You are on page 1of 13

UNCORRECTED PROOF

Kabanata 2 Sa Ibaba Ng Kubyerta

Doon sa ibaba ng kubyerta ay ibang eksena naman ang


nagaganap. Nakaupo sa mga bangko at maliliit na silyang kahoy,
kasama ng mga maleta, bakol at tampipi sa malapit sa ng makina,
sa init ng kaldera/boiler, singaw ng katawang tao at nakakasuyang
amoy ng langis, ay naroon ang lalong malaking bilang ng mga
pasahero.1 Ilan sa kanila ay tahimik na tinatanaw ang
nagbabagong anyo ng pampang sa gitna ng ingay ng mga pala,
ingay ng makina, sagitsit ng mga makatakas na singaw, bulwak ng
mainit na tubig, at ingay ng pito ng bapor2. Sa isang sulok,
nakabunton na parang mga bangkay, ay natutulog o nagnanais na
matulog ang ilang tinderong Insik, mga liyo, nangamumutla,
tumutulo ang laway sa kanilang mga nakangangang bibig, at
naliligo sa malagkit na pawis ng kanilang katawan.3 Ilang binata
lamang na ang karamihan ay estudyante, na madaling makilala
dahil sa kanilang kasuotang lubhang maputi at sa maayos na
kiyas, ang nangangahas magyaot dito sa popa/stern at proa/bow,
na palundag-lundag sa mga bakol at kahon, at masasaya, dahil sa
nalalapit na bakasyon sa pag-aaral. Ilang sandali ay
pinagtatalunan ang mga galaw ng makina, na inaalaala ang
napag-aralan, at pagkatapos ay nagpapaligid-ligid sa mga batang
kolehiyala,4 sa maghihitsong may mapupulang labi at may
kuwintas na sampaga, at binubulungan ang mga dalaga ng mga
salitang nagpapatawa o ikinapagtatakip sa mukha ng mga
pamaypay na may pinta.5

Subalit ang may dalawang hindi nanghihimasok sa mga


manlalakbay na babae, kundi nakikipagtalo, sa mga dakong proa,

MGA PALIWANAG

1 Sa pamamagitan ng paglalarawan ni Rizal sa kalagayan ng mga


pasahero sa ibaba ng kubyerta ay naipakita ni Rizal ang hindi
konbinyenteng kalagayan ng mga tao na kabilang mababang strata ng
lipunan.

2 Simbolismo ng mga taong walang paki-alam

3Pansinin ang kasipagan ng mga tinderong Tsino at ikumpara sa mga


walang paki-alam na mga Pilipino.

4 Paglalarawan sa kahiligan ng mga kabinataan na nag-aaral sa


Maynila.
Maging si Rizal sa kaniyang pag-uwi sakay ng bapor na nagbibiyahe ng
Maynila patungong Laguna ay naranasan na makipag-usap sa mga
batang kolehiyala na kapwa niya pasahero sa bapor.
5 Maaring nagbubulong ng pag-ibig o mga bagay ukol sa pag-iibigan.
UNCORRECTED PROOF

sa isang matanda na may makiyas at matuwid na tindig. Silang


dalawa ay kapwa kilala at iginagalang mandin ayon sa pakikitungo
na ipinapakita sa kanila ng iba. Ang pinakamatanda sa dalawa, na
purong itim ang kasuotan, ay si Basilio, na nag-aaral ng medisina;
kilala, dahil sa kanyang mabubuting panggagamot at pag-aalaga
sa mga may sakit. Ang isa, ang may malaki at malusog na
katawan, kahit bata kaysa una, ay si Isagani, na isa sa mga
makata o kung di man makata ay manunulang lumabas nang
taong iyon sa Ateneo,6 may kakaibang ugali, parating walang kibo
at lubhang malungkutin. Ang matandang kausap nila ay si
Kapitan Basilio na nagbalik mula sa ginawang pamimili sa
Maynila.

“Bumubuti-buti na po si Kapitan Tiyago,” ang sabi ng nag-


aaral, na iginagalaw ang ulo, “ayaw pumayag sa anumang
panggagamot. Sa udyok ng ilan ay pinapunta ako sa San Diego
upang umano ay dalawin ko ang pag-aari niya doon, ngunit ang
tunay na sanhi ay upang malayang makahitit siya ng opyo.”

