You are on page 1of 3

VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

Varayti – ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika
ay heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may
iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes,gawain, pinag-aaralan at iba pa Varayti ng Wika –
.ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular uri ng
katangiang sosyo-sitwasyunal.

Varyasyon – sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin


ng tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging
panukat sa progreso ng tao.

Dalawang Uri ng Varayti Permanente –

likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o tagabasa Pansamantala –


nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.

Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varyasyon ng Wika Dayalekto –

varayting nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay sa


pinanggalingang lugar ng tapagsalita o grupo ng tagapagsalita.

Idyolekto – varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika


ng partikular na indibidwal. Gayundin, ang paggamit ng partikular na bokabularyo nang
madalas ay itinuturing ding idyolekto ng gumagamit.

Sosyolek – ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Gayundin, nagtatakda
ito ng klasifikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay,
interes, hilig at kasarian.

Rejister – varayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita


sa oras ng pagpapahayag. Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika upang
makilala ang ispesipikong domeyn o gawain.

Estilo – varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring


formal,kolokyal at personal.

Mode – varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita


o pasulat. Paalala: kung ang dayalekto na ginagamit ng tao ay nagpapakilala kung sino
ang taong gumagamit, ang rejister naman ay ginagamit upang maipakita ang ginagawa
ng taong gumagamit.
Paglilinaw ukol sa Pagkakabuo ng Pahayag:

Palit-koda – pagsasama-sama ng dalawa o mahigit pang makabuluhang pahayag na


nabibilang sa dalawang sistema ng wika.

Hal: Nakuha ko naman ang point mo kaya lang medyo foul ‘yung sinabi nang mag-text
ka.

Halo-koda – may nahahalo o naisisingit na salita mula sa ibang wika labas sa


naitakdang dalawang pangunahing sistema ng wika.

Hal: Getching ko naman talaga yung chenes mo kaya lang its hard to identify talaga,
what is ‘aristeia’, tolits?

Salik ng Varyasyon: Heograpikal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa


pamamagitan ng kaangkupan sa lugar o komunidad na kinabibilangan ng tagapagsalita
o gumagamit ng wika.

Sosyal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng


kinasasangkutang lipunan, kultura at itinatakdang mga isyu at usaping nakabatay sa
panahon. Okyupasyunal – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa
pangangailangan sa larangan ng hanapbuhay.

ILANG PANANAW AT TEORYA UKOL SA VARAYTI AT VARYASYON

1. Teoryang Sosyolinggwistik (Saussure, 1915) – pinapalagay na ang wika ay


panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.
2. Teoryang Deficit Hypothesis (Bernstein,1972) – naniniwala sa pamamagitan ng
kanyang naging obserbasyon na ang wika ay may herarkiya.
3. Konsepto ng Varyabilidad (Labov, 1972) – naniniwala na natural na phenomena ang
pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Ibigsabihin,
pantay-pantay lamang ito at walang mataas o mababa.
4. Teorya ng Akomodasyon (Giles, 1982) – nakapokus ang teoryang ito sa taong
kasangkot sa sitwasyong pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng
pangalawang wika.
a) Linguistic convergence – nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa
pagsasalita ang isang gumagamit ng wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikisama at pagmamalaki na siya ay kabahagi ng pangkat.

b) Linguistic divergence – pinipilit na ibahin ngtaong gumagamit ng wika ang kanyang


pagsasalita upang mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan/identity. Sanggunian: Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City: National Bookstore, Inc.
Liwanag, L. (2002) Ang Papel ng Wikang Filipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga
Wika sa Bansa

You might also like