAPAHALAGANG PAMPAMILYA

PAGPAPAHALAGANG PANGKOMUNIDAD
PAGPAPAHALAGANG PANG-ESPIRITWAL

 PAGBUBUOD
Pag-ugnayin ang mga salitang nakatala sa bawat bilang upang makapagpaliwanag
sa katangian at katuturan ng epiko.

1. Pakikipagsapalaran, bayani, pagsubok


2. Gilgamesh, Utnapishtim, unos
3. Epiko, pagpapahalaga, sibilisasyon
 Karagdagang Gawain
1. Maaaring magbigay ang guro ng Maikling Pagsusulit na may aytem na 10.
 TAKDANG ARALIN
 Magsaliksik hinggil sa mga tradisyong epical ng Pilipinas. Kasayasayn ng mga bayani ng
epiko tulad nina Lam-ang, Aliguyon, Bantugan, Bidasari.

ANTAS 3: PROSESO NG PAGKATUTO (Learning Plan)

IKA-04 ARAW
EPIKO NG GILGAMESH (EPIKO MULA SA BANSANG IRAQ)
(pagpapatuloy)

Isyung Global / Lokal:


 Pagtulong sa kapwa
 MGA LAYUNIN
A. Natutukoy at nabibigyang katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa
sa Kanlurang Asya
B. Naitatanghal sa anyo ng informance ang isang itinuturing na bayani ng alinamng bansa sa PAGPAPAHALAGANG PAMBEDISTA
Kanlurang Asya sa kasalukuyan.
C. Nasasaliksik sa iba’t ibang reperensiya ang kinakailangang mga impormasyon/datos. ENERO
KAPAYAPAAN

 KAGAMITANG PAGTUTURO Unang Linggo: Pagdadamayan


 Kompyuter Ikalawang Linggo: Pagkamahabagin
 LCD Projector Ikatlong Linggo: Kababaang-loob
 Baybayin 9, pahina 228-230 Ikaapat na Linggo: Pagpaparaya
Ikalimang Linggo: Pagpapatawad
 PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
 Bisyon at Misyon
 Pagsasa-ayos ng klase
 Pagtatala ng liban
 PAGGANYAK
Gamit ang mga salita na makikita sa ibaba, ipaliwanag o magbigay ng mga tulong na salita na
maiuugnay dito.

MESSOPOTAMIA GILGAMESH

UTNAPISHTIM ENIL, EA, APSU

 PAGTALAKAY
D. Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain:
Pangkat 1-4
Batay sa sinaliksik na impormasyon tungkol sa mga bayani ng epikong
Pilipino, magpangkat-pangkat at iguhit ang mga natatanging tagpo ng
(mga) epiko at mga bayaning ito na isinasaalang-alang ang pagpapakita ng
kapangyarihan at kabayanihan ng mga bayani.

(Maaaring pagbotohan ng klase ang may pinakamagandang likha. Maaaring


magbigay ang guro ng dagdag puntos sa quiz)

 PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN

Ang pagdadamayan ang kailangan upang pagsubok


sa buhay ay malagpasan.
 PAGBUBUOD

Muling balikan ang Epikong Gilgamesh at mga Epikong Pilipino. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba
nito sa isa’t isa.

PAGKAKATULAD
Epikong Gilgamesh Epikong Pilipino

 TAKDANG ARALIN
 Ano ang ibig sabihin ng Tula? Awit?
 Ano ang kaugnayan ng awit sa tula?

ANTAS 3: PROSESO NG PAGKATUTO (Learning Plan)

IKA-05 ARAW
Paksa: KAININ ANG AKING TULA
ni Jellaludin Rumi
Isang tula mula sa Persya
Muling itinula ni Lovie Jon Sanchez

 MGA LAYUNIN
A. Natutukoy at nabibigyang-katuturan ang mga katangian ng tula bilang isang uri ng awit at vice
versa
B. Nasasabi ang sariling damdamin hinggil sa tulang narinig o nabasa
C. Nakasusulat ng orihinal na tula na maaaring lapatan ng musika at itanghal sa klase
 KAGAMITANG PAGTUTURO
 Kompyuter
 LCD Projector

 PANIMULANG GAWAIN Isyung Global / Lokal:


 Panalangin  Pagsasawalang-bahala sa
 Bisyon at Misyon kahalagahan ng isang bagay o
 Pagsasa-ayos ng klase parte ng kultura at panitikan
 Pagtatala ng liban  Pagbibigay halaga sa kultura at
panitikang pinagmulan dahil lath
ng bagay na nilikha ay may
 PAGGANYAK istoryang nakatago sa lumikha
 Pagpapanood: “Berso #2” ni Maningning Miclat na nilapat ng musika ni Joey Ayal at naging nito
“Dumaan Ako.” http://youtube.com/watch?v=yJMxr6sft6k
 Anong masasabi ninyo hinggil sa pagtatagpo ng awit at tula? Higit bang naging kasiya-siya
ang iyong naging pakikinig?

 PAGLINANG SA TALASALITAAN PAGPAPAHALAGANG PAMBEDISTA


Magbigay ng mga hinuha sa pariralang …
ENERO
“KAININ ANG AKING TULA” KAPAYAPAAN

 Tulungan ang mga mag-aaral sa pagpoproseso ng kanilang mga kasagutan. Unang Linggo: Pagdadamayan
Ikalawang Linggo: Pagkamahabagin
 PAGTALAKAY Ikatlong Linggo: Kababaang-loob
A. Pagpapakilala sa may-akda ng “Kainin Ang Aking Tula” na si Jellaludin Rumi Ikaapat na Linggo: Pagpaparaya
B. Ang Konsepto ng Awit at Tula. Ikalimang Linggo: Pagpapatawad
C. Pagbasa: “Kainin ang Aking Tula”

D. ANONG SAY MO? (Talakayan)


1. Ilarawan ang personang nagsasalita sa tula. Ano ang masasabi mo hinggil sa kanyang
“katuturan” hinggil sa tula?
2. Ano-ano ang sinasabi niya tungkol sa kanyang tula? Ano ang iminumungkahi niya lalo
na sa “pagbasa” nito?
3. Bakit gawing mabilis ang “pagkain” sa kanyang tula? Ano ang halaga ng pagiging
“mainit” ito?
 PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN

Ano ang iyong magiging damdamin kung ikaw ay


tagapakinig ng persona at pinarangalan ka niya hinggil sa
“pagkain” ng tula?

 PAGBUBUOD
A. Sagutin ang mga tanong hinggil sa mga konseptong pampanulaan na iyong natutuhan sa
araling ito.
1. Papaano magkaugnay ang awit at tula?
2. Bakit mahalaga ang himig sa tula?
3. Bakit pinayaman ang pananampalatayang Islam ang panulaan ni Rumi?

 PAGTATAYA:
Maaaring magbigay ang guro ng isang maikling pagsusulit (10 aytem) patungkol sa tinalakay
 Karagdagang Gawain
 Maghanap sa internet ng mga halimbawang pagbasa o pagbigkas ng mga tulang Pilipino.
Gawing gabay ang pahina 191, Baybayin 9

 TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik hinggil sa mga pang-uring pandamdamin.

You might also like