Sa pagsasabi ng nag-aaral ng salitang ilan ay si Padre


Irene ang tinutukoy, matalik na kaibigan at tanungan ni Kapitan
Tiyago sa mga huling araw ng kabuhayan nito.7

6 Ang husay ni Rizal – sa bahagi pa lamang ng pagpapakilala niya sa


kaniyang dalawang tauhan ay nagawa na niyang mahati ang
masasalaming karakter ng may-akda. Si Basilio na estudyante ng
medisina at si Isagani na isang makata na kalalabas pa lamang sa
Ateneo.
Halos sa katulad na panahon ng edad ni ISAgani ay doon
nagsimula si Rizal bilang makata. Una sa kaniyang Juventud Filipina
na nagpapakilala sa mga kabataan bilang magandang pag-asa ng bayan
at nawagan sa kabataan na magpakatalino sa pag-aaral para
makapaglingkod na may katuturan sa bayan. Ang Juventud Filipina ay
sinundan naman ng Consejo de los Dioses kung saan tinalo niya sa
paligsahang pang-literatura ang kaniyang mga kalahok ka Espanyol.
Ang isa sa pinakamahalaga ay ang alegoryang Junto Al Pasig (Sa
Tabi ng Pasig) kung saan sa pamamagitan ng pananalita ng diablo ay
nagawa niyang ipabatid sa madla ang kaniyang unang maanghang na
ideya laban sa kolonyalismo ng Espanya sa sa Pilipinas. Ang ilog ng
Pasig ay magiging mahalaga sa kaniyang dalawang nobela dahilan sa
dito niya halos winakasan ang Noli at dito niya naman pinasimulan ang
Fili.

7 Ipinapakita dito na si Padre Irene ang siyang higit na nagpupursige kay


Kapitan Tiyago na lalo pang magmalabis sa pagkasugapa sa paggamit ng
opyo. Tandaan na ang nasabing prayle ay kasangguni ni Kapitan Tiyago
ukol sa bagay na nauukol sa kabuhayan – nakapaghihinala.
UNCORRECTED PROOF

“Ang opyo ay isa sa mga salot ng makabagong panahon,”8


ang sabing paalipusta at pagalit ni Kapitan Basilio na parang
senador na Romano, “nakilala rin ng mga tao sa una ang opyo,
ngunit hindi nagpakasugapa. Samantalang sa pananagumpay ng
pagkakahilig sa pag-aaral sa mga clasico, liwanagin ninyong
mabuti, mga binata, ang apyan ay naging gamot lamang,9 at kung
hindi, ay sabihin ninyo sa akin kung sino ang nangagsisihitit. Ang
mga Insik, ang mga Insik na hindi nakaaalam ng isa mang salitang
Latin! Ah, kung pinag-aralan lamang ni Kapitan Tiyago ang mga
isinulat ni Ciceron…!” At ang di kapasiyahang-loob na lalong
clasico ay napapinta sa pagmumukha niyang epicureo na ahit na
ahit. Pinagmamasdan siyang mabuti ni Isagani: ang matandang
iyon ay nagdaramdam ng pagkauhaw sa matatandang bagay.

“Subalit balikan natin ang ukol sa Akademya ng Wikang


Kastila,” ang patuloy ni Kapitan Basilio, “pinatutunayan ko sa
inyong hindi ninyo magagawa…”

“Magagawa po, inaantay na lamang namin ngayon o bukas


ang permiso,” ang sagot ni Isagani, “si Padre Irene, na marahil ay
nakita ninyo sa itaas, na hinandugan namin ng dalawang
kabayong castaño, ay nangako na sa amin. Kaya makikipag-
usap siya sa Heneral.”

“Walang kabuluhan iyon; tutol si Padre Sibyla.”

“Lumaban man siya! Kaya kasama, upang… sa Los Baños,


sa harap ng Heneral.”

At sa pagsasabi nang ganito ay pinagbunggong


pasuntok ng nag-aaral na si Basilio ang kanyang dalawang
kamay.10

8 Pansinin na sa huling mga dekada ng ika-19 na siglo ay ipinakilala na


ni Rizal sa pamamagitan ni Kapitan Basilio, na ang narkotiko ay isang
panlipunang salot. Higit sigurong manlulumo si Rizal na may malaking
bilang ng kanyang mga inaasahang mga kabataang pag-asa ng bayan ay
biktima ng salot na ito.
Isang sumpa para kay Kapitan Tiyago na minsang kumita ng
malaki sa pagbibili ng opyo ay nalulon din sa nabanggit na bisyo.

9 Pansinin sa sa linya ay makikita na ang isa sa mga pangunahing


gamot upang maiwasan ng isang kabataan ang mauwi sa pagkasugapa
ay sa pamamagitan ng pananagumpay ng pag-aaral.

10 Inaasahan nina Basilio na magkakaroon ng pagtatalo sina Padre


Sybila at Padre Irene sa harap ng KH. Inaasahan nila na ang pari na
niregaluhan nila ang magtatanggol ng kanilang panukala.
UNCORRECTED PROOF

“Batid ko na!” ang tugong tumatawa ni Kapitan Basilio.


