You are on page 1of 12

7

Baitang
Leyte Normal University
FILIPINO YUNIT
Lungsod Tacloban

MODYUL
SA

FILIPINO
BATAY sa PROGRAMANG K to 12 Basic Education Curriculum

ALVIN M. LOPEZ
BSED Filipino Meyjor
PAUNANG SALITA

Hangad ng bagong kurikulum na mapataas ang kalidad ng edukasyon

sa bansa upang magkaroon ng makbuluhang pakikipagsapalaran sa bawat

mag-aaral na nakatapos sa ilalim ng programang K to 12. Naging pokus ng

mga pagpaplano sa edukasyon ang pagpapataas ng kalidad ng mga paaralan

bilang paghahanda sa tinatawag na “globally competitive” na mga

mamamayan sa lipunan (De Mesa, 2015).

Ayon sa pahayag ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, ang layunin ng

paguturo o edukasyon ay luminang ng mga mamamayang matatalino,

makabayan, makabuluhan at maibigin sa matuwid at angkop manirahan sa

lipunang demokratiko.

Kaugnay nito, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pagkatuto ay

nakatutulong upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-

aaral sa iba’t ibang asignatura, kabilang na ang asignaturang Filipino.

Ang modyul na ito ay inihanda sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang

upang magsilbing gabay sa kanilang pagkatuto at bilang tugon sa

pangangailangan ng bagong kurikulum kaugnay sa araling Filipino.

Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na

maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa modyul na ito.

ii
Ang bawat paksa ng modyul na ito ay binubuo ng sumusunod na

bahagi:

I. Pamagat – dito malalaman ng mga mag-aaral ang paksang pinag-

aaralan.

II. Target Population – tumutukoy ito sa antas at uri ng mga mag-aaral

na gagamit ng modyul.

III. Rasyunal o Panimula – nabibigyan nito ang mga mag-aaral na

magsasalita na makita ang kabuuan ng paksang saklaw ng modyul.

IV. Tunguhin o Layunin – ipinapahayag ito sa paraang pangkagawian

upang mainaw at masaklaw na matuklasan ang inaasahang matatamo

ng mga mag-aaral.

V. Panuto – may pansariling direksyon at at kondisyon ito, ang mga mag-

aaral ay binibigyang-layang masagot ang mga mungkahing gawain,

takdang-aralin, pagpapayamang-gawain sa pamamagitan ng pagsunod

sa mga panutong ipinapahayag sa mga pangungusap na malinaw at

payak.

VI. Panimulang Saloobin at Pangangailangang Kasanayan –

lumilinang sa mga kasanayan at kaalamang makatutulong sa mga mag-

aaral na magamit ang kanilang sariling pananaw sa nilalaman nito.

iii
VII. Panimulang Pagsusulit – ibinibigay ito upang matiyak kung gaano na

nauunawan ng mga mag-aaral ang mga paksa ang nilalaman ng araling

pinag-aaralan. Kung alam na, maaring magtungo sa susunod na

modyul.

VIII. Panimulang Pagsusulit o Feedback at Pagtataya – ito ay ang susi sa

pagwawasto o pagtataya o panukat sa panimula upang matiyak kung

pumasa o hindi pumasa ang mag-aaral.

IX. Mga Gawain sa Pagkatuto o Pagpapayamang-gawain – ito’y

naglalaman ng iba’t ibang gawain dapat isagawa ng mga mag-aaral

upang matamo ang tiyak na mga layunin sa pagkatuto o mapayaman

ang pagkakaunawa sa paksa.

X. Markahang Pagsusulit – ito ay nagsisilbing panghuli o

pangkalahatang pagsusulit sa bawat markahan kung saan nakapaloob

ang iba’t ibang aytems na susubok sa kakayahan ng mga mag-aaral sa

lahat ng paksang napag-aralan sa nagdaang mga aralin.

Inaasahang kawili-wili at kapaki-pakinabang ang inihandang modyul

tungo sa matagumpay at mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.

