You are on page 1of 1

Iniulat ni: Christopher H. Pagador, BSED Filipino IV (Irreg.

IDYOLEK

Ang wikang Filipino ay nauuri sa napakaraming barayti dahil sa


pagkakaroon ng pagkakapangkat-pangkat ng bawat indibidwal ayon sa antas
ng edukasyon na natapos, lugar kung saan nakatira, okupasyon, uri ng
lipunan na ginagalawan, kasarian, edad at kapaligirang etniko.

Dahil ditto ay nagkaroon pa ng iba’t-ibang barayti ang wika. May


homogeneous at heterogeneous na uri ng wika.

Isa sa mga uri ng barayti ng wika ay ang Idyolek. Ito ay isang uri ng
pormal na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal sa isang
natatangi o yunik na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang
istilo ng pananalita.

Maaring ang mga pagkakaiba ay dulot ng mga sumusunod:

 Pagkakabigkas o naiibang pagbibigay diin sa mga salita o parirala.


 Yunik na tono o ritmo sa pagbigkas o pamamahayag.

Ang mga pagkakaibang ito ay maaring dulot din ng natural na istraktura


ng mga kasangkapan sa pananalita ng isang tao. Batay ito sa Ulo ni Oscar.

Halimbawa:

1. Naiibang tono sa Pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang,


“Magandang Gabi Bayan!”

2. Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang


programang MMK.

3. Ang paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng katagang “Promise!”

4. Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo Brothers.

You might also like