“Ngunit kahit na makuha ninyo ang permiso, saan kayo kukuha
ng salapi…?”

“Mayroon na po kami; ang bawat estudyante ay aambag ng


tig-iisang real.”

“Nguni’t ang mga magtuturong propesor?”

“Mayroon kami; ang kalahati ay Pilipino at ang kalahati ay


Kastila.”11

“At ang bahay na pagtuturuan?”

“Si Makaraig, inialok ng mayamang si Makaraig ang isa


niyang bahay.”

Napahinuhod si Kapitan Basilio; naihanda ng mga


binatang iyon ang lahat ng kailangan.

“Kung sa bagay,” ang sinabi sabay kibit ng balikat, “ay


hindi lubhang masama ang panukala, at dahil hindi na maaring
mapag-aralan ang Latin, ay mapag-aralan man lamang ang wikang
Kastila. Diyan ninyo makikita, tukayo, ang katunayan ng paurong
na lakad natin. Noong aming kapanahunan ay nag-aral kami ng
Latin sapagkat ang lahat ng aming mga aklat ay nasa wikang
Latin; ngayon ay kaunting Latin na lamang ang inyong pinag-
aaralan, at wala kayong mga aklat sa wikang Latin;12 sa isang
dako naman, ang mga aklat ninyo’y nasa wikang Kastila at hindi
itinuturo ang wikang ito: aetas parentum pejor abis tulit nos
niquiores (ang katandaan ng mga magulang ay tulad ng masamang
ibong naghahatid sa atin ng kapinsalaan) gaya ng sabi ni Horacio.”

At pagkasabi nito ay lumayong nagmamalaki na parang


isang emperador na Romano. Ang dalawang binata’y nagngitian.

“Iyang mga tao sa una,” sabi ni Isagani, “ay may puna sa


lahat; ipalalagay mo sa kanila ang isang bagay at walang
makikitang adbantahe kundi pawang hadlang. Ibig nilang
dumating ang lahat na makinis at bilog na parang bola ng
bilyar.”13

11 Isang pagpapakita ni Rizal na sa Pilipinas ay hindi salat sa mga


Pilipinong mahuhusay na gumamit ng wikang Espanyol.

12Ito ang pananaw ni Kapitan Basilio dahilan sa siya ay produkto ng


matandang sistema ng edukasyon.(Noli, Kabanata 20).
UNCORRECTED PROOF

“Ang tiyuhin mo ang kasundung-kasundo niya,” ang sabi ni


Basilio, “pag-uusapan ang kanilang kapanahunan… Hintay ka nga
pala, ano ang sabi-sabi ng tiyuhin mo kay Paulita?”

Si Isagani ay namula.

“Sinermonan ako tungkol sa pag-aasawa… Sinagot ko


siyang sa Maynila ay walang katulad si Paulita, maganda, may
pinag-aralan, ulila…”14

“Napakayaman, makisig, masaya at walang kasiraan kundi


ang pagkakaroon ng isang tiyahing katiwalian sa langit at sa
lupa,” ang dugtong na tumatawa ni Basilio.

Si Isagani man ay napatawa rin.

“Mabanggit nga pala ang tiya, alam mo bang ipinagbilin sa


aking hanapin ko ang kanyang asawa?”

“Si Donya Victorina? At nangako ka naman upang huwag


kang mawalan ng iniirog?”

“Mangyari pa! Pero sa bagay na ito ay sa bahay pa naman


ng tiyuhin ko, nagtatago ang asawa.”

Kapwa sila nagkatawanan. “Ito ang dahilan,” ang patuloy ni


Isagani, “kung kaya ang aking tiyuhin, na taong matalino, ay ayaw
pumunta sa taas ng kubyerta, dahil sa nag-iingat na baka itanong
sa kanya ni Donya Victorina si Don Tiburcio. Akalain mo bang
nang malaman ni Donya Victorina na ang bayad ko ay de tercera
lamang ay tiningnan ako nang pakutya…”15

Nang mga sandaling iyon ay pumapanaog si Simoun, at


nang makita ang dalawang binata ay nagsalita: “Aba, Basilio!” ang
bating may tono ng pag-aampon. “Papunta ba kayo sa bakasyon?
Ang ginoo bang ito ay kababayan ninyo?”

13 Ang bawat panahon ay mayroong taglay na mga hamon sa mga


kabataan na kumakatawan sa kanilang partikular na henerasyon.
14 Pansinin ang istilo ni Rizal na ipinagamit niya kay Isagani. Malayo ang

sagot sa katanungan.

