You are on page 1of 13

Ponema

sa Filipino
Filipino 1 – 2nd topic
Introduksyon
 Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng
tunog o ponema ay binubuo ng mga
segmental at suprasegmental.
 Segmental ang mga tunay na tunog at
ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang
titik sa ating alpabeto.
 Ang suprasegmental ay pag-aaral ng diin
(stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (tune o
pitch), paghaba (lenghtening) at hinto
(juncture).
Ponemang Segmental
 Ang Filipino ay may 21 ponemang
segmental – 16 sa mga ito ay katinig at
lima naman ang patinig.
 Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p,
r, s, t, w, y, ?/
 Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi
binigyan ng katumbas na titik. Sa halip,
isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan
ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y
hindi normal na tulad ng ibang ponema.
Ponemang Segmental
 Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat
nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita
kapag inilagay sa huling pantig ng salitang
nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /?/ ay
glotal o impit na tunog.
 Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na
isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t
hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika.
Mahalaga ito sa isang salita sapagkat
nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang
salita na pareho ang baybay.
 Hal: bata/h/=robe, bata/’/=child
Ponemang Segmental
 Mga Patinig - /i, e, a, o, u/
 Itinuturing ang mga patinig na siyang
pinakatampok o pinakaprominenteng
bahagi ng pantig. Walang pantig sa
Filipino na walang patinig.
 Halimbawa:
ba – hay, ba – ba – e, u – lo, di - la
Ponemang Segmental
 May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang
ng makabuluhang tunog ang bawat wika.
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-
iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin
o palitan ito. Halimbawa’y mag-iiba ang
kahulugan ng salitang baso kapag inalis
ang /s/ at ito’y nagiging bao. Kapag
pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y
nagiging balo. Samakatwid, ang /s/ ay
makabuluhang tunog sa Filipino at
tinatawag itong ponemang segmental o
ponema.
Ponemang Suprasegmental
Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay
lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/,
ang diin ay nasa huling pantig na /may/.
- ay isang ponema sapagkat sa mga salitang
may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito. Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap
na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
Ponemang Suprasegmental
Tono o intonasyon – pagtaas at pagbaba ng tinig
na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang
salita, parirala o pangungusap upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa
kapwa.
- Parang musika ang pagsasalita nang may tono
– may bahaging mababa, katamtaman at
mataas.
- Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay ng kahulugan o
makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng
tono/tinig.
Ponemang Suprasegmental
Halimbawa: 3
Antas ng tono:
Pahayag: 2 ha 2

4= pinakamataas
ka pon
4 3= mataas
Patanong: 3 pon 2= katamtaman
2 ha 1 = mababa
ka
Ponemang Suprasegmental
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating
pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating
kausap.
Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng
sumusunod na mga pananda.
Panloob
d. Maikling hinto: /I/=, (kuwit), /+/= isang krus
na pananda
e. Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok,
_______=isang mahabang guhit, //=dalawang
guhit pahilis, >=palaso, -=gitling, …=tulduk-
tuldok.
Ponemang Suprasegmental
 Halimbawa:
2. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala
mo ang iyong ama sa isang pari at sa
kaibigan mo.)
3. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam
na si Cora ang may kasalanan.
4. Magalis (puno ng galis)
mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
Ponemang Suprasegmental
Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng
nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa
salita. Ginagamit ang ganitong notasyon
/./ at /:/ na siyang nagsasaad ng
kahulugan ng salita
1. Likas na haba
Halimbawa:
d. /asoh/ - usok

/a:soh/ - isang uri ng hayop


f. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato
Ponemang Suprasegmental
1. Panumbas na haba
a. /’aywan/ - /e.wan/ c. /tayo nah/- /te.nah/
b. /taingah/ - /te.nga/ d. /kaunti/ - /kon.ti/
3. Pinagsama na haba
a. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid
magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim
b. Mananahi = /manana : hi/ = modista
mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at
bubuo ng kasuotan.

You might also like