You are on page 1of 4

Paglilitis at Pagpatay kay Dr.

Jose Rizal
Nobyembre 21 - 25, 1896
, nagkaroon ng Paunang Pagsisiyasat. Si Rizal ay sumailalim sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon upang matiyak na may
matibay na ebidensya laban sa kanya.

Miguel Perez
- eskribyente ng hukuman
Tumulong sa Imbestigador na opisyal ng Hukumang Militar ng Kwartel Heneral sa pagsisiyasat.

Koronel Francisco Olive


- Imbestigador na opisyal ng Hukumang Militar.

Nobyembre 26, 1896


Matapos ang Paunang Paglilitis, ipinadala ni Gobernador Heneral Ramon Blanco ang mga naging resulta ng pagsisiyasat kay
Kapitan Domingo.

Kapitan Rafael Domingo


– hinirang espesyal na Hukom Tagapagtanggol upang lutasin ang kaso batay sa mga katibayang inilahad upang paratangan si
Rizal.

Isang talaan ng may isang daang una at pangalawang tenyente ang ibinigay kay Rizal upang buhat dito ay makapili siya ng
kanyang tagapagtanggol.
Dumating si Rizal sa Pilipinas sakay ng bapor na
“Colon”
. Dumaong ito sa Maynila noong
Nobyembre 3, 1896
.
Bapor Colon
Ninais patunayan ni Rizal na siya ay inosente sa pamamagitan ng 12 puntos.
1. Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na
silang mag-aklas

2. Hindi siya sumulat sa kahit kanino na may elementong radikal at rebolusyonaryo.

3. Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala, disinsana’y tumakas siya sa
Singapore.

4. Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya sakay ng isang vintang Moro at di nagpatayo ng tahanan,
ospital, at bumiling lupain sa Dapitan.
5. Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?

6. Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina ngunit ito ay pansibikong asosasyon at hindi isang
samahang pangrebolusyon.

7. Hindi nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat pagkatapos ng unang pulong ay pinatapon na siya sa Dapitan.

8. Kung binuhay ang La Liga Filipina matapos ang siyam na buwan, wala siyang kinalaman dito.
Disyembre 26, 1896, ika-8 ng umaga
Ang hukumang militar na maglilitis kay Rizal ay magaganap sa gusaling tinatawag na
“Cuartel de España”
.
Nangalap ng ebidensya
ang mga Kastila laban kay Rizal.

Si
Paciano
ay dinakip, pinarusahan at pilit na pinalagda sa isang kasulatan na nagpapatunay na si Rizal ay may kinalaman sa mga
naghihimagsik.

Disyembre 11, 1896

Tatlong sakdal kay Rizal:

1. Pag-aalsa o Rebelyon

2. Sedisyon

3. Konspirasyon o Pagbuo ng mga samahang illegal


Ang mga paratang ni Kapitan Rafael Dominguez batay sa testimonia at dokumento, na si Rizal:

1. Ang bumuo at nagtatag ng samahan.


2. Ang kaluluwa ng himagsik.
3. Sumulat ng mga babasahin at mga aklat na may ideyang mang-akit sa mga tao upang maghimasik.
4. Supremo ng pambansang kilusan ng mga manghihimagsik.

Ipinadala naman ni Gobernador Heneral Blanco ang mga paratang kasama ang mga katibayan kay
Don Nicolas dela Peña
, isang Hukom Tagapagtanggol Heneral upang hingan ng opinion.
Ang mga rekomendasyon ng ibinigay ni Don Nicolas dela Peña hingil sa kaso ni Rizal:
Don Luis Taviel de Andrade
– Unang Tenyente ng Artilyero na siyang pinili ni Rizal na maging tagapagtanggol noong
Disyembre 10, 1896
.
Di nagtagal, naunawaan ni Rizal kung bakit pamilyar ang pangalang ng tagapagtanggol. Siya ay
kapatid ni Tenyente Jose Taviel de Andrade
, na isa sa mga badigard niya sa Calamba noong 1887.
Binasa na kay na kay Rizal ang mga sakdal laban sa kanya.
Ang mga pahayag na ito ay iginawad sa harap ng kanyang tagapagtanggol. Hindi tumanggi si Rizal sa korte ngunit hindi rin niya
inako ang mga paratang ng paghihimagsik.
Dala ng pagkakataon, si
Gobernador Heneral Ramon Blanco

na naniniwalang si Rizal ay walang kasalanan ay pinalitan ni Gobernador Polavieja.


Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja
– gobernador heneral na sinasabing may kamay na bakal at siya rin ang lumagda sa order ng kamatayan ni kay Rizal.
Disyembre 15, 1896
Sumulat si Rizal ng manipesto
sa mga Pilipino na humihiling na itigil na ang walang saysay na pagdanak ng dugo at sa halip ay kamtin ang kalayaan sa
pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap.
“Subalit hangad ko muna ang edukasyon ng mga mamayan upang sa pamamagitan ng karunungan at paggawa ay maging karapat-
dapat sila sa nilulunggating kalayaan. Ang edukasyon at budhing sibiko ang kailangang-kailangan sangkap na ikatutubos ng bayan.
Isinulat ko at ang mga pananalita ko’y paulit-ulit upang makapagbunga ng pagbabago ay kailangang magmula sa itaas sapagkat
ang mga pagbabagong maggagaling sa ibaba ay hindi matatag at pansamantala lamang.”
Ang manipesto ay hindi ipinaalam sa mga mamamaya ni Gobernador Polavieja sa payo ng Hukom Tagapagtanggol Heneral Nicolas
dela Peña upang hindi lumabas na taliwas sa mga katibayan laban kay Rizal.
Disyembre 25, 1896
Ang
pinakamalungkot na Pasko
sa buong buhay ni Rizal. Mag-isa siya sa kanyang selda at ang kanyang kaso ay wala nang pag-asa.

Sinulatan ni Rizal si Tenyente Luis Taviel de Andrade


at sinabing hihintayin niya ang Tagapagtanggol ng araw na iyon sapagkat may mahalaga siyang sasabihin bago sana siya humarap
sa korte. Binati din niya ang Tenyente ng Maligayang Pasko.
Ang paglilitis kay Rizal ay isang maliwanag na patunay ng kawalang katarungan at di mahusay na pamamahala ng mga Kastila
dahil:

1. Ang kanyang kaso ay hinuhusgahan ng korteng militar samanatalang siya ay isang sibilyan

2. Ang lahat ng mga paratang ay tinanggap ngunit hindi siya binigayan ng karapatang magtanggol ng kanyang sarili

3. Hindi siya hinayaang humarap sa mga saksing laban sa kanya

7 Miyembro ng Hukumang Militar:

1. Koronel Jose Togores Arjona (pangulo ng lupon)


2. Kapitan Ricardo M. Arias
3. Kapitan Santiago L. Osorio
4. Kapitan Braulio R. Nunez
5. Kapitan Manuel Reguera
6. Kapitan Fernando P. Rodriguez
7. Kapitan Manuel D. Escribano
Nanonood sa paglilitis:

1. Tenyente Luis Taviel de Andrade - Tagapagtanggol ni Rizal


2. Kapitan Rafael Dominguez - Hukom ng hukbo
3. Tenyente Enrique de Alcocer - Piskal at Taga-usig
4. Josephine Bracken
5. Mga mamahayag
6. Mga kastila
7. Mga mamamayan
Larawan ni Rizal habang nililitis:

1. Napapagitnaan ng dalawang sundalo.

2. Iginapos siya ng abot-siko

3. Itim na itim ang kanyang suot, puti ang kurbata at puti rin ang tsaleko.

4. Payapa at kagalang-galang ang kanyang kaanyuan

5. Mapapansin ang kagitingan ng kanyang loob


Ang Huwes Tagapagtanggol na si
Kapt. Dominguez
ang siyang nagpaliwanag sa hukuman ng kaso laban kay Rizal.
Si
Ten. Alcocer
, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng
kamatayan.
Mga parusa batay sa batas ng mga Kastila:

Pag-aalsa o rebelyon at sedisyon


ay mula sa pagkabilanggo habambuhay hanggang kamatayan.