15 Pakutya ang naging tingin ni Donya Victorina kay Isagani dahilan sa


de tercera klase lamang ang kaniyang ticket sa barko, samantalang siya
ay nobyo ng mayamang si Paulita.
UNCORRECTED PROOF

Ipinakilala ni Basilio si Isagani at ipinabatid na hindi sila


magkababayan, ngunit ang kanilang mga bayan ay magkalapit. Si
Isagani’y tubo sa kabilang baybayin.

Pinagmasdan ni Simoun si Isagani, kaya nang mainip ito


ay hinarap na parang hinahamon ang nagmamasid sa kanya.

“At ano ang lagay ng lalawigan?” ang tanong ni Simoun na


nilingon si Basilio.

“Bakit, hindi pa ba ninyo kilala?”


“Papaanong makikilala ko, hindi pa ako natutuntong sa
lupa niya. May nagsabi sa aking napakamaralita at hindi bumibili
ng mga alahas.”

“Hindi kami bumibili alahas, sapagkat hindi namin


kailangan,” ang biglang sagot ni Isagani na may pagdaramdam.

Isang ngiti ang sumilay sa mapuputlang pisngi ni Simoun.


“Huwag kayong magalit, binata,” ang sabi, “wala akong masamang
tangka, ngunit sa dahilang pinatibayan sa akin na ang lahat ng
parokya ay nasa kamay ng mga klerigong tagarito, ani ko ay: ang
mga prayle ay nagpapakamatay sa parokya at pinasasalamatan na
ng mga Pransiskano ang pinakamaralita, kaya pag ganyang
ipinauubaya nila sa mga klerigo ay sa dahilang doon ay hindi
kilala ang mukha ng hari. Siya, mga ginoo, halina’t uminom tayo
ng serbesa, alang-alang sa kasaganaan ng inyong lalawigan!”

Ang mga binata’y nagpasalamat at tinanggihan ang alok,


upang makaiwas.

“Masama iyang ginagawa ninyo,” ang sabi ni Simoun na


masama ang loob, “ang serbesa ay isang mabuting bagay, at
nadinig kong sinabi kanginang umaga ni Padre Camorra na ang
kakulangan sa lakas na napupuna sa bayang ito ay dahil sa
napakaraming tubig na iniinom ng mga tao rito.”

Si Isagani, na halos kasing-taas ng mag-aalahas ay tumuwid


ng tayo: “Sabihin ninyo kay Padre Camorra,” ang sabi kaagad ni
Basilio, na sinikong palihim si Isagani, “sabihin ninyo sa kanya, na
kung tubig ang iniinom niya at hindi alak o serbesa, marahil ay
ikabubuti ng lahat at hindi pa magiging dahilan ng bulung-
bulungan…”16

16Sa pamamagitan ng bulung-bulungan (rumor) ay ipinapauna na rito ni


Rizal ang karakter ni Padre Camorra na isa sa magiging
pinakamasamang tauhan ng nobela.
UNCORRECTED PROOF

“At sabihin ninyo sa kanya,” ang dagdag ni Isagani, na hindi


pinuna ang pagsiko ng kanyang kaibigan, “na ang tubig ay
matamis at naiinom, nguni’t lumulunod sa alak at sa serbesa at
pumapatay sa apoy; pag pinaiinit ay nagiging sulak, pag
namumuhi ay nagiging karagatang malawak at minsan ay
pumugnaw sa katauhan at pinapanginig ang pundasyon ng
daigdig.”17

Itinaas ni Simoun ang ulo at kahit ang tingin niya ay hindi


mabasa dahil sa salaming bughaw na nakatakip sa mata ay nakita
sa kanyang mukha ang paghanga.18

“Mainam na sagot!” ang sabi, “subalit mangangamba akong


baka idaan sa biro at itanong sa akin kung kailan magiging sulak
ang tubig at kung kailan magiging karagatang malawak. Si Padre
Camorra ay hindi mapaniwalain at napakapalabiro.”

“Pag siya’y pinainit ng apoy, pag ang maliliit na ilog na sa


ngayon ay nagkakahiwa-hiwalay pa sa kanilang madawag na
pinagmumulan ay magkaisang bumuhos sa apoy ng kasawian sa
banging hinuhukay ng mga tao,” ang sagot ni Isagani.19

“Huwag, ginoong Simoun,” ang dugtong ni Basilio na iniiba


sa pagbibiro ang salitaan. “Ang mabuti pa ay ulitin ninyo sa
kanya ang mga tulang ito ng kaibigang Isagani…”

“Kami ay tubig at kayo ay apoy,


Ang wika ninyo; kami ay sang-ayon!
Mamuhay tayo nang mahinahon at
Huwag patanaw sa sunog, ngayon,
Na magka-away! Kung di magtulong

17 Isang mapagbantang pangungusap ni Rizal na ipinasabi niya kay


Isagani ukol sa inaakala ng mga Espanyol na pagiging walang kibo ng
mga Pilipino.

