You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY


Tandag City, Surigao del Sur

IMO (IGUHIT MO,IUGNAY MO, IKWENTO MO, IULAT MO)


(Pamagat)

Bilang Bahagi ng mga Pangangailangan sa Kursong FLT 207

Makabagong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika

Ipinasa kay:

DR. ANNIE Y. SAMARCA

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

Ipinasa ni:

VICTORIA L. LATIBAN

Masterado ng Sining sa Pagtuturo ng Wikang Filipino


PASASALAMAT:

Taos-pusong nagpapasalamat ang may-akda sa Panginoon dahil sa


ibiniyaya nitong talino at kakayahan kaya humantong sa tagumpay ang ginawang
estratehiya.

Sa kanyang guro sa FLT 207, lubos na nagbibigay pugay ang may-


akda dahil sa kabutihan at tiyagang magturo na maibahagi sa kanyang estudyante
ang kanyang mga nalalaman hinggil sa asignaturang kanyang itinuturo.

Nagpapasalamat din ang may-akda sa kanyang pamilya lalong-lalo


na sa kanyang butihing asawa na walang sawang sumusuporta sa kanyang pag-
aaral, mapa pinansyal man o sa aspetong emosyunal at sa kanyang anak na
nagbibigay inspirasyon upang pagbutihin ang kanyang ginagawang pag-aaral.

Nagpapasalamat ang may-akda sa mga manunulat ng akdang


pinaghanguan sa pamaraang ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng
kanilang akda upang linangin ang pagpapahalaga sa mga estratehiyang
dapat gamitin ng guro sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Hindi rin
mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga akda upang higit na
mapagtibay ang mga estratehiyang dapat gamitin ng guro sa bawat paksa.

Nais pasalamatan ng may-akda ang manunulat:

MILAGROS M. SACLAUSO- ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO


TALAAN NG NILALAMAN

Pamaraan Pahina

IMO (IGUHIT MO,IUGNAY MO, IKWENTO MO,IULAT MO) 1

Pasasalamat 2

Deskripsyon 3

Banghay-Aralin gamit ang IMO(IGUHIT MO,IUGNAY MO, 4

IKWENTO MO,IULAT MO)


IMO (IGUHIT MO, IUGNAY MO, IKWENTO MO, IULAT MO)

Deskripsyon:

Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang katalinuhan ,natatanging


kahusayang taglay na maaaring makita sa istilo ng kawilihan at pagkatuto.
Ang mga tinutukoy ditto ay ang Gardner’s Multiple Intelligences ni Howard
Gardner:

Visual/ Spatial -Pampaningin o nakikita

Verbal/Lingguistic- Pagsasalita o mga sinasalita

Musical/ Rhythmic – Musika,Ritmo, Melodya

Logical/ Mathematical- data beses, pagsasaayos,pagtataya

Bodily Kinesthetic- aksyon , pagkilos, pagsasagawa

Interpersonal/Sosyal- pakikihalubilo

Intrapersonal/Introperspective-pagsasarili-pagmumuni-muni

Naturalist-makakalikasan, palamasid

Binibigyang -diin ng teoryang ito ang pagtuturong nakapokus sa mag-


aaral( Learner -Centered Teaching) na kung saan binibigyang halaga ang
pangangailangan , tunguhin at istilo ng pag-aaral ng mag-aaral sa
pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang: Mga Laro, Mga Larawan,
Journals, Pagtatalumpati, Pantomina, Pagsasatao /Role play, Pagguhit,
Pagkukwento, Pag-uulat na ginamit ng may-akda bilang batayan sa
ginawang etratehiyang pinangalanan niyang IMO- na ang ibig ipakahulugan
ay IGUHIT MO, IUGNAY MO, IKWENTO MO,IULAT MO.
na gumagamit ng pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ( Learner Centered
Teaching)

Layon ng estratehiyang ito na makilahok ang lahat ng mga mag-


aaral sa loob ng talakayan sa klase, gamit ang

Ang estratehiyang ito ay lilinang sa kakayahan ng mga


estudyante na maging aktibo sa pakikilahok sa talakayan sa klase; malilinang
din ang kognitibo at psychomotor na kakayahan ng mga mag-aaral;
malilinang din ang pagkakaroon ng pokus o atensyon ng mga mag-aaral sa
talakayan.

You might also like