May-akda
iv
PASASALAMAT

Mula sa kaibuturan ng puso, malugod na pinasasalamatan ng may-akda

ang mga taong naging bahagi at tumulong ng walang pag-aalinlangan upang

matagumpayan ang pagbuo ng modyul na ito:

Bb. Crystal Adorza, isa sa mga guro ng Filipino sa Palo National High

School (Pawing Annex), sa pagpahiram ng mga aklat bilang gabay sa

paggawa ng modyul na ito;

Dr. Alvin Rom De Mesa, guro sa Paghahanda at Ebalwasyon ng

Kagamitang Pampagtuturo at tagapayo sa pagbuo ng modyul na ito, sa walang

sawang pagbibigay ng kaalaman at karanasan sa modyu na ito;

Sa mga manunulat ng mga akdang ginamit sa modyul na ito, malaki

ang ambag ng mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga

sa kulturang Pilipino;

Sa mga kaibigan, magulang at kapatid ng may-akda ng modyul na

ito, na nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng modyul na ito at sa pinansiyal,

moral, ispirituwal na suporta upang matapos ang modyul na ito;

v
At higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa walang sawang paggabay,

pagbibigay ng lakas at talino sa lahat ng aking gawain, partikular na sa

kagamitang pampagtuturo na ito. Lubos kong ipinagpapasalamat ang

pagbibigay ng tiwala at pasensya na ipinagkaloob Niya, lalung-lalo na sa mga

panahong nawawalan na nang lakas ng loob ang may-akda ng modyul na ito.

vi
Pamagat Pahina

Panunang Salita……………………………………………………... ii

Pasasalamat………………………………………………………… iii

Talaan ng Nilalaman……………………………………………….. vi

UNANG MARKAHAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

MODYUL 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Panitikan: Ang Munting Ibon

(Isang Kuwentong-Bayan)

Wika: Mga Pahayag na Nagbibigay ng

mga Patunay

MODYUL 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Panitikan: Ang Mataba at Payat na Usa (Pabula)

Wika: Mga Ekspresyong Naghahanay ng

Posibilidad

MODYUL 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22

Panitikan: Prinsipe Bantugan (Epiko ng Mindanao)

vii
Wika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa

Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

MODYUL 4. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 32

Panitikan: Ang Kuwento ni Solampid

(Elemento ng Maikling Kuwento)

Wika: Retorikal na Pang-ugnay

MODYUL 5. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 44

Panitikan: Si Amai Manis at ang Kanyang

Ginintuang Manok (Dula)

Wika: Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

Unang Markahang Pagsusulit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 54

IKALAWANG MARKAHAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 62

MODYUL 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 63

Panitikan: Nagdurusa (Awiting-bayan)

Wika: Antas ng Wika

viii
MODYUL 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 72

Panitikan: Ang Alamat ng Bundok Tsokolate

(Alamat)

Wika: Pahayag sa Paghahambing

MODYUL 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 82

Panitikan: Miss Dolying (Dula)

Wika: Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat

MODYUL 4. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 90

Panitikan: Maragtas (Epiko)

Wika: Paglalahad

MODYUL 5. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 102

Panitikan: Paalam sa Pagkabata (Maikling Kuwento)

Wika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa

Pagsasalaysay o Pagsusunod-sunod ng

Pangyayari sa Kuwento

Ikalawang Markahang Pagsusulit . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . .115

ix
IKATLONG MARKAHAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 121

MODYUL 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 122

Panitikan: Chit Chirit Chit (Mga Kaalamang-bayan)

Wika: Ponemang Suprasegmental

MODYUL 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 131

Panitikan: Ang Pagkawala ng mga Sirena

(Mitolohiya)

Wika: Hudyat sa Pagkasunod-sunod ng mga

Pangyayari at Iba Pang Pantalakayan

MODYUL 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 144

Panitikan: Si Malakas at Si Maganda (Mitolohiya)

Wika: Angkop na Pahayag sa Panimula, Gitna

at Wakas

MODYUL 4. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 153

Panitikan: Ang Maniningil (Sanaysay)

Wika: Mga Pahayag sa Paghihinuha ng mga

Pangyayari

x
MODYUL 5. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 163

Panitikan: Si Miss Phathupats (Maikling Kuwento)

Wika: Anapora at Katapora

Ikatlong Markahang Pagsusulit . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . 173

IKAAPAT NA MARKAHAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 180

MODYUL 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 181

Panitikan: Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

MODYUL 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 191

Panitikan: Kabanata II: Si Haring Fernando at ang

Tatlong Prinsipe

MODYUL 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 203

Panitikan: Kabanata III: Panaginip ng Hari

MODYUL 4. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 213

Panitikan: Kabanata IV: Si Don Pedro at ang

Piedras Patas

xi
MODYUL 5. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 226

Panitikan: Kabanata V: Si Don Diego at ang Awit

Ng Ibong Adarna

Ikaapat na Markahang Pagsusulit . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . 237

BIBLIYOGRAPIYA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 246

xii

You might also like