18 Sa ibabaw ng cubierta ay mapapansin natin ang ginawang panlilibak


ni Simoun sa mga prayle at kay Don Custodio. Ito ay taliwas sa ilalim ng
cubierta, dahil dito si ay hinangaan ang pananalita ni Isagani.

19 Mapapansin dito ang pananaw ni Rizal sa pagkilos ng bayan – ang


unti-unting mga pahirap ay nagkakasama-sama upang gumawa ng isang
malaking ilog na may makapangyarihang agos. Banging hinuhukay ng
mga tao – ito ang mga sistematikong kaparaanan ng pagsasamantala na
ginagawa ng mga mapagsamantalang uri, ngunit sa kabilang dako ay
pupunuin ng tubig ng galit ng sambayanan.
UNCORRECTED PROOF

Sa lilim ninyong bihasang dunong.”20

“Sa loob niyong isang kaldera,


Walang sigalot at pagbabaka
Gawin ang sulak na ikalima
Sa elemento, na magbunga
Niyong liwanag, ilaw, pagtumpa
Sa karapatan at pagkabihasa.”21

“Utopico, hindi mangyayari!” ang biglang sagot ni Simoun,


“ang makina ay hahanapin pa, samantala ay tutunggain ko ang
aking serbesa.”22 At iniwan nang walang paalam ang magkaibigan.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo at napakatapang mo


ngayon?” tanong ni Basilio.

“Wala, aywan ko, ngunit ang taong iyan ay nakasisindak sa


akin, halos nakakatakot!”

“Sinisiko na kita, e, hindi mo ba alam na ang tawag diyan ay


Cardinal Moreno!”

“Cardinal Moreno?”

20 Sa pamamagitan ng tula ni Isagani ay ipinakikita ni Rizal sa kaniyang


mga mambabasa ang tila kalamigan ng bayan na katulad ng tubig at
potensiyal nito sa pagsulak (boil) dahilan sa nagpapasulak na apoy ng
pagsasamantala ng kolonyal na pamahalaan, simbahan, at dayuhang
mamumuhunan.
Maalala sana ang bugtong ni cRISpin (Noli, Kabanata 16) at itugma ito sa
tulang ito ni ISAgani.

Huwag patanaw sa sunog, ngayon – dito ay mapapansin ang husay ni


Rizal sa paglalagay ng mensahe sa pagitan ng mga hanay ng salita.
Parang nais niyang ipakita na bukas ay puwede ng tanawin.

21 Mapapansin sa kabuuan ng tula ng makatang si Isagani ang


dalawang elemento ng paghahayag ng damdamin sa isang mapanupil na
lipunan – may matinding pagsundot at napakabanayad na paghilot. Ito
ang kabuuang istilo ni Rizal sa pagsulat, ihahayag niya ang pinakamasa
at pinakabulok na mamasid niya sa lipunan at pagkatapos ay lalapatan
niya ng isang matinding katatawanan.

22 Ang makina ay hahanapin pa – sa pananalitang ito ni Simoun ay


sumusundot si Rizal ng pangangailangan ng bagong makina
(pamahalaan) para sa pangarap ni Isagani. Pansinin na tumungga pa si
Simoun ng serbesa na isang anyo ng wish para sa katuparan ng isang
bagay na ninanais.
UNCORRECTED PROOF

“O Eminencia Negra, kung papaano mo ibig.”

“Hindi kita maintindihan!”

“Si Richelieu ay may isang Kaputsinong tagapayo na


tinatawag Eminencia Gris, siya naman ang tagapayo ng Kapitan
Heneral…”

“Siyanga ba?”

“Iyon nga ang naririnig ko sa ilan… na nagmumura sa


kanya kung siya ay nakatalikod, at pinupuri siya kung kaharap.”

“Dumadalaw din ba kay Kapitan Tiyago?”

“Mula nang unang araw ng kanyang pagdating, at ang


katunayan ay may isang nag-aakalang kaagaw niya… sa
pagmamana…23 at inaakala ko na makikipagkita sa Heneral
tungkol sa usap na hinggil sa pagtuturo ng wikang Kastila.”