Konspirasyon naman o pagbuo ng illegal na samahan


ay pagkabilanggong koreksyonal at pagmumulta ng mula 325 peseta hanggang 3,250 peseta.
Si
Ten. Taviel de Andrade
, tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming talumpati upang ipagtanggol si Rizal. Ngunit, pasok-labas lang sa tenga
ang hukom dahil sa
sila ay may napagdesisyunan ng hatol bago pa man magsimula ang paglilitis.

Winakasan niya ang kanyang pagsasalita sa pasasabing …


“Ang mga hukom ay hindi na dapat maging mapaghiganti manapa’y dapat maging makatarungan.”
9. Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y di na itinatag ang Katipunan.

10. Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay dahil noong 1890, ang kanyang pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay,
bodega, lupain, atbp., at ang kanyang kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

11. Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng naroon at sa mga misyonerong pari.

12. Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw ng kanyang talumpati ang rebolusyon. Alam
ng mga kaibigan niya na tutol siya sa armadong rebolusyon.Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na hindi
niya kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay alam na hindi siya payag sa anumang kilusang marahas.

Ang mga
pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan ng Hukom
, dahil may pinapanigan na silang desisyon.

Pinalabas na ang mga tao sa hukuman at ipinalalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na
tapos na ang paglilitis
.

Disyembre 26, 1896


- ipinataw ang sentensiyang kamatayan kay Rizal.

Kaagad nilang
pinadala ang desisyon sa korte ni Gob. Hen. Polavieja
.
Humingi ang Gob. Hen. ng payo mula sa Huwes Tagapagtanggol na si Heneral Nicolas de la Peña.
December 28, 1896
Nilagdaan ni Gob. Hen. Polavieja ang desisyon na hatol kay Rizal na kamatayan.
“Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang sentensiya ng Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso, dahilan nito
parusang kamatayan ang ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na isasagawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya sa
ganap na alas-7 ng umaga ng ika-30 araw ng Disyembre sa Bagumbayan.”
1. Litisin na agad
2. Ikulong
3. Samsamin ang kanyang mga ari-arian katumbas ng isang milyong multa
4. Litisin sa hukuman ng isang opisyal ng hukbo

Noong
Disyembre 30, 1896
ay binisita siya ng kanyang ina, kapatid na babaeng si Neneng Rizal at ang kanyang asawa na si Josephine Bracken.

MGA HULING ARAW NI RIZAL


Binigyan din ni Rizal si Josephine ng Imitacio de Cristo at ang kanyang huling mensahe sa kanya ay
“To my dear and unhappy wife Josephine Bracken...”
Sa kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt, ang kanyang matalik na kaibigan, isinaad niya na siya ay inosente sa krimen ng
Rebelyon
. Siya daw ay mamatay ng may malinis ng konsiyensiya. Nang matanggap ito ni Blumentrittm siya ay umiyak.
Sa araw ng kanyang pagkamatay, sa
Luneta
, ang grupo na babaril sa kanya ay kinibibilangan ng mga Pilipinong sundalo na kabilang sa grupo ng Espanyol na sundalo.
Nagkaruon din ng mga Espanyol na grupo ng sundalo kung sakaling di masunod ng mga pilipino ang ipaguutos na pagbabaril.
Ang Espanyol na Surgeon Heneral ay ipinakuha ang pulso ni Rizal at ito’y normal.

Ang kanyang mga huling salita bago siya barilin ay

“consummatum est”

na ang ibig sabihen ay

“Ito’y tapos na”

Noong
ika-30 ng Disyembre 1896
, binaril siya sa
Bagumbayan
. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata.
Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.

Siya’y pa-seckretong linibing sa sementeryo ng


Paco sa Maynila
, na walang pagkilala sa kanyang libingan. Ang kaniyang kapatid na si Narcisa ay hinanap ang kaniyang libingan at minarkahan ito
ng
“RPJ”
, ang kaniyang mga inisyal na nakabaligtad.

Bago siya mamatay ay nagsulat din siya ng isang tula. Ang


“Mi ultimo Adios.”
Hindi malayo sa lugar na siya’y bumagsak, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni
Richard Kissling
. May nakasulat dito -

You might also like