You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 7

I. Layunin:

A. Natutukoy ang mga sariling kalakasan at kahinaan at nakapagbabalangkas ng mga


hakbang upang magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga
kahinaan
B. Nakapagbabalangkas ng plano ng paghahanda para sa kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
C. Naisasabuhay anng mga kahalagaahan ng Pag-aaral sa Paghahanda Para sa
Pagnenegosyo at Paghahanapbuhay

II. Nilalaman:

A. Modyul 16: HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA PAGNENEGOSYO O


PAGHAHANAP BUHAY.

Batayang Konsepto: Ang pag-aaral ay naghahasa ng mga kakayahan at


nagbibigay ng kasanayan na mahalaga sa paghahandang pisikal, mental, sosyal
at ispiritwal para sa mundo ng paggawa at sa pagtupad ng bokasyon.

B. Sanggunian: Modyul para sa Mag-aaral (Learners materials) pahina 147-166

C. Iba pang kagamitang panturo: Printed materials, google pictures, cartolina,


masking tape

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-Aral:

Pagbabalik aral sa nakalipas na aralin / modyul

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG MAG AARAL

Ipapaliwanag ng guro ang layunin sa mag-aaral

KP 16.1 Natutukoy ang mga kahalagahan ng pag-aaral sa paghahanda sa pagnenegosyo


at paghahanapbuhay
KP 16.2 Natutukoy ang mga sariling kalakasan at kahinaan at nakapagbabalangkas ng
mga hakbang upang magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga
kahinaan

C. Pag-uugnay

Pagbibigay ng Paunang Pagtataya mula pahina 148-150

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang propesyong ipinakikita. Ibigay ang kanilang
mga tungkuling ginagampanan sa lipunan.

Gabay na tanong:
1. Ano sa tingin ninyo ang kanilang naging kalakasan para makamtan ang kanilang mga
propesyon?
2. Ano sa palagay mo ang kanilang pinagbatayan kung bakit ito ang napili nilang
trabaho?
E. PAGLINANG SA KABIHASAAN

Kwento tungkol ky mariyang mapangarapin

F. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-ARAW NA BUHAY


Paano mo ihahanda ang iyong sarili sa pagtahak nyo sa iyong napiling pagnenegosyo o
paghahanapbuhay?

G. PAGLALAHAT NG ARALIN
Bakit kailangan malaman mo ang iyong kahinaan o kalakasan sa pagnenegosyo o
paghahanapbuhay?

H. PAGTATAYA NG ARALIN
Ano ang kahalagahan ng pag aaral upang maging matagumpay ka sa iyong buhay?

I. KARAGDAGANG GAWAIN

Sumulat ng isang Tagline sa inyong notbuk tungkol sa pagkamit ng tagumpay at ipaliwanag.

You might also like