Isang alila ang lumapit sa sandaling iyon upang sabihin kay


Isagani na tinatawag siya ng kanyang tiyuhin. Sa isang bangkong
malapit sa popa at kasalamuha ng ibang pasahero ay nakaupo ang
isang klerigo na pinagmamasdan ang anyo ng mga tanawing
dumadaan sa kanyang paningin. Hindi siya sinisiksik ng kanilang
mga kalapit; pag nagdaraan sa tabi niya ang mga lalaki ay nag-
aalis ng sumbrero at ang mga manunugal ay hindi makapanghas
na ilagay ang mesang sugalan na malapit sa kaniya. Ang paring
ay bihi-bihirang magsalita, hindi naninigarilyo ni hindi umaanyong
mapagmataas, hindi nahihiyang makihalo sa ibang tao at
tumutugong malumanay at maayos sa mga nagpupugay sa kanya
na waring ikinararangal niya at kinikilala ang gayon. Siya ay
lubhang matanda na, ang buhok ay pawang puti, ngunit mabuti
ang kanyang pangangatawan, at kahit nakaupo ay tuwid ang
katawan at taas ang ulo subalit walang pagmamalaki at
pagpapalalo. Naiiba sa karamihan ng paring Indiyo, na labis
namang kaunti, na nang kapanahunang iyon ay gumaganap sa
pagka-koadhutor o pansamantalang nangangasiwa sa ilang
parokya, dahil sa pagiging malumanay at ugaling tuwid na taglay
noong may lubos na pagkakilala sa karangalan ng kanyang
kalagayan at kabanalan ng kanyang tungkulin. Isang munting
pagsisiyasat sa kanyang anyo, kung di man dahil sa kanyang
buhok na puti, ay mapupuna kaagad na siya ay nauukol sa

23 Sino ang taong ito na nag-aakalang si Simoun ay kaagaw niya sa


pagmamana sa kayamanan na maiiwan ni Kapitan Tiyago? Tandaan na
wala ng maaring pamanahan si Kapitan Tiyago.
UNCORRECTED PROOF

malayong panahon, sa nakaraang kapanahunan, noong ang


mabubuting binata ay hindi nangingiming ilaan ang kanilang
karangalan sa pagiging pari, noong ang mga klerigo ay
kasimpantay sa kalagayan ng sinumang prayle, at noon ang
kagaya niya, na hindi pa dusta at alimura, ay humihingi ng mga
taong malaya at hindi alipin, matatayog na pag-iisip at hindi
budhing api. Sa kanyang mukhang malungkot at anyong tapat ay
makikita ang katiwasayan ng kanyang kaluluwang pinatibayan ng
pag-aaral at pagkukuro, at marahil ay sinubok na ng mga sariling
pagtitiis ng damdamin. Ang klerigong iyon ay si Padre Florentino24
na tiyuhin ni Isagani at ang kasaysayan ng kanyang buhay ay
lubhang maikli:

Anak siya ng isang mayaman at inpluwensiyal na pamilya sa


Maynila, mainam ang tindig at may kakayahang mapabantog,
hindi nagkaroon kailanman ng hilig sa pagpapari; ngunit dahil sa
ilang panata ng kanyang ina ay pinilit siyang pumasok sa
seminaryo matapos ang di kakaunting tunggalian at matinding
pagtatalo. Ang ina ay may matalik na kaibigan ng Arsobispo, may
matigas na loob at bakal na kalooban sa anumang maisip, na
katulad ng sinumang babaing may pag-aakalang sumusunod sa
kagustuhan ng Diyos. Walang nangyari sa pagtutol ng binatang si
Florentino, walang naging bisa ang pagmamakaawa, walang
natamo sa pagsasabing siya ay may iniibig at gumawa na tuloy ng
iskandalo; kailangang magpapari siya; at nang umabot sa
dalawampu’t limang taon ay naging pari; ang Arsobispo ang siyang
naggawad sa kanya ng ordinasyon, ginanap ng buong karingalan
ang unang pagmimisa, nagkaroon ng tatlong araw na piging, at
ang ina ay namatay na masaya at nasisiyahan ang kalooban,
matapos na maipamana sa anak ang lahat ng kanyang
kayamanan.

Subalit sa pakikipaglabang iyon ay tumanggap si


Florentino ng isang sugat, na hindi na gumaling kailanman; ilang
linggo muna bago niya ganapin ang kaniyang unang pagmimisa,
ang babaing kanyang pinakamamahal ay nag-asawa nang wala
nang pili-pili dahil sa sama ng loob; ang dagok na iyon ay siyang
pinakamasakit na naranasan niya; nanghilakbot ang kanyang

