You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino Baitang VI

(Gramatika)

I. Layunin:
A. Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay (F6PT - !Vb - 24)
B. Nasusuri ang mga paksang napapaloob sa magkakaksamang mga salita
C. Nakabubuo ng tula gamit ang magkakaugnay na mga salita
II. Paksang – Aralin:
A. Pamagat ng Aralin: pagpapangkt pangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
Sanggunian: Landas sa Wika 6. 1999. pp. 47-48;
B. Kagamitan: Larawan, Powerpoint Presentation, tsart
III. Pamaraan:
A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
Magpalaro ng “Family Feud” gamit ang pinangkat – pangkat na
magkakaugnay na mga salita.
2. Balik-aral
Ano-ano ang mga uri ng pangungusap at paano ang mga ito nagagamit
sa pakikipag-usap?
B. Pagtatalakay sa Aralin
1. Pangganyak
Magpakita ng larawan ng isang pagdiriwang sa kapistahan.
2. Pag-unawa sa Lunsaran
Gamit ang Powerpoint, ipabasa ang kuwentong pinamagatang, “ Ang
Kapistahan sa Nayon”.

Ang Kapistahan sa Nayon


Buwan ng Mayo nanaman at abalang – abala ang mga tao sa nayon sa
paghahanda para sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Ito ang panahon upang
sila ay makapagbigay puri at pasasalamat sa Panginoon sa mga biyayang kanilang
natanggap. Lahat ay abala sa pagsasabit ng mga bandaritas sa buong kanayunan.
Bilang pasasalamat sa mga pagpapalang kanilang natanggap, naghahanda
ng mga pagkain para sa mga panauhin tulad ng pansit, biko, adobo, menudo atbp.
Ang mga bata ay walang mapagsidlan ng saya sapagkat marami ang mga papremyo
tulad ng “cellphone”, laruan, kagamitan sa eskwelahan, pera atbp.

3. Pagsusuri sa kakayahan at kayariang panggramatika


 Anong pagdiriwang ang binanggit sa talatang binasa?
 Ano-anong paghahanda ang ginawa nila para sa kapistahan? Ilahad
ang mga kasagutan gamit ang “Petal Map”
pansit
biko
adobo

menudo Pagkain Positibo


*Sack Race
Paghahanda *Trip to
Palaro Jerusalem
Para sa
*Maria Went
Kapistahan
to Town

A
Pa-premyo

cellphone pera
laruan

gamit sa eskwela

* Kayo ba ay nagdiriwang din ng kapistahan? Bakit?


* Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagdiriwang sa kapistahan
salarangan ng kulturang Pilipino.
*Muli, gamit ang metal map, ano ang masasabi niyo sa mga salitang
nakatala ditto?
*Tukuyin ang mga salitang magkakaugnay sa nakatala sa petal map
at ipaliwanag ang paksang pumapaloob sa bawat pangkat.

4. Pagsasanay
a. Pasalita
Ibigay ang paksang pumapaloob sa bawat ppangkat ng mg salitang
magkakaugnay.

ALAGANG
PAMILYA ISPORTS HAYOP PROSESYON LIBANGAN

Tatay basketbol aso Guro Panonood


ng tv
Nanay volleybol pusa Abogado
Pag-awit
Ate tennis kabayo Nars
Pagsayaw
Kuya boksing kalabaw Doctor
Pagluluto

b. Pagsulat
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng sobre na maglalaman ng mga salitang
magkakaugnay na kailangan nilang pagpangkat-pangkatin nang
wasto. Pagkatapos nilang pagpangkat-pangkatin ang magkakaugnat
na salita, lapatan nila ito ng interpretasyong maiaatas sa pangkat
nila.
Pangkat 1 – tula
Pangkat 2 – “slogan”
Pangkat 3 – kanta
Pangkat 4 – sayawit

C. Paglalagom
Ano ang tawag sa mga salitang magkakatulad magkakasama sa ilalim ng
isang paksa?

D. Ebalwasyon
Sumulat ng kaugnay na salita ng mga nakatalang paksa.
*aklat Wika *katangian mabait
*kurso Doktor *psgkain ubas
*koleksiyon sapatos *bayani Dr. Jose Rizal
*bulaklak rosas *tanawin Bulkang Mayon
*asignatura Filipino *pangyayari Kapistahan

IV. takdang Aralin


Mag-isip ng iba pang salitang maidadagdag sa mga nakatalang salita sa
ibalwasyon. Sumalat ng tatlong kaugnay na salita sa notbuk.
V. Tala

______________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________

VI. Pagninilay
A. Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparan nang maayos? Bakit ito
naisakatuparan ng maayos?
Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos.
1. _______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos.
1. _______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________

B. Kausapin ang mga mag-aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga


nangangailangan ng tulong.

C. Ano-ano ang mga suliranin o balakid ang aking naranasan kung saan ang aking
punongguro at superbisor ay matutulungan ako sa paglutas ng mga ito?

Mga maaaring hingan ng tulong / suporta:


 Dalubguro
 Punongguro
 Superbisor

Inihanda ni:

MARIVIC O. OSORIO
Kaligayahan Elementary School,QC

You might also like