24 Ang pinagkunan ni Rizal ng tauhang si Padre Florentino ay si Padre


Leoncio Lopez na naging kura paroko ng Calamba. Sa panahon ng
kamusmusan ni Rizal, naging malapit siya sa matandang kura paroko
ng Calamba at ginugugol niya ang kaniyang mga libreng panahon sa
kumbento upang makipag-usap sa pari ukol sa iba’t ibang mga paksa.
Sa sulat ni Rizal kay Blumenttrit ay kaniyang ikinuwento ang ukol
sa nasabing pari “Fr. Leoncio is an indio, tall, straight, and
distinguished; cultured but timid and tender… You will see his image in
my new book (El Filibusterismo); I call him Fr. Florentino.
UNCORRECTED PROOF

budhi at ang buhay ay nawalan ng saya at naging mabigat na


dalahin. Kung di man ang kabaitan ang nagbibigay-dangal sa
kanyang kalagayan ay ang pag-ibig na iyon ang nagliligtas sa
kanya sa kinababagsakan ng mga paring prayle at maging secular
dito sa Pilipinas. Hinarap ang kanyang mga nasasakupan dahil sa
kanyang pagtupad sa katungkulan at pagkakahilig sa mga likas
na karunungan.

Nang maganap ang mga kaguluhan noong ’72 ay ikinatakot


ni Padre Florentino na siya ay mapansin, dahil sa kalakihan ng
kinikita ng kanyang parokya, at sa dahilang siya ay payapang tao
ay humingi ng pagpapahinga/retirement, at mula noon ay
nanirahan nang tulad sa isang karaniwang tao sa lupain ng
kaniyang ama na nasa baybayin ng dagat Pasipiko. Doon ay
inampon ang isa niyang pamangking lalaki, si Isagani, na, ayon sa
malisyoso ay anak niya sa kanyang dating kasintahan, nang
mabalo,25 ayon naman sa lalong mga nakakaalam at hindi bulaan
ay anak sa pagkadalaga ng isang pinsan niyang taga-Maynila.

25 Si Isagani ay pamangkin ni Padre Florentino – Napangasawa ni


Narcisa (pangatlongkapatid ni Rizal) si Antonino Lopez na pamangkin ni
Padre Leoncio Lopez.

Ang tunay na relasyon ni Antonino Lopez kay Padre Leoncio ay


mahihiwatigan sa sulatan ni Rizal sa kaniyang pamilya;

“Si Narcisa at si Antonino at kaanak ay nagsilipat ngayon sa kumbento


dahil may kabigatan ang sakit ng kura”
(Manuel Hidalgo kay Jose Rizal: Septyembre 24, 1882)

“Magsisimula ako sa pagbabalita sa iyo ng pagkamatay sa Maynila ng


ating kura, na dindamdam ng gaon na lamang ng lahat ng nakakakilala
sa kaniya, lalo na ng kaniyang angkan; at gayon na lamang ang
pagdaramdam na ito na, nang matalos ng Ayuntamiento ang kaniyang
pagkamatay ay dali-daling naghandog ng isang nitso sa libingan ng mga
mahal na tao sa Maynila, isang pagtatanging bihirang-bihira gawin ng
nasabing korporasyon sa kaninuman....

Nang matalos ang pagkamatay ng huli, ay kara-karakang naparito ang


Bikayong si Prayle (Ambrosio) Villafranca upang kunin ang mga naipong
salapi mh Simbahan, na natatala sa mga aklat, ngunit sa dahilang
nataunang ang kahang lalagyan ng salapi ay nakapinid at ang susi ay
nasa Maynila, ay iniutos sa bisa ng susi ng San Pedro, na paharapin sa
kaniya sa bahay-Hacienda ang ating ama, at doon ay pinilit siyang
magpaluwal sa halagang nakatago sa kaha, at sa gayong pagpilit ay
kinasangkapan ang pananakot na ipagbibigay alam sa Arsobispo ang
mga lihim ng namatay, na ikararamay, sa paano mang paraan, ng isa
nating kamag-anak; dailan dito, ang ating ama’y napilitang magpaluwal
ng kaniyang salaping ginto na papalitan pagkatapos sa atin ng salaping
pilak pagkaraan ng tatlong linggo. Iyang takutin ang isang matanda at
UNCORRECTED PROOF

Ang kapitan ng bapor sa pagkakita sa klerigo ay pinilit-pilit


na umakyat sa kubyerta. Upang mapa-ayon siya ay nagsabing:

hukayin ang mga isang lihim, na marahil ay siya ang nagtataglay, ay


isang kasalanan nma tunay na kamuhi-muhi at kahalay-halay. Nang
mangyari ito’y wala pa naman ako sa ating bahay.

(Paciano Rizal kay Jose Rizal Mayo 26, 1883)


Pansinin sana ang sinulat ni Austin Craig na si Padre Leoncio Lopez ay
namatay sa daang Concepcion sa Maynila na ginamit ng nagsasaliksik
sa anotasyon ng Kabanata 8 sa Noli Me Tangere. Itinutuwid ko sa
sandaling ito ang aking naunang anotasyon nabanggit ko na taong 1882
namatay si Padre Leoncio Lopez. AKIN ANG PAGKAKAMALI
http://www.scribd.com/doc/29349365/Noli-Me-Tangere-Deciphered-
kab08

Pansinin ang sagot ni Rizal sa kaniyang Kapatid

“Dinamdam ko nang gayon na lamang ang pagkamatay ng pari-kura,


hindi dahil sa siya ay isang kaibigan, kundi dahil sa siya’y isang
mabuting kura, bagay na bihirang-bihira, gaya ng iyong namamalas,
yaon ay isang rara avis (isang ibong bihira). Sumusulak ang aking dugo
tuwing mababasa ko ang iyong sinabi tungkol kay Pari Villafranca,
gayunma’y nasisiyahan din ako sapagkat pinatotohanan niya’t
binibigyang matuwid ang lahat ng pag-aagap ko laban sa kaniya... (kayo
na ang bumasa ng iba pang mga mahayap na pananalita ni Rizal laban
kay Padre Ambrosio Villafranca) at nagbabantang magbunyag ng mga
kasalanang nagawa noong kabinataan upang hamakin ang maningning
na gunita ng isang matandang marunong, na ang kamalian ay kaipala’y
tinangisan na niya at hindi naging lalong mapagkunwari kaysa sa mga
nangangahas na humatol sa kaniya.Datapwat hindi maasahang mag-
antay ng ibang bagay sa isang kabig ng mga prayle (Paliwanag: Si Padre
Ambrosio Villafranca ay isang paring sekular - daniel)... Kung
nagkataong ako’y nariyan ay hinamon ko sana siyang ibunyag ang mga
kakulangan ng nasirang kura, at titingnan ko kung hindi siya ang unang
umubos ng panahon sa paghukay ng mga dumi at kasaulaan. Titingnan
ko kung sino ang mangahas na dumampot dumampot ng kauna-
unhang batong ipupukol sa yumaong Pari Leoncio at matitiyak kong
buhat sa arsobispo hanggang kay Pari Ambrosio ay walang
makapangangahas na gumawa noon. Ah ang mga taong walang
maiabuloy sa karunungan at sa kabaitan liban sa isang mangmang na
dogmatismo at isang magaspang na pagbabalatkayo.

(Jose Rizal para sa kanyang kapatid Hunyo 20, 1883)

Sa isang artikulo sa aklat ni Ambeth Ocampo (1990:37-38) ay


kaniyang natuklasan sa pag-amin ng isang angkan na sila ay mga inapo
ng dakilang Padre Leoncio Lopez.
UNCORRECTED PROOF

“Kung hindi kayo paparoon ay iisipin ng mga prayle na ayaw


kayong makisama sa kanila.”26

Wala nang nagawa si Padre Florentino kundi ang sumunod


at ipinatawag ang kanyang pamangkin upang pagbilinan na
huwag lalapit sa kubyerta habang siya ay naroroon. “Kung
makikita ka ng kapitan at aanyayahan ka at magmamalabis na
tayo sa kaniyang kabaitan.”

“Iyan ang paraan ng aking amain!” sabi ni Isagani sa sarili,


“wala namang dahilan at makakaiwas akong makausap ni Donya
Victorina.”

Sa ginawang pag-aaral sa sulat na ito ni Rizal sa huling bahagi ay


totoong mapapatunayan na si Arsobispo Pedro Payo ay mayroong anak
na nagngangalang Isidro Mendoza. Puwedeng i-download ang isang
dokumento na ginawang opisyal na imbestigasyon ng mga Amerikano sa
mga unang taon ng kanilang pananakop sa Pilipinas.

http://ia341334.us.archive.org/1/items/cu31924068295785/cu31924068295785.pdf

26 Isang simbolismo ni Rizal na nagpapakita Rizal na ang KH ay


gumagawa ng paraan para maitaas ang kalagayan ng paring Pilipino.
Ang Kapitan ng Bapor ay maaring kumakatawan kay GH Emilio
Terrero y Perinat na nanungkulan sa Pilipinas 1885-1888. Pansinin na
nailarawan nang buong detalye ni Rizal ang ugali nito magmula sa
kindat ng mata at hina ng boses, na maaring naobserbahan ni Rizal
noong siya ay nakausap nito sa taong 1887-1888, ng ipatawag ni Terrero
si Rizal sa ilang pagkakataon. (Dapat kong ilipat ito sa Kabanata 1